Share

Chapter 16

NAKA-UKIT sa labi ni Kaye ang ngiti paggising niya kinabukasan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang katabi. Sa silid na niya ito natulog matapos ang mahabang aminang naganap nang nagdaang gabi. At, kahit hindi maganda ang nagdaang nangyari, mas napabuti pa iyon para sa kanya. Nalaman niya kung gaano siya kamahal ni Earl. Umupo siya sandali sa gilid ng kama upang mapagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi niya hangad ang kayamanan nito, sanay siya sa hirap at kahit sino pa ito ay mamahalin niya ng buong puso. Maghihintay siya sa pangako nito. Ayon dito ay payag si Sandra na ipa-annul ang kasal ng dalawa. Kakapit siya sa binitiwang salita nito dahil iyon ang nararamdaman niya, dahil iyon ang isinisigaw ng puso niya.

"Mamaya ka na bumangon," paungol na sabi ni Earl. Gising na pala ito.

"Sweetheart, magluluto pa ako ng almusal natin. Papasok ka, 'di ba?"

"Mamaya na, hindi pa ako gutom."

"Sweetheart--ay ano ba?!" tili niya nang sapilitan siya hilahin ngunit gusto rin niya. Bum
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status