LOGINNaihilamos ni Drake ang sariling palad sa mukha. Katatapos lamang nilang mag-usap ni Meadow, sinasabing nagpakita si Brenda kay Avi para lang balaan ang mag-ina. "Hindi kaya si Aedam ang tinutukoy ni Brenda?" tanong niya sa sarili. Noong una pa lang ay may duda na siya nang maoperahan ang kaibigan niya. May kakaiba siyang kutob, pero wala siyang mahanap na butas dito. Napasandig siya sa head rest ng upuan. Nasa loob siya ng sasakyan, patungo sana sa kaibigang si Zeus, pero naantala nang tumawag si Meadow. Humihingi ito ng tulong na makausap si Brenda. "But how? Mainit ito sa mata ng mga pulis." Naipikit niya ang mata, nag-iisip ng magandang gagawin at sa muling pagmulat ay napasulyap siya sa mga dumadaan, hanggang sa napansin niya ang isang sasakyan. "Kay Aedam ang sasakyan na 'yon ah!"Napatuwid siya ng upo at mabilis na sinundan ang sasakyan. Kinumpirma kung ito nga ba ang sasakyan ng kaibigan. Hindi siya dumikit para hindi makahalata. At para makasigurado ay tinawagan niya ito
Ilang beses nang napabuga ng hangin si Meadow, nakadungaw siya sa bintana. Nakatitig sa tanawing nasa ibaba, ngunit wala naman doon ang atensyon. Hindi patahimikin ang isipan niya. Laging nagtatanong kung bakit tumakas si Brenda, anong dahilan?May pumasok sa isipan niya, what if, galit pa rin ito sa kaniya? What if, maghihiganti pa rin ito? "Imposible!" mariin niyang tanggi ag marahas na ipinilig ang ulo. "Hindi na gagawin ni Ate Brenda sa akin 'yon," giit pa niya sa sarili.Alam niyang nagbago na ito. Hind na nito uulitin ang nagawang pagkakamali noon. Alam niyang mabuti itong tao, napuno lang ng galit ang dibdib kaya ito naging masama. Napasulyap siya sa umbok na tiyan. Ilang araw na lang ay nalalapit na ang kaniyang pagsilang sa pangalawang anak. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. "Mommy..."Napalingon siya nang marinig ang tinig ng kaniyang panganay. Nakasuot pa ito ng school uniform. Parang dati lang ay karga-karga pa niya ito, umiiyak sa bisig niya. Nadadapa sa tuwing
"Lintik ka, Brenda! Sisirain mo pa ang plano ko!" Galit na galit si Rex nang ipaalam sa kaniya ni Jack ang balitang nakatakas si Brenda. Pero naiinis din siya sa sarili, kung hindi sana niya ipinaalam dito ang katotohanan, hindi sana ito tatakas sa kulungan. "Hindi ako makapapayag na isiwalat mo ang katotohanang ako si Rex! Hindi ko hahayaang makalapit ka kahit kanino sa pamilya ko!" Nagbibigay kilabot ang titig na pinapakawalan niya sa daang tinatahak. Papunta siya sa city jail para alamin kung paano nakatakas si Brenda. Bago siya umalis sa mansyon ng Cromwell ay may itinalaga na magbabantay na mga pulis si Jack. Nag-ring ang cellphone niya-- si Meadow. Sinagot niya 'yon at ang matinis na boses ni Avi ang kaniyang narinig. "Daddy, where are you po?"Kinalma muna niya ang sarili bago siya sumagot. "Baby, papunta ako sa bilangguan.""Daddy, bakit pa po kayo ang pupunta? Mayroon naman po na puwedeng pumunta. Hindi ka po ba natatakot sa maaaring gawin ni Tita Brenda?"Kahit galit ang
Nakahanda na ang mga gamit ni Meadow sa panganganak. Ilang araw na lang ay masisilayan na niya si Railey. Lahat ay excited na sa paglabas nito, lalo na ang panganay niyang anak. Si Aedam ay hindi na rin mapakali. Maya't maya siya nitong mino-monitor, kahit nasa trabaho o kaya'y may importanteng nilalakad. Ganoon din ang kaniyang beanan. Kumpara n'ong ipinagbubuntis niya si Avi, nahihirapan siya ngayong kumilos. Marahil ay sa pagiging antukin niya, bukod pa roon ay lumaki siya. Hindi na niya halos maisuot ang pambahay na tsinelas at tanging daster na lang ang isinusuot niyang damit. "Okay lang 'yan, maganda ka pa rin naman," tugon ni Aedam nang isang araw ay sabihin niya ang pagbabago sa pisikal na anyo. Agad siyang sumimangot. "Maganda ba yun? E ang laki-laki ko na. Para na akong dambuhalang butiki." Napalabi siya at padabog na tinungo ang nag-aabang na kama. Sa gilid ay umupo siya. "Ang sarap kasing matulog e." Maingat siyang humiga habang naghihikab. Hinayaan ang sarili na lipar
Nakahanda na ang mga gamit ni Meadow sa panganganak. Ilang araw na lang ay masisilayan na niya si Railey. Lahat ay excited na sa paglabas nito, lalo na ang panganay niyang anak. Si Aedam ay hindi na rin mapakali. Maya't maya siya nitong mino-monitor, kahit nasa trabaho o kaya'y may importanteng nilalakad. Ganoon din ang kaniyang beanan. Kumpara n'ong ipinagbubuntis niya si Avi, nahihirapan siya ngayong kumilos. Marahil ay sa pagiging antukin niya, bukod pa roon ay lumaki siya. Hindi na niya halos maisuot ang pambahay na tsinelas at tanging daster na lang ang isinusuot niyang damit. Tinutukso na rin siya ng anak."Okay lang 'yan, maganda ka pa rin naman," tugon ni Aedam nang isang araw ay sabihin niya ang pagbabago sa pisikal na anyo. Agad siyang sumimangot. "Maganda ba yun? E ang laki-laki ko na. Para na akong dambuhalang butiki." Napalabi siya at padabog na tinungo ang nag-aabang na kama. Sa gilid ay umupo siya. "Ang sarap kasing matulog e." Maingat siyang humiga habang naghihikab.
Kasulukuyang nasa opisina si Rex, paulit-ulit na tinitingnan ang tambak na papel. Naisip niyang hindi madaling magpanggap, lalo na sa katauhan ng isang Aedam Cromwell. Ang hirap ng ginagawa nito lalo na ang pamunuan ang isang kompanya. Hindi niya alam kung paano mapapantayan pagdating sa paghawak ng ganoong negosyo. Masyado itong maabilidad. Subalit... agad na sumilay ang ngiti sa labi niya. "Ito ang plano namin-- ang pabagsakin ang CromX." Humalakhak ang isipan niya. Ngayon pa lang ay gusto na niyang ipag-celebrate ang mangyayari. Walang makapipigil sa kaniya. Wala na si Aedam, hindi na ito babalik at kung babalik man ito, tiyak na hindi ito paniniwalaan. "At si Meadow, akin ka na! Hindi ka na niya makukuhang muli sa akin." Natigil ang pagmumuni-muni niya nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Hindi 'yon ang lumang cellphone ni Aedam, dahil hindi niya nakuha 'yon sa loob ng sasakyan. Agad na nagsalubong ang kilay niya nang makitang hindi naka-register ang numerong tumatawag. May







