LOGINNoong huling beses na tumapak si Samantha sa Pilipinas ay buntis, at wasak ang kanyang puso.
Ngayon, muli siyang bumalik, suot ang mataas na takong, hawak ang manipis na portfolio, at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi niya halos makilala ang sariling repleksyon sa salaming pinto. Maayos ang kanyang buhok, may kaunting makeup at suot ang simpleng blazer na hiniram niya sa kaibigan. Hindi siya mukhang isang babaeng desperadong naghahanap ng pangalawang pagkakataon. Pero ‘yon mismo ang totoo. Huminga siya nang malalim bago itulak ang umiikot na pinto ng Empire Elite Management. Malamig ang loob ng gusali, hindi dahil sa air-conditioning kundi dahil sa atmosperang nagsasabing wala silang panahon para sa kahinaan at pag-aalinlangan. Habang naglalakad siya sa malawak na lobby, napansin niya ang mga lalaki at babaeng nakaayos nang elegante. Nakasuot ang mga ito ng mamahaling sapatos at mukhang sanay na sanay sa marangyang mundo ng fashion. Mas hinigpitan ni Samantha ang hawak sa kanyang bag. Anim na taon na ang lumipas mula nang huli siyang lumakad sa runway. Anim na taon na rin mula nang magsuot siya ng anumang mas elegante kaysa sa kanyang pang-araw-araw na damit na kadalasang may mga makukulay na sticker na idinidikit ng kanyang anak na si Zia. Kailangan niyang magtagumpay ngayon. Kapag pumalya siya, hindi lang ang kanyang pangarap ang mawawala. Nakasalalay rin dito ang pambayad sa renta, pagkain, at ang daycare bill na hindi pa niya nababayaran. Lumapit siya sa reception desk. Tumingala ang receptionist mula sa computer nito. Naka-red lipstick ito at may malamig na ekspresyon na agad nagpalunok kay Samantha. Mabilis nitong sinuri ang kanyang hitsura, mula ulo hanggang paa, at bahagyang natigilan sa kupas na tahi ng kanyang blazer. Awtomatikong itinuwid ni Samantha ang kanyang tindig. “Pangalan?” “Samantha Buenvenidez,” mahinahon niyang sagot. May ilang segundo itong nag-type bago muling tumingin sa kanya. “Pumunta ka sa fifteenth floor. Nando’n na ang ibang aplikante. Tatawagin ka kapag oras mo na.” “Salamat.” Hindi na sumagot ang receptionist. Ibinalik lamang nito ang tingin sa monitor at itinuro ang direksyon ng elevator. Tahimik na tumalikod si Samantha. Huminga siya nang malalim habang naglalakad papunta sa elevator. Umaalingawngaw ang tunog ng kanyang takong sa makintab na sahig. Habang naghihintay, napansin niya ang repleksyon ng isang matangkad na lalaki sa bakal na pinto ng elevator. Hindi siya nito pinansin. Narinig lamang ni Samantha ang ilang salitang binitiwan nito tungkol sa paghihigpit ng standards sa pagpili ng mga modelo. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Makalipas ang ilang segundo, bumukas ang elevator. Mag-isa siyang pumasok. Pagdating sa ikalabinlimang palapag, tila ibang mundo ang bumungad sa kanya. Malawak at maputi. Sa dulo ng mahabang hallway ay isang malaking silid kung saan naghihintay ang iba pang aplikante. Bahagyang kumabog ang kanyang dibdib. Hindi lang pala siya ang nangangarap. Puno na ang waiting area ng mga babaeng nakasuot ng masisikip na itim na damit, matataas na takong, at mga ekspresyong puno ng kumpiyansa. Doon niya lalo naramdaman ang anim na taong pagkawala sa industriyang ito. Tahimik siyang umupo sa isang sulok. Ilang aplikante ang tumingin sa kanya at sinukat siya mula ulo hanggang paa. May isang babaeng napangisi pa habang may ibinulong sa katabi nito. Nagkatawanan ang dalawa. Napailing si Samantha. Hindi niya papatulan. Mas marami na siyang pinagdaanan kaysa rito. Nanganak siyang mag-isa. Hinarap niya ang paulit-ulit na pagtanggi ng buhay. Nakipaglaban siya araw-araw para mabuhay. Kaya niyang lampasan ito. Ginagawa niya ito para kay Zia. Lumipas ang sampung minuto. Pagkatapos ay bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad na babae na may hawak na iPad. “Ladies and gentlemen,” matalas nitong sabi. “Mr. Santillan will be joining us shortly. He’ll make his selection himself. Please be ready.” Agad na nagkaroon ng bulungan sa silid. May mga napasinghap. May mga nag-ayos ng buhok. “Si Caleb Santillan mismo?” bulong ng isa. “Oh my God!” Napakunot ang noo ni Samantha. Mr. Santillan? Parang pamilyar ang pangalang ‘yon. Marahil ay nabasa niya ito sa mga business magazine o nakita sa mga billboard. Isa sa pinakamakapangyarihang tao sa industriya ng fashion. Ngunit wala siyang pakialam kung sino man ito. Ang mahalaga sa kanya ay makuha ang trabahong ipinunta niya rito. Muling bumukas ang pinto. Narinig nilang lahat ang mahinang yabag ng mga sapatos. Pumasok ang lalaki na parang pag-aari nito ang buong mundo. At marahil ay gano’n nga. Hindi agad tumingin si Samantha. Abala siya sa pagkontrol ng kaba sa kanyang dibdib. Ngunit nang marinig niya ang boses nito, dahan-dahan siyang napatingin. At sa sandaling ‘yon, tila tumigil ang kanyang mundo. Ang lalaking nakanaig niya buong gabi. Nanlamig ang buong katawan ni Samantha. Parang mawawalan siya ng lakas sa mga tuhod. Hindi siya nananaginip. Hindi maaari. Abala si Caleb sa pakikipag-usap sa assistant nito habang isa-isang sinusuri ang mga aplikante. Ngunit nang mapunta ang mga mata nito kay Samantha, tumigil ang lahat. Naglaho ang mga bulungan at ang mga ingay sa buong silid. Tanging silang dalawa lamang ang tila natira sa mundong ‘yon. Nagkatinginan sila. At sa loob ng ilang segundo, parang huminto ang oras. Bahagyang kumunot ang noo ni Caleb. Halos hindi makahinga si Samantha. Ito nga ‘yon. Ang ama ng kanyang anak. Ang lalaking hindi na niya inakalang makikita pa. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Lalo na nang maalala niya kung gaano kalaki ang pagkakahawig ni Zia rito. Nanginig ang kanyang mga kamay. Muntik nang mahulog ang hawak niyang portfolio. Anim na taon niyang tinakasan ang nakaraan at sinubukang kalimutan ang gabing ‘yon. Ngunit ngayon, narito na naman ito sa kanyang harapan. Biglang kumurap si Caleb at bahagyang umubo, tila pinipilit alisin ang kung anumang bumalot sa isip nito. Iniwas ni Caleb ang tingin kay Samantha at muling ibinalik ang malamig nitong anyo. Ngunit bago ito tuluyang tumalikod, napansin ni Samantha ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi ng lalaki. O baka naman guni-guni lamang niya ‘yon. Muling bumalik sa normal ang paligid. “Ladies and gentlemen,” malalim na boses ni Caleb ang umalingawngaw sa buong silid. “Empire Elite Management.” Nagningning ang mga mukha ng ibang aplikante. Ngunit para kay Samantha, wala ni isa sa mga ‘yon ang mahalaga. Nanghihina ang kaniyang mga tuhod. Nagwawala ang tibok ng puso niya. At sa unang pagkakataon matapos ang anim na taon, muli niyang naramdaman ang takot na akala niya ay matagal na niyang nalampasan.Nakaupo si Samantha sa mahabang conference table, napapalibutan ng mga modelo at staff. Pilit siyang nakikinig habang ipinapakilala ni Nathalie ang mga company values, istruktura, at mga nalalapit na proyekto, ngunit palaging nalilihis ang kanyang isip patungo sa glass office sa dulo ng hallway kung saan ang office ni Caleb.Hindi niya ito nakita buong araw. Sa katunayan, mahigit isang linggo na mula nang muli silang magkita sa party. Pero kahit gano’n, pakiramdam niya ay naroon pa rin ito. Sa tuwing bumubukas ang pinto at may lumalabas, kusang bumibilis ang tibok ng puso ni Samantha, saka muling bumabagsak kapag hindi si Caleb ang kanyang nakikita. Bakit ba niya ito iniisip gayong dapat ay nakatuon siya sa meeting?“Samantha Buenvenidez.”Bigla niyang narinig ang tinig ni Nathalie, dahilan para bumalik ang kanyang atensyon. Napalingon siya rito at ngumiti nang alanganin. Mukhang nahuli siya nito, base sa paraan ng pagtitig ni Nathalie sa kanya at pagkatapos ay sa glass door.“Ikaw an
The following week, a soft knock came at the door just as Samantha was done dressing up."Mommy?"Napangiti agad si Samantha nang marinig ang munting tinig ni Zia. Kaagad na napuno ng saya ang kanyang puso. Sumilip ito sa pinto at ibinigay ang pinakamatamis nitong ngiti."You look beautiful."Lumingon si Samantha at mas lumalim ang kanyang ngiti."Thanks, sweetie."Tuluyan nang pumasok si Zia sa silid habang may itinatagong bagay sa likuran nito."I made you a good luck charm for your first day."Lumuhod si Samantha habang buong pagmamalaking inilabas ni Zia ang isang pulseras na gawa sa papel, makulay, magulo ang pagkakagawa, at may mga pusong hindi pantay ang hugis na iginuhit gamit ang krayola."For you, Mom," pabulong nitong sabi. "Para hindi ka kabahan."Mahigpit na niyakap ni Samantha ang kanyang anak habang namumuo ang luha sa mga mata."I love it, Z. Thank you," pabulong niyang sagot. "And I love you more than anything in the world. You're going to have so much fun in your new
Samantha stepped into the house, frustration written all over her face. Pinagsisihan niyang dumalo pa sa party."Welcome back, ma'am," nakangiting bati ni Anne mula sa sofa nang makita siyang pumasok, hinuhubad ang kanyang jacket at isinasabit ‘yon sa may pintuan."Salamat," Samantha sighed, slipping out of her heels. "Nasaan si Zia?""Kakatulog pa lang. Halos nakatulog agad siya nang ihiga ko sa kama," natatawang sabi ni Anne. "Mukhang napagod sa kakatakbo buong araw."Matagal nang yaya ni Zia si Anne. Isang tahimik at mabait na babae na inirekomenda ni Sophia noong panahong higit na kailangan ni Samantha ng tulong. Samantha nodded, her heart softening. "Thanks for staying late, Anne,"Tumayo si Anne at ngumiti."Anytime. Goodnight, ma'am.""Goodnight."Nang marahang magsara ang pinto, sumandal si Samantha rito. Unti-unting bumigat ang kanyang katawan dahil sa pagod, hindi lamang dahil sa party. Kundi dahil kay Caleb. Muntik na niyang masabi ang totoo kanina sa party.Pumikit siya a
Kasagsagan na ng kasiyahan sa engrandeng handaan nang dumating sina Samantha at Sophia. Umuugong ang buong mansyon sa himig ng banayad na jazz music at tunog ng mga nagkikinangang baso. Sa paligid, abala ang mga waiter sa pag-iikot dala ang kanilang mga tray. Ang likurang hardin ay tila eksena mula sa isang mamahaling lifestyle magazine sa sobrang ganda ng pagkakadisenyo."Okay," bulong ni Samantha habang yumuyuko nang bahagya palapit kay Sophia. "Una sa lahat, sino ba talaga ang nangangailangan ng bahay na ganito kalaki?""Mga taong walang problema sa buhay at sobra-sobra ang pera," sagot ni Sophia habang inaayos ang buhok at pinagmamasdan ang paligid. "Halika na. Humanap tayo ng mesa bago maagaw ng iba ang magagandang pwesto."Naglakad sila papasok at nakakita ng bilog na mesa sa gilid ng hardin, sapat ang layo para makita nila ang mga bisita nang hindi nalalamon ng karamihan. Maya-maya ay bumalik si Sophia dala ang dalawang baso ng sparkling drink."To surviving rich-people parties
Ngunit si Sophia na likas ang mabilis mag-isip ay agad na tumayo mula sa upuan at binuhat si Zia."No, sweetheart. Nagbibiro lang si Mommy. Usapang matatanda lang, alam mo naman," malambing nitong sabi.Ngunit napakunot-noo si Zia."But I think I heard her clearly mentioning my Daddy...""And now it's time to hear bedtime stories, not grown-up talks," masayang sagot ni Sophia habang kinakarga ito papunta sa silid. "Halika na, tapusin natin ang princess book mo, okay?"Zia gave her mother one last curious look before nodding. "Okay, Tita Sophie."Humihikab itong ipinikit nang bahagya ang mga mata at ipinatong ang ulo sa balikat ni Sophia.Habang papalayo si Sophia kasama si Zia, napabuntong-hininga si Samantha at bagsak-balikat na napasandal sa sofa. Kumirot ang dibdib niya dahil sa guilt at takot na unti-unting bumabalot sa kanya. Why was she doing this? Bakit ipinagkakait niya sa anak ang saya at pagmamahal na maaaring maibigay ng ama nito?Natagpuan na ni Zia ang ama. Dapat nga ay
Pagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.Ang matatalim nitong abuhing mga mata na tila tumatagos sa kaluluwa niya, kaparehong-kapareho ng sa kanyang anak na babae. Ngunit ang mga mata ni Caleb ay puno ng hinanakit, na para bang galit ito sa kanya dahil sa isang bagay na hindi niya alam. Galit kaya ito dahil umalis siya pagkatapos ng gabing ‘yon? O may iba pa itong ikinagagalit?If it was the latter, then she could only imagine how mad at her he'd be when he found out she had a child for him. Kinuha ni Samantha ang cellphone at binuksan ang gallery. Napahinto siya sa isang litrato ng kanyang anak. Parehong abuhing mga mata. Parehong seryosong ekspresyon kapag may iniisip. Hindi niya mapigilang mapangiti.Kamukhang-kamukha si Zia ng ama nito. Ma







