"OH, god! Ito na ba si Meadow? Ang dati kong secretary? katanungang lumabas sa isipan ni Aedam."Mommy..." Tumakbo si Avi patungo rito. "Ano pong ginagawa mo rito? Susunduin mo na po ba ako.""Birthday ng tita ninang mo 'di ba? At kailangang nandoon tayo sa party. Tiyak na magtatampo iyon sa atin kapag hindi tayo nakadalo."Bahagyang yumuko si Meadow. Kita niyang bumuka ang laylayan ng suot nito, parang gusto niyang puntahan at hilahin paibaba. Bakit ganoon ka-iksi ang suot nito? Hindi ba nito alam na kunting pagkakamali ay puwede na itong masilipan? Binuhat nito si Avi. "How's my baby? Hindi ka ba nagpasaway? Baka nama'y kinukulit mo ang 'yong daddy," saad nito.Ngumuso ang kaniyang anak. "Behave po ako, mommy. Tanungin mo pa si daddy." Sinalubong niya ang titig nito. Pinong ngumiti ang babae."Holy cow! Ang cute ng ngiti nito."Para siyang teenager na nginitian ng crush. Pakiramdam niya'y mahuhulog na ang kaniyang puso. "Baby heart, umayos ka! Tandaan mong nakadikit ka lamang ng k
PAROO'T PARITO si Aedam sa loob ng office. Kung may buhay lang ang mga gamit, tiyak na nahilo na ang mga iyon sa kaniya. Hihinto lang siya sa tuwing sumasagap ng hangin. He massage his temple. "Argh! What I'm gonna do?"Nahinto siya sa pagparoo't parito nang bumukas ang pinto. Pumasok ang ama niya, bihis na bihis."Where is Avi?""Kinuha ni Meadow." Tinungo niya ang mesa at ibinagsak ang katawan sa upuan."Kinuha?" gulat nitong tanong. "As in... binawi?"Kita niya ang pagbalatay ng takot sa mukha nito. "No! Sinundo, may pupuntahan sila na birthday party, ninang yata ni Avi. Ibabalik din niya ang 'yong apo." Hinihilot ang noong umuupo siya."Nagkita na kayo ng ina ni Avi?" Para itong tsismoso na sumasagap ng balita. Umupo pa ito sa bangkong nasa harapan ng mesa niya. "Dad, kasasabi ko lang na sinundo ni Meadow si Avi, hindi ba? Malamang na nagkita kami!"Napaisip naman ito. "Oo nga pala! Sorry. By the way, anong sabi niya sa iyo?""Wala naman, dad. Hindi kami gasinong nakapag-usap.
NANG mag-isa si Aedam sa office, naging mabagal ang takbo ng oras para sa kaniya. Kahit inaabala ang isipan sa trabaho ay hindi pa rin niyang maiwasang isipin ang tungkol sa bata.Sumapit ang ika-lima nang hapon. Nagsimula na namang bumilis ang tibok ng puso niya habang hinihintay ang tawag. Kung tatawag pa ba si Meadow."Oh, God! I hate this!" angil niya. Naihilamos ang dalawang palad sa mukha.At six o'clock in the afternoon, his cellphone still didn't ring. Hanggang sa sumapit ang ika-pito nang gabi. Laglag ang balikat na tumayo siya. Inayos na niya ang mga gamit, nagbabalak na lumabas na ng office. "Daddy..." Nagkagulatan pa sila ng buksan niya ang pinto. Bumungad sa kaniyang paningin ang namumungay na mata ni Avi, mukhang kagigising lamang. Lumuhod siya at ipinantay ang katawan sa bata. Ang maliit nitong braso ay pumulupot sa kaniyang leeg."I've missed you, daddy.""Miss mo na ako agad?""Opo, daddy." Hinagkan siya nito sa pisngi. "Uhm, dad, is Tito Drake--" hindi nito itinulo
NANG sumunod na araw ay dumating ang mga kaibigan niya sa opisina. Binibisita si Avi. Tulad nang mga naunang araw, giliw na giliw na naman si Drake sa bata. Hindi na lang niya binigyang-pansin iyon. Naisip niyang binibiro lang siya ng kaibigan. Isa pa'y napakabata pa ng anak niya, ang kaibigan naman ay kaedaran niya. Naging maingay ang buong opisina niya dahil sa tatlo. Maya't maya pa ay pumasok si Tyron, may pinapipirmahan ito sa kaniya. Katatapos lang niyang pirmahan ang isa-submit na request paper ba dala ng kaibigan, para iyon sa new edition ng CromX, nang gambalain siya ng tawag sa private number niya. Unknown number na naman ang nakalagay. Nagsimulang dagain ang dibdib niya. Hindi kaya si Brenda ito? "H-hello!" "Hello po, Sir," sabi ng nasa kabilang linya. Mukhang nagmamadali. Nakahinga siya ng maluwag. Kilala na niya ang boses na iyon. Ewan ba niya, parang tumiim na sa isipan niya ang boses nito. "Si Meadow po ito." "What is it, Meadow?" Ramdam niyang may problem
ALIGAGA si Aedam habang nag-aabang sa pagdating ni Meadow. Nasa tapat siya ng CromX, kasama si Tyron, Kent at si Jack, na kararating lang. Bawat minutong lumilipas ay parang nauupos siyang kandila. Triple ang tibok ng puso niya. "C'mon, Meadow, dumating ka!" sumamo ng isipan niya. "I think she's here," hayag ni Jack na nakatutok ang mata sa 'di kalayuan. Matalas talaga ang mata't pakiramdam ng kaibigan niya. Sinundan niya ng tingin ang mata nito."Oh, God!" Kita niyang lakad-takbo ang babae. Hindi man niya nakikita ang mukha dahil sa nakatakip na sumbrero, alam niyang ito si Meadow. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, sinalubong na niya ang babae. "Aedam!" Mukhang balak siyang pigilan ni Tyron, pero wala na itong nagawa. Malalaki ang hakbang niya patungo sa naglalakad ding babae. Habang papalapit ito'y mababakas sa mukha ang sobrang pagod at takot na ikinahabag niya. "Meadow..." "Sir..." Nang makalapit ay tarantang yumakap ito sa kaniya. Pansin niya ang bahid ng dugo s
NAGISING si Meadow na tagaktak ang pawis kahit malamig ang buong silid. Dumaan sa panaginip niya ang nangyari sa kanila ng pinsang si Brenda. Hindi niya lubos-maisip na hahantong sa pananakit ang lahat, na kaya siya nitong patayin. Si Aedam, ang ama ng kaniyang anak. May malaking dahilan ang pinsan niya kung bakit galit na galit ito sa binata. Hindi rin aksidente ang pagkakapasok niya bilang secretary nito. Ang lahat ay pakana ngA pinsan niya, para raw magkaroon ito ng mata. Pero palagi siyang pinapahiya at pinarurusahan sa trabaho ng binata. Aksidente ring nabuntis siya nito. Itinago niya sa pinsan ang pagbubuntis niya, umuwi siya sa probinsiya at doon iniluwal ang bata. Pero nalaman pa rin ni Brenda. Alam niyang magagalit sa kaniya ang pinsan, kaya't hindi niya inaming si Aedam ang ama ni Avi. Si Rex na kaibigan niya ang ipinakilalang ama nito. Hindi madali ang naging buhay nilang mag-ina. Nakikitira lang siya sa tiyahin, hindi man masama ang ugali pero kapos sa pera. Kung minsan a
Pinatalas ni Aedam ang sarili. Hindi niya maunawan kung bakit hindi siya mapalagay. Parang may nakaambang panganib. Pasakay na sila ng sasakyan, sa bahay ng ama muna sila tutuloy. Habang papauwi ay lalong nadagdagan ang kaba sa dibdib niya. Sinilip niya si Avi na nasa hulihan ng sasakyan, si Meadow nama'y nasa tabi niya. Malalim ang iniisip at nakatanaw sa labas ng bintana. Walang traffic nang oras na binabaybay nila ang daan. Bago nila marating ang subdivision ay may tulay muna silang mararaanan. Malapit na sila. Makakahinga na siya nang maluwag. Ngunit laking pagkakamali niya ang akala, dahil nang nasa tulay na sila'y may sumulpot na isang itim na van. Bumaba ang lalaki, armado ito. Kapwa takot ang bumalatay sa mukha nila ni Meadow. Kung kelang wala ang kaniyang mga kaibigan, kulang nag-iisa siya, saka pa dumating ang kalaban. May sinasabi ang taong nasa labas, mukhang pinapababa sila. Napilitan siyang lumabas nang magpaputok ito. Walang gasinong kabahayan malapit sa tulay, ka
ILANG buwan na ang lumipas, hindi pa rin makalimutan ni Aedam ang nangyari kay Meadoy, lalo na ang kaniyang anak. Palagi itong nakatitig sa kawalan, kung minsan ay nahuhuli niyang umiiyak. Hindi na rin ito gasinong nagsasalita. Na-trauma ito sa nangyari. Pinilit niyang pagaanin ang kalooban nito. Araw-araw niyang pinapadalaw si Drake at ang iba niyang kaibigan para lang muli itong sumaya. Hindi siya sanay na makitang malungkot ang bata. Tuwing wala siyang pasok ay ipinapakonsulta niya ito sa isang psychi"trist at unti-unting nakarecover ang bata. Isinasama pa rin niya ito sa office para malibang at tulad ng nakasayanan, may dalang Jollibee ito. Si Tyron ay apple. Si Kent ay ice cream. Pizza naman ang kay Jack. Si Zeus, mga bagong doll at iba pang laruan. Tulad nng araw na 'yon, nasa office na naman niya ang mga kaibigan, inaaliw ang kaniyang anak. "Wow! Ang dami naman po!" bulalas ng bata. May ningning na sumilay sa mata nito, na sobra niyang ikinasaya. Mukhang naka-recover na na
NAGPAPAHANGIN si Meadow sa terrace, nagbabalik-tanaw sa mga nangyari sa kaniya. Ang pagpasok niya bilang secretary ni Aedam, palagi itong nakasigaw sa kaniya at ipinapahiya pa sa harap ng maraming tao na para bang mabigat siyang nagawang pagkakamali rito. Naalala rin niya ang huling araw na ipinahiya siya nito. Nasa meeting sila noon. Kung bakit naman kasi ang clumsy niya, natapunan ng juice ang damit nito. Katakot-takot na sermon ang iginawad nito sa kaniya, hindi lang 'yon, nilakad pa niya pabalik ng office. Nang mag-out siya'y ipinalinis pa ang condo nito. Kahit hindi na sakop ng trabaho niya'y sinunod pa rin ito. Sa sobrang pagod ay hindi niya namalayang nakatulog na siya at doon na nabuo si Avi. Nag-resign siya kahit pa nga ayaw pumayag ni Brenda. Umuwi siya ng probinsiya at doon na nalamang nagbunga ang isang gabing pagkakamali. Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may pumulupot sa kaniyang baywang, bahagya pa siyang napapitlag sa gulat. Si Aedam pala. Nagsumiksik pa ang mukha
HINDI ipinaalam ni Meadow kay Aedam ang tungkol sa na-receive niyang text message. Ayaw na niyang mag-isip ng kung anu-ano, isa pa'y ayaw na rin niyang mabahala ang kaniyang fiance. Gusto niyang sumaya ang kanilang buhay. At kung sinuman ang nag-text sa kaniya, sisiguraduhin niyang hinding-hindi iyon mangyayari. Kasalukuyan niyang sinusuri ang kaniyang wedding gown, simple lang ito. Kahit anong udyok ng kaniyang isipan na suotin iyon ay hindi niya ginawa. Naniniwala siya sa pamahiin. Yari sa mamahaling tela ang isusuot niya, nagtalo pa sila ni Aedam kung bakit iyon ang pinili nito. Okay na sa kaniya 'yong simple lang.Ilang beses niyang pinasadahan ng malalantik na daliri ang tela. Mas malambot pa sa kamay niya. Nang walang anu-ano'y may matinis na boses siyang narinig."Mommy..." Nilingon niya ito. Tumatakbo palapit sa kaniya, ngunit unti-unti ring bumagal nang makita ang gown na naka-display. Kita niya ang pagkamangha sa mukha ng anak."Wow, mommy, ang ganda po!" buong paghangang
HINDI mapuknat-puknat ang nakaukit na ngiti sa labi ni Meadow at pinakatitigan n'ya rin ang suot na engagement ring. Kagabi lang ay nag-propose si Aedam at ngayon ay bumili ito ng singsing. "Ang ganda po, mommy!" buong paghangang sambit ni Avi. Ang mata nito'y nangingislap na nakatutok sa suot niyang singsing."Nagustuhan mo ba, anak?""Opo." Nakangiti itong tumitig sa kanya. "I love you so much, mommy.""I love you more, anak."Yumakap ito sa kaniya. Mas tuwang-tuwa pa ang anak niya sa nalalapit nilang kasal ni Aedam. At humihirit pa ito, gusto na raw ng kapatid. Sa loob ng dalawang buwang paghahanda para sa nalalapit na pag-iisang dibdib ay naging abala si Meadow. Sa kaniya ibinigay ni Aedam ang pangangasiwa sa kanilang kasal. Siya ang naglilista ng pangalan na kanilang magiging bisita. Siya rin ang humanap ng mag-ca-cater. Ilang araw bago sumapit ang kanilang kasal ay may tao siyang binisita, isinama niya si Avi at kahit ayaw ni Aedam ay napilitan na rin ito. Nakaupo silang m
HINDI pa rin maka-move on si Aedam sa nawalang singsing. Imagine, nagkakahalaga ito ng twenty thousand pesos at sa isang iglap ay naglaho na parang bula. Pero, balewala naman ang pera, sisiw lang 'yon sa kaniya, ang iniisip lang niya ay walang kapares ang singsing na 'yon. Maganda at simple, kaya nagustuhan niya. Tiyak na magugustuhan rin iyon ni Meadow. Kung bakit naman kasi napakakalat niya at malilimutin pa! "Anong ginagawa mo rito?"Nasa terrace siya ng mansiyon at minamasdan ang tahimik na paligid. Nilingon niya ang nagsalita. Saka'y ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ibinuka niya ang dalawang braso habang hinihintay ang paghinto nito sa kaniyang tapat. Naunawaan iyon ni Meadow, agad itong sumilid sa matiponong braso niya."Anong ginagawa mo rito?" ulit na tanong nito. "Hindi ka pa ba inaantok?""May iniisip lang ako." Isiniksik niya ang mukha sa leeg nito at inamoy-amoy na parang bulaklak."What are you thinking, hmm?" Gumanti ito ng yakap, ang mukha ay nakasubsob sa kaniyang dibdib.
MANAKA-NAKANG pagsulyap ang ginagawa ni Aedam sa katabi. Tahimik lang itong nakamasid sa binabagtas nilang daan. Simula nang lumabas sila sa provincial jail ay wala na itong kibo. Aminin man niya o hindi, may kirot siyang naramdaman nang magtanong siya tungkol sa nararamdaman nito para kay Rodolfo. Dalawang taong nakasama ni Meadow ang lalaking 'yon at natatakot siyang isipin na may nararamdaman ito. He sighed. He tried to remove what was bothering his mind. Ngayong bumalik na ang alaala ni Meadow, he has nothing to worry about that. Isa pa'y hindi tunay itong asawa ni Rodolfo. Ang dapat niyang pagtuunan ng pansin ay ang iaalok niyang kasal dito. Sana lang ay pumayag ito. He reached her palm and brought it to his lips. Salubong ang kilay nang tingnan niya si Meadow. Nginitian niya ito. "I love you, my Meadow. You're mine and I'm only yours." Hindi ito tumugon, bagkus ay umawang lang ang bibig. Hanggang sa marating ang lugar na pagtatayuan ng CromX ay hindi na niya binitiwan p
NANGINGINIG at hindi halos maihakbang ni Meadow ang mga paa papasok sa provincial jail. Ang araw na iyon ang itinakda para magkausap sila ni Rodolfo, ang lalaking nagsabing asawa niya, ang lalaking nagpahirap sa kaniya. Kapag sinasaktan siya nito'y halos mawalan na siya ng hininga. "Are you okay?" Nilingon niya ang nagsalita. "A-Aedam..." Nakaantabay lang ito sa likuran niya. "Kung hindi mo pa kaya, huwag mong pilitin. Mahihirapan ka lang. Marami pa namang pagkakataon, e." Hinawakan nito ang nanlalamig niyang palad. Napilitan siyang ngumiti. "Okay lang. Nandito na rin naman tayo, e. Kinakabahan lang talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Kung sisigawan ko ba siya, o sasampalin?" Napahinga ito ng malalim. Ang titig nito'y parang sinusuri siya hanggang sa kailaliman ng kaniyang katawan. "Can I ask you something, baby?" Maang na tumitig siya rito. Bakit biglang may nagrambulan sa kaniyang dibdib? "Y-yes? A-ano 'yon?" nauutal niyang tugon. "Minah
"HEY, what's up, dude!"Sinulyapan ni Aedam ang pinagmulan ng tinig, si Kent at Zeus. Anong ginagawa ng dalawang 'to sa office niya? Wala bang trabaho ang dalawang ito? Kunsabagay, sila nga rin pala ang boss. Hindi na lang siya nagsalita, hinintay na lang niya ang paglapit ng dalawa. "Busy?""Uhm, oo. Kaya kung aabalahin niyo ako, makakaalis na kayo," biro niya. Ilang araw na simula nang lumabas si Avi sa hospital, ilang araw na rin siyang tutok sa trabaho, isa pa ay nalalapit na ang pagpapatayo ng branch ng CromX sa Lucena. Tulad ng ipinangako niya kay Meadow, sasamahan niya papunta roon, kaya ngayon ay hindi na siya umaalis sa kaniyang office."Ang harsh mo talaga," tinig ni Kent, na sinabayan ng pasalampak na upo sa bangkong nasa unahan ng kaniyang mesa.Pinukol lang niya ito ng masamang tingin at muling ibinalik ang atensiyon sa tinatapos na gawain. "Tsk. Zeus, bakit pa pala tayo nagpunta rito? Busy at hindi puwedeng abalahin pala ang tao rito."Napaangat ang kilay niya, sinun
NAKATUNGHAY si Meadow sa harapan ng magarang mansiyon. Ang kanilang anak na kanina pa hindi maubos-ubos ang sinasabi ay hinihila na ang kamay niya papasok. Si Aedam ang nagbitbit ng mga gamit nito at ang mga kaibigan nito'y nauna nang dumating."Mommy, lets go na po. Ipakikila kita kay Yaya Eliza ko and Manang Laura, Ate Danica." Nasa mukha ni Avi ang sobrang kaligayahan. Siya man ay kasiyahan ang nararamdaman. Dalawang taong nawalay sa mahal na anak, pinagsamantalahan ang nawalang memorya niya. Nakaranas ng kalupitan sa hindi kilalang tao and finally, nakabalik na siya. Nakabalik na sa piling ng taong tunay na nagmamahal sa kanya.Hinayaan niya ang anak na hilahin siya. Habang naglalakad papasok ay panay tawag ito. Hindi n'ya tuloy napagmasdan ang paligid. Humantong sila sa kitchen. Malawak ang lugar at kung ihahambing ay para nang isang bahay ng ordinaryong tao. May dalawang mataas na fridge. Maraming cabinet at sa tingin niya'y doon nakalagay ang mga pinggan. "Ate Eliza, she's my
"AEDAM...""Hmmm?""Gusto kong pumunta sa lugar kung saan mo ako nakitang muli."Sinulyapan niya ito. "Bakit?" Kasalukuyan silang nakahiga, ang kanilang anal ay himbing na himbing na, pinagkakasya ang mga katawan sa pang-isahang bed na nasa gilid. Nakaunan ito sa kaniyang braso."Gusto kong makausap si Rodolfo at si Jun-jun na rin." Sinalubong niya ang pag-angat nito ng paningin. "Kaya mo na ba siyang harapin?"Tumango lang ito. Ang mata ay namumungay na nakatitig sa kaniya. Tumagilid siya ng higa paharap dito, idinait ang palad sa mukha at masuyong hinaplos iyon. "Okay. If that's what you want," sang-ayon niya. "Pero sasamahan kita, ha? Ayokong malalagay kang muli sa kapahamakan. Hindi ko na kakayanin pa kung may masamang mangyayari sa iyo." Pagkawika ay hinagkan niya ito sa noo, tungki at bumaba sa labi. Ilang segundo ring naglapat ang labi nila. "I love you!" Hindi naman masamang umamin ng tunay na nararamdaman, hindi ba? Wala naman itong boyfriend, hindi tunay na fiance si Rey