Share

Chapter 53

Mga ilang araw din ang lumipas at naging matunog ang pangalan niya sa buong isla. Kahit sa palengke kung saan sila nag-aangkat ng paninda ng Tiya Alice niya ay usap-usapan din siya.

“Isabella!” tawag ni Aling Berta. “Talagang swerte kang bata ka! Ikaw pala ang napupusuan ng mayor natin. Aba, wala namang imposible roon dahil maganda ka at matalinong bata. Sagutin mo na agad kung ako saiyo. Aba’y napakaswerte talaga!”

Nahihiya siyang ngumiti kay Aling Berta. “Aling Berta naman, baka po ano—” Hindi niya naituloy ang sinasabi dahil sa iba pang tao na pinalibutan siya.

“Ay, swerte mo naman, nene. Ikaw yata ang magdadala ng kayamanan dito sa isla natin,” magiliw na wika ng isa.

Kung marami ang natuwa, mayroon din namang bubulong-bulong sa gilid niya; lalo na nang dumating si Betchay.

“Sabihin ninyo, nilandi at inagaw lang naman niya sa boss ko ang atensiyon ni Mayor. Hindi hamak naman na mas papatulan ni Mayor ang boss ko kaysa sa kaniya. Kaya ikaw, Isabella, tigilan mo na ang pangarap mon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status