Share

Chapter 6

Author: RIAN
last update Last Updated: 2021-12-29 08:10:57

"Bakit andami mo namang inorder?" Naiinis na tiningnan ni Gab ang mga inorder nito.

"First time ko kasi kumain dito eh, gusto ko matikman ang mga specialty nila." Ang ganda ng ngiti ni Irish.

"Hindi naman natin ito mauubos ah!"

"Relax Gab, ako ang magbabayad."

Naiiling na tiningnan ito ni Gab. Palibhasa'y sanay sa luho ni hindi alam ang salitang pagtitipid.

"Open your mouth."Namilog ang mga mata ni Gab. Napatingin siya sa paligid.

"Walang nakatingin dahil wala namang may pakialam. Nganga na kasi!" Ingos nito saka tumawa ng mahina. Ibinuka ni Gab ang bibig. Sinubuan siya nito.

"See? Sarap diba?" Bumungisngis si Irish, natuwa ito sa pagsunod niya.

"Tama na ha." Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain, minsan naman ay bigla na lang nitong sinusubuan siya na ewan niya kasi sumusunod naman siya."Hays!" Napapasunod siya ni Irish sa paraan nito.

Tulad ngayon, niyaya siya nitong pumunta ng mall at sa halip na magpahinga ay sumama naman siya. Akala niya siya ang babago rito, pero mukhang siya ang binabago ni Irish. Inabutan siya nito ng ice cream na nakalagay sa cone.

"Masarap 'yan promise, fav ko 'yan eh." Umupo ito sa tabi niya. Naramdaman niyang tila komportable ito ng kasama siya pagkalipas ng maraming taon, ito pa rin ang dating Irish na kalaro at binabantayan niya.

Madalas itong nakatingin sa kaniya at tila nagiging pangkaraniwan na lang rito ang paghawak sa braso niya at paminsan-minsang pagyakap ng kabilang braso sa beywang niya.Sabay silang kumain ng ice cream. At aaminin niya sa sarili, sobrang namiss niya ang simpleng buhay, walang masyadong iniisip, wala sa harap ng computer, wala sa harap ng mga empleyado, malayang ngumiti.

"Sabi sayo masarap eh!"

Nakatitig ito sa nakangiti niyang mukha. Ibinalik n'ya ang seryosong ekspresyon.

Hmp! Okey na nga 'yung kanina ibinalik na naman.

"Umuwi na tayo Irish." Yakag niya sa asawang nagyaya pang magshopping pero tinanggihan niya na.

"Maaga pa." Maktol nito. Tumingin ito sa suot na relo. Hindi nila namalayan ang oras mag alas-otso na pala ng gabi. Wala silang ginawa kundi mamasyal maghapon at umikot ng umikot sa mall.

Masiglang sumakay ng kotse si Irish.

"Sana sa Boracay na lang tayo maghoneymoon Gab." Sambit nito, hindi mawala-wala ang ngiti.

Natigilan si Gab. "Honeymoon? Irish sa papel lang tayo mag-asawa!"

Napamaang si Irish. Galit na naman? Napapahiyang nagyuko ito ng ulo. "Hindi 'yun ang ibig kong sabihin."

"At ano? Umaasa ka bang ituturing kitang asawa Irish?"

"Hi-hindi naman sa ganun."

"Then, what?" Ang taas ng boses nito.

"Bakasyon lang naman. Ba-bakit ka ba nagagalit? Masama ba 'yun?"

"Naiinis ako kung bakit napasok ako sa ganito."

Nakita ni Gab ang pamumuo na ng luha nito. "Isa 'yan sa ikinaiinis ko Irish! Wala ka bang ibang gagawin kundi umiyak?" Hinampas nito ang manibela at lumabas ng kotse.

Pinahid ni Irish ang luha at lumabas din ng kotse. 

"Sorry..."

Nilingon ito ni Gab. Saglit siyang natigilan. Parang may kumurot sa damdamin niya ng makitang nasasaktan ito. Pumasok siya sa loob ng kotse at sumunod din ito.

"Look Irish, i have no idea kung paano ka pinalaki? Ano ang mga gusto mong gawin sa buhay? At hindi ko din alam kung bakit sinusunod kita?" Napahinto si Gab sa pagsasalita ng makitang nagpapahid ito ng luha.

"Umiiyak ka na naman?" Naiiling na pinaandar nito ang kotse.

"Hi-hindi ko kasi mapigilan eh."

"Hindi ka na bata."

"Akala ko, okey na tayo kanina?" 

"Irish, wake-up! Ginagawa ko ito para sa negosyo. At wala ako planong maging babysitter mo!" 

Napakagat-labi si Irish. 

Naiiling na itinuon ni Gab ang atensyon sa kalsada. Nakita n'ya sa sulok ng mga mata ang pagpahid ng luha nito at paminsan-minsang pagsinga ng sipon sa hawak nitong panyo. Namumula ang ilong at pisngi na nakatanaw sa labas ng bintana. 

Mabilis itong nakababa ng kotse nang makarating na na sa tapat ng bahay. Naiiling na sinundan n'ya ito ng tingin. Gusto n'ya itong tawagin na ibaba nito ang sariling gamit pero parang batang kumaripas na ito ng takbo paakyat sa ikalawang palapag.

"Irish..." Itinulak ni Gab ang pintuang bahagyang nakaawang. Nakita n'yang nakaupo ito patalikod sa pintuan. Parang may aspiling tumusok sa bahagi ng damdamin n'ya sa isiping umiiyak pa 'din ito.

"I'm sorry...Hindi ko sinasadya." Napabuntong-hininga si Gab, buong-buhay n'ya ngayon lang siya humingi ng sorry. 

"Alright, napatawad na kita." Ang luwang ng ngiti ni Irish, bigla itong lumingon at parang walang nangyaring away sa pagitan nila. Parang batang yumakap ito sa ka'nya, nakapagkit ang matamis na ngiti.

"What?" Nagdadrama ka lang?" 

"Ops! Walang bawian nagsorry ka na!" 

"Anak ng...Irish, not funny! Huwag mo na itong uulitin!" Inis na kumalas s'ya sa yakap nito at tinalikuran ito. Ang sarap isoli agad sa nanay! 

"Gusto mong maglaro ng scrabble?" Nakasunod ito sa kan'ya.

Inis na nilingon ito ni Gab.

"Pampaantok lang naman." Pahabol nito. 

"My God, Irish! Just leave me alone!"

"A-ayaw mo ng scrabble? Mahina ka sa spelling?"

"Irishhhh!" 

"Alright! Sungit mo!" Ngumuso ito at tinungo ang silid niya.

"Kwarto ko 'yan, Irish!" 

"Kwarto ko na 'din." Bago pa s'ya muling makasagot ay pinagsarhan na siya nito ng pinto. Napakamot sa ulo si Gab at inis na piniling pumunta na lang ng kusina. Kailangan n'ya ng matapang na wine, 'yung pwedeng makapagpawala ng ulirat. Pero nang makita n'ya ang ilang bote ng pale pilsen mas pinili n'yang magbukas ng isa.

Naka-tatlong boteng beer 'din s'ya bago naisipang pumasok na ng silid at matulog. Bumungad sa kan'ya ang asawang komportableng natutulog sa kama, naiiling na pinagmasdan n'ya ito. Angelic-face na may personalidad ng isang thirteen-years old. Ay mali! Mga seven years old siguro. Inihiga n'ya ang katawan sa bakanteng bahagi ng kama at patuloy itong pinagmasdan. Tila naramdaman nito ang presensya niya at dumikit ito sa kan'ya at isiniksik ang sarili sa tagiliran ni Gab. Awtomatikong yumakap ito na ikinapitlag n'ya. Ewan ni Gab, pero gusto n'ya ang pakiramdam na nakayakap ito sa kan'ya. Dahan-dahan niyang hinawi ang ilang hibla ng buhok nitong humarang sa mukha. May kung anong damdamin ang bumangon s adibdib ni Gab habang tinititigan ang maamo nitong mukha. No! Sigaw ng isip n'ya! Pipigilan n'ya kung ano man 'yun?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
haha napakahirap pigilan lalo at gusto mo din aba
goodnovel comment avatar
RIAN
Salamat Sir...
goodnovel comment avatar
RIAN
Thank you po............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 43- Ang Pagwawakas

    "Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 42

    "Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 41

    "Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 40

    Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 39

    "Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu

  • IRISH "My Little Bride"    Chapter 38

    Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status