LOGINPagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.
Ang matatalim nitong abuhing mga mata na tila tumatagos sa kaluluwa niya, kaparehong-kapareho ng sa kanyang anak na babae. Ngunit ang mga mata ni Caleb ay puno ng hinanakit, na para bang galit ito sa kanya dahil sa isang bagay na hindi niya alam. Galit kaya ito dahil umalis siya pagkatapos ng gabing ‘yon? O may iba pa itong ikinagagalit? If it was the latter, then she could only imagine how mad at her he'd be when he found out she had a child for him. Kinuha ni Samantha ang cellphone at binuksan ang gallery. Napahinto siya sa isang litrato ng kanyang anak. Parehong abuhing mga mata. Parehong seryosong ekspresyon kapag may iniisip. Hindi niya mapigilang mapangiti. Kamukhang-kamukha si Zia ng ama nito. Maging ang ugali ay tila namana rin kay Caleb, kahit ngayon lang niya muling nakita ang lalaki. Sapat na ang ipinakita nito sa opisina kanina para malaman niya ang totoo. “Okay, magsalita ka na. Kanina ka pa tulala simula nang uwi ka.” Biglang bumagsak si Sophia sa tabi niya, at winasak ang katahimikan habang masusi siyang pinagmamasdan. Nag-atubili si Samantha habang nakatitig sa usok na umiikot mula sa kanyang tasa. Pagkatapos ay mahina siyang nagsalita. “Sophie... nakita ko siya kanina.” Sophia blinked, confused. “Siya? Sino?” Tumingala si Samantha. Kita sa kanyang mga mata ang takot. “Ang lalaking nakilala ko anim na taon ang nakalipas. Ang ama ng anak ko.” Halos mabitawan ni Sophia ang hawak nitong cellphone. “You what?” halos mapasigaw ito habang mabilis na umayos ng upo. “Sandali, seryoso ka ba?” Nang makita nito ang seryosong mukha ni Samantha, agad nitong naunawaan na hindi siya nagbibiro. Dahan-dahang tumango si Samantha. “Pumasok siya sa audition room... at hindi ako makapaniwala sa nakita. Noong una, hindi ko siya nakilala dahil hindi ko naman nakita nang maayos ang mukha niya noong gabing ‘yon. Pero ang pagkakahawig niya kay Zia..” Samantha exhaled shakily. “It was too strong to ignore.” Bahagyang umawang ang bibig ni Sophia habang pilit pinoproseso ang narinig. “Holy crap! Are you sure, Sam?” “I'm not even guessing this, Sophie. You wouldn't believe he confronted me! Nakilala niya ako agad!” Samantha took a sharp breath, her grip on the mug tightening. Napasinghap ito at napatakip sa sariling bibig. This was getting more interesting than she thought. Sandaling nabalot ng katahimikan ang pagitan nila bago marahang hinawakan ni Sophia ang braso ni Samantha. “Naku, Sam! Hindi pa rin ako makapaniwalang nagkita kayo.” Sophia shook her head in disbelief. “Pero hindi naman imposible ‘yon. Nasa Pilipinas ka na.” Not like Samantha was never going to find Zia’s father though. Pero napakabilis ng lahat. Unang araw pa lamang ni Samantha sa pag-aapply ng trabaho, natagpuan na agad niya ang ama ng kanyang anak. At higit pa roon, ito pa mismo ang may-ari ng ahensyang pinag-applyan niya. “Okay, pero sandali muna. Natanggap ka ba sa trabaho?” tanong ni Sophia habang pansamantalang iniiwas ang usapan sa mas komplikadong paksa. Nag-atubili si Samantha bago bahagyang tumango. “Oo... sabi nila magsisimula na ako next week.” Tumayo si Sophia at napasigaw sa tuwa. “Sam! Ang galing! Pangarap mo ‘to! Ang pangalawang pagkakataon na hinihintay mo. Napakalaking bagay nito!” Punong-puno ng saya ang mukha nito para sa kanya. Ngunit hindi ‘yon naramdaman ni Samantha. “Hindi ko tatanggapin,” mahinang sabi ni Samantha bago sumimsim sa malamig na niyang tsaa. Natigilan si Sophia. Unti-unting nawala ang ngiti nito. “Ano?” “I can't do it, Sophia. Not after seeing him. Masyadong malaki ang nakataya.” Malalim siyang huminga. “Paano kung malaman niya ang tungkol kay Zia?” Napapikit siya sandali bago nagpatuloy. “I mean, he's already so mad at me for running away that day, leaving him no trace. Sa tingin mo, ano ang mangyayari kapag nalaman niyang may anak pala siyang itinago ko ng ilang taong?” Nakatitig si Sophia kay Samantha habang malakas pa rin ang tibok ng kanyang puso. “Sam... handa ka talagang talikuran ulit ang pangarap mo? Dahil lang sa iniisip mong galit siya sa'yo? At bakit mo pinoproblema kung malaman niya ang tungkol kay Zia? Hindi ba dapat magandang bagay ‘yon? Tutal, ‘yon naman talaga ang matagal nang gusto ni Zia. Kaya relax ka lang, girl.” Hindi sumagot si Samantha. Dahil hindi niya alam kung saan siya mas natatakot, ang mapalapit muli kay Caleb o ang mangyayari kapag lumabas ang buong katotohanan. Sophia suddenly crossed her arms when Samantha didn't utter any word, and gave her a sharp look. Isang tinging nakakatakot. “Oh no, miss ma'am,” matigas na sabi ni Sophia. “Hindi mo tatanggihan ang trabahong ‘yan. Ang daming mong pinagdaanang hirap. Kapag tinanggihan mo ang offer na ‘yon, sinasabi ko sa'yo, gagawin kong miserable ang buhay mo,” banta nito. Seryoso at istrikto ang mukha ni Sophia. Napakurap naman si Samantha habang nakakunot-noo. “Tinatakot mo ba ako?” “Absolutely,” mabilis na sagot ni Sophia. “At ginagawa ko ito dahil mahal kita. Tawagin mo na itong tough love o pagiging nanay-nanayan. I swear, I will hunt your dreams if you walk away from this.” Napangiti nang bahagya si Samantha, ngunit nanatiling mabigat ang kanyang mga mata. “Hindi mo naiintindihan, Sophie. Gusto ko lang protektahan ang anak ko. Kanina pa lang, may mga taong nagsasabing sinusubukan kong akitin si Caleb. Alam mo ba kung ano ang mangyayari kapag nalaman nila ang buong katotohanan? Ayokong may maramdaman na para bang napilitan siya sa isang sitwasyon.” Napailing siya habang bumabalik sa isip ang masasakit na salitang narinig mula sa ibang babae. “Since when did Samantha Buenvenidez start caring about what other people say or think about her?” pabirong tanong ni Sophia. Hindi napigilan ni Samantha ang matawa. “Gosh! I can't believe how much Zia looks like her father.” Napangiti siya, ngunit bahagyang nanginig ang kanyang mga kamay. “Mommy? Whose father?” came a tiny voice. Parehong natigilan ang dalawang babae at mabilis na napalingon sa pintuan. Naroon si Zia, yakap ang stuffed bunny at nakasuot ng pajama. Antok na antok pa ang mga mata nito. Nanlaki ang mga mata ni Sophia habang tahimik nitong ibinuka ang bibig. Napalunok naman si Samantha nang maramdaman niyang parang tumalon ang puso niya hanggang lalamunan. Pinilit niyang ngumiti. “Hello, sweetie. Dapat tulog ka na.” “You said something about my dad,” sabi ni Zia habang papalapit sa kanila. Nakasimangot ito sa pagtataka habang kinukusot ang mga mata at mahigpit na niyayakap ang stuffed bunny. “Darating na ba siya?” “Oh, snap!” bulong ni Sophia. Sinubukang ibinuka ni Samantha ang kanyang bibig para sumagot. Ngunit walang salitang lumalabas.Nakaupo si Samantha sa mahabang conference table, napapalibutan ng mga modelo at staff. Pilit siyang nakikinig habang ipinapakilala ni Nathalie ang mga company values, istruktura, at mga nalalapit na proyekto, ngunit palaging nalilihis ang kanyang isip patungo sa glass office sa dulo ng hallway kung saan ang office ni Caleb.Hindi niya ito nakita buong araw. Sa katunayan, mahigit isang linggo na mula nang muli silang magkita sa party. Pero kahit gano’n, pakiramdam niya ay naroon pa rin ito. Sa tuwing bumubukas ang pinto at may lumalabas, kusang bumibilis ang tibok ng puso ni Samantha, saka muling bumabagsak kapag hindi si Caleb ang kanyang nakikita. Bakit ba niya ito iniisip gayong dapat ay nakatuon siya sa meeting?“Samantha Buenvenidez.”Bigla niyang narinig ang tinig ni Nathalie, dahilan para bumalik ang kanyang atensyon. Napalingon siya rito at ngumiti nang alanganin. Mukhang nahuli siya nito, base sa paraan ng pagtitig ni Nathalie sa kanya at pagkatapos ay sa glass door.“Ikaw an
The following week, a soft knock came at the door just as Samantha was done dressing up."Mommy?"Napangiti agad si Samantha nang marinig ang munting tinig ni Zia. Kaagad na napuno ng saya ang kanyang puso. Sumilip ito sa pinto at ibinigay ang pinakamatamis nitong ngiti."You look beautiful."Lumingon si Samantha at mas lumalim ang kanyang ngiti."Thanks, sweetie."Tuluyan nang pumasok si Zia sa silid habang may itinatagong bagay sa likuran nito."I made you a good luck charm for your first day."Lumuhod si Samantha habang buong pagmamalaking inilabas ni Zia ang isang pulseras na gawa sa papel, makulay, magulo ang pagkakagawa, at may mga pusong hindi pantay ang hugis na iginuhit gamit ang krayola."For you, Mom," pabulong nitong sabi. "Para hindi ka kabahan."Mahigpit na niyakap ni Samantha ang kanyang anak habang namumuo ang luha sa mga mata."I love it, Z. Thank you," pabulong niyang sagot. "And I love you more than anything in the world. You're going to have so much fun in your new
Samantha stepped into the house, frustration written all over her face. Pinagsisihan niyang dumalo pa sa party."Welcome back, ma'am," nakangiting bati ni Anne mula sa sofa nang makita siyang pumasok, hinuhubad ang kanyang jacket at isinasabit ‘yon sa may pintuan."Salamat," Samantha sighed, slipping out of her heels. "Nasaan si Zia?""Kakatulog pa lang. Halos nakatulog agad siya nang ihiga ko sa kama," natatawang sabi ni Anne. "Mukhang napagod sa kakatakbo buong araw."Matagal nang yaya ni Zia si Anne. Isang tahimik at mabait na babae na inirekomenda ni Sophia noong panahong higit na kailangan ni Samantha ng tulong. Samantha nodded, her heart softening. "Thanks for staying late, Anne,"Tumayo si Anne at ngumiti."Anytime. Goodnight, ma'am.""Goodnight."Nang marahang magsara ang pinto, sumandal si Samantha rito. Unti-unting bumigat ang kanyang katawan dahil sa pagod, hindi lamang dahil sa party. Kundi dahil kay Caleb. Muntik na niyang masabi ang totoo kanina sa party.Pumikit siya a
Kasagsagan na ng kasiyahan sa engrandeng handaan nang dumating sina Samantha at Sophia. Umuugong ang buong mansyon sa himig ng banayad na jazz music at tunog ng mga nagkikinangang baso. Sa paligid, abala ang mga waiter sa pag-iikot dala ang kanilang mga tray. Ang likurang hardin ay tila eksena mula sa isang mamahaling lifestyle magazine sa sobrang ganda ng pagkakadisenyo."Okay," bulong ni Samantha habang yumuyuko nang bahagya palapit kay Sophia. "Una sa lahat, sino ba talaga ang nangangailangan ng bahay na ganito kalaki?""Mga taong walang problema sa buhay at sobra-sobra ang pera," sagot ni Sophia habang inaayos ang buhok at pinagmamasdan ang paligid. "Halika na. Humanap tayo ng mesa bago maagaw ng iba ang magagandang pwesto."Naglakad sila papasok at nakakita ng bilog na mesa sa gilid ng hardin, sapat ang layo para makita nila ang mga bisita nang hindi nalalamon ng karamihan. Maya-maya ay bumalik si Sophia dala ang dalawang baso ng sparkling drink."To surviving rich-people parties
Ngunit si Sophia na likas ang mabilis mag-isip ay agad na tumayo mula sa upuan at binuhat si Zia."No, sweetheart. Nagbibiro lang si Mommy. Usapang matatanda lang, alam mo naman," malambing nitong sabi.Ngunit napakunot-noo si Zia."But I think I heard her clearly mentioning my Daddy...""And now it's time to hear bedtime stories, not grown-up talks," masayang sagot ni Sophia habang kinakarga ito papunta sa silid. "Halika na, tapusin natin ang princess book mo, okay?"Zia gave her mother one last curious look before nodding. "Okay, Tita Sophie."Humihikab itong ipinikit nang bahagya ang mga mata at ipinatong ang ulo sa balikat ni Sophia.Habang papalayo si Sophia kasama si Zia, napabuntong-hininga si Samantha at bagsak-balikat na napasandal sa sofa. Kumirot ang dibdib niya dahil sa guilt at takot na unti-unting bumabalot sa kanya. Why was she doing this? Bakit ipinagkakait niya sa anak ang saya at pagmamahal na maaaring maibigay ng ama nito?Natagpuan na ni Zia ang ama. Dapat nga ay
Pagkauwi ni Samantha nang gabing ‘yon, matapos maligo ng malamig na tubig, naupo siya sa gilid ng sofa ni Sophia. Mahigpit niyang hawak ang isang tasa ng tsaa na hindi man lang iniinom. Hanggang ngayon ay pilit pa rin niyang inuunawa ang hindi inaasahang pagkikita nila ni Caleb kanina.Ang matatalim nitong abuhing mga mata na tila tumatagos sa kaluluwa niya, kaparehong-kapareho ng sa kanyang anak na babae. Ngunit ang mga mata ni Caleb ay puno ng hinanakit, na para bang galit ito sa kanya dahil sa isang bagay na hindi niya alam. Galit kaya ito dahil umalis siya pagkatapos ng gabing ‘yon? O may iba pa itong ikinagagalit?If it was the latter, then she could only imagine how mad at her he'd be when he found out she had a child for him. Kinuha ni Samantha ang cellphone at binuksan ang gallery. Napahinto siya sa isang litrato ng kanyang anak. Parehong abuhing mga mata. Parehong seryosong ekspresyon kapag may iniisip. Hindi niya mapigilang mapangiti.Kamukhang-kamukha si Zia ng ama nito. Ma







