SABADO NA. Noong Martes dinala si Shawn sa hospital at kinabukasan ay pinauwi na rin ito kaagad dahil bumaba na ang lagnat nito. Naalala niyang dalawin ang puntod ng kapatid. Noong Martes sana siya dadalaw pagkatapos niyang magturo ngunit hindi natuloy dahil timing rin ang pagtawag ni Emily na nasa hospital si Shawn kaya hindi na natuloy ang pagdalaw niya rito. Birthday kasi ng Ate niya noong Martes kaya gusto niya sana itong dalawin.
Pagdating niya sa puntod nito ay may nakita siyang isang bungkos ng bulaklak sa gilid ng lapida nito. "Wow. Mabuti naman na may dumalaw sayo, akala ko ako lang. Nilinis pa ng sinumang iyon ang paligid mo bago lisanin. At...may iniwan pang bulaklak para sayo. Ikaw ha, nakahimlay ka na dya't lahat may secret admirer ka pa rin. I wonder, sino kayang dumalaw at nagbigay sayo ng bungkos ng bulaklak. Ang sweet naman ng taong iyon." Umupo siya sa damuhan katabi ng lapida ng kapatid at nilagay ang dalang bungkos ng bulaklak sa tapat nito. "Belated happy birthday Ate. Pasensya ka na kung hindi ako nakadalaw noong mismong birthday mo. Dinala kasi sa hospital si Shawn eh, kailangan niya ako roon. Kaya ito, ngayon pa lang ako nakadalaw sayo. Saka dinalhan din kita ng isang bungkos ng bulaklak, pambawi sa hindi ko pagdalaw nung Martes." Hinawakan niya ang lapida nito at ngumiti. "Nga pala, si Shawn mas lalo nang nagiging makulit. Feeling ko tuloy namana niya sakin ang kakulitan ko dati," marahan siyang tumawa sa naalala,"pero mas nagmana siya sayo. Sobrang napakalambing niya. Two years old pa lang siya pero ramdam ko na ang panglalambing niya. Parang ikaw, kung paano mo ako nilalambing dati. Ganun na ganun din siya sakin. Umiiyak pa kapag hindi ako nasisilayan, napapauwi tuloy ako ng maaga. Bukod pa doon, alam mo ba Ate, sobrang gwapo niya. Hindi ko malilimutan, palagi kong tinitingnan hanggang ngayon yung mala-anghel niyang mukha. Pati kapag tumatawa siya, mas lalo siyang gumagwapo. Siya na rin ang naging happy pill ko palagi." Tumayo siya saka pinagpagan ang sarili. "Sana nandito ka para sana nakita mo ang paglaki niya. Para makita mo kung gaano siya kagwapo. Still, thank you dahil iniwanan mo ako ng isang anghel. Iniwan mo ako ng isang Shawn na nagpapatatag sakin at nagbigay sakin ng rason upang bumangong muli mula sa pagkalugmok. Thank you Ate, at kung nasan ka man ngayon ay sana nasa maayos ka nang paraiso." Bigla namang tumunog ang cellphone niya na kaagad niyang tiningnan. Kaagad niyang sinagot ang tumatawag na kaibigan. "Huyyy, nasan ka na? Kanina pa kita hinihintay. Nasabi ko na sa magiging blind date mo ang tungkol sayo. Sabi niya gusto ka niyang makita mamaya. Be ready at 6pm but before that, puntahan mo muna ako dito." Hindi na niya nagawa pang magsalita nang patayin na nito ang tawag. "Sige Ate, kailangan ko nang umalis. May pupuntahan pa kasi ako. Dadalawin na lang ulit kita next time." Umalis na siya roon upang puntahan naman si Emily na kanina pa daw naghihintay sa kaniya. *** Kanina pa naghihintay si Ariah sa restaurant kung saan sinabi sa kaniya ni Emily na kikitain nila nung kablind date niya. Ang nasa isip na lang niya ngayon ay ang umuwi dahil siguradong hinahanap na naman siya ni Shawn. Ilang minuto na siyang naghihintay. Ang sabi ay saktong six sila magkikita ngunit six-twenty na ay wala pa rin ang blind date niya. Bukod sa gutom na ay naiinip na rin siya sa kakahintay. Ang sabi ni Emily ay hanapin lang daw niya ang nakakulay asul na polo shirt at nakamaong na pantalon. Iyon daw ang blind date niya. Kung di man niya mahanap ay hintayin na lang daw niya ang pagpasok nito sa pintuan ng restaurant. Pero ilang beses na siyang sumusulyap ay wala pa rin ang lalaki. Sa inip ay nagmessage na siya kay Emily. Ang sabi mo six, pero ano't six-twenty na ay wala pa rin iyong tao. Naiinip na ako dito.—Ariah Agad naman itong nakapagreply. Papunta na daw siya. Nataffric lang daw kaya medyo natagalan. Kaunting hintay na lang muna.—Emily Siguraduhin mo lang. Huling blind date ko na talaga ito.—Ariah Sigurado ako.—Emily Huling blind date na niya talaga iyon na sinet-up sa kaniya ni Emily. Noong mga nagdaang araw ay ilang blind dates ang sinet up sa kaniya ng kaibigan. Maayos naman sa una, nakakausap niya ang mga blind dates ng maayos. Ang iba ay hindi niya gusto, kung hindi sa kung paano manamit ay pangit naman yung ugali. Kaya wala siyang nagugustuhan. Yung iba naman, maayos rin sana sa una kaya lang pag binabanggit niya ang tungkol sa personal na buhay katulad na lamang ng pagbanggit niya na may inaalagaan siyang bata ay umaatras na ang mga blind date niya. Kesyo daw ayaw na may sagabal sa relasyon nila. Nagdesisyon siyang maghintay pa ulit ng ilang minuto. Ngunit dahil sa sobrang gutom ay hindi na niya matiis pa na tawagin ang waitress at sinabi ang napiling dish sa menu. Ilang minuto ang lumipas ay kaagad namang dumating ang inorder niyang pagkain. Kumain naman siya kaagad dahil sa matinding gutom. Nang matapos siyang kumain ay saktong may nagmessage sa kaniya. Ininom muna niya ang wine sa glass wine bago tiningnan ang message. Nandyan ka pa ba? Pasensya na, hindi raw makakarating yung kablind date mo ngayon. May biglaan daw kasing emergency. Sa susunod na lang kayo magkita.—Emily Nainis siya sa nabasa. Nagbuntong hininga na lamang siya at nag-iwan ng pera sa lamesa bago tumayo. Naglalakad pa lang siya nang mabunggo ang kung sinuman at natapunan pa ng dala nitong wine ang suot niyang fitted bodycon dress na strap lang nito ang tanging nakakapit sa kaniyang balikat. Hapit na hapit iyon at halatang nababakat ang kurba ng kaniyang katawan, at iyon ang ayaw niya. Pero wala siyang nagawa nang ipasuot ang dress na iyon sa kaniya ng kaibigan, isabay pa iyong sandals na three inches ang takong. "Oh, I'm sorry. Hindi kita napansin. Are you okay? I'm really sorry." Tumingala siya sa babae na nakatapon ng wine sa damit niya. Halatang nag-aalala ang mukha ng babae. Pero hindi niya iyon pinansin dahil bukod na sa pagkainis dahil sa kakahintay sa blind date na hindi naman pala makakasipot ay natapunan pa siya ng wine. Pinunasan na lamang niya ng sariling kamay ang suot na basa na. Namantsahan tuloy ang damit. "Okay lang. Pasensya na rin pero kailangan ko nang umalis. Kaya pwede bang makiraan? Nakaharang ka kasi sa daraanan ko." Hindi niya magawang maging kalmado at mabait dahil sa oras na iyon ay badtrip na siya. "Oh, o-okay. Sorry again." Tumabi ito para bigyan siya ng daraanan. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at dagling naglakad palabas ng restaurant. Hindi na niya napansin na marami na pala ang nakatingin sa kanila lalo na sa kaniya. Basta wala na siyang pakialam, gusto na lang niyang umuwi at puntahan ang pamangkin dahil siguradong kanina pa siya hinahanap nito. Nagpara siya ng taxi at sumakay rito. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarating na siya sa apartment niya. Pumunta muna siya sa apartment ni Emily na katabi lang ng kaniya. Pagkatok niya ay siya ring pagbukas ng pintuan niyon. Agad siyang pumasok na hindi pa rin naaalis ang pagkabadtrip. "Oh, anong nangyari sayo? Para kang binagsakan ng langit at lupa dyan," anas nito nang mapansin ang nakakunot niyang noo. "Alam mong ayaw kong pinaghihintay ako ng matagal tapos hindi naman pala sisipot? At isa pa, badtrip na nga ang gabi ko tapos natapunan pa ako ng wine. Tingnan mo basang-basa na ang suot ko. Kainis." Kasalukuyan siyang nakaupo sa mahabang sofa habang nakakrus ang mga binti at kamay. "Eh, may susunod naman kayong date. Baka sa susunod ay sumipot na talaga siya. Sadyang nagkaroon lang daw ng emergency kaya biglaan na hindi makakasipot yung tao." Inis niyang tiningnan si Emily na kalmado lang. "Hay naku, hindi na. Wala nang susunod na blind date. Wag mo na akong iset-up ulit sa mga blind dates na iyan, wala rin namang saysay. Ayaw ko na." "Eh paano yung blind date mo? Hindi mo na siya pagbibigyan ng chance?" Tumayo na siya at nagtungo kay Shawn. "Hindi na. Pakisabi na lang kamo na hindi na matutuloy ang blind date." Binuhat na niya si Shawn na noo'y naglalaro pa ng mga toys. "Hey there, kiddo, namiss mo ba si tita-mommy? Give me a kiss here." Tumalima naman ito sa utos niya at hinalikan siya sa pisngi. Napangiti siya at kiniskis ang ilong niya sa matangos nitong ilong. Humagikhik naman ito ng mahina. "Napaka-nega mo talaga." Nawala ang ngiti niya at inis na bumaling Kay Emily. "Tumahimik ka nga. Saka alam mo, mas gugustuhin ko na lang na makipaglaro kay Shawn kesa makipagblind dates sa mga taong hindi ko kilala na ang papangit pa ng style. Oh siya, aalis na kami. Salamat rin sa pagbantay sa kaniya." Muli niyang nilingon ang kargang si Shawn at ngumiti. "Say bye to tita Emily na. Say bye na, baby." Saad niya sa bata na kumaway naman kay Emily na naglalaro pa rin ng hawak na toy. "Bye, Shawn." Umalis na sila roon at nagtungo na sa apartment nila. Pagpasok sa sa apartment ay hinilamos na niya si Shawn at pinakain. Saka muna iniwan sa nito at nagtungo sa kwarto. Nagbihis lang siya saglit bago lumabas. Naglagay siya ng gatas sa bottle at nilagyan ng maligamgam na tubig. Tinungo niyang muli si Shawn at kinarga. "Baby, it's bedtime na. Ito na yung gatas mo." Pinasandal niya ito sa balikat niya habang nakadede sa chupon ng bottle. Sinasayaw niya ito habang mahinang humuhuni ng isang kanta. Ilang saglit lang ay tuluyan na itong nakatulog. Nanatili muna siyang nagsasayaw hanggang sa maisipan na niyang dahan-dahang nagtungo sa kwarto. Dalawa ang crib ni Shawn, meron sa sala at meron rin sa kwarto niya. Marahan niyang nilagay ang bata sa crib nito upang hindi ito magising. Nang tuluyan na niya itong maihiga sa crib ay marahan niya ring tinapik-tapik ang binti nito upang mas mahimbing na makatulog. Nang masigurado niyang hindi na magising ito ay nagtungo na siya sa CR para naghilamos. Nagsipilyo na rin siya pagkatapos ay nagtungo na muli sa kwarto. Hinalikan muna niya sa noo si Shawn bago mahiga at pinatay ang ilaw saka pinikit na ang mga mata hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.Ilang oras nang naghihintay si Ariah sa pag-uwi ni Geralt. Nakanguso ang kaniyang labi habang hinihimas ang medyo maumbok niyang tiyan. Apat na buwan na ang tiyan niya. "Ang tagal naman ng Daddy mo, baby. Ang sabi niya saglit lang siya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin siya nakakauwi." Halata ang labis na pagkairita sa kaniyang mukha habang hinihimas ang baby bump niya. Apat na buwan na ang nakakalipas nang ikasal sila. Matapos ang honeymoon ay lumipat na sila ng bagong bahay which is dating mansyon mula sa mga magulang ni Geralt. Hindi pa nga makapaniwala si Ariah nang malaman na may dating mansyon sila Geralt. Wala kasi itong nabanggit sa kaniya. Bago sila makalipat sa mansyon ay pinarenovate muna iyon ni Geralt. Bumili rin ito ng mga bagong furnitures para sa decoration sa loob ng mansyon. He even bought a king size bed na pinampalit sa dating katre ng kaniyang mga magulang sa dating kwarto. Gusto nga sanang ikwento iyon ni Ariah sa kaibigang si Emily pero nakaalis na ito.
Geralt's POV, Nakahiga lang ako sa kama habang nakayakap ang isang kamay sa beywang ng kasintahan kong si Ariana. Kanina pa ako gising at nakatitig lang sa maamo niyang mukha na mahimbing na natutulog. Marahan ang paghaplos ko sa malambot at makinis niyang balat.Galing kami sa mainit na pagtatalik kagabi at mukhang napagod ko siya dahil ilang oras na siyang tulog. Sa katunayan nga, dalawang beses pa lang kaming nagtalik. Una ay noong 1st anniversary namin. Iyon ang unang pagkakataon na isinuko niya ang sarili sakin. At ngayon ang pangalawa.Sa kaniya lang din ako nangako ng kasal. Ilang ulit ko na iyong sinasabi sa kaniya Pero tinatanggi niya. Pero kahit ganun ay hinayaan ko na lang siya, inisip ko na baka di pa siya handa. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya. Pero di pa rin ako titigil, hihintayin ko hanggang sa ready na siya.Mabait siya, mahinhin rin. Nakilala ko siya sa isang club na pagmamay-ari ni Kleo. Hindi siya yung tipo na mahilig manamit ng mga sexy na damit na pinapak
Hindi pa rin inaalis ni Ariah ang tingin kay Geralt, may gusto pa siyang malaman. Alam niyang marami pa itong kailangang ipaliwanag at gusto niya iyong marinig. "Pero bakit? Paano ka nakulong?" Tanong niya rito. "Sino naman ang may kayang gawin iyon sayo?" Ang alam niya ay hindi kayang maikulong o sampahan ng kaso si Geralt kahit marami itong kinasangkutan na kaso. Maimpluwensya siya at hindi siya basta-basta lang na kasuhan unless may mas makapangyarihan pa ang kayang gawin iyon sa kaniya. At iyon ang gusto niyang malaman. "It's Mrs. Gatchalian, Emily's mother. She's the one who sent me to jail." Nanlaki ang mga mata ni Ariah sa gulat nang banggitin ang Mommy ni Emily. "Ano?!" Gulat niyang anas rito, "Pero.. b-bakit? Bakit naman niya iyon gagawin? May ginawa ka ba sa kanila? Kilala ko sila, hindi naman nila iyon gagawin kung wala kang ginawa." May padududa niyang wika, napabuntong hininga na lang si Geralt. "I knew you would react like that." Kumunot ang noo niya sa sinabi ni
"Why do you only bring so few things? I bought you some clothes, where are they?" Takang tanong ni Geralt kay Ariah nang makita ang isang bag na dala niya, nakakunot pa ang noo nito. Nagkibit-balikat lang si Ariah."Hindi na ako nagdala ng marami. Nandito rin naman yung ibang damit na binigay mo. Besides, we're just going on vacation. We won't be there for long, aren't we?" He hissed, "Exactly, we're going on vacation and we'll be there for a few weeks. So, we'll still be staying there for quite a while." Sinundan niya ito nang tingin nang lumakad ito patungo sa closet, kinuha nito ang walang laman niyang luggage at kinuha ang mga damit na nakasabit sa closet. "I didn't spend my money buying you fancy clothes just to leave them behind when we went on vacation. At kahit ilang linggo o araw lang tayo dun, I don't care. I want you to wear these nice clothes wherever we go." Aniya nito na hindi tumatanggap ng angal. Matapos ilagay ang mga damit niya ay sinarado na nito ang luggage s
"Sandali, paano pala si Venice ano nang nangyari sa kaniya?" Tanong niya. Syempre nag-aalala pa rin siya para rito. Napabuntong hininga na lang si Geralt."She's dead. Kasalukuyan nang dinala pabalik sa kanila ang labi niya para sa ilibing." Hindi nakaimik si Ariah. Alam niya ang ginawa ni Venice at galit rin siya rito. Pero kahit na ganun ay hindi naman niya ninais na mangyari iyon kay Venice. Pero hindi niya iyon inaasahan na ganun na lang ang mararanasan ni Venice, nakakaawa pa rin siya. "Let's just hope those families don't take revenge for what happened to Venice. I know her family, especially her father. Hindi niya pinapalampas ang mga maaaring mangyari lalo na kapag napahamak ang pamilya niya, lalo na't isa si Venice ang pinakapaborito niya." Nakaramdam ng pangamba si Ariah. Natatakot siya sa kung anong maaaring mangyari. Paano kung bigla na lang silang sugurin ng pamilya ni Venice? Paano kung totoo ngang maghihiganti ang pamilya niya? Natatakot siya lalo na't siya ang dahil
Nang imulat na ni Ariah ang kaniyang mga mata ay puting kisame na naman ang una niyang nakita. Mukhang nasa hospital na naman siya. Sa amoy pa lang nga mga medisina sa loob, alam na niya kung nasan na siya. "She's awake." Narinig niyang saad ni Emily. Nandito siya at sa tono nito ay nag-aalala ito.Inilibot ni Ariah ang kaniyang pangingin. Nagtaka pa siya na ang dami nilang nakapalibot sa kaniya. Hindi lang si Emily ang naroon, pati sila Jeanna, Shaii at ang mga kaibigan ni Geralt. And of course, nandun rin si Geralt na hawak-hawak ang kamay niya habang nakaupo sa tabi niya. "Baby, I'm so grateful you're awake. How are you? May masakit ba sayo? Are you feeling unwell? Tell me." Sunod-sunod nitong tanong ngunit nakatitig lang siya rito. Naalala nya hindi kasama si Geralt sa pagligtas sa kaniya. Dahil dun ay nakaramdam ng inis si Ariah. Kung mahal siya nito at kung may pagsisisi nga ito sa mga ginawa niya, bakit wala siya dun para iligtas siya? Ang lakas ng loob nitong pumunta dito