LOGINKatatapos lamang ni Samantha sa pagpirma ng ilang dokumentong kinakailangan bago umalis. Kinuha niya ang kanyang handbag at akmang lalabas na sana nang harangin siya ng isang babae.
“Miss Buenvenidez?” the woman asked with a polite but tight smile. Huminto si Samantha at mahigpit na hinawakan ang kanyang handbag. “Yes?” sagot niya. “Gusto kayong makausap ni Mr. Santillan sa kanyang opisina,” sabi ng babae. Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanyang likod nang marinig ‘yon. “N-ngayon?” nauutal niyang tanong habang palihim na lumilibot ang tingin sa paligid. Napansin niya ang mga mapanuring tingin ng ilang modelong naroon pa rin sa hall. Mga tsismosa. Tumango ang assistant at itinuro ang direksyon ng opisina ni Caleb. “Yes. This way, please.” Pakiramdam ni Samantha ay para siyang naglalakad patungo sa impiyerno. Ang tunog ng kanyang mga takong sa makintab na sahig ay tila mga putok ng baril. Bawat hakbang ay nagpapaalala sa kanya na hindi pa siya handa. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Ano na naman kaya ito? Nakilala ba siya ni Caleb? Inayos niya ang kwelyo ng kanyang blouse at idiniin ang isang kamay sa dibdib niya para pakalmahin ang sarili. “Get it together, Samantha,” mahina niyang bulong sa sarili. “Hindi ka niya nakilala. You're just overthinking it.” Huminga si Samantha nang malalim at inayos ang kanyang buhok, pilit binabawi ang kumpiyansang ilang taon niyang hinanda. The sound of the door opening jolted her out of her thoughts as the assistant opened it and motioned her in. “Thank you,” mahinang sabi niya, halos hindi makilala ang sariling boses. Get yourself together, Sam! Pagpasok niya, agad niyang nakita si Caleb na nakatayo sa harap ng malaking bintana. Nakatalikod ito sa kanya. Ang isang kamay ay nasa bulsa habang ang isa naman ay may hawak na baso ng whiskey. “Close the door,” he told her, but didn't turn around. Muling bumilis ang tibok ng puso ni Samantha. His voice was so smooth and hypnotizing that it made her swallow. Nag-atubili siya ngunit sumunod din. The soft click of the latch sounding louder than it should've. Ilang segundo ng mabigat na katahimikan ang lumipas. Pagkatapos ay dahan-dahang humarap si Caleb. Parang huminto ang paghinga ni Samantha. Gosh! He looked more handsome than the few hours ago she saw him. Did he go for a quick makeup or what? “Quite the reunion, Samantha Buenvenidez.” Naputol ang kanyang pag-iisip sa mga salitang ‘yon. May bahagyang ngisi sa labi ni Caleb ngunit hindi ‘yon umabot sa mga mata nito. Napatigil si Samantha. Tinawag siya nito sa buong pangalan. Dahan-dahang lumapit si Caleb, parang isang lalaking anim na taon nang naghihintay sa mismong sandaling ito. Nanatiling nakatayo si Samantha, nakataas ang baba kahit halos mabingi na siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso. “No disguise. No name change.” Mabagal na pinagmasdan ni Caleb ang kanyang kabuuan. “A-ano po ang ibig ninyong sabihin, Mr. Santillan?” nauutal niyang tanong. Lalong bumilis ang kanyang pulso nang ilang pulgada na lamang ang pagitan nila. Naamoy niya ang mamahaling pabango nito. Napakapamilyar. At kasabay niyon ay bumalik ang mga alaalang matagal na niyang pilit kinakalimutan. “Hindi ako sigurado noong una,” mahina nitong sabi. “Sinabi ko sa sarili na imposibleng ikaw ‘yon. Not after all this time. But…” he paused and leaned in slightly. Huminto ito at bahagyang yumuko palapit sa kanya. Napakurap si Samantha at napalunok..Nakilala siya. Bahagyang ikiniling ni Caleb ang ulo habang sinusuri siya na para bang isa siyang palaisipang matagal nitong gustong lutasin. “Sabihin mo nga sa akin,” malamig nitong tanong. “Akala mo ba makakalimutan kita?” Napalunok muli si Samantha. Her hands slightly trembling as she took steps backwards. Ngunit ilang hakbang pa lamang ay sumayad na ang kanyang likod sa pader. Naipit siya. “This is a mistake, Mr. Santillan. I think you're mistaking me for someone else,” mabilis niyang sabi habang pilit pinapakalma ang sarili. Ngunit agad siyang pinutol ni Caleb. Ang malamig nitong boses ay nagpadala ng panginginig sa kanyang buong katawan. “Akala mo ba matatakasan mo ako habambuhay?” Mabilis nitong hinawakan ang kanyang mga pulsuhan at itinaas ang mga ‘yon sa itaas ng kanyang ulo. Nanlaki ang mga mata ni Samantha. Madilim ang titig ni Caleb habang mariin siyang tinitignan. “Mula nang magtagpo ang landas natin noong gabing ‘yon, iniwan mo akong may mga tanong na hindi kailanman nasagot.” Lalong humigpit ang hawak nito. “Anim na taon akong naghahanap ng kasagutan. At ngayon, bigla kang susulpot na parang walang nangyari?” Tuluyang bumagsak ang katotohanan kay Samantha. Nakilala siya nito. At galit na galit ito. Pero bakit? Ano ba talaga ang nagawa niyang kasalanan? “Akala mo nakalimutan ko?” sabi ni Caleb, dahilan para mapabalik si Samantha sa kasalukuyan. Matindi ang titig nito, tila sinusunog siya ng mga mata nito. “You think I wouldn’t recognize you? The way you looked at me that night?” Bahagyang bumuka ang mga labi ni Samantha, ngunit walang salitang lumalabas. “The way you felt beneath me?” dagdag ni Caleb sa mababa at mapanganib na tinig. “Nagpapanggap ka pa ring wala kang naaalala? O kailangan pa kitang paalalahanan ngayon din kung paano ka umungol sa sarap?” Her breath caught, hands trembling against his chest. Hindi makapagsalita si Samantha. Hindi rin siya makakilos. Dahil naaalala niya ang lahat. At ang pinakakinatatakutan ni Samantha, may bahagi ng kanyang puso na gustong maranasan ulit ang nangyari sa kanila ni Caleb. Ang nakakakuryenteng haplos nito ng gabing ‘yon. Pinigil niya ang paghinga at mariing ipinikit ang mga mata nang yumuko si Caleb palapit sa kanya. Ang mainit nitong hininga na sumasayad sa kanyang balat at nagdulot ng kakaibang pananabik na hindi niya maipaliwanag.He didn’t say a word. Hindi rin niya sinubukang ipaalam na naroon siya. He just continued to watch them quietly.Zia was still humming her song softly, ang kantang ito lamang ang nakakaalam ng kahulugan habang mahigpit nitong niyayakap ang mga binti ng ina.Damn! Those were his girls. May kung anong kumirot sa kanyang dibdib, sabay na sumikip at gumaan. Nakakatawa nga, kung tutuusin na sa simpleng tanawin lamang na iyon, pakiramdam niya ay parang biglang naging tama ang buong mundo.Iginuhit ni Caleb ang sketch na iyon noong mga panahong magulo pa ang lahat at halos araw-araw silang nag-aaway ni Samantha. Ngunit ngayong nakikita niya ang mag-ina sa kanyang harapan, napagtanto niyang hindi man lang naiguhit ang kalahati ng nararamdaman nila para sa kanya.Nanatili lamang siya roon, tahimik, hindi napapansin at kuntento na sa gano'n, sa loob ng ilang minuto. Hanggang sa biglang napatingin sa kanya ang isang pares ng malalaki at kulay-abong mga mata. Bahagyang umawang ang mga labi ni Zia
The house was quiet that evening when Samantha returned home. Maingat niyang hinubad ang mataas na takong sa may pintuan at marahang nagbuga ng hininga habang iniikot ang naninigas niyang mga balikat. Wala pa si Caleb sa bahay, gaya ng nakasanayan. Kaya ang tanging maririnig lamang ay ang banayad na ugong ng air conditioner, habang ang malamig nitong hangin ay humahaplos sa kanyang mukha at tila nagpapakalma sa kanya.Ibinagsak ni Samantha ang bag sa sofa at tumingin sa paligid ng living room. Wala roon si Zia, at wala rin siyang makitang bakas ni Melissa. Marahil ay nasa itaas ito kasama ang kanyang anak. Napatingin siya sa orasan. Mag-aalas otso na."Hindi na ako makapaghintay na matapos ang gala na ito," bulong niya sa sarili habang umiiling. "Para makabalik na tayo sa normal nating routine. Dahil kay Nathalie!"Napabuntong-hininga siya habang napapaisip kay Caleb. Malamang ay naipit na naman ito sa trabaho. Huminga siya nang malalim, itinali ang buhok sa isang maluwag na bun, at
Naglaho ang ngiti sa labi ni Samantha.“Iyon ba ang paraan mo para takutin ako?”“Friendly reminder,” Reeva said, leaning in slightly. “He’s an emotionally detached man. Kaya huwag kang magpakakampante dahil lang nakakapasok ka sa opisina niya at nakakalabas na parang ikaw ang babae niya. Kahit mapansin ka pa niya, iiwan ka rin niya tulad ng ginawa niya kay Alexa.”Bahagyang dumilim ang mga mata ni Samantha, ngunit nanatiling kalmado ang boses niya.“Tapos ka na ba?”“Tapos?” Ngumisi si Reeva. “Hindi pa nga ako nagsisimula, Samantha. Maghintay ka lang at makikita mo.”Samantha stepped past her, shaking her head in disappointment. Hindi na ito tungkol kay Alexa o sa kung ano mang may kinalaman dito. Tungkol na ito kay Reeva. Purong selos na hindi na nito kayang itago.Sa totoo lang, kahit noong magkaibigan pa sila, hindi naman talaga nito itinago iyon.Ganyan na talaga si Reeva. Hindi lang sa kanya, kundi maging sa ibang tao.At ngayon, hindi maiwasang isipin ni Samantha kung paano ba
Tahimik na kumain si Caleb, at sa unang pagkakataon, tila hindi ito aligaga habang kumakain. Nasa pagkain ang buong atensyon nito, at paminsan-minsan kay Samantha.Kakaibang saya ang naramdaman ni Samantha habang pinagmamasdan ito. Ang paraan ng pagluwag ng kunot sa noo nito, ang mahinang tunog ng tinidor na tumatama sa plato, lahat iyon ay tila nagpapatunay na sa wakas, nasisiyahan itong kumain.Sa tuwing nakikita niyang kumakain si Caleb noon, para bang napipilitan lang ito.Palagi nitong sinasabing kaunti lang talaga itong kumain, at totoo naman iyon. Pero kahit ang mga taong mahina ang gana ay nasisiyahan pa ring kumain, hindi ba?Si Caleb lang ang hindi. Hanggang ngayon. Hindi namalayan ni Samantha na nakangiti na pala siya hanggang sa mag-angat ng tingin si Caleb at nahuli siyang nakatitig dito.“What?” tanong nito habang dahan-dahang ngumunguya.Napailing si Samantha habang napapangiti sa sarili.“Wala lang. Kasi ngayon ko lang yata nakita na ganyan karami ang kinain mo.”Bahag
Sumilay ang kinang ng relo ni Caleb nang tamaan ito ng matalim na sinag ng araw na sumisingit mula sa mga blinds habang niluluwagan niya ang kanyang necktie at napabuntong-hiningang naupo sa upuan.Kakagaling lamang ni Caleb sa tatlong oras na board meeting na pakiramdam niya ay anim na oras ang itinagal. His head throbbed from the endless debate about profits and expansions. Ubos na ubos na ang pasensya niya bago pa man siya nakabalik sa opisina.Paulit-ulit na nag-vibrate ang cellphone sa ibabaw ng mesa sa tabi niya. Hindi na kailangang tignan ni Caleb ang screen para malaman kung sino ang tumatawag. Si Alexa.The phone kept buzzing. Bawat ugong ay tila paalala ng kaguluhang wala na siyang lakas harapin. Natapos ang tawag. Ilang segundo lang, tumawag na naman ito.Caleb exhaled through his nose, jaw tightening slightly before he finally pressed a button to silence it completely. Wala siyang obligasyong bigyan ng oras si Alexa, lalo na matapos ang ginawa nito.Sumandal siya sa upuan
Sumalubong sa mukha ni Samantha ang sariwang simoy ng hangin sa umaga, malamig ngunit may bahagyang init na nagbibigay-ginhawa.Malalim siyang huminga at saka dahan-dahang nagbuga ng hangin habang sumasabay sa ihip ng hangin ang kanyang buhok. It had been days since she stepped foot in the agency. Dahil sa kanyang aksidente, sa baliw na plano ni Erikson at sa lahat ng nangyari pagkatapos niyon, halos nakalimutan na niya ang pakiramdam ng muling mapabilang sa mundong ito.Lunes na, at sa wakas ay nakabalik na siya sa trabahong tunay na para sa kanya, ang pagiging modelo. Ngunit hindi naging madali iyon. Halos magmakaawa pa siya kay Caleb bago ito pumayag na makabalik siya sa trabaho. Gusto pa nitong manatili siya sa bahay at magpahinga, pero para kay Samantha, sapat na ang ipinahinga niya."Pakiramdam ko ilang buwan na akong hindi nakakapunta rito," natatawang sabi niya habang isinusuklay ang buhok sa likod ng kanyang tainga at inaayos ang handbag na nakasabit sa balikat niya.She rea
“Hinay-hinay lang, ma’am,” mahinahong sabi ng bartender habang marahang hinahawakan ang kaniyang braso.Ngunit agad na inalis ni Samantha ang kamay ng lalaki.“I-i’m f-fine…” bulol niyang sagot. “Isa pa!”Mariin niyang ibinagsak ang kamao sa counter. Napataas ng kilay ang bartender. Habang hinihint
Pagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.Ang matatali
The interview came to an end with polite smiles and scattered applause. Isa-isang lumabas ng hall ang mga aplikante, kasabay ng tunog ng kanilang mga takong sa marmol na sahig habang bumabalot sa paligid ang mahihinang bulungan.Sa labas, malapit sa parking lot, may maliit nang grupo ng mga babae n
Noong huling beses na tumapak si Samantha sa Pilipinas ay buntis, at wasak ang kanyang puso.Ngayon, muli siyang bumalik, suot ang mataas na takong, hawak ang manipis na portfolio, at pilit na pinipigilan ang panginginig ng kanyang mga kamay.Hindi niya halos makilala ang sariling repleksyon sa sal







