Share

Chapter 3

CELINE

Nagcheck-in kami sa isang hotel. Doon muna kaming dalawa nagpalipas ng gabi. Bukas na bukas ay ikakasal na ako sa kanya. Civil wedding lang naman 'yon. Binilhan niya ako ng maraming damit. Bumili rin siya ng isusuot ko bukas sa kasal naming dalawa.

Maaga akong gumising kinabukasan. Sabay kaming gumising na dalawa at kumain kami ng breakfast ng sabay pa rin. Pagkatapos ay naligo kami at sinuot ang damit na susuotin namin sa kasal na 'yon.

Matapos 'yon ay lumabas na kami sa room para tumungo sa lugar kung saan kami ikakasal na dalawa. Iilan lang niyang mga kaibigan ang witness sa kasal naming 'yon.

Habang nasa biyahe kaming dalawa ay iniisip ko ang anak niya na hindi nakakaalam tungkol sa gagawin namin na 'to lalo na siya. Sigurado akong magagalit ang anak niya kung sino man nga ito sa kanya kapag nalaman nito na nagpakasal na ang daddy niya lalo na sa isang kagaya ko na mahirap lamang. Hindi ako mapakali habang nasa loob ako ng kotse niya. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating na nga kami sa lugar kung saan kami ikakasal na dalawa.

Matapos ang kasal naming dalawa ay umalis na kami doon. Masayang-masaya siya na naikasal na ako sa kanya. Pilit lang naman ang mga ngiti na pinapakita ko sa kanya. Ayaw kong ipakita ang tunay na nararamdaman ko dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Nagkunwari na lang ako na masaya. Kasal na ako. Ito na ang bagong mundo ko. Kailangan ko na lang na panindigan ang lahat ng 'to na pinasok ko.

"Saan po ba tayo pupunta?" malumanay na tanong ko sa kanya habang nagmamaneho siya ng kotse niya.

Nagpakawala muna siya nang malalim na buntong-hininga bago sumagot sa tanong ko na 'yon sa kanya.

"Uuwi na tayo sa mansion ko, Celine. Asawa na kita, okay? 'Wag mo na akong mai-po. Hindi na kailangan pa 'yon," sabi niya sa akin. Napangiwi ako pagkasabi niya na huwag ko na siyang ipo-po.

"Asawa mo na ako simula sa araw na 'to kaya hindi na kailangan pa na may po ka sa akin. Maliwanag ba 'yon sa 'yo, Celine?"

Tumango naman ako sa kanya pagkasabi niya na huwag ko na nga siyang tawagin na may po.

Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa patutunguhan naming dalawa. Nasa tapat kami ng kanyang mansion. May mga nakikita akong mga kasambahay doon sa labas ng mansion nila na nagtatrabaho. Namamagha ako sa nakikita ko sa labas. Maraming mga magagandang bulaklak doon sa malaking garden nila. Ang laki ng mansion niya. Ang ganda ng view kahit sa labas. Nasa loob pa rin kaming dalawa ng kotse niya.

"Nandito na tayo sa amin, Celine. Iyan ang mansion namin," sabi niya sa akin sabay turo ng kanilang mansion. "D'yan ka na titira sa mansion ko."

Panay naman ang tango ko sa kanya habang sinasabi niya 'yon. Iyon lang naman ang puwedeng sabihin ko. Hindi ako makapaniwala na sa ganitong napakagandang mansion siya nakatira.

"Nand'yan ba sa loob ang anak mo?" mahinang tanong ko sa kanya na mabilis naman nga niyang sinagot.

"Oo. Nand'yan siya sa loob ng mansion namin. 'Wag kang ma-alala dahil ako ang bahala sa 'yo. Ipapakilala kita sa kanya na asawa ko, Celine," sagot niya sa akin na nakangiti.

Hindi ko maiwasan na kabahan. Baka kasi magalit ang anak niya pagkakakita sa akin lalo na kapag malaman nga nito na ako na ang bagong asawa ng daddy niya. Wala pa naman siyang kaalam-alam na nagpakasal na muli ang daddy niya sa isang kagaya ko na hindi naman mayaman.

Tinanguan ko muli siya at hinawakan niya ang mga kamay ko. Nasusuka ako sa ginagawa niyang 'yon ngunit hinayaan ko lang siya. Kasal na kaming dalawa. Wala na akong kawala pa. Asawa ko na siya at lahat ng nais niya ay kailangan kong sundin o gawin. Hindi puwedeng hindi, eh. Wala akong nararamdaman na pagmamahalan sa kanya pero kailangan ko na pakisamahan siya nang maayos dahil asawa ko na nga siya.

Sinabi niya sa akin na hindi na ako maghihirap pa. Lahat ng naisin ko ay ibibigay raw niya. Makabubuti na rin 'to sa akin kaysa maghirap ako at mamatay sa gutom sa kalye.

Siya muna ang naunang bumaba mula sa loob ng kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto para makalabas na ako. May dalawang kasambahay na katabi siya. Nakatingin sila sa akin. Nang makalabas na ako sa kotse niya ay pinakilala niya ako sa dalawang kasambahay na nandoon sa labas na asawa niya. Ngumiti naman ako sa kanila at binati nila ako. Wala naman silang naging reaksisyon nang ipakilala akong asawa ng amo nila. Mukhang mabait naman sila lalo na 'yung isang kasambahay na mukhang magkakalapit lang ang edad naming dalawa. Nakangiti siya sa akin. Wala akong naramdaman na ka-plastikan o ano pa.

Kinuha na nilang dalawa ang mga gamit ko sa loob ng kotse para dalhin 'yon sa loob ng mansion. Magkahawak-kamay kaming naglalakad papasok sa loob ng mansion. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko. May kasambahay na sumalubong sa amin. Pinakilala muli ako niyang asawa niya dito.

Mas lalo akong namangha nang makapasok kami sa loob ng mansion nila. Amoy na amoy ko kaagad ang mabangong amoy sa loob ng mansion nila. Amoy pang-mayaman 'yon. Ang daming mga kumikinang-kinang na mga palamuti sa loob ng mansion nila. May malaking chandeliers. Mas maganda pa nga sa hotel na pinag-check-in-an naming dalawa.

"Dalhin n'yo ang mga 'yan sa loob ng kuwarto ko," sabi niya sa dalawang kasambahay na nagdadala ng mga gamit ko. Mga bagong bili niya 'yon.

"Opo, sir," sagot naman nga ng kasambahay na mukhang magkakalapit lang ang edad namin na dalawa.

"Very good. By the way, nasaan pala ang Sir David n'yo? Nandito ba siya? Hindi ba siya umalis?" tanong niya sa dalawang mga kasambahay. Tahimik lang ako na nakikinig sa kanila.

"Hindi naman po umalis ngayong araw na 'to si Sir David. Nandoon po siya sa loob ng kuwarto niya, sir," sabi naman ng isang kasambahay sa kanya.

Tinanguan niya ito pagkasagot sa tanong niya kung nasaan ang anak niya na si David. David pala ang pangalan ng nag-iisang anak nito. Ngayon ay alam ko na ang pangalan.

"Mabuti naman kung ganoon. Salamat sa inyong dalawa. Hindi naman pala umalis ngayong araw na 'to si David," sabi pa niya sa dalawang kasambahay na nasa harapan namin.

"Walang anuman po 'yon, sir," sabay nilang sagot sa amo nila.

"Pakisabi sa kanya na bumaba siya," sabi nito sa dalawang kasambahay na sabay naman ngang tumango sa kanya.

"Opo, sir. Sasabihan po namin siya na bumaba ngayon." My husband nods quickly.

Umalis na ang dalawang kasambahay sa harapan naming dalawa. Umakyat na sila sa hagdan patungo sa taas dala-dala ang mga gamit ko. Humarap siyang muli sa akin at nginitian ako.

"Kumusta ang pagdating mo dito sa mansion namin? Namamangha ka ba sa mga nakikita mo, huh?" nakangising tanong niya sa akin.

Mabilis naman akong tumango sa kanya at nagsalita, "Oo. Namamangha ako sa totoo lang. Mas maganda pa dito sa loob ng mansion n'yo kaysa doon sa hotel na pinag-check-in-an natin. Agaw pansin sa akin 'yang napakalaking chandeliers. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan kalaki, eh."

"Talaga ba? Mas maganda pa pala itong loob ng mansion namin kaysa doon sa hotel na pinag-check-in-an natin," sabi pa niya sa akin na nakangiti. "Anyway, 'yang nakikita mo na malaking chandeliers ay binili pa 'yan namin sa ibang bansa."

"Kaya po pala..." tanging naisagot ko sa kanya.

"Yeah. Mansion mo na rin 'to, Celine. Asawa na kita, 'di ba? Uulitin ko muli sa 'yo na dito ka na talaga titira. Lahat ng hingiin mo ay ibibigay ko sa 'yo. Hindi mo kailangan na mahiya, okay? Kung ano'ng mayroon ako ay dapat mayroon ka rin," sabi pa niya sa akin. "Alam ko na naninibago ka sa ganitong klaseng buhay pero masasanay ka na rin naman habang tumatagal n'yan. Hindi ka na maghihirap pa. You're so lucky to have me, Celine. I'm so lucky to have you too. Parehas tayong masuwerteng dalawa sa isa't isa."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status