Share

Chapter 4

DAVID

I heard someone knocking on my door, so I quickly stood up to open it and see who's that someone outside. Pagkabukas ko ay nakita ko kaagad si Irene na isa sa mga kasambahay namin. Siya lang pala ang kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. Akala ko ay kung sino na 'yon. Siya lang pala.

"Ano'ng kailangan mo sa akin?" tanong ko kaagad sa kanya pagkabukas ko ng pinto ng kuwarto ko.

"Pinapasabi po ng daddy mo po na bumaba ka po ngayon, Sir David," sagot kaagad niya sa akin. Napakunot-noo ako pagkasabi niya na pinabababa ako ni daddy ngayon. Umuwi na ba siya? Nandito na ba siya sa mansion? Hindi siya umuwi kahapon at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman siya nagsabi sa akin kahapon na hindi siya uuwi.

Marahas na bumuntong-hininga ako at tumango sa kanya. "Okay. Bababa ako ngayon din. Mabuti umuwi na si daddy. Hindi siya umuwi kahapon, 'di ba? We don't know why," sagot ko naman nga sa kanya.

Tumango naman si Irene pagkasabi ko.

"Oo nga po, eh. Umuwi na po siya ngayon pa lang po. May kasama po pala siya," sabi pa niya sa akin.

"Talaga ba?"

"Opo, Sir David. May kasama po siyang umuwi ngayon dito sa mansion n'yo," sabi pa niya sa akin bilang pangungumpirma sa sinabi niya na may kasamang umuwi ngayong araw na 'to si daddy.

"Sino ba ang kasama niya, huh? Kilala n'yo ba?" tanong ko pa sa kanya. Nagkatitigan muna silang dalawa ni Dina bago sumagot sa tanong kong 'yon kung sino ang kasama ni daddy na umuwi dito sa mansion namin.

"Ang sabi niya po sa amin ay asawa raw niya," anunsiyo ni Irene sa akin. Nanlaki ang mga ko pagkasabi niya na asawa ni daddy ang kasama niya.

"Ano?! Ano'ng sinabi mo?! Ulitin mo nga, Irene," hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Kumunot pa lalo ang noo ko sa sinabi niyang 'yon sa akin.

She breathes deeply before she speaks to me.

"Sir David, ang sinabi ko po sa 'yo ay may kasama pong babae ang daddy mo po. Pinakilala niya ito sa amin na asawa niya. Maganda naman po 'yung babae at hindi lang nagkakalayo ang edad naming dalawa. Totoo po ang sinasabi ko sa 'yo, Sir David. May kasama po ang daddy mo. Nabigla nga po kami pagkakita namin sa kanilang dalawa na magkasama. Wala naman po kaming magagawa kundi ang sundin ang sinasabi niya. Dinala nga po namin 'yung gamit ng babaeng pinakilala niya na asawa niya sa kuwarto niya. Kung gusto mo po na makita silang dalawa ay nasa baba po sila. Hinihintay ka po, Sir David," kuwento pa ni Irene sa akin dahilan upang mapakuyom ako ng kamao.

Ano 'tong nalalaman ko mula kay daddy? Nag-asawa na siya nang hindi ko alam? What the fuck?! Hindi lang siya umuwi kahapon dito sa mansion uuwi siya ngayong araw na 'to na may asawa na. Fuck! Ano'ng nangyayari sa kanya?! Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na uminit ang ulo sa nalalaman ko na 'yon.

Upang makasigurado nga ako na nagsasabi nga ng totoo si Irene ay tinanong ko rin si Dina na kasama niya kung totoo nga ba talaga 'yon.

Kaagad naman si Dina nagsalita at sinabing, "Opo, Sir David. Totoo po 'yon na sinabi ni Irene sa 'yo. May kasama po ngayon sa baba si Sir Ronaldo na babae na pinakilala niya sa aming asawa raw niya. Bata pa po ang babaeng 'yon. Maganda naman po. Tamang-tama lang ang pangangatawan at mukhang mabait naman po. Hinihintay ka na po nila. Para makita mo po talaga silang dalawa lalo na ang asawa niya ay bumababa ka na po. Baka ipapakilala sa 'yo ni Sir Ronaldo ang asawa niya."

Napamura ako pagkatapos na magsalita ni Dina. Totoong-totoo talaga ang sinasabi nilang dalawa sa akin. I took a deep breath and said, "Thanks for telling me about it. Bababa na ako. Gusto ko silang makitang dalawa lalo na ang sinasabi n'yong pinakilala ni daddy sa inyo na asawa niya."

"Walang anuman po 'yon, Sir David," sabay nilang sagot sa akin.

Lumabas na muna ako sa kuwarto ko para bumababa para tingnan kung sino nga ang sinasabi ng dalawang kasambahay namin na sinasabi nila na kasama ni daddy na pinakilala sa kanilang asawa nito. Bumababa pa lang ako sa hagdan ay kitang-kita ko na silang dalawa. Totoo talaga ang sinasabi ng dalawang kasambahay na sina Irene at Dina sa akin na may kasamang babae si daddy na pinakilala sa kanilang asawa. Paano naman magiging asawa ni daddy ang babaeng kasama niya? Kasal na ba sila? Bakit niya ipapakilalang asawa niya ito kung hindi pa naman sila kasal? Puwede naman na girlfriend niya, 'di ba? Nakapagtataka nga lang. Asawa na kaagad ang pinapakilala niya.

Nang papalapit na ako sa kanilang dalawa ay humarap sila sa akin na salubong ang aking mga kilay. Kita ko na ang pagmumukha ng babaeng kasama niya. Hindi naman pangit ito. Maganda naman. Magkahawak-kamay silang dalawa na nakatingin sa akin. Napapamura ako sa isip ko.

CELINE

Tanaw na tanaw ko nang bumababa sa hagdan ang anak ng asawa ko na si Ronaldo. Matangkad ang kanyang anak. Nang papalapit na siya sa aming dalawa ng daddy niya ay humarap kami sa kanya. Magkahawak-kamay kaming dalawa. Nakita niya 'yon sigurado ako. Ayaw ko naman na may kahawak-kamay ngunit wala akong magagawa kundi ang makipaghawak-kamay sa kanya. Asawa ko na siya, eh.

Nang makalapit siya sa amin ay bumilis kaagad ang tibok ng puso ko. Guwapo ang asawa ko na si Ronaldo ngunit mas guwapo ang anak niya na si David. Malaki ang pangangatawan nito. He's hot sa totoo lang. Hapit na hapit ang matitipunong katawan niya sa suot niyang kulay itim na sando. Ang laki ng braso niya. Salubong ang mga kilay niya na nakatingin sa aming dalawa ng daddy niya. Hindi maalis-alis ang mga mata ko sa kanya.

"Who is that girl?" seryosong tanong niya sa daddy niya. Wala man lang itong pagbati o pagbesong ginawa sa daddy niya. Iyon kaagad ang tanong niya sa daddy niya. "Who is she, dad? Why is she here in our mansion? Ba't kayong dalawa magkahawak-kamay?"

Kinabahan muli ako sa naging tanong niya sa daddy niya. Mukhang galit siya sa tono ng pananalita niya. Hindi pa rin maalis-alis ang tingin ko sa kanya at para bang hindi nakakasawang pagmasdan ang guwapong mukha niya. My heart is still beating so fast. Hindi ko gusto ang daddy niya pero pagdating sa kanya ay mapapasabi ako na gusto ko siya. Gusto ko siya. Unang tingin ko pa lang sa kanya ay iba na ang nararamdaman ko. Gusto ko siya.

Sumulyap muna sa akin ang daddy niya bago nagsalita sa mga katanungan nga niyang 'yon. Pinisil pa niya ang aking kamay.

"Asawa ko siya, David..." anunsiyo ng asawa ko sa kanya. Umawang ang mga labi niya pagkasabi ng daddy niya sa kanya na asawa ako niya.

"W-what?! What did you say, dad? Asawa mo po siya? Are you kidding me? Paano mo naman nasabing asawa mo siya? Kasal na ba kayo, huh?!" sunod-sunod na tanong niya sa daddy niya na dahan-dahan naman na tumango pagkatanong.

"Yes. Asawa ko na siya, David. Kasal na kaming dalawa," sabi pa niya sa anak niya na si David na hindi ko na ma-describe ang mukha. Sinasabi ko na nga ba na magagalit ito kapag nalaman nito ang tungkol sa aming dalawa ng daddy niya. Hindi pa naman ito nakakaalam na ikakasal na ang daddy niya sa isang kagaya ko. Diyos ko! 'Wag naman sanang mag-away ang mag-ama dahil sa akin.

Mahinang napamura si David na anak nga niya. Sinamaan niya ako ng tingin.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status