Home / Romance / IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER / Chapter 2: Matagal ng Hinahanap

Share

Chapter 2: Matagal ng Hinahanap

Author: Ace Ink
last update publish date: 2026-06-05 06:52:48

The interview came to an end with polite smiles and scattered applause. Isa-isang lumabas ng hall ang mga aplikante, kasabay ng tunog ng kanilang mga takong sa marmol na sahig habang bumabalot sa paligid ang mahihinang bulungan.

Sa labas, malapit sa parking lot, may maliit nang grupo ng mga babae na nagkukumpulan. Mahina man ang kanilang mga boses, pero matatalim naman ang mga salitang lumalabas sa mga bibig nila.

“Nakita n'yo ba kung paano siya tinignan ni Mr. Santillan?” bulong ng isa habang pasimpleng sumulyap pabalik sa gusali. “She only just got here, and she’s already seducing Mr. Santillan? Crazy!”

“Please,” sarkastikong sabi ng isa pa habang nakapamaywang. “Parang silang dalawa lang ang tao sa buong silid. Akala mo nasa isang cheesy romance movie. Titigan nang titigan.”

“Baka plano niya talaga ‘yon,” sabat ng pangatlo. “Maganda ang mukha, sexy ang katawan. Siguro iniisip niyang makakapasok siya rito gamit ang kaniyang ganda.”

Kasunod niyon ang tawanan, puno ng inggit at panlalait.

Maya-maya pa ay lumapit si Rosie sa grupo, hawak ang cellphone habang pinalalaki ang isang malabong litrato mula sa hallway.

“Sandali nga…” sabi nito, bakas ang pananabik sa boses. “Kilala ko ang babaeng ‘yon!”

“What?” sabay-sabay nilang tanong.

“Si Samantha Buenvenidez ‘yan,” sagot ni Rosie. “Isa siya sa mga pinakasikat na modelo ng Vanguard Modeling Group pitong taon na ang nakalipas."

“No way!” gulat na sabi ng unang babae habang inaagaw ang cellphone. “That Samantha? The one who vanished overnight?”

“Yep,” Rossie affirmed, scrolling through her feed. “She was everywhere. Mga magazine covers, runway shows, at nakakuha pa siya ng malaking fragrance deal sa Prestige Noir. Tapos bigla na lang siyang naglaho. Walang nakakaalam kung bakit siya umalis.”

Nagsimulang magbulungan ang lahat habang nagkakatinginan. Hindi kalayuan sa kanila, naglalakad si Samantha nang mag-isa. Mahigpit niyang niyakap ang sarili, pilit na binabalewala ang mga salitang unti-unti nang umaabot sa kanyang pandinig.

Nakayuko siya habang nagpapatuloy sa paglalakad, kahit magulo ang kanyang isipan dahil sa mga nangyari sa loob ng gusali. Hindi siya pumunta roon para mapansin. Ngunit napansin siya ni Caleb Santillan. And now, everyone else has too.

But they weren't wrong about one thing though. Dating isa si Samantha sa mga pinakasikat na modelo ng Vanguard Modeling Group. Ang kanyang mukha ay minsang nakapaskil sa mga billboard at naging susi sa napakaraming endorsement deals. Ngunit tinalikuran niya ang lahat ng ‘yon para kay Ivan. Ang lalaking minsan niyang minahal nang buong puso.

Noong panahong ‘yon, malubhang nagkasakit si Ivan. Dahil sa sobrang pagmamahal, isinantabi ni Samantha ang kanyang papasibol na karera upang alagaan ito. Akala ni Samantha noon ay tama ang kaniyang ginagawa. Akala niya ‘yon ang pinakamabuting desisyon.

Pero ngayon, sa tuwing naaalala niya ang nakaraan, hindi niya maiwasang pagsisihan ang lahat. Dahil ang desisyong ‘yon ang naging isa sa pinakamalalim na sugat sa kaniyang buhay, isang peklat na hanggang ngayon ay dala-dala pa rin ni Samantha saanman siya magpunta.

°

°

°

Pagbalik sa opisina ni Caleb, tahimik siyang nakatayo sa harap ng malawak na bintana, nakatanaw sa naglalakihang gusali at kumikislap na skyline ng lungsod. His hands shoved in his pockets.

Ngunit wala siyang tunay na nakikita. Ang isip niya ay naiwan pa rin sa silid na ‘yon. Sa babaeng ilang taong gumulo sa kaniyang isip.

Ang presensya nito ay nagbalik ng mga alaalang matagal na niyang pilit ibinaon sa limot. Sa loob ng anim na taon, ginawa ni Caleb ang lahat upang makalimutan ang gabing ‘yon.

Isa lamang ‘yong malabong alaala, isang padalos-dalos na desisyong bunga ng sobrang alak at desperadong pagtatangkang takasan ang mga problemang bumabagabag sa kaniya.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ni Caleb sa ibabaw ng mesa, dahilan para maputol ang kaniyang malalim na pag-iisip. Lumapit siya rito at sinulyapan ang caller ID bago agad na sinagot ang tawag. Si Rico ‘yon, ang kanyang personal assistant.

“Yeah?” malamig at mababang sagot ni Caleb, halatang nawawalan na ng pasensya.

“S-sir, si Rico po ito. I, uh… I ran the background check you requested earlier.” bahagyang nauutal na sabi nito sa kabilang linya.

Caleb straightened slightly, his grip tightening around the phone. Ito na ‘yon. Panahon na para makumpirma kung tama ang hinala niya. Baka nagkamali lang siya. She probably just looked like her.

“And?” tanong niya habang sumasandal sa mesa, nananatiling nakasuksok ang isang kamay sa kanyang bulsa.

Saglit na natahimik si Rico bago marahang huminga.

“She’s the one, Mr. Santillan.”

Nanigas ang ekspresyon ni Caleb.

“Siya ang babaeng nakasama ninyo anim na taon na ang nakalipas. Ang babae mula sa penthouse hotel noong gabing ‘yon. Tugma po ang pangalan. Pati ang mukha. Dalawang beses ko pong chineck para makasiguro…” Huminto sandali si Rico bago tuluyang sinabi. “Siya po talaga.”

Mariing nagtagis ang mga panga ni Caleb.

Unti-unting lumitaw ang isang madilim at mapanganib na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi na siya nagsalita pa. Tahimik niyang pinatay ang tawag habang nananatiling nakatitig sa malayo.

Pagkatapos ng anim na taon… Natagpuan na rin niya ang babaeng matagal niyang hinahanap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 137: Kahihiyan

    Nang makarating si Rosie sa buffet table, kumuha siya ng cupcake. She had barely taken a bite when Savannah appeared beside her.“Take it easy, or you might show everyone that you came from the slums,” Savannah said mockingly.Tiningnan ito ni Rosie nang malamig. “Bakit hindi mo na lang ako layuan?”Bahagyang ngumisi si Savannah. “Finally showing your claws?” Lumapit ito nang kaunti. “Pero payo ko sa'yo, itago mo muna ang tapang na 'yan ngayong gabi. Napakahalaga ng gabing ito para kay Valerian.”Nanatiling tahimik si Rosie.“He must have told you, right?”When Rosie didn’t respond, Savannah continued“He’ll be giving a speech later tonight. That’s how influential he is in society. Halos lahat ng narito ay gustong makatrabaho siya. May ilan pa ngang gagawin ang lahat para mapansin niya.” Bahagyang yumuko si Savannah at bumulong. “Pero ano sa tingin mo ang mangyayari kung ang nakaraan mo ang makasira sa reputasyon niya?”“Malinis ang konsensiya ko,” mariin niyang sabi. “Wala akong dapa

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 136: Mahal na Mahal

    Pagdating na pagdating nila sa mansyon, agad na bumaba si Valerian mula sa sasakyan nang walang kahit isang salita. Hindi man lamang ito lumingon kay Rosie.Napakagat-labi si Rosie bago mabilis na bumaba rin. Sinundan niya ang asawa paakyat sa hagdan hanggang sa makarating sila sa kanilang silid. Pagpasok niya, abala si Valerian sa isang tawag. Tahimik lamang siyang naghintay hanggang matapos ito bago tuluyang lumapit.“Valerian, ako—”“Ikaw ay ano?” Malamig nitong putol habang ibinababa ang cellphone. “Anong sasabihin mo matapos kong malaman ang katotohanan mula kay Savannah at sa imbestigador ko, gayong dapat ikaw mismo ang nagsabi sa akin?”Napayuko si Rosie.“I'm sorry. I didn’t mean to keep it from you. Natakot lang ako.”“Tinatanong kita kagabi, Rosie.” Bahagyang tumaas ang boses nito, ngunit higit na nangingibabaw ang pagkadismaya kaysa galit. “Gusto kong sabihin mo sa akin ang totoo. I needed you to trust me. Pero hindi mo ginawa.”“Sorry…” Nangingilid ang luha sa mga mata niy

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 135

    Katatapos lamang maligo ni Rosie. Abala siya sa pagpapatuyo ng kanyang buhok habang naglalakad palabas ng banyo nang bigla siyang mapahinto nang makita si Valerian sa loob ng kanilang silid.Agad na napangiti ang kanyang mga labi.Hindi na siya nagdalawang-isip. Lumapit siya rito at mula sa likuran ay maingat na niyakap ang baywang nito.“Umuwi ka na pala.”“Umuwi na ako,” sagot ni Valerian.Dahan-dahan itong humarap sa kanya, ngunit sa halip na ang karaniwang malambing na ngiti, isang seryosong ekspresyon ang sumalubong sa kanya.“Kumusta ang trabaho?”“Okay lang.”Saglit na tinitigan ni Valerian ang kanyang relo bago ito hinubad at inilapag sa ibabaw ng mesa.Napakunot-noo si Rosie.May kakaiba.Hindi lamang sa tono ng boses nito kundi sa paraan ng pagkilos nito.“Okay ka lang ba?”Napatingin sa kanya si Valerian.“Bakit naman hindi?”Simple lamang ang sagot nito, ngunit sapat na iyon para makumpirma ni Rosie na may problema.Kilala na niya ang asawa niya kahit ilang araw pa lamang

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 134

    “Ito ang buhay!” sigaw ni Matilda habang masayang lumalangoy patungo sa gilid ng swimming pool. Pag-ahon niya, agad niyang kinuha ang baso ng orange juice na nakapatong sa maliit na mesa at humigop nang malaki.“Hinay-hinay ka nga. Ang ingay mo,” saway ni Rosie mula sa kinauupuan niyang lounger. Napailing siya, pero hindi niya napigilang mapangiti sa kakulitan ng pinsan.“Seriously, Rosie. You certainly hit the jackpot by marrying Valerian—the Valerian.”Napabuntong-hininga si Rosie.Sa isang banda, tama naman si Matilda.Talagang tila nanalo siya sa buhay nang maging asawa ni Valerian.Isang linggo pa lamang ang lumipas mula nang magbago ang lahat, pero sa loob ng pitong araw na iyon, walang ibang ipinakita sa kanya si Valerian kundi kabutihan at pag-aalaga.Hindi niya ito tinitipid sa kahit ano.Mula sa maliliit na bagay hanggang sa mga mamahaling gamit, halos lahat ng gusto niya ay kusang ibinibigay ni Valerian. Para bang wala itong ibang iniisip kundi kung paano siya mapapasaya.H

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 133

    “Anong ibig mong sabihin na isa na siyang Castillano?” tanong ni Maria, sinira ang biglang katahimikang bumalot sa buong silid.“Iyon mismo ang ibig sabihin. Asawa ko siya,” sabi ni Valerian habang inilabas ang kanilang marriage certificate na ibinigay sa kanila isang oras pa lamang ang nakalipas.“Mag-asawa na kayo?” tanong ni Luca, mariing nakatitig sa kanilang dalawa.“Oo. At siya nga pala, maraming salamat, bro,” sabi ni Valerian.“Para saan?”“Dahil ikaw ang nagdala kay Rosie sa buhay ko. Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa iyo,” dagdag ni Valerian, na lalo lamang nagpagalit sa kanyang kapatid.“Valerian, maaari ba kitang makausap?” sabi ni Rosalie, patungo sa study room nang hindi na hinihintay ang sagot ng anak.“Babalik agad ako.” Hinalikan ni Valerian ang noo ni Rosie bago sumunod sa kanyang ina.“Congratulations sa pagkakakapit ng mga kuko mo sa kapatid ko, gold digger,” sabi ni Maria bago mabilis na umalis.“Ano ba ang problema niya?” sigaw ni Matilda, umaasang m

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 132

    Pagmulat ni Rosie, nakita niyang nakasandal si Valerian sa isang siko nito sa tabi niya, tahimik siyang pinagmamasdan.“Morning, sleepyhead,” bati nito, dahilan para mamula siya nang maalala ang mga nangyari kagabi.“I was thinking of ways to wake you up when you ruined it by waking up on your own, but nevertheless…” he lets his words trail off before leaning down to give her a kiss on the lips. “Alam mo, sa lahat ng naging relasyon ko noon, hindi ko kailanman hinayaang manatili ang isang babae sa tabi ko hanggang kinabukasan. Hindi ko dapat 'to sinasabi sa'yo, pero gusto kong malaman mo. Gaya ng sinabi ko, I never let them stay the night because I enjoyed my bachelor lifestyle more than anything. And then you came along and changed everything. Ang gabing kasama kita at ang paggising na ikaw ang katabi… iba sa pakiramdam.”“Good different or bad different?” tanong ni Rosie.“Definitely good different,” sagot nito na ikinangiti niya.They might have grown closer last night, ngunit hind

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 3: Hindi Makalimutan

    Katatapos lamang ni Samantha sa pagpirma ng ilang dokumentong kinakailangan bago umalis. Kinuha niya ang kanyang handbag at akmang lalabas na sana nang harangin siya ng isang babae.“Miss Buenvenidez?” the woman asked with a polite but tight smile.Huminto si Samantha at mahigpit na hinawakan ang k

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 1: Ang Muling Pagkikita

    Noong huling beses na tumapak si Samantha sa Pilipinas ay buntis, at wasak ang kanyang puso.Ngayon, muli siyang bumalik, suot ang mataas na takong, hawak ang manipis na portfolio, at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.Hindi niya halos makilala ang sariling repleksyon sa sal

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Prologue

    “Hinay-hinay lang, ma’am,” mahinahong sabi ng bartender habang marahang hinahawakan ang kaniyang braso.Ngunit agad na inalis ni Samantha ang kamay ng lalaki.“I-i’m f-fine…” bulol niyang sagot. “Isa pa!”Mariin niyang ibinagsak ang kamao sa counter. Napataas ng kilay ang bartender. Habang hinihint

  • IN THE BED OF MY DAUGHTER'S FATHER    Chapter 4: Whose Father?

    Pagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.Ang matatali

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status