Handa na ang lahat ng kailangan ng ikakasal, maging ang venue na pagdadausan ng seremonya. Sa isang kilalang Hotel sa Quezon City gaganapin at piling-pili ang mga bisita na iilan lang naman ang inimbitahan mula sa panig ni Irish at ng Groom.
Sa panig ng bride, ang mommy ni Irish at ilang kamag-anak. Sa panig naman ni Gab, ay ang mga magulang at mga piling malalapit na kamag-anak at kaibigan. Bagamat halos ideya na ng wedding planner ang lahat, hindi maikakailang hindi ito mapapahiya sa ikakasal dahil napakaganda ng kinalabasan.
Nagkalat ang mga puting bulaklak sa paligid, maging ang kisame nito ay nasasabitan ng mga tila pinong light chandelier na kulay puti rin, nagniningning ang paligid dahil sa kintab ng ilang white crystal balls.
Lalong nagpalutang sa ganda ng dalaga ang suot na wedding gown na moderno ang design na s'ya mismo ang pumili, kahit naman kunwa-kunwarian lang na magiging mag-asawa sila gusto n'ya pa ding magsuot ng gown na s'ya ang nasunod sa estilo. Kudos sa tumahi, dahil sobrang nagustuhan n'ya talaga ang pagkakayari nito.
Humugot ng malalim na hangin ang dalaga. Sa likod ng malaking pinto, naghihintay si Gab at ang mga piling bisita. Nang pumailanlang ang tugtuging "Beautiful in White". Sumabay din ang kabang noon lamang naramdaman ni Irish. Bumukas ang pinto at nasilayan ni Gab ang magandang bride.
Tila itinulos sa kinatatayuan ang binata, hindi maikakailang napakaganda ng dalagang pakakasalan. Nabura ang imahe ng batang babaeng makulit at isip-bata at iyaking kinaiinisan n'ya. Ngumiti ito ng makitang nakatitig s'ya rito. Pasimpleng ipinilig ni Gab ang ulo at inayos ang sarili. Sa bride nakatuon ang atensiyon ng lahat, lalo na s'ya na hindi maialis ang paningin sa dalagang ngayon ay nakatayo na sa tapat n'ya.
"G-gab..." Untag nito ng hindi pa rin s'ya kumikilos para kunin ang kamay nito para sabayan papunta sa harap ng huwes na magkakasal sa kanila.
Tumikhim ang Daddy ni Gab at tila natauhan naman ang gwapong binata. Inabot niya ang kamay nito na isinukbit naman sa braso ng binata.
Muli n'ya itong sinulyapan. Hindi kayang itago ng make-up at ng ngiti nito ang tila lungkot na nabanaag n'ya sa mga mata ng dalaga. Nakadama s'ya ng pinong kirot sa isiping hindi ito masaya ng sandaling 'yun. Hindi nga ba't maging s'ya ay dapat ding maging malungkot ng oras 'yun? Kapalit ng pagpapakasal sa dalaga ay ang kalayaan n'yang pumili ng babaeng pakakasalan. Palihim n'yang pinakiramdaman ang katabi. Hindi man lang ito umiyak tulad ng madalas nitong gawin. Naramdaman n'ya ang kaba nito nang isuot na nila ang singsing sa isa't isa. Malamig ang palad nito at naramdaman niyang nagpapawis ang palad nito.
"Relax.." Tumingin ito sa kan'ya at pilit na ngumiti.
Matapos nilang pirmahan ang kontratang magtatali sa kanila bilang habangbuhay na mag-asawa, inanunsiyo na rin na maaari n'ya ng halikan ang kan'yang asawa. Itinaas ni Gab ang belong nagtatakip sa magandang mukha ng Bride. Nabanaag n'ya ang kaba sa mukha nito ngunit pilit pa ring ngumiti upang pagtakpan ang kaba.
Nagpalakpakan ang lahat ng dumampi ang labi ng groom sa labi ng asawa nito. Nahihiyang inilipat ni Irish ang paningin sa paligid upang makaiwas sa mga titig ni Gab. Bahagyang itinaas n'ya ang kaliwang kamay at ipinakita ang suot na singsing. Muling nagpalakpakan ang lahat. Ang luwang ng ngiti ng mommy n'ya.
"Congratulations anak...Natupad mo na ang promise mo sa Daddy mo, alam kong masayang-masaya s'ya para sayo."
"I love you Mom."Gusto n'yang umiyak pero pinigil n'ya.
"I love you too."
Naluluhang kinamayan si Gab ng Daddy n'ya, ang higpit ng yakap ng kan'yang mommy Mely.
"Ingatan mo si Irish anak." Ang daddy ni Gab."Matututunan mo din s'yang mahalin." Bulong pa nito.
Matapos ang pictorials at salu-salo na sa mismong venue na rin ginanap ay nag kani-kaniya na ring uwi ang mga ito pati ang mga magulang nila kasama ang mommy ni Irish. Sa bahay ng balae nito sa Antipolo ito tutuloy dahil ayaw na daw sila nitong maistorbo pa para sa honeymoon. Sa mismong hotel na din sila naka-book kaya sa isa sa mga VIP room na naroon na sila magpapalipas ng magdamag ni Irish at naka check- in na sila 'dun for two days.
NAGBIBIHIS si Irish ng pumasok si Gab sa silid. Natigilan ang binata ng makita ang asawang nayakap ang sarili nang mapasukan n'yang nakasuot lang ito ng panloob at pumipili ng pamalit na bihisan. Napalunok si Gab, nakalantad ang makinis at maganda nitong katawan. Parang ang bilis magreact ng nasa ibabang parte ng kan'yang pagka-lalake. Nakaramdam s'ya ng init ng hindi sinasadyang mapatingin sa dibdib nito. Nagkulay-makopa ang pisngi ni Irish.
"S-sorry..." Tumalikod s'ya bago pa tuluyang magwala ang hindi dapat.
Namumulang nagmadaling nagbihis si Irish. Wala silang pagpipilian kundi magsama sa iisang silid. Saan nga naman makakakita ng bagong kasal na magkahiwalay ang silid?
"Sige. . ikaw naman." Humakbang na si Irish at akmang iiwan niya ito ng hawakan ni Gab ang braso n'ya. May kung anong kilabot siyang naramdaman.
Naguguluhang tumingin si Irish.
"H-hindi tayo pwedeng maghiwalay ng silid ngayong gabi."Tumango si Irish at ngumiti.
"It's alright Gab. . .hindi ko rin kayang matulog sa kwarto ng walang kasama, 'yun lang ba?"Nakatingin ito sa brasong hawak n'ya pa rin. Binitiwan ito ni Gab.
Nang tuluyan itong makalabas ng silid saka nagbihis si Gab. Ibinagsak n'ya ang katawan sa malambot na kama, makakasama n'ya si Irish sa iisang silid. Lalake pa din s'ya at hindi n'ya alam kung hanggang kailan s'ya maaaring magpigil na hindi matuksong tingnan lang ito habang katabi sa kama.
Mahihinang katok ang umuntag sa diwa ni Gab. Nakita n'ya ang nakangiting mukha ni Irish. Bakit ba parang lalo itong gumanda ngayon?"Hi...bihis ka na?" Hindi n'ya na mabanaag ang pagkailang nito na nakita n'ya kanina sa magandang mukha nito.
"Kanina pa." Humiga ito sa tabi n'ya patalikod.
"Irish..."
"Uhhhmm. .." Nakapikit na ang dalaga.
"Lilipat ako sa sofa." Napabalikwas ito paharap sa kaniya.
"No! Okey lang na magkatabi tayo. M-may tiwala ako sayo." Ang tamis ng ngiti nito.
Napabuntong-hininga si Gab. Paano n'ya ba sasabihin sa kaharap na s'ya ang walang tiwala sa sarili?
"Si-sige matulog ka na." Nabigla si Gab ng bigla itong yumakap sa kan'ya.
"Kuya pa din naman kita diba?" Inalis nito ang mga braso ng asawa, ayaw n'ya ng kakaibang nararamdaman ng sandaling 'yun. Maging ang pagpitlag ng maselang bahagi ng katawan.
"Matulog ka na." Parang gusto n'ya ulit maligo para maibsan ang kakaibang init na nararamdaman.
"Alright." Yumakap na ito sa katabing unan at pumikit.
Marahil dahil sa pagod ay nakatulog agad ito ng mahimbing habang s'ya ang nahirapang antukin man lang.
Paano naman siya makakatulog kung may ganito siya kagandang katabi? Nakita niya ang champaigne na nakapatong sa side table kaya dahan-dahan siyang bumangon para hindi magising ang nahihimbing na katabi. Magpapaantok muna siya. Nakakailang shots na siya pero bakit mailap ang antok?Humiga na siya sa tabi ng asawa. Ano ba naman itong mga magulang nila? Inilagay sila sa sitwasyong pampelikula. Sinulyapan n'ya ang asawang bahagya ng naghihilik. Napangiti s'ya nang mapagmasdan ang makinis nitong mukha. Alam n'yang maganda ito pero bakit tila iba ang dating sa kan'ya ni Irish nitong mga nagdaang araw at lalo naman kanina habang naglalakad ito papalapit sa kan'ya? Kinapa n'ya ang damdamin. Hindi pwede, tutol ng isip n'ya. Parang kapatid n'ya lang ito. Hanggang doon lang. Dapat hanggang doon lang.
"Hindi ka pa rin makatulog?" Napamulagat ang binata, seryosong nakatingin ito sa kan'ya.
"Naghilik ka na ah!" Gulat n'yang tanong.
"Binabantayan mo ako?"
"Hindi. Matulog ka na ulit." Tumalikod s'ya rito para hindi na mangulit pa. Nagsumiksik ito sa likuran n'ya at wala s'yang nagawa kundi hayaan ito.
"Night Gab."Humugot s'ya ng malalim na hangin at pilit nilalabanan ang kakaibang pakiramdam bilang lalake. Pero sa halip na dalawin ng antok lalong nagising ang kan'yang diwa. Dahan-dahan s'yang tumayo at pumasok ng banyo. Nagbabad s'ya sa bathtub para patayin ang hindi mapigilang init ng katawan. Ayaw n'yang madaig ng nadaramang pagnanasa.
Napadilat si Irish sa kalagitnaan ng gabi. Kinapa n'ya ang katabi pero wala si Gab.
"Gab!" Matatakutin s'ya at hindi sanay na maiwang mag-isa sa silid. Napabalikwas s'ya. Tanging liwanag ng kulay asul na lampshade ang tanglaw ng kabuuan ng silid.
"Gab?" Natatarantang tumayo s'ya at tinungo ang switch ng ilaw. Pero napatili s'ya ng madaanan ang aninong nakaupo sa sofa.
"Irish, please calm, i'm here." Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi s'ya nainis sa dalaga. Nakadama s'ya ng awa nang makita kung paano ito tila nahintakutan.
Tila nabunutan naman nang tinik si Irish. Mabilis na nilapitan ang asawa at nagulat ito nang bigla n'ya itong yakapin. Nasamyo ni Gab ang mabangong buhok ng asawa. May kung anong biglang tila nabuhay sa pagkatao n'ya.
"Sorry akala ko kasi wala ka eh." Bumitiw ito mula sa pagkakayakap.
Napabuntong-hininga si Gab, para talaga itong bata.
"Saan naman ako pupunta ng ganitong dis-oras ng gabi?" Pinilit n'yang lagyan ng sarkasmo ang tono ng boses. Napakalapit nito sa kan'ya. Baka makalimot s'ya at hilain ito pabalik ng kama. Ibayong atraksiyon para sa kan'ya ang ganung posisyon na halos magkadikit na ang mga katawan nila. Hindi na ito ang batang paslit noon na binabantayan niya larawan na ito nang nang isang magandang babae at hindi s'ya santo para hindi makadama ng pagnanasang maangkin ito.
Ngumiti si Irish habang nakatitig ito sa mukha n'ya. Tila namamangha ito habang nakatitig.
"Sigurado ka bang hindi mo kakambal si Ji Chang-Wook?"
"Pwede ba Irish matulog ka na!" Utos n'ya, bumalik ang inis n'ya rito at nakukulitan na naman s'ya.
"Hindi nga!" Umirap ito.
Kumunot ang noo n'ya, nagtatanong na tinitigan n'ya ito.
"Eh kasi bukod sa charming si Ji, mabait pa."Tumawa ito ng mahina.
Ewan ni Gab pero may bahagi ng damdaming tila nagpasaya sa kan'ya na malamang kamukha s'ya ng ultimate crush nito.
"So, charming ako?"
"Konti, mas gwapo si Ji."
"Artista lang 'yun kaya mabait."
"Hindi ah!"
Muli s'yang pumasok ng banyo para magbawas, parang batang sumunod ito.
"Irish ano ba! Iihi ako!" Asik n'ya nang malingunang nakasunod ito.
"Eh ang dilim eh!" Humawak pa ito sa dulo ng suot n'yang kamiseta.
"Walang momo dito." Gusto n'yang matawa ng manlaki ang mga mata nito. Sa halip kasi na mawala ang takot nito sumama ito sa loob ng banyo.
"O ngayon? Paano ako iihi?" tanong ni Gab, habang nakatingin sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa laylayan nang t-shirt n'ya.
"Hindi ako titingin. Promise!" Nagtaas pa ito ng kanang-kamay.
"Bahala ka na nga!" Inis na ibinaba niya ang garter ng suot na pajama at umihi.
Nakapikit naman ito, natatawang umihi s'ya habang nasa tabi n'ya ito. Ito pa rin ang Irish na alaga n'ya noon na sobrang kulit.
"Dumilat ka na!" Mariing utos n'ya.
Humawak ito sa braso n'ya at sumabay palabas ng banyo.
"May nakita akong anino sa loob ng banyo!" Pilyong biro n'ya sa tonong nananakot.
Dahil sa narinig nagtitili itong sumakay sa likod n'ya na ikinahalakhak ni Gab. Natumba sila habang nakasakay ito sa likod n'ya. Tumihaya si Gab, hindi ito bumibitaw sa pagkakayakap.
"rish ano ba! I'm just kidding!" Tumatawa pa din si Gab. Pero natigilan ito nang makitang naluluha na ito dahil sa takot. Nakaupo na sila habang magkaharap. Hinawakan n'ya ang baba nito at itinaas. Nakadama siya ng konsensya at napabuga ng hangin. Naaawang tinitigan n'ya ito. Ang sarap pagmasdan ng inosente nitong mukha habang humihikbi. Tila may humihigop sa kan'yang dampian ito ng halik sa labi. Pero nagpigil s'ya at hinaplos na lamang ang pisngi nito.
"Matulog na tayo! Walang momo, anlaki-laki mo na naniniwala ka pa din sa monster." Inalalayan n'ya itong makatayo.
Parang batang yumakap ito sa kan'ya. Nakatulog ito habang nakayakap ang kaliwang braso patagilid na nakaharap sa kan'ya. Nahigit ni Gab ang paghinga nang mapagmasdan ang mapupula nitong labi na ga-dangkal lang ang pagitan sa mukha n'ya. Natutukso na s'yang dampian ito ng halik pero may sumisigaw sa isang bahagi nang utak n'ya na hindi dapat dahil lalampas s'ya sa boundaries na s'ya mismo ang naglagay sa pagitan nila. Humigpit ang yakap nito at isiniksik ang sarili sa tagiliran n'ya, may bahagi ng katawan ni Gab ang biglang kumislot na ikinapikit nito.
"Ano? Pambihira! Irish naman! Saan naman ako maghahanap ng santol sa ganitong oras?" Napakamot sa ulo si Gab. Napasulyap sa wallclock, mag alas-dos pa lang ng madaling-araw."Hindi bale na nga lang!" Tumalikod ito at inis na nagtalukbong ng kumot.Napabuntong-hininga si Gab, kahapon manggang hilaw na ang sawsawan ay bagoong-alamang ang gusto nitong kainin pero ang gusto nito ay nanggaling pa ng Ilocos Norte. Mabuti na lamang at may nakita s'ya sa supermarket. Ngunit ng mabasa ni Irish ang label ng garapon ng bagoong, at malamang galing pala ito sa Camarines Sur. Mabilis nitong ipinatapon ang garapon ng bagoong at maghapong hindi siya kinausap."Oo na, ito na maghahanap na!" pigil ang inis na tumayo si Gab. Mapipilitan pa s'yang magdrive ng alanganing oras upang halughugin ang palengke ng Quezon City. "Gusto ko 'din ng buko juice." nakangiti na itong bumalikwas.Mangani-nganing singhalan ito ni Gab. Sino ba naman ang hindi maiinis nasa gitna ka ng mahimbing ng pag
"Aalis ka, Sir?" Bahagyang namilog ang mga mata ni Ice."Yes." sagot ni Gab."Pero Sir, may appointment pa po kayo.""Paki-cancel." mariing utos nito.Napakunot-noo si Irish, napahinto sa paghakbang. Pilit pinakikinggan ang pag-uusap ng dalawa. Napatingin s'ya sa suot na relo. Saan naman pupunta ng ganung oras si Gab? Mag-alas nuebe pa lang ng umaga at ang alam n'ya wala itong appointment sa labas.Umikot s'ya mula sa likod ng pinto at tiningnan ang asawang tumingin lang sa kan'ya, humalik sa pisnge n'ya saka lumabas. Hinabol ito ng tingin ni Irish. Nagmamaktol ang damdamin n'ya dahil hindi man lang ito nagpaalam kung saan pupunta?Binalingan n'ya si Ice na nakatingin 'din sa papalayong boss."Saan pupunta ang Sir Gab mo?""Naku, Ma'am Irish. Hindi ko po alam, pina-cancel ang appointment kay Mr. Cervantes. Ay! Hindi n'yo rin alam?" Napatakip pa ito sa bibig.Umiling lang si Irish saka tinungo ang sariling lamesa, n
"Breakfast in bed..." Masayang bungad ni Irish sa asawang nakahiga pa sa kama. Nakita n'ya ang blangkong ekspresyon nito. Pilit binalewala ni Irish ang bahagyang kirot sa damdamin dahil sa pam-babalewala sa kan'ya ni Gab."Hindi mo kailangang gawin ito." Bumangon ito, nilampasan s'ya at tinungo ang terasa.Humugot ng malalim na hangin si Irish at masiglang sinundan ito bitbit ang tray ng pagkain.Nakatanaw si Gab sa kawalan. Tila malalim ang iniisip.Inilapag ni Irish ang tray sa mesa at malambing na niyakap mula sa likuran ang asawa. Tila naiilang itong lumayo."Gab..." "Pwede bang iwan mo muna ako?" Inis na pakiusap nito.Walang nagawa si Irish kundi iwan ito. Ilang buwan na mula nang masagip ito mula sa kamay nila Jeanny. Nananatili itong walang maalala, ngunit nabuhayan sila ng pag-asa dahil ayon sa doktor ay pansamantala lang naman ang kondisyon nito. Kailangan ni Gab na mahabang pasens'ya at pang-unawa. Malungkot na iniwan ito ni Irish. Kailangan
Matamang tinatanaw ni Irish ang paligid nang warehouse na pag-aari ni Leonard, pasimpleng nagmanman habang nasa loob ng kotseng sinasakyan."Mang Janno, huwag kayong masyadong lalapit." "Ma'am, mukhang may papaalis." Ani Mang Janno. Parehong nakatutok ang paningin nila sa papalapit na kulay puting Van. Dadaan ito sa tapat nila kaya sabay silang yumuko sa ilalim ng upuan. Hinintay nilang makalayo ito at saka sinundan."Ma'am hindi ho yata tamang sundan natin nang hindi ipinapaalam sa awtoridad, masyado hong delikado. Dumidilim na po Ma'am Irish." Nag-aalalang turan nito.Tama si Mang Janno, aniya sa sarili. Mabilis na idinayal ang numero ng pulis na kasalukuyang nag-iimbestiga sa kaso ni Gab."Mang Janno, sundan nyo lang ho..." Tumango lang ito at itinuon ang atensyon sa minamaneho. Papalayo na ng papalayo ang sasakyang sinusundan at tinatahak nito ang daan papalabas ng siyudad. "Mang Janno, ano hong lugar ito?" "Ma'am, Tarlac, Pampanga." "Nawa
"Hanggang kailan mo 'yan aalagaan dito?" May bahid ng galit ang boses ni Leonard."Hanggang sa gumaling." Inirapan ito ni Jeanny."Ano?! Eh, kung matunton 'yan ng mga pulis? Baka sumabit tayo 'nyan?" "Hindi mangyayari 'yun. Napakalayo na ng lugar na ito sa pinangyarihan ng aksidente." Halos liblib na kasi ang bahay-bakasyunan kung saan nila dinala si Gabriel. Wala itong malay at nagtamo ng ilang pinsala sa katawan. Hirap itong gumalaw at ayon sa doktor na tumingin rito ay pansamantalang wala itong maalala dahil sa pagkakahampas ng ulo nito sa matigas na bagay."Ilang buwan mo pang pakakainin 'yan! Talaga bang ganyan ka ka-desperada?" Sarkastikong tanong ni Gab. Galit na sinulyapan ito ni Jeanny at iniwan. Nilapitan si Gab na nakaupo sa upuang yari sa rattan, nakasandal ang likod at ulo nito sa sandalan at nakatitig sa kawalan. "Hi, honey!" Malambing nitong hinalikan sa pisnge si Gab. Kumunot ang noo nito. Hindi nakabawas sa ka-gwapuhan ang ilang peklat sa mu
Inihinto ni Gab ang sasakyan sa tapat ng two-storey na apartment. Mabilis na nakababa at pinindot ng paulit-ulit ang doorbell ng gate. Lumabas mula sa pinto si Jeanny, ang luwang ng pagkakangiti nang makitang si Gab ang hindi inaasahang bisita. "Ang aga mo namang bumisita, Gab?" "Papasukin mo ako at mag-usap tayo!" Natigilan ito nang makita ang galit n'ya."Alright..." Ipinagbukas ito ni Jeanny. Mabilis itong hinablot ni Gab sa braso."Ano ba, Gab! Nasasaktan ako!" Sigaw nito habang pilit na hinihila ang braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Gab."Bakit kailangan mong sirain ang pagsasama namin ni Irish? Bakit?!" Galit na binitiwan ito ni Gab.Pabalewalang ngumisi ito at tinalikuran s'ya. Sinundan ito ni Gab papasok ng bahay."Jeanny!" "Gusto kitang makuha, Gab! Dahil umpisa pa lang gusto kita! At alam mo 'yan!"Matalim na tinitigan ito ni Gab."Pero alam mo 'ding hindi kita gusto!" "Wala akong pakialam kung hindi mo ako gusto! Mapasaakin
"Umalis na naman ba ang Ma'am Irish mo?" Tanong ni Gab sa katulong na si Nikay , pamangkin ito ni Aling Magda."Opo Sir, nagmamadali nga po eh." Sagot nito sa gitna ng pagdidilig. Tila nawalan na 'din kasi ng ganang mag-alaga ng mga halaman ang asawa at hinayaan na lamang na ang mga maid ang mag-asikaso. Napakalayo na nito sa dating Irish na pinakasalan at minahal. Mabilis n'yang tinapos ang pagkain at dinampot ang celphone at tinawagan ang asawa. Ngunit naka-off ang celphone nito. Napabuntong-hininga si Gab. Tinawagan ang sekretaryo at ipina-cancel ang meeting. Aalamin n'ya ang dahilan ng pag-alis ni Irish ng bahay. Kahit hindi n'ya alam kung papaano? Ni hindi n'ya alam kung saan ito nagpupunta?Binabagtas na ng kotse ni Gab ang kahabaan ng Highway, awtomatikong napatingin s'ya sa isang fastfood chain. Naisip n'yang bumili ng ng yumburger na paborito ng asawa. Kumabog ang dibdib ni Gab nang dumako ang paningin sa isang sulok ng mesa at makita ang magkapares na masayang nagtatawanan.
"Ohhhhh....bilisan mo pa!" tila idinuduyan sa sarap si Jeanny, hubo't h***d na mahigpit na nakahawak sa gilid ng kama habang patalikod na binabayo ni Leonard. Lalo nitong binilisan ang pagbayo na nagpawala na ng katinuan ng dalaga. Nilingon nito ang kaniig, pawisan at naghahabol ng hininga. "Fuck! I'm cominggg!" Ibinigay nito ang makakaya, mas mabilis. Dama ni Leonard na kapwa malapit ng humulagpos ang maligamgam nilang likido. Mabilis nitong hinugot at hinayaang pumulandit at kumalat sa sahig. H***d na naglakad si Jeanny, kumuha ng stick ng sigarilyo at nagsindi. Padekwatrong umupo sa two seater na sofa. Hinayaan ang katawang manatiling h***d.Kasalukuyan silang nasa hotel ni Leonard. Madalas nilang gawin ito sa tuwing magkikita. Magsi-sex, ibibigay ang hilig ng laman. Magkasundong-magkasundo sila ni Leonard, wild at mahilig mag-explore. "Mukhang hindi ka nagtagumpay na makuha si Gab. Sabagay, hindi nga pala mahilig sa malandi si Gabriel." Nakangisi si Leonard.
"Kailangan mo ba talagang gawin ito?" Nilingon ni Gab ang asawa."Hindi naman pwedeng makulong na lang ako sa bahay, dahil lang cancer survivor ako." tumingin sa labas ng bintana ng kotse si Irish. "Ang akin lang..." pinutol ni Irish ang sasabihin nito."Ayokong makulong sa bahay!" May diin ang boses ni Irish, natilihan si Gab na tumahimik na lang at itinutok na ang atensyon sa pagmamaneho. Kailangan n'yang habaan ang pasensya sa nakikitang pagbabago ng pag-uugali ni Irish. Naging aburido ito at madaling magalit. Marahil dahil sa kondisyon nito. Nag-aadjust pa pagkatapos ng ilang taong pakikipagbaka sa sakit. Alam n'yang hindi naging madali rito ang pinagdaanan. Kaya ipinangako n'ya sa sariling higit n'ya itong iingatan. Wala siyang hindi kayang gawin para sa asawa. Kumuha na 'din s'ya ng dalawang maid para hindi ito napapagod.Nauna na itong bumaba ng kotse at nagpatiunang naglakad. Ni hindi s'ya sinabayan ng asawa. Sinundan n'ya na lamang ito nang isa-isang bisita