NAGMAMADALING iniligpit ni Ariah ang mga gamit sa trabaho at umalis sa opisina niya. Kasalukuyan siyang nagtuturo ng pagguhit at pinta sa mga bata sa pinapasukan niyang Jollijam Arts Center sa Makati. Mahilig kasi siya sa Art at iyon din ang kinuha niyang kurso. Natapos niya ang Fine Art na kurso bago pa pumanaw ang kaniyang Ate. Kaya ngayon ay nagtuturo siya sa mga bata ng Arts. Madalas naman ay tumatanggap siya ng mga college students na nagpapaturo ng arts sa kaniya. May mga paintings din siyang nagawa na napasok sa Art Gallery na ginagawang exhibit kung saan pinupuntahan ng mga tao.
Pinili niya lang na magturo dahil iyon ang mas gusto niya. Bukod pa doon ay malalaki rin naman ang kinikita niya, sapat na para sa gastusin sa bahay. Iyon na lang din ang ginagawa niyang hanapbuhay at napamahal na sa kaniya ang trabaho. Dahil mahilig rin siya sa mga bata ay hindi na niya naiwan ang trabaho sapagkat napamahal na rin siya sa mga munting anghel na mga estudyante niya. Mabilis siyang nakarating sa hospital na sinabi sa kaniya ni Emily. Nang maabutan roon sa higaan ang natutulog na batang si Shawn ay kaagad siyang lumapit rito. "Anong nangyari?" Tanong niya sa kaibigan. Doon niya lang nakita ang lalaking doctor sa tabi ni Emily. "He's fine now. Nagkaroon lang siya ng lagnat. Chineck ko na siya and pinainom na rin ng gamot. Ang kailangan mo na lang gawin ay painumin siya ng mga vitamins na nireseta ko every 6 hours. Wala ka namang iba pang alalahanin, just be with him and take good care of him." Kahit na nakadama siya ng kaginhawaan sa narinig mula sa doctor ay hindi pa rin naalis ang kaniyang pag-aalala para kay Shawn. He's everything to her at hindi niya kayang makita na may mangyaring masama rito. Kahit nga lamok ay hindi niya hinahayaang dumampi sa balat nito. Sobra siyang maingat sa bata dahil mahal niya ito. Tiningnan muna siya ng doktor na nag-asikaso kay Shawn bago ito tumalikod at umalis sa gawi nila. Lumapit naman sa kaniya si Emily habang pinagmamasdan niya ang mahimbing na tulog ni Shawn. "Gosh, I can't stand to see him lying on thad bed. Dapat sa malambot na kama niya siya natutulog hindi dyan sa makipot na higaan." "Sinabi mo pa. Pero saglit lang naman siya dito. He will be home again once na gumaling na siya. Sana bukas na bukas na rin makalabas na siya rito." Sinuklay niya ang makapal at blonde nitong buhok at pinagmasdan ang pogi nitong mukha. Napapangiti talaga siya pag nakikita niya ang mala-anghel nitong mukha. "Akalain mo naman, na sa edad na dalawa ay makikita na ang kapogian ng batang iyan. Kung sino man ang ama niyan, siguradong nagmana iyang si Shawn sa kaniya." Nawala ang ngiti niya nang banggitin ni Emily ang ama ni Shawn. Walang sinabi ang kaniyang Ate kung sino ang ama ni Shawn kaya hindi niya ito makilala. Nais niya sanang hanapin ito at sabihing mayroon itong anak sa kaniyang Ate. Pero siguro ayos na rin iyong hindi nito alam na may anak ito. Dahil na rin sa takot na baka kunin sa kaniya si Shawn ng kung sinumang ama nito ay hindi na niya tinangka pang hanapin o kilalanin ang taong iyon. Ang mahalaga ay nasa piling niya si Shawn at siya lang ang pamilya nito. Naaalala niya naman iyong panahon na nabubuhay pa ang kaniyang Ate. Ipinagbubuntis na nito si Shawn sa mga sandaling iyon. Walong buwan na ang tiyan nito kaya malaki na ang umbok niyon. Kahit na hirap sa pagbubuntis ay pinilit pa rin ng kaniyang Ate na magtrabaho para tustusan ang kaniyang pag-aaral. Isang buwan na lang ay gagraduate na siya sa kolehiyo at kailangan niya nang makabayad sa huling tuition f*e na medyo tumataas na. Bagaman wala pa siyang trabaho nun ay yung Ate niya ang gumawa ng paraan para lang makapagpabayad siya ng kolehiyo. Pinilit niya ito na huwag nang alalahanin ang gastusin niya sa eskwelahan at mas pagtuunan ang pagbubuntis nito ngunit nagmatigas ito. Desidedo itong patapusin siya sa Kolehiyo. Kahit noong huling buwan na ng pagbubuntis ng kaniyang Ate ay nagtrabaho pa rin ito. Hanggang sa dumating ang graduation niya. Masaya siyang umuwi sa apartment ng Ate niya kung saan rin siya nakatira. May naabutan siyang mga handa at cake. May nakasabit pa sa dingding na tarpaulin na may picture niya at may nakalagay na Congratulations sa kasunod ng buo niyang pangalan at kurso. Napalis ang kaniyang ngiti nang walang tao, wala ang Ate niya. Nang may tumawag ang kaniyang kaibigan at sinabi ang nangyari ay dali-dali siyang pumunta sa hospital. Ngunit huli na siya. Wala na itong malay nang abutan niya. Ang sabi ng doktor ay hindi daw nito kinaya ang panganganak, marami daw ang dugong nawala rito. Buong linggo niyang pinagluksaan ang pagkawala ng kapatid. Sobrang lugmok siya sa pagkawala ng ate niya. Una ay ang pagkawala ng mga magulang nang hindi nakaligtas sa nasusunog nilang dating tahanan, ngayon naman ay ang kaisa-isang tao na natitira na lang sa kaniya. Nabago lang ang lahat nang masilayan niya ang mukha ng munting anghel sa kaniyang harapan. Nang masilayan ito ay tila ba'y nawala ang lahat ng kaniyang hinanakit. Parang binuhay siyang muli ng munting anghel kahit natutulog ito. Bukod pa roon ay hindi niya ring nakalimutan na pangalanin itong Shawn na gustong ibigay ng kaniyang Ate rito kapag naipanganak niya. Tinupad niya ang gusto ng kapatid. "Anyways, napansin ko lang yung titig sayo nung doktor. May gusto yata siya sayo eh." Nawala ang mga iniisip niya sa nakaraan nang ibahin na nito ang usapan. Kumunot naman ang kaniyang noo na binalingan ito. "Hindi naman siguro. Ikaw kahit ano na lang ang napapansin mo." "Eh, sa ganun ang nakita ko. Halata naman kasi talaga sa titig niya sayo. Ang hirap kasi sayo, hindi mo pinapansin ang mga nasa paligid mo kaya hindi mo nakikita ang mga titig ng mga kalalakihan. Naku, kung alam mo lang kung gaano sila makatingin sa tuwing nakikita ka. Di mo lang napapansin kasi mas nakafocus ka kay Shawn." "Ganun naman kasi dapat diba? Kailangan kong bantayan si Shawn. Hindi ko kailangang ibaling ang atensyon sa ibang bagay kung nandyan naman si Shawn at nagbibigay ng kaligayahan sakin." Tumaas naman ang isang kilay nito sa kaniya. "At ano namang akala mo, magiging happy ka forever dahil lang sa kasama mo si Shawn palagi? Naku Ariah, hindi ganun iyon. Baka nga magsawa pa si Shawn paglaki niyan na kasa-kasama ka." Muling nangunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. "Anong gusto mong iparating, na magsasawa rin si Shawn sakin? Na hindi na niya ako gustong makasama, ganun?" Bulalas niya rito. "Hindi naman sa ganun. Pero pwede ring mangyari iyon. Ang ipunupunto ko lang ay hindi mo dapat inilalaan ang buong atensyon mo kay Shawn. Pagtuunan mo rin ng tingin yung ibang bagay, yung ibang tao. Ariah, ang bata ay hindi nananatiling bata. Lumalaki yan tulad ng paglaki natin. Sa susunod pang mga taon, mamamalayan mo na lang na binata na si Shawn at lagpas na sa kalendaryo ang edad mo. Syempre, hindi naman papayag si Shawn na sa paglaki niya ay palagi ka niyang kasama. Masyado mo na siyang binibaby pag ganun. Isa pa, papayag ka bang hindi magkaroon ng sariling pamilya bukod kay Shawn?" Napailing naman siya sa huli nitong tanong. "Iyon naman pala eh. Kaya dapat ngayon pa lang ay humanap ka na ng tao na maaaring nakalaan na sa iyo." Pinagmasdan niya muna ang maamong mukha ni Shawn at bumuntong hininga. "No, saka ko na iyan iisipin. Tingnan mo, two years old pa lang si Shawn. Masyado pa siyang bata para pabayaan. Kailangan pa niya ng pag-aaruga ko. I think, ibibigay ko muna sa kaniya ngayon ang buong atensyon." Narinig niya ang pagbuntong hininga ng kaibigan. "Bahala ka. Pero, I think kailangan mo rin ng kaagapay sa pag-aalaga dyan kay Shawn. Hindi naman pwedeng sakin mo na lang palaging pinapabantay sakin ang bata. Well, wala namang kaso sakin yun. Kaso marami rin kasi akong ginagawa kaya hindi ko rin siya maaalagaan ng maayos." Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Tama nga naman ang kaibigan, tulad niya ay may trabaho rin ito. May mga inaasikaso rin ito na importante kaya hindi talaga nitong maaalagaan ng maayos si Shawn. "Maghanap kaya ako ng yaya niya?" Agad niyang tanong, iyon lang ang naisip niyang paraan. "Pwede rin naman. Pero, baka mahirapan ka. Babayaran mo pa ng doble ang magiging yaya ni Shawn kapag kukuha ka. Eh, diba nga kahit na malaki ang kinikita mo sa trabaho ay madalas nakukulangan pa dahil sa mga kailangan ni Shawn? Isabay pa yung madalas niyang pagkakasakit, syempre bibili ka pa ng mga gamot at vitamins niya diba?" Oo nga naman, may punto rin ito. Wala na atang mali sa mga sinabi ng kaibigan niya. "Eh, anong gagawin ko?" "Ano pa nga ba? Eh, di sakin mo pa rin ipabantay si Shawn. Hindi ko naman sinabing ngayon ka na humanap ng boyfriend. Suggestions ko pa lang naman sa iyong yung mga sinabi ko kanina. Basta, pag-iisipan mo pa rin ang sinabi ko. Para lang din naman kay Shawn itong sinasabi ko sa iyo." Hindi na siya nagsalita pa at muling sinulyapan si Shawn.Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.
Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak
Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni
"Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s
"Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil
Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito
"But you know, I also hate Geralt. I'm angry because he can't even look at me once. He says he only considers me a friend, but I don't like that! I don't just want a friend, I want him to love me! To be with me." Muli na namang umiyak si Venice, minsan naman ay tatawa. Walang magawa si Ariah kundi ang tingnan lang ito. "I did everything. I hurt the woman he loved so I could get him. So that he can be mine completely." Mula sa pagtawa na parang nababaliw ay lumungkot naman ang mukha nito. "I thought that once Ariana was destroyed and Geralt hated her, he would love me. He would choose me. Tulad na lang nung una niya akong pinili kesa kay Ariana when he kissed me in front of her. Kaya nga binigay ko sa kaniya pati ang katawan ko." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa huli nitong sinabi. Si Geralt, ginawa talaga iyon?Ngumisi si Venice nang makita ang reaksyon niya. "Yes, Ariah. You heard me right. When Ariana left him, I let him use my body. We had sex every single day. But I thought it
Nang nasa labas na siya ay lumapit na siya sa kotse ni Emily. Papasok na sana siya roon para sa loob na lang hintayan si Emily. Ngunit hindi pa man siya nakakasakay ay may nagtakip ng kung ano sa kaniyang ilong at bibig. Mabilis ang pangyayari. Kaagad nagdilim ang kaniyang paningin. Pagmulat niya ng mata ay isang madilim na silid ang bumungad sa kaniya. Wala siyang masyadong maaninag. Gusto niyang gumalaw pero alam niyang nakatali ang kamay niya, may tela rin ang kaniyang bibig dahilan upang hindi siya makapagsalita para sana sumigaw ng tulong kung meron man. Dahil nakahiga siya patagilid habang nakatali sa likod ang mga kamay niya hindi niya magawang makabangon. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaluha dahil sa takot. Masakit pa rin ang kaniyang ulo dahil tumatalab pa rin ang chemical na pinaamoy sa kaniya sa panyo kanina. Ang iniisip na lamang niya ngayon ay ang kaligtasan niya at ng baby sa sinapupunan niya. Natatakot siya na baka mapahamak silang dalawa ng baby niya lalo na'
Lumipas ang ilang araw ay wala nang paramdam si Geralt kay Ariah. Hindi na ito pumupunta sa bahay ni Emily para manggulo at hanapin siya. Simula nung kausapin ito ng Mommy ni Emily ay tumigil na kinabukasan. Hanggang ngayon ay tahimik ang buhay niya at walang nanggugulo. Tulala lang si Ariah habang nanonood ng movie sa malaking television na nakadikit sa dingding sa may sala. May hawak siyang bowl na may laman na strawberry at may isa pang bowl na may yogurt pangsawsaw. Iyon ang cravings niya ngayon. Pero dahil bored siya ay wala napasimangot siya habang nakatutok ang mga mata sa pinapanood. Gusto niyang may gawin pero hindi pwede dahil baka sermonan na naman siya ni Emily at ng Mommy nito. Iniisip nga niya na bumalik na sa school para magturo ulit. Ilang araw na naman kasi siyang excuse eh, kaya ayun may bago munang pumalit sa kaniya. Namimiss na niyang magturo, pati yung mga bata. Gusto na niya silang makita. Lalo na si Genesis. Pumasok rin kaya si Genesis? Napabuntong hininga na