NAIWAN siyang nakanganga at nasapo ang pisnging h******n nito. Unti-unti ay gumuhit ang ngiti sa labi niya at kulang na lamang ay mapatili sa hindi niya malamang dahilan. Ilang sandali pa ang kanyang pinalampas bago napagpasiyahang bumalik na sa kuwarto.
"Ang bilis mo naman yatang bumalik, Kaye," pukaw ni Olga na sa pagkakataong iyon ay wala itong costumer.
"Nagmamadali ang costumer ko e," aniya. Ipinasya niyang hindi niya ipaaalam sa mga kasama ang balak. Napasulyap siya sa katabing si Hilda. Wala itong costumer nang gabing iyon.
"Tsk. Arte-arte, bibigay din pala."
Binalingan niya si Rose, wala rin itong costumer nang gabing iyon. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Nilapitan na lamang niya si Hilda na magpasahanggang ngayon ay nakahiga pa rin.
Isa-isa nang nagsisibalikan ang mga kasama niya. At nasa kalahating oras pa ang hinintay niya nang walang anu-ano'y may nagsigawan. Biglang kumabog ang dibdib niya. Marahas na bumukas ang pinto. Pumasok ang mga pulis na nakatutok ang mga baril sa gawi. Nagulantang ang lahat, maging siya na kahit alam na ang mangyayari ay natakot pa rin. Si Pinky na kasalukoyang nagbibihis ay napasuksok na lamang sa tabi.
Isa-isa silang inilabas ng mga pulis. Karamihan sa kanila ay may mga tahob ang mukha o kaya naman ay nakayuko ang ulo. Naratnan nila sa parking lot na pumapalag ang may-ari habang ina-aresto. Napahinto sila ni Pinky. Pinanuod nila ang pagpalag nito.
"No!" tanggi nito nang ipo-posas na sana ang kamay nito. "Hindi niyo ba ako nakikilala?
"Hindi nga po, Sir," tugon ng lalaking nagpo-posas.
"Ano ho ba ang pangalan mo, Sir?" nangingiting tanong ng isa pang pulis.
Napipilan ang may-ari. Hindi na ito nakapalag nang itulak palabas ng compound ng mga pulis. Ngunit bago ito tuloyang makalabas ay sinugod ito ni Pinky.
"Magbabayad ka rin sa mga kasinungalingan mo." Galit na galit ito't pinagsasampal ang lalaki. "Hindi ka na naawa sa amin, pati ang batang si Hilda ay ibinenta mo pa! Ngayon, mabubulok ka na sa kulongan."
Halata sa mukha ni Genee ang pagtitimpi, ngunit wala na itong nagawa nang isama na ng mga pulis. Lahat ng mga taong sangkot ay dinala rin sa presinto, maging si Salvacion ay hindi rin pinalampas. Ayaw sana niyang maipakulong ang ginang, ngunit kasama rin ito sa nagkulong sa kanila. Tinawagan din ng isang pulis ang mga kontak nito, maging si Menchi nga ngayon ay may warrant of arrest na.
"Pagbabayaran na rin ninyo ang mga kasalanan niyo sa amin!" Matalim ang matang pinukol ni Kaye ang may-ari, "Kasama ka na roon, Menchi."
Isinakay sa isang van ang mga babae, bago iyon ay may natanaw siya sa hindi kalayuan na isang lalaki. Matangkad ito na sa tantiya niya'y 5'9' ang taas at sa hinuha niya ay guwapo ito. Ngumiti ito sa kanya nang magtama ang kanilang mga mata. Biglang umahon ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Panandaliang naging tuod ang katawan niya.
Bumalik siya sa reyalidad nang banggain siya ni Rose. "Pahara-hara, tumabi ka nga!" angil pa nito.
Umiwas na lamang siya at pina-una ito. Sa muling pagsulyap niya sa lalaking nakatayo ay wala na roon ang lalaki. May panghihinayang sa loob niya. Hindi man lamang niya naitanong kung ano ang pangalan nito bago sila nagkahiwalay. Hindi rin siya nakapagpasalamat dito. Sumakay na sa naghihintay na van.
Una silang dinala sa presinto upang makapagbigay ng pahayag hinggil sa maling gawain ng ahensiyang napasukan nila. Matapos iyo'y dinala na sila sa tanggapan ng mga naaapi. Tulad nang kanilang inaasahan, isa-isa na naman silang tinanong na para bang sila ang may kasalanan. Hindi rin naman nagtagal ay pinagpahinga sila sa isang silid.
"Kaunting tiis na lamang, makakauwi na rin tayo." Gumaralgal ang tinig ni Olga. "Makakapiling ko na ang aking mga anak."
"Salamat sa Diyos," ani Pinky.
Tiningnan niya si Hilda na ngayon ay may kulay na ang mukha. Mukhang masaya ito dahil sa kanilang paglaya sa impiyernong nabagsakan. Pero, kung ang iba ay masaya na nakaalis sa putik na kinasadlakan, si Rose ay hindi. Magmula nang dumating ang mga pulis at isinama sila sa presinto hanggang sa mapadpad sa silid na kinaroroonan ngayon ay halos hindi maipinta ang mukha nito. Napansin iyon ng isa nilang kasama.
"Oy, Rose, bakit ganiyan ang mukha mo? Hindi ka ba masaya na sa wakas ay malaya na tayo?"
Natuon ang paningin ng lahat kay Rose. Bukod sa nakakunot nitong kilay, halata rin ang inis sa mukha nito.
"Paki mo ba!"
"Sungit naman nito. Bahala ka na nga riyan." Umupo ito sa sahig na nalalatagan ng carpet, isinandal ang likod sa dingding at ipinikit ang mata.
Tumalim ang anyo ni Rose rito, "Siguro, ikaw ang nagsumbong sa mga pulis 'no?"
Mabilis na nagmulat ito ng mata, "Anong problema mo kung ako man ang nagsumbong? Dapat nga ay magpasalamat ka dahil makaalis ma rin tayo."
"At nakit ako magpapasalamat? Buwisit ka!" Mabilis na sumugod si Rose. Sinabunutan nito ang babae.
Naawat ito ni Olga at Pinky. "Ano ba? Hindi ka ba titigil?" Malakas na itinulak ni Pinky si Rose.
"Hindi ka ba masaya na makakaalis na tayo sa lugar iyon, Rose?" angil ni Olga.
"Hindi!" hiyaw nito. "Nang dahil sa pagsumbong ninyo sa mga pulis, mawawalan na ako ng hanapbuhay. Sa trabaho natin, madaling kumita ng pera. Walang kahirap-hirap. Bukod sa kumikita na ng pera, nag-eenjoy pa ako. Hindi na tayo maghihirap--"
Isang sampal ang nagpatigil kay Rose na nanggaling kay Olga. "Puta ka!"
"Pareho lang tayo."
"Pero mas puta ka!" nanggagalaiting sigaw ni Olga. "Noong una tayong magsama, umiiyak ka dahil ang sabi mo, ayaw mo nang ganoong trabaho tapos ngayon heto ka, sinasamba ang pagiging bayaran."
"Dahil dito ako kumikita ng malaki. At gusto na ang ganitong trabaho. Kung ayaw ninyo, ako hindi. Ayaw ko nang maghirap pa. Ayaw kong bumalik sa lugar sa amin nang hirap pa rin."
Kahit papaano ay nakadama ng awa si Kaye kay Rose. Nakikita niya kung anong mayroong buhay ito. Tulad nila, hirap din ang pamilya nito. Sa kabilang banda ay may naramdaman din siyang inis. Kung bakit napakatigas na ng ulo nito.
"Puwede ka namang magtrabaho ng marangal, Rose."
"Bakit ba kayo nangingi-alam sa buhay ko? Hindi ko naman kayo kaano-ano ah!"
Napahinga siya ng malalim. Lumapit siya kay Olga para patigilin ito sa pakikipagkomprontasyon. Kumalma naman ito ngunit si Rose ay hindi. Nagwawala pa rin ito. Hindi na lang nila pinansin ang dalaga.
Kinabukasan ay pinayagan na silang umuwi. Ang iba ay inihatid ng sasakyan ngunit siya ay hindi sumama. Nais niyang magtrabaho ng marangal para sa pamilya. Ngunit saan siya pupunta? Wala siyang kaalam-alam na lugar sa Manila. Huminga siya ng malalim. Maliban sa kanya, nagpaiwan din si Rose.
"Saan ka pupunta?"
"Wala ka na roon," ingos ni Rose saka naglakad na tila isang model.
Napa-iling siya't hinabol na lamang ito ng tingin. Napag-isip-isip niyang iba-iba talaga ang ugali ng mga tao. Nasa tao na rin kung maling daan ba ang tatahakin mo at sa tingin niya ay isa roon si Rose.
Napahinga siya ng malalim. Inihakbang na rin niya ang paa. Bago pa siya tuloyang makalayo ay isang kotse ang huminto sa tapat niya. Bumaba ang isang may katandaang lalaki, umikot ito sa likurang pinto at binuksan ang pinto. Iniluwa niyon ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng salamin kaya hindi niya mahitsurahan.
"Hi!" nakangiting bati nito.
Biglang umahon ang kakaibang tibok sa dibdib niya nang marinig ang pamilyar na boses. Kahit hindi niya nakita ang costumer ay nakasisigurado siya na iyon ang costumer niya. Ang lalaking nagligtas sa kanya sa mundo ng kadiliman.
"S-sir?"
"Buti naman nakilala mo ako," tinanggal nito ang suot na salamin. Gumuhit ang matamis na ngiti sa labi niya. Guwapo nga ito. "So, kumusta ka na ngayong malaya ka na?"
Muli siyang napangiti, "Okay naman po, Sir."
"That's good."
"Salamat nga po pala sa tulong mo, Sir. Kung hindi dahil sa iyo, hindi kami makakalaya sa lugar na iyon."
"My pleasure. Saan ka na papunta ngayon? Are you going to your--"
"Maghahanap po ng marangal na trabaho," putol agad niya.
Tumango-tango ang lalaki. "Ahm, if you don't mind, naghahanap ako ng kasamahin sa condo ko. Ten thousand a month and wala kang ibang gagawin kundi--"
Hindi niya napigil ang sarili, napatili siya't nayakap ang kaharap. "Thank you, Sir. Thank yo--" Pilit siyang ngumiti nang malamang nakayakap siya rito. Bumitaw din agad siya, "S-sorry, Sir. masaya lang po ako."
"It's okay, no problem. Let's go, i-if okay sa iyo."
"Hindi na po ako mag-iinarte pa, Sir. Hindi ito ang panahon para mag-inarte pa. Let's go..." walang hiya-hiyang hinila niya ang kamay ng lalaki papasok sa sasakyan.
Hindi maitago ang kasiyahang nadarama ni Kaye nang sandaling iyon. Hindi na siya makapaghintay sa bagong buhay na naghihintay sa kanya.
Sa kabila ng kasiyahang nadarama ni Kaye ay may isang taong nagniningas ang mata sa galit. Si Rose. Lumingon ito para sulyapan sana si Kaye. Nakita nitong may kausap ang huli. Guwapo. Kaya nama'y hindi na nito pinalampas ang pagkakataon ngunit nadismaya ito sa narinig.
"Kayo pala ang may kasalanan kung ngayon ay mawawalan ako ng hanapbuhay." Nagngalit ang mga ngipin nito habang tanaw ang papalayong sasakyan.
NAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro
NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito
"ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si
"PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p
NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi
MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is