NAKA-UKIT sa labi ni Kaye ang ngiti paggising niya kinabukasan. Maingat siyang bumangon upang hindi magising ang katabi. Sa silid na niya ito natulog matapos ang mahabang aminang naganap nang nagdaang gabi. At, kahit hindi maganda ang nagdaang nangyari, mas napabuti pa iyon para sa kanya. Nalaman niya kung gaano siya kamahal ni Earl. Umupo siya sandali sa gilid ng kama upang mapagmasdan ang maamong mukha nito. Hindi niya hangad ang kayamanan nito, sanay siya sa hirap at kahit sino pa ito ay mamahalin niya ng buong puso. Maghihintay siya sa pangako nito. Ayon dito ay payag si Sandra na ipa-annul ang kasal ng dalawa. Kakapit siya sa binitiwang salita nito dahil iyon ang nararamdaman niya, dahil iyon ang isinisigaw ng puso niya."Mamaya ka na bumangon," paungol na sabi ni Earl. Gising na pala ito."Sweetheart, magluluto pa ako ng almusal natin. Papasok ka, 'di ba?" "Mamaya na, hindi pa ako gutom.""Sweetheart--ay ano ba?!" tili niya nang sapilitan siya hilahin ngunit gusto rin niya. Bum
NAPATIIM-BAGANG si Earl matapos nilang mag-usap ni Sandra at simula nang umalis ang huli'y hindi na mawala-wala ang galit sa mukha niya. Naging aborido at mainitin ang ulo. Kaunting pagkakamali lang ng isang empleyado ay naninigaw na siya. Hindi niya matanggap ang sinabi ng asawa niya. Pahihirapan pa pala siya nito. "Shit!" mura ng isipan niya. "Why, Sandra? Why? Hindi ba't ikaw ang unang nag-suggest ng annulment, bakit ngayo'y biglang nagbago ang isip mo? Shit you!" angil niya na tila ba'y nasa harap niya ito. Naiisip niya si Kaye, paano na ito? Tiyak na magagalit ito sa kaniya. Well, magagawan naman niya ng paraan kung sakali, pero mukhang matatagalan. Gusto na niyang ibigay kay Kaye ang apelyido niya at para matapos na ang alalahanin nito. Alam niya at ramdam niya na iniisip nito ang tungkol sa asawa niya. He took a deep breath. Saglit pa ay pumasok si Jacob, ito ang Head of Finance sa company niya kaya madalas ito sa office niya. Madalas din siya nitong asarin lalo na kapag main
MAY ngiti sa labi habang isinusuot ni Kaye ang damit na binili ni Earl para sa kanya. Nagyaya ang huli na lumabas sila, buong maghapon daw ay uubusin nila ang oras sa pamamasyal. Tinanong pa niya kung ano ba ang isusuot dito. Isang black sleeveless na inibabawan ng blazer at fitted jeans. Tinernuhan niya iyon ng black rubber shoes. Isinuot din niya ang necklace na regalo nito sa kanya. Malaya niyang tinitigan ang sarili sa ful length mirror na ipinagawa ni Earl para sa kaniya. Hindi naman niya iyon kailangan pero sadyang mapilit ang nobyo niya. Ibang-iba na siya ngayon, hindi tulad noong unang tapak pa lang niya sa siyudad. Hindi naman nagbago ang kulay niya, dahil natural na ang pagiging morena niya. Ang buhok niyang malapit nang umabot sa baywang, na dati-rati ay lampas balikat lamang. Nagsabi na siya sa nobyo na pababawasan niya iyon ngunit hindi ito pumayag. Mas bagay daw sa kaniya ang mahabang buhok.Natigil siya sa pagmumuni-muni nang biglang pumasok si Earl. Napangiti ito sa n
NAKANGITI si Earl habang pabalik sa kainan. Nasa kamay niya ang isang maliit na kahon na may lamang singsing. Isang diamond ring ang kanyang napili na tiyak niyang magugustuhan iyon ni Kaye. Kung sakali na mapawalang bisa ang kasal nila ni Sandra, aalukin na niya ito ng kasal. Nakikini-kinita na niya ang mangyayari kung sakali. Ang kanina lamang ngiti ay unti-unting napawi nang matanaw si Sandra. Minadali niya ang paghakbang patungo sa kainan. At habang papalapit ay napagtanto niyang wala na roon si Kaye. Ang asawa na niya ang naroon at isa-isang tinitingnan ang mga damit na binili niya. Hindi siya pansin ni Sandra dahil abala ito sa pag-isa-isa ng mga damit. "What the hell are you doing?" mahina ngunit mariing tanong niya nang makalapit na rito. "Ow, nandito ka na pala, asawa ko!" Nilakasan nito ang pagbitiw ng salita upang marinig ng mga naroon. Hindi pinansin ni Earl ang mga nagbulongan sa paligid nila. "Anong ginawa mo kay Kaye?" Madilim ang titig niya rito. Yung tipong tingin
"INAY, Itay, patawarin niyo po sana ako." Luhaan si Kaye matapos ipaalam ang kalagayan sa magulang. Kumpirmadong buntis siya. Nanginginig ang kamay habang hawak ang pregnancy test at positive ang lumabas. Hindi niya magawang ilihim sa magulang ang kalagayan. Ipinaalam na rin niya ang tungkol kay Earl, ang tungkol sa maling pagmamahalan nila.Lumapit sa kanya si Caridad, "Okay lang iyan, anak. Ang importante ay narito ka. Lahat naman tayo ay nagkakamali. Sabi nga ay walang perpektong tao sa mundo. Lahat ay makasalanan. Ang mahalaga ay ang ngayon at ang magiging anak mo, ang apo namin." Hinagod-hagod ng ginang ang likod ng anak. "Inay..." Agad siyang napayakap sa ina. Umiyak siya nang umiyak. Sabay na napalingon silang mag-ina nang tumayo at umalis si Arturo. Napatitig si Kaye sa ina. Humihingi ng saklolo. Bigla siyang kinabahan."Hayaan mo lang siya, anak. Kung nagtatampo man siya o galit, alam kong hindi ka niya matitiis." Pinasadahan ng palad nito ang lampas-balikat niyang buhok at
"SWEETHEART, please! Huwag mo namang gawin sa akin 'to. I'm begging you, please. Please, sweetheart." Lumuluha si Earl. Lumuhod na rin siya na yakap ang binti ng dalaga. Ayaw nang balikan siya ni Kaye. Nakapagdesisyon na raw ito na hiwalayan siya. Paano na siya ngayon? Hindi niya kakayaning mabuhay kung mawawala rin ito sa kaniya. Bakit kasi hinayaan niyang umabot sa ganito ang pangyayari? Kung mapapagalaw lang sana niya ang kamay ng orasan, ibabalik niya iyon sa panahong ikinasal sila ni Sandra. Hindi sana siya pumayag sa kagustuhan ng ina. Mariing napapikit si Kaye. Masakit man pero iyon ang tama. "Umuwi ka na, Earl. Hindi na kita mahal!""Sweetheart, no..." Lalong humigpit ang kapit ni Earl sa binti ng dalaga nang maramdaman na tinatanggal nito ang braso niya. "I'm begging you, please!" Halos mamaos na siya pero tila bato ito."Earl, tumayo ka na!" "No! Ayaw ko!""Ayaw ko na ngang makasama ka, Earl. Balikan mo na lamang ang asawa mo.""No!" Hindi siya bumitaw sa binti nito. Wala
NAKAHINGA nang maluwag si Kaye matapos ibalita ng doktor na ligtas na sa kapahamakan si Earl. Kasalukuyan na itong nagpapahinga sa pribadong silid pero hindi pa nagkakamalay. "Kaye..."Nilingon niya ang ama na nakatayo sa may pinto. Lumapit siya rito nang sumenyas ito. "Anak, alam ko na mahal mo ang taong iyan pero alam mo na mali, hindi ba?"Kagat-labing nagyuko siya ng ulo. Alam naman niya iyon. At hindi man niya aminin, umaasa siyang mapa-aannul ang kasal ng dalawa."Hindi ako tututol sa inyong pag-iibigan kung wala siyang sabit o tulad nang sinabi niya, mapawalang bisa ang kasal nila lalo na't siya ang ama ng apo ko. Isa lang ang maipapayo ko sa iyo, 'nak, hintayin mong itama niya ang gusot na napasukan niya." "Opo, itay." Napayakap siya rito.Hindi kala-una'y nagpaalam na ang matanda. Si Menchi nama'y pumasok na may bitbit na pagkain. "Kumain ka muna, Kaye." Ini-abot nito ang piraso ng sandwich. "Umiling siya, "Salamat, wala pa akong gana.""Makakasama sa baby ang magpalipas
NGITNGIT na ngitngit sa galit si Rose. Ang plano sanang pahiyain si Kaye ay nabaligtad. Siya ang napahiya at ang masaklap, naroon pa ang lalaking minamahal niya--si Juancho. Magkaibigang matalik sila nito. Mula elementary hanggang sa high school ay sila ang palaging magkasama. Masaya itong kasama at siya lamang ang tanging babae sa buhay nito. Nag-iba nga lang nang makilala nito si Kaye. Ang huli na ang palaging bukang-bibig nito. Unti-unting nagkaroon ng pader sa pagitan nila lalo nang makatapos sila sa pag-aaral sa sekondarya.Hindi na ito madalas pumunta sa bahay nila at nabalitaan pa niya mula sa isa ring classmate nila na nililigawan nito si Kaye. Namuo ang galit sa dibdib niya dahil doon. At nang magkasama sila sa isang trabaho ay lalo siyang nakadama ng galit nang ito pa ang kampihan ng lahat. Sa tingin niya'y palagi na lamang ito ang pinapaburan ng lahat na dati nama'y siya. Pakiramdam niya'y pinagkaisahan siya. Nadagdagan pa ang galit sa dibdib niya nang mapagtantong si Kaye