Share

Chapter 49

Malakas ang kabog ng dibdib ni Isabella nang makita ang unti-unting pagdami ng tao sa isla. Nagmistulang isang mahabang street dancing ang kahabaan ng tulay na sadyang ipinagawa para makadaong nang maayos ang mga delegate at turista sa lugar. Napakaraming banderitas mula sa dulong bahagi niyon papuntang resort.

Naisipan nilang tulungan sina kapitan na mag-welcome sa mga bisita sa isla. Nakasuot sila ng barong-tagalog habang may hawak na mga bulaklak. Halos mapuno ang baybayin ng mga bisita. Bawat pagbaba sa yate at bangkang de-motor ng mga ito ay sinasabitan nila ni Carl ng bulaklak sa leeg para pang-welcome.

“Welcome to Isla Vermuda! Tuloy po kayo,” ang masiglang wika ni kapitan sa mga dumarating.

Ganoon din sila ni Carl. Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa kanilang mga labi.

“Welcome po!” sambit niya.

Lalong lumakas ang tibok ng puso niya nang tumapat sa kaniya si Skye. Nagkatitigan sila ng binata. Gustong lumukso ang puso niya at salubungin ito ng halik pero sinupil niya iyon nang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status