Share

Chapter 4

Penulis: Tin Gonzales
last update Terakhir Diperbarui: 2022-11-29 16:12:49

Lunes, maagang silang umalis ng bahay ng Tiyang Alice niya para kumuha ng panindang isda. As usual, ingay ng mga tao sa bulungan.

Pero iba ang umagang iyon. Lahat ng tao ay nakatingin sa may gilid niya. At parang sinisilihan sa pwet ang mga kababaihan sa kilig. Kahit si Aling Berta ay nagpapa-cute din. Napailing na lang siya sa itsura nito. napangiti sa ikinikilos nito.

Iniabot niya rito ang batya para ilagay mga nakalistang isda ng Tiyang Alice niya. Hindi nito siya pinansin bagkos ay ang nasa tabi niya.

“Oy, pogi! Dayo ka lang dito? Anong gusto mo sa paninda ko? Pili ka na at ipaluto mo na lang. Maraming magagaling magluto dito!” Sabay abot ng maliit na lagayan dito.

Nilingon ang tinutukoy ni Aling Berta. Napakunot abg noo niya at inisip kung saan nakita ang lalaki.

Bigla siyang kinabahan at mabilis na tumibok ang puso niya. Nakasuot ito ng maong na pantalon na sadyang nilagyan yata ng hiwa sa mga hita at binti saka nakasando ng puti. Naka-bota rin ito at nakatingin sa gawi ng madaming seafoods at sa mga magagandang isda pinipili nito.

Napakagwapo niyang kumilos. Parang bigla ay nalagay sa kaniya ang spotlight at bawat kilos nito ay nakatingin ang mga tao.

Napatanga siya rito. May kung anong damdaming pinupukaw ito sa sibsib niya.

“Hi, pogi! Dito ka na bumili. Maraming pagpipilian dito at pwede ring lutuin ko para sa iyo!” sigaw ng isang dalaga sa likod niya.

Kilala niya ito. Ang babaeng literal na palengkera. Sa dami nitong tsimis sa buhay, hindi matatapos kahit maghapon itong kausapin.

Binangga siya nito sabay simangot. Kaya umatras siya nang bahagya. Kapag may mga bagong turista doon, ito agad ang sumasalo at mahilig umagaw ng mga eksena, katulad ngayon na sa tinda na ni Aling Berta namimili ang lalaki ay bigla itong sumulpot.

“Betsay, dito na siya namimili, ’di ba? Bumalik ka sa pwesto mo!” sigaw ni aling Berta.

Napangiti siya at nilingon ang lalaki, pero bigla siyang kinabhan dahil nakatitig ito sa kaniya. Nakakunot ang noo nito.

Ibinalik niya ang tingin kay Aling Berta. Nahihiya siya sa nangyari kahapon. Oo, hindi siya nagpasalamat. Pero naisip niya rin, bakit naman siya magpapasalamat?

Nakita niyang umismid si Betsay at humarap sa kaniya. “Ikaw, anong ingini-ngiti mo dyan? Tabi nga!” Bigla siyang itinulak nito saka umalis.

Nabigla siya sa pangyayari. Napapikit siya at hinintay na lang na bumagsak ang kaniyang katawan sa malansang sahig pero naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa beywang niya. Nakasandal siya patalikod sa kung sino mang nagligtas sa kaniya. Nakiliti pa siya sa hininga nito na nasa malapit sa tainga niya.

“Enjoying the moment, hmm. . . ?” bulong nito at yumakap nang mahigpit sa beywang niya.

Mabilis siyang kumawala rito. “Kapal ng mukha mo, Mister!” Handa na niya itong samapalin pero bigla niyang narinig ang boses ng tyang niya.

“Anong nangyari dito at narinig kong sumisigaw si Betsay?” anang Tiya Alice niya.

“Naku, siya itong bigla na lang dumating dito at nanggulo. Itinulak pa niya itong si Isabella, buti na lang at naagapan ng poging ito, Alice,” sumbong ni Aling Berta.

Napatungo siya.

“Sa susunod na gawin niya ’yun may paglalagyan na siya,” dagdag pa ni Aling Berta.

Narinig niya napabuntonghininga ang tiya niya.

“Oh, siya, kunin ko na ito at aalis na kami. Maraming salamat sa ’yo, hijo.” Nilingon ng tiya niya ang lalaking nasa harap niya. Ngumiti lang ito.

Marunong pala itong ngumiti, kasi kung tingnan siya nito ay para siyang kakainin ng buhay.

Umirap siya rito at sumunod sa tiya niya.

Maagang naubos ang paninda nila nang araw na iyon kahit hindi maganda ang umaga niya. Maaga pa at makapagluluto pa siya ng pananghalian nila ng tiya niya.

Mabilis siyang pumasok sa munting kubo nila at naligo nang mabilis. Pakiramdam niya sobrang init at amoy isda na siya. Ang tiya niya naman ay nagpapahinga sa upuang kawayan nila sa labas.

Paglabas niya sa banyo ay nakita niya na may kausap ito at parang enjoy na enjoy sa kwentuhan. Masayahin naman talaga ang tiya niya at pala-kaibigan.

Nagsuot lang siya ng short at manipis na sando at naglagay pulbo. Hindi na siya naglagay ng lipstick dahil mas gusto niya ang natural lang saka mahal ang lipstick. Iipunin na lang niya ang ibibili niyon para sa pag-aaral niya.

Kumindat siya sa salamin pagkatapos. Hindi na niya kailangan mag-eyebrow dahil maganda na ito. Umikot-ikot siya sa harap ng salamin. Kaunting ipon na lang at makapag-aaral na siya.

Kumakanta-kanta siyang lumabas sa kwarto at dumeretso sa kusina. Nagulat pa siya sa dami ng pagkain na lulutuin nila.

Nagtaka siya. Wala namang handaan pero bakit andaming kailangang lutuin?

Magsalita pa sana siya nang bumukas ang bintana. Sumungaw ang tiya niya mula roon.

Napasigaw siya sa gulat.

“Nakow! Ikaw talagang bata ka! Iabot mo nga ’yang ihawing isda. Magsaing ka na at lutuin mo na ’yang hipon at pusit. ’Yung mga shell ay hugasan mo at isigang mo na din,” utos nito na nakangiti. Inabot niya dito ang isda.

“Bakit kasi bigla po kayong lumabas dyan tiyang? Teka po, bakit ang dami nating panghalian?”

“May lumapit dito na nagtanong kay Berta kanina at gusto raw magpaluto. Ikaw ang inirekomenda niya, kaya huwag mo siyang ipahiya, anak. Ako na ang mag-iihaw nitong isda,” sagot ng tiya niya.

Sanay naman siyang magluto at alam ng mga taga-isla na isa siya sa masarap magluto roon. Iyon ’ata ang namana niya sa nanay niya.

Ngumiti siya sa Tiyang Alice niya. “Chicken lang ’yan, Tiya Alice! Sige po, at aayusin ko lang. Basta malaki ang bayad at tip.” Kumindat siya rito. Natawa lang ito.

“Sige na at bago mag-alas-dose ay nandito na ’yun para mananghalian. Ihanda mo na lang sa mesa sa labas. Mahangin doon sa may puno talisay.”

“Opo!” Masigla niyang inayos ang mga lulutuin: buttered shrimp at adobong pusit. Isinalang niya naman ang mga shell sa isang kaldero.

Saktong alas-dose nakahain na lahat. Sinamahan na niya ng kaunting prutas at buko juice iyon.

Tiningnan niya ang ginawa. Napangiti siya. Sana magustuhan ng turista na iyon ang ginawa niya para malaki ang bayad pandagdag ipon.

“Perfect!” palatak niya. Tatawagin na sana niya ang Tiyang Alice niya para dalhin ang inihaw na isda nang may magsalita sa likuran niya.

“That’s it?”

Bigla siyang kinabahan. Kilala niya boses na iyon. Pangatlong beses na nag-e-echo sa isip niya ang sinabi nito noong nasa palengke kanina.

“Hindi. Guni-guni mo lang ’yun, Isabel,” bulong niya sa sarili. Pumikit siya at humarap sa likuran.

“Oh, ’di ba, Isabel, guni-guni mo lang—” Naputol ang sinasabi niya dahil ang nasa harapan niya ay ang lalaki sa palengke kanina.

“Is that how you treat the tourist like me?” Nakakunot-noo ito. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Umismid ito sa kaniya.

“Wearing shorts and thin sando while entertaining?” seryosong sambit nito.

Napikon siya. Ano ba’ng masama sa suot niya at ano’ng pakialam nito? Bigla na lang ito susulpot at sabihan siya ng ganoon.

“Mister, excuse me lang, ah. Bigla kang lilitaw sa harapan ko tapos, iinsultuhin mo ako? Pwede ba, umalis ka na? May turista kaming darating. At kung ano man ang sadya mo, wala akong maitutulong.” Tumalikod na siya rito, ngunit may naalala siya. Muli siyang humarap sa lalaki. “At isa pa, huwag mo akong ini-English-English!” ismid niya rito saka ito inwan. Nakasalubong niya ang tiya niya.

“Ikaw na magbitbit ng sawsawan nitong inihaw. Sumunod ka na kaagad at baka andyan na ’yung kakain ng niluto natin,” saad nito.

Paglabas niya, nakita niya ang lalaki na nakangiti at nakaupo sa upuang kawayan nila.

Talagang iniinis ako ng isang ito. Sinusundan ba niya ako? bulong niya sa sarili.

Biglang lumapit tiyang niya.

“Hijo, andyan ka na pala. Bakit hindi mo dinala ang upuan sa lamesa, anak. Naku nakakahiya naman sa kaniya,” sabi nito.

Napanganga siya at muntik nang mabitawan ang mangkok na dala niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • ISLAND GIRL   SPECIAL CHAPTER 2

    Inayos ni Isabella ang lahat ng pagkain sa mesa. Naroon sila sa gitna ng dagat kung saan tanaw ang resort at bahay nila. Gawain nilang mag-anak iyon tuwing weekend bilang bonding nila. Sakay sila ng private yatch na bagong bili nila.“Dad, did you buy that fishing boat?” narinig niyang tanong ni Cloud kay Skye.“Yes, son. It’s a gift to the fisherman here who supplies us the freshest seafoods in our restaurant,” nakangiting sagot ni Skye sa anak.“Really?! Can I go with you Dad?”Nawiwili na ang anak nila na laging kasama ang kaniyang asawa. Kaya sa murang edad nito, marunong na ito sa mag-surfing; na madalas ay nakaalalay pa rin si Skye. Nasa walong taon na ang panganay nilang si Cloud at marami na ring hilig gawin.“Dad? How can I handle this thing?” Mula sa isang tabi ay kinuha ni Raine at Stormie, ang kambal nilang babae na limang taon gulang na, ang fishing rod.“Come here. Kuya Cloud will show you how to use that fishing tool.”Nag-unahan ang dalawa na lumapit sa kuya ng mga ito

  • ISLAND GIRL   SPECIAL CHAPTER 1

    Inihatid sila ng mga tauhan ng asawa papunta sa bahay nila. Hindi pa man sila pumapasok sa kanilang silid, nagsimula na si Skye. Wala itong sinayang na sandali. Nagawa nitong tanggalin nang mabilis suot nilang dalawa. Walang saplot silang dalawa nang buhatin siya nito sa loob ng banyo.Binuksan nito ang hot shower at itinapat siya roon. Napakagat-labi siya nang tumapat ito sa kaniya at biglang pumiglas ang nasa pagitan ng mga hita nito.Marahan nitong hinaplos ang leeg niya gamit ang sabon habang pinaliliguan siya. Halos mapuno ng bula ang katawan niya dahil sa paulit-ulit nitong paghaplos, na tila ba sinasaulo bawat sulok niyon. Napasinghap siya nang bigla nitong hawakan ang dibdib niya.“Ah! Skye . . . !”Sinamba ng asawa niya ang katawan niya. Pababa at pataas ang labi nito sa katawan niya.“This beautiful creation never failed to amaze me,” anito bago siya siniil ng halik. Labas-masok ang dila nito sa bibig niya na tila nag-aaya na gayahin niya ang ginagawa nito. Pinag-aralan niya

  • ISLAND GIRL   Chapter 90

    After a month, Isabella decided to resign from her job. Kasama niya sa pag-aayos ng papel niya si Skye. Hindi na siya tinantanan nito na gawin iyon dahil ayaw na nitong lumayo pa siya sa isla. Doon sila bubuo ng masayang pamilya at pamamahalaan ang negosyo ng lalaki.She chased her goal and dream even in a short time, but she was happy with it. Now is the time to give what her heart really wants. To live with the man she loved the most.Nakatitig siya ngayon sa lalaking naghihintay sa kaniya sa unahan ng altar, kasama ang mga magulang nito at ang paring magkakasal sa kanila. Napakagwapo nito sa suot na blue suit with black pants at makintab na black shoes. Halata rito na hindi mapakali habang naghihintay sa kaniya.Iniikot niya ang paningin sa paligid. Mula sa resort hanggang sa dulong bahagi ng dalampasigan ay may nakaayos na sariwang mga bulaklak. Isang mahabang red carpet din ang nakalatag sa labas ng resort papuntang reception. Tila isang royalties ang dadalo sa pag-iisang dibdib

  • ISLAND GIRL   Chapter 89

    Nakatingin si Skye sa babaeng mahal na mahal niya, habang nagdadasal at nag-aalay ng bulaklak sa puntod ng mga magulang nito. Isinama siya nito para na rin humingi ng basbas.“Tay, Nay, salamat sa gabay . . . Salamat at dinala ninyo dito sa isla ang taong makakasama ko at magbibigay sa akin ng labis na kaligayahan. Nagalit man ako sa mga alon dahil sa pagkawala ninyo, pero ibinalik nitong muli ang tiwala ko. Mahal ko kayo at lagi pa rin kayong nasa puso ko. Alam kong masaya na kayo kasama ang apo ninyo,” ani Isabella.Napangiti siya at lumapit sa puntod.“Hayaan po ninyo, gagawa kami nang marami para mas masaya rito sa isla kasama ni Tiya Alice.”Nakita niya ang pag-irap ng dalaga sa kaniya.“Hindi ikaw ang kinakausap ko, bakit sumasabat ka?” Naramdaman niya ang pinong kurot nito. Hinuli niya ang mga kamay nito, bago ito kinabig at niyakap nang mahigpit. “Totoo ang sinasabi ko, babe,” nakangiti pa ring wika niya.Isang mabining hangin ang dumampi sa kanilang mga balat. Sabay silang

  • ISLAND GIRL   Chapter 88

    Nagising si Isabella na pagod na pagod. Halos naubos ang lakas niya dahil hindi siya tigilan ni Skye. Mag-aalas dos na ng hapon pero tulog na tulog pa rin ito dahil sa pagod, puyat at sa pag-inom. Pero ang tanong, saan nga ba ito kumuha ng lakas kanina?Tinanggal niya ang kamay nito na nakayakap sa kaniya at inilagay ang isang unan sa tabi nito. Napakagat siya sa labi dahil sa sakit ng balakang niya, dumadag pa ang sakit ng katawan at hapdi ng mga iniwang marka ng lalaki sa kaniya. Isa-isa niyang pinulot ang damit niya pero hindi niya makita ang underwear niya. Humakbang siya papunta sa banyo at nagsimulang maligo. Kailangang makapagpahinga para makauwi na. Halos thirty minutes siya sa loob ng banyo. Kita niya ang ginawa ng binata sa kaniya. Hanggang hita ang red marks niya kaya napailing na lang siya. Sinulit talaga nito ang lahat.Nakatapis siya ng tuwalya nang lumabas. Binuksan niya ang cabinet ng lalaki para kumuha ng underwear nito roon. Iyon na lang muna ang isusuot niya. Nak

  • ISLAND GIRL   Chapter 87

    Pagkatapos magluto ay inayos na ni Isabella ang lamesa bago naligo. Suot niya ang isang maluwag na T-shirt at hating hita na cotton made shorts. Nagsuklay siya ng buhok at ginising ang tiya niya.“Tiya, kakain na po.”Bumangon ito. “Sige, anak. Aayusin ko lang muna ang higaan. Susunod ako.”“Sige po at ipagtitimpla kita ng gatas mo.”“Salamat.”Dumeretso siya sa kusina at nagtimpla ng gatas, saka iyon inilapag sa mesa. Uupo na sana siya nang makarinig ng katok sa pinto.Napakunot ang noo niya.Ang aga yatang makipag-tsismisan ni Carl?Pagbukas niya, natulala siya sa nakita.“P’wede ba kitang makausap?” Malungkot at malumay ang pagsasalita ng kaniyang kaharap.Matagal niya itong tinitigan. Kinakabahan siya na hindi niya mawari. Ano na naman sasabihin sa kaniya ng ina ni Skye at napasugod nagg maaga sa bahay nila?Pero nanaig pa rin ang paggalang niya rito.“Please, hija. I need your help now— for my son.”Napakagat siya sa labi. May nangyari ba sa lalaki?Kahit alanganin ay pinapasok

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status