Home / Romance / ISLAND GIRL / Chapter 3

Share

Chapter 3

Author: Tin Gonzales
last update Last Updated: 2022-11-29 16:10:10

Araw ng Linggo. Nagluluto si Isabella ng pagkain sa maliit na kusina nila ng Tiya Alice niya.

“Isabella, pupunta muna ako kay Berta. Mauna ka na kumain, baka matagalan ako doon,” anito habang nag-aayos ng mga dadalhin. Naglista rin ito ng mga isda na tinda nila bukas.

“Sige po, tyang,” sagot niya habang nagpiprito ng isda. “Hindi ka po ba magbabaon ng pagkain? Baka po magutom kayo,” dugtong niya.

“Naku, huwag na, anak. Siguradong may pagkain din doon,” sagot nito

Hinatid niya ito ng tanaw palabas ng bakuran. Pagkatapos kumain ay naglinis siya ng bahay at nagpakain ng alaga nilang baboy. Pagkatapos noon ay umupo siya sa kawayan nilang upuan. Hinahampas-hampas ng hangin ang buhok niya. Nakatitig siya sa dagat. Naisip niya kung kakayanin kaya niyang matawid ang lugar na ito gamit ang bangka, dahil sa takot na mangyari ang nangyari sa magulang niya. Matagal na panahon na rin siyang hindi naliligo sa dagat. Ni ayaw niyang lumapit dito. Naalala niya ang panahong kasama niya ang tatay at nanay niya.

“Tatay, kapag natapos ko na ba ang high school pwede na po ba tayong lumuwas sa syudad?” tanong niya sa ama na nagsisibak ng kahoy.

“Oo naman! Doon ka mag-aaral,” sagot ng nanay niya. Kinuha nito ang mga kahoy para magluto.

“Sasama po kayo sa akin? Tapos kapag nagkatrabaho na ako, ipagagawa ko ang bahay natin. Babalik tayo dito at gagawa tayo ng negosyo. Sana rin magkaroon na ng university dito katulad sa syudad. Inabot niya ang kahoy sa nanay niya.

Tumawa tatay niya. “Alam mo, anak, maganda ang mga pangarap mo kaya tutulungan ko ikaw matupad ang lahat ng iyan. Pero iyong huli, anak, parang kailangan mo pang magsunog ng kilay para matupad 'yon.” Ginulo ng tatay niya ang buhok niya. Ito na ang nagdala sa loob ng kusina ang iba pa nila panggatong.

Sumimangot siya sa ama. Tuwing Linggo, nasa dalapasigan sila para mag-picnic. Masaya siya kasama ang mga magulang niya, si Tiya Alice na busy sa pagtitinda ng isda noon. Akala niya hindi na matatapos ang masayang araw na iyon hanggang sa dumating ang malaking trahaedya na hindi nila inaasahan.

Hampas ng malakas na alon ang biglang nagbalik sa kasalukuyan ng diwa niya. Medyo malayo sa kabahayan ang bahay nila pero tanaw mo pa rin ang iba nilang ka-baranggay.

Nilakasan niya ang loob na lumapit sa dalampasigan nang araw na iyon. Kailangang mawala ang takot niya. Iyon na siguro ang oras para kumawala sa multo ng nakaraan.

Paglapit niya sa tubig, nanginig ang buo niyang katawan. Pumikit siya. Nakita niya ang nakangiting mukha ng mga magulang. Naramdaman niya ang mga luha sa mukha niya hanggang umiyak na siya nang umiyak. Lumuhod siya sa pino at puting buhangin ng dalampasigan.

“Ang daya mo! Bakit mo sila kinuha? Hah!” sigaw niya. Masakit pa rin hanggang ngayon kahit sampung taon na ang nakalipas. “Dati kaibigan kita, ngayon hindi na dahil salbahe ka!” muli niyang sigaw.

Medyo nawala ang sakit ng loob niya. Naramdaman niya ang tubig na pilit inaabot ang paa niya. Kung nagsasalita lang siguro ito, baka humihingi na ito ng paumanhin sa kaniya.

Tumayo siya at umurong. Nakatungo pa rin siya.

“Salbahe ka!” muli niyang bulong at tumalikod sa dalampasigan.

Pagharap niya pabalik sa kubo nila humampas siya sa katawan ng isang tao sa likuran niya. Sa lakas ng hampas niya ay bigla siyang nawalan ng balanse at sabay sila bumagsak sa buhangin. Nakayakap ito sa kaniya habang siya naman ay nasa ibabaw nito.

Napapikit siya nang bumagsak sa katawan nito. Pakiramdam niya ligtas siya sa kahit anong panganib nang madama ang malapad nitong dibdib.

Pilit niyang kinalma ang sarili. Amoy niya ang masarap sa ilong nitong pabango. At sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakaamoy ng ganito kabangong tao. Para tuloy ayaw na niyang bumangon pa sa pagkakadapa. Sa kaloob-looban niya, gusto niyang manatili na lang sa ganoong ayos nila. May hatid kasi itong kapanatagan sa kaniya.

Subalit, napalitan ng kaba ang kaniyang dibdib. Hindi niya nga pala kilala ang lalaki!

“Are you okay now?” tanong nito na nakayakap sa kaniya, habang hinahagod siya nito sa likod.

Bigla siyang natauhan. Mabilis siyang tumayo at tinanggal ang naiwang luha sa kaniyang may pisngi.

Tinitigan niya ang lalaki na nakahiga pa rin. Naka-short ito ng pang-swimming at sa gilid ay may surfboard. Walang kahit anong suot ito sa itaas, kaya pala damang-dama niya ang mga pinagpalang abs nito.

Bigla itong tumayo at lumapit sa kaniya. Nakakunot-noo ito at mukhang nainis sa ginawa niya. Sa taas nitong six feet, halos nakatingala siya rito. Nasa harapan niya ang isang magandang lalaki na kahit itabi mo sa ibang turista na dumarayo sa isla ay naiiba ito. Matangos ang ilong, mapula ang mga labi, makinis ang kutis at ang abs ay huhumiyaw.

“Satisfied?” tanong nito na mas lumapit pa sa kaniya.

Napalayo siya rito.

“Sorry, Mister. Pasensiya na at naistorbo ko yata ang pag-s-surf mo,” sagot niya at tumalikod dito.

“No thank you from you?” pahabol na sigaw pa nito. Mas mabilis pa ang ginawa niyang paghakbang. Ni hindi na niya ito nilingon.

Mabilis siyang pumasok ng kubo nila at isinara ang pinto. Napasandal siya sa dingding habang hawak ang dibdib sa lakas ng kabog niyon.

Saan galing na planeta ang gwapong iyon— este, turista pala. Mukhang anak mayaman ang lalaki sa kilos at pananalita nito.

Saka, bakit ganoon ang epekto nito sa kaniya?

Naku, burahin na natin sa isip natin ’yan! Aniya sa sarili.

Mabilis siyang naligo at umalis sa kubo nila. Pinuntahan niya si Carl habang iniisip pa rin ang lalaking nakita kanina.

“My Queen Isabel!” biglang sigaw ni Carl.

Nagulat siya. Pasalubong ito sa kaniya.

“Bruha ka talaga! Papatayin mo ba ako sa nerbyos, Carla?!” balik-sigaw niya rito.

Tumawa ito.

“Kasi naman ang layo ng tingin mo at tulala ka. Mukhang nakakita ka ng adonis, ah. Ano? Napagtanto mo na ba na kailangan mo ng mag-boyfriend?” ganting sigaw nito .

Umirap siya rito at hinila sa malapit na upuan sa tree house ng kaibigan.

“Tumingin ka nga sa akin, Isabel. Umiyak ka ba? Anong nangyari sa iyo? Samahan kita sa barangay para maisumbong natin ang may gawa niyan.” Tumayo ito at hinila siya.

Natawa siya sa reaksyon nito.

“OA, ah! Umupo ka nga ulit. Una sa lahat, walang nangyari. Naalala ko lang ulit ang mga magulang ko.” Lumungkot ang mukha niya

Yumakap sa kaniya ito. “Isipin mo na lang na angel mo na sila at laging nakabantay sa iyo. Nag-aalala lang ako kanina kasi naman nakasalubong ko ikaw na tulala at mukhang umiyak. Sinong hindi mag-iisip ng masama?” Muli siya nitong niyakap.

Kinurot niya ito.

“Bakit ka nga pala napasyal, my queen?” tanong nito.

“Tumigil ka nga Carl sa my queen mo na ’yan. Kapag hindi ka tumigil, hindi na kita kakausapin kahit kailan.” Inirapan niya ito.

“Ito naman, naglalambing lang naman ako.” Lumapit ito sa kaniya.

Tumitig siya rito. Gwapo rin naman ito. Kung hindi lang niya ito kilala masasabi niya na straight ito, basta huwag lang magsalita.

“Bakit ganiyan tingin mo? Huwag mong sabihin na inlove ka sa akin? Isabel, utang na loob, hindi tayo talo. Magkani-kaniya na tayo kapag nangyari iyan! Kaya siguro hindi ka pa nagkaka-nobyo dahil hinihintay mo ako!” palatak nito.

“Ew! In your dreams! Maghunos-dili ka nga!” Hinampas niya ito sa balikat at tumawa nang malakas.

“Perfect! Iyan dapat ganiyan ka lagi— nakangiti at tumatawa. Mas maganda ka kasi kapag ganiyan, bruha ka!” Yumakap ulit nito.

“Pinatatawa lang kita, Isabel,” dugtong nito. “Oh,’di ba? Nakapag-English ka din. Kailangan ko yata lagi na asarin ka para maging fluent ang English mo,” pang-aasar nito sa kaniya.

Tinawanan lang niya ito. Pansamantalang nawala sa isip niya lalaki na nakabangga niya kanina.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ISLAND GIRL   SPECIAL CHAPTER 2

    Inayos ni Isabella ang lahat ng pagkain sa mesa. Naroon sila sa gitna ng dagat kung saan tanaw ang resort at bahay nila. Gawain nilang mag-anak iyon tuwing weekend bilang bonding nila. Sakay sila ng private yatch na bagong bili nila.“Dad, did you buy that fishing boat?” narinig niyang tanong ni Cloud kay Skye.“Yes, son. It’s a gift to the fisherman here who supplies us the freshest seafoods in our restaurant,” nakangiting sagot ni Skye sa anak.“Really?! Can I go with you Dad?”Nawiwili na ang anak nila na laging kasama ang kaniyang asawa. Kaya sa murang edad nito, marunong na ito sa mag-surfing; na madalas ay nakaalalay pa rin si Skye. Nasa walong taon na ang panganay nilang si Cloud at marami na ring hilig gawin.“Dad? How can I handle this thing?” Mula sa isang tabi ay kinuha ni Raine at Stormie, ang kambal nilang babae na limang taon gulang na, ang fishing rod.“Come here. Kuya Cloud will show you how to use that fishing tool.”Nag-unahan ang dalawa na lumapit sa kuya ng mga ito

  • ISLAND GIRL   SPECIAL CHAPTER 1

    Inihatid sila ng mga tauhan ng asawa papunta sa bahay nila. Hindi pa man sila pumapasok sa kanilang silid, nagsimula na si Skye. Wala itong sinayang na sandali. Nagawa nitong tanggalin nang mabilis suot nilang dalawa. Walang saplot silang dalawa nang buhatin siya nito sa loob ng banyo.Binuksan nito ang hot shower at itinapat siya roon. Napakagat-labi siya nang tumapat ito sa kaniya at biglang pumiglas ang nasa pagitan ng mga hita nito.Marahan nitong hinaplos ang leeg niya gamit ang sabon habang pinaliliguan siya. Halos mapuno ng bula ang katawan niya dahil sa paulit-ulit nitong paghaplos, na tila ba sinasaulo bawat sulok niyon. Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang dibdib niya.“Ah! Skye . . . !”Sinamba ng asawa niya ang katawan niya. Pababa at pataas ang labi nito sa katawan niya.“This beautiful creation never failed to amaze me,” anito bago siya siniil ng halik. Labas-masok ang dila nito sa bibig niya na tila nag-aaya na gayahin niya ang ginagawa nito. Pinag-aralan niya

  • ISLAND GIRL   Chapter 90

    After a month, Isabella decided to resign from her job. Kasama niya sa pag-aayos ng papel niya si Skye. Hindi na siya tinantanan nito na gawin iyon dahil ayaw na nitong lumayo pa siya sa isla. Doon sila bubuo ng masayang pamilya at pamamahalaan ang negosyo ng lalaki.She chased her goal and dream even in a short time, but she was happy with it. Now is the time to give what her heart really wants. To live with the man she loved the most.Nakatitig siya ngayon sa lalaking naghihintay sa kaniya sa unahan ng altar, kasama ang mga magulang nito at ang paring magkakasal sa kanila. Napakagwapo nito sa suot na blue suit with black pants at makintab na black shoes. Halata rito na hindi mapakali habang naghihintay sa kaniya.Iniikot niya ang paningin sa paligid. Mula sa resort hanggang sa dulong bahagi ng dalampasigan ay may nakaayos na sariwang mga bulaklak. Isang mahabang red carpet din ang nakalatag sa labas ng resort papuntang reception. Tila isang royalties ang dadalo sa pag-iisang dibdib

  • ISLAND GIRL   Chapter 89

    Nakatingin si Skye sa babaeng mahal na mahal niya, habang nagdadasal at nag-aalay ng bulaklak sa puntod ng mga magulang nito. Isinama siya nito para na rin humingi ng basbas.“Tay, Nay, salamat sa gabay . . . Salamat at dinala ninyo dito sa isla ang taong makakasama ko at magbibigay sa akin ng labis na kaligayahan. Nagalit man ako sa mga alon dahil sa pagkawala ninyo, pero ibinalik nitong muli ang tiwala ko. Mahal ko kayo at lagi pa rin kayong nasa puso ko. Alam kong masaya na kayo kasama ang apo ninyo,” ani Isabella.Napangiti siya at lumapit sa puntod.“Hayaan po ninyo, gagawa kami nang marami para mas masaya rito sa isla kasama ni Tiya Alice.”Nakita niya ang pag-irap ng dalaga sa kaniya.“Hindi ikaw ang kinakausap ko, bakit sumasabat ka?” Naramdaman niya ang pinong kurot nito. Hinuli niya ang mga kamay nito, bago ito kinabig at niyakap nang mahigpit. “Totoo ang sinasabi ko, babe,” nakangiti pa ring wika niya.Isang mabining hangin ang dumampi sa kanilang mga balat. Sabay silang

  • ISLAND GIRL   Chapter 88

    Nagising si Isabella na pagod na pagod. Halos naubos ang lakas niya dahil hindi siya tigilan ni Skye. Mag-aalas dos na ng hapon pero tulog na tulog pa rin ito dahil sa pagod, puyat at sa pag-inom. Pero ang tanong, saan nga ba ito kumuha ng lakas kanina?Tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kaniya at inilagay ang isang unan sa tabi nito. Napakagat siya sa labi dahil sa sakit ng balakang niya, dumadag pa ang sakit ng katawan at hapdi ng mga iniwang marka ng lalaki sa kaniya. Isa-isa niyang pinulot ang damit niya pero hindi niya makita ang underwear niya. Humakbang siya papunta sa banyo at nagsimulang maligo. Kailangang makapagpahinga para makauwi na. Halos thirty minutes siya sa loob ng banyo. Kita niya ang ginawa ng binata sa kaniya. Hanggang hita ang red marks niya kaya napailing na lang siya. Sinulit talaga nito ang lahat.Nakatapis siya ng tuwalya nang lumabas. Binuksan niya ang cabinet ng lalaki para kumuha ng underwear nito roon. Iyon na lang muna ang isusuot niya. Nak

  • ISLAND GIRL   Chapter 87

    Pagkatapos magluto ay inayos na ni Isabella ang lamesa bago naligo. Suot niya ang isang maluwag na T-shirt at hating hita na cotton made shorts. Nagsuklay siya ng buhok at ginising ang tiya niya.“Tiya, kakain na po.”Bumangon ito. “Sige, anak. Aayusin ko lang muna ang higaan. Susunod ako.”“Sige po at ipagtitimpla kita ng gatas mo.”“Salamat.”Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas, saka iyon inilapag sa mesa. Uupo na sana siya nang makarinig ng katok sa pinto.Napakunot ang noo niya.Ang aga yatang makipag-tsismisan ni Carl?Pagbukas niya, natulala siya sa nakita.“P’wede ba kitang makausap?” Malungkot at malumay ang pagsasalita ng kaniyang kaharap.Matagal niya itong tinitigan. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ano na naman sasabihin sa kaniya ng ina ni Skye at napasugod nagg maaga sa bahay nila?Pero nanaig pa rin ang paggalang niya rito.“Please, hija. I need your help now— for my son.”Napakagat siya sa labi. May nangyari ba sa lalaki?Kahit alanganin ay pinapasok

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status