Share

Chapter 2

CELINE

"Alam ko nabibigla ka sa sinabi kong 'yon sa 'yo pero gusto kita, Celine. Unang kita ko pa lang sa 'yo ngayon ay nasabi ko na sa sarili ko na gusto kita. Gusto kitang maging asawa ko kaya pumayag ka na pakasalan ko. Tutulungan kita sa lahat ng bagay. Bibigyan kita ng maraming pera. Hindi ka na maghihirap pa, okay? Magbabago na ang buhay mo, Celine. Magiging mayaman ka na. Hindi mo na rin kailangan na magtrabaho pa. Gusto kitang pakasalan," sabi pa nga niya sa akin. Hindi pa rin ako nagsasalita sa kanya matapos niyang sabihin ang mga 'yon. Napangiwi ako.

"Iyon lang po ba ang ibang paraan para tulungan mo po ako, sir?" mahinang tanong ko sa kanya. Nagpakawala muli siya ng malalim na buntong-hininga at nagsalita, "Maraming puwedeng paraan pero 'yon ang gusto ko, eh. Ayaw ko rin na magtatrabaho ka pa. Gusto ko na magbuhay reyna ka na lang kaya pumayag ka na sa gusto ko na mangyari. Pakasalan mo ako para maging asawa na kita. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat, Celine. Hindi ka na maghihirap pa. Magiging masaya ka na lang sa piling ko habambuhay. Wala ka nang kailangan pa na isipin."

Napangiwi pa akong muli sa sinabi niyang 'yon.

"Wala ka po bang asawa't anak, sir?" tanong ko nga sa kanya.

"Wala na akong asawa, Celine. Sampung taon na ngang patay ang asawa ko," sagot niya sa 'kin.

"Talaga po ba?"

"Oo. Sampung taon na ang nakalipas nang mamatay siya."

"E, anak po ba, sir? May anak ka po ba?" tanong ko sa kanya kung may anak nga siya.

Mabilis naman na tumango siya sa akin at nagsalita, "Oo. May anak akong lalaki. Malaki na siya. He's twenty six years old. Matanda lang siya ng tatlong taon since sinabi mo sa akin na twenty three years old ka na."

Tumango-tango ako pagkasagot niya. Patay na pala ang asawa niya. Sampung taon na ang nakalipas ngunit may isa siyang anak na lalaki na matanda lang sa akin ng tatlong taon.

"Malaya na akong magpakasal ngayon, Celine. Gusto kita. Gusto kitang pakasalan kaya pumayag ka na sanang pakasalan ako. Hindi ka na maghihirap pa kapag pinakasalan mo ako. Hindi mo na rin kailangan na magtrabaho. Magiging buhay prinsesa ka na n'yan. Kailanma'y hindi mo na mararanasan pa ang paghihirap sa buhay mo. Pakasalan mo ako, Celine," sabi pa niya sa akin. Gustong-gusto talaga niya akong pakasalan.

Tumahimik muna ako pagkasabi niya. Hindi muna ako nagsalita ng kung anu-ano sa kanya. Nag-iisip-isip ako kung papayag ba ako sa nais niya. Kung tatanggihan ko naman 'yon ay walang mangyayari. Hindi niya ako tutulungan.

Nang makapagdesisyon na ako ay saka lang ako nagsalita sa kanyang muli. Papayag na ako sa nais niyang mangyari na magpakasal sa kanya kahit hindi ko naman siya gusto. Hindi ko naman talaga siya gusto. Guwapo siya pero hindi ko siya gusto.

Papayag na ako sa kanya na magpakasal kaysa mahirapan pa ako sa buhay. Mabait naman siya at nararamdaman ko 'yon. Wala naman siguro siyang masamang intensiyon sa akin. Kapag tumanggi pa ako sa kanya baka sa basurahan na ako nito pulutin. Hindi niya ako tutulungan kung tumanggi ako sa kanya. Patay naman na ang asawa niya kaya wala namang problema kung magpakasal ako sa kanya.

"Pumapayag na po ako sa 'yo na magpakasal, sir," sagot ko nga sa kanya. Natuwa siya pagkatapos kong sabihin 'yon sa kanya at para bang kumikinang-kinang ang mga mata niya pagkasabi niya.

"Talaga ba? Pumapayag ka na magpakasal sa akin, Celine?" paniniguradong tanong niya sa akin.

"Opo, sir. Pumapayag na po ako. Mas mabuti na pong pumayag ako na magpakasal sa 'yo kaysa tanggihan ka po," sagot ko sa kanya.

"Mabuti nga na pumayag ka na magpakasal sa akin, Celine. Hindi mo na kailangan pa na problemahin ang buhay mo. Kung hindi ka pumayag na magpakasal sa akin ay sigurado ako na mahihirapan ka sa buhay mo. You made a good decision, Celine. Pakakasalan kita bukas na bukas pa 'yan. Hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon, Celine. Pakakasalan na kita. Hinding-hindi mo pagsisihan ang pagpayag mo na pakasalan ako. Ibibigay ko sa 'yo ang lahat ng hingiin mo. Kailanma'y hindi ka na maghihirap pa, okay? Magiging mayaman ka na sa wakas," nakangising tugon niya sa akin na tinanguan ko naman kaagad.

"Hindi ko inaasahan ang lahat ng 'to. Kumakain lang ako ngayon, nagkaroon na kaagad ako ng pakakasalan."

"Maging ako po ay ganoon rin po, eh. Hindi ko po inaasahan na magpapakasal na po ako, sir. Sana po talaga ay hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko na 'to na pakasalan ka po, sir," sabi ko pa sa kanya.

"Hindi mo naman pagsisihan ang desisyon mo na 'yon, Celine. Magandang desisyon ang ginawa mo na pagpayag sa akin na pakasalan ako, okay? Magiging mayaman ka na. Magiging maayos na ang buhay mo. Wala ka nang kailangan pa na problemahin pa. Magiging masaya tayong dalawa, Celine. Pakakasalan kita bukas na bukas. Simula ngayong araw na 'to ay sasama ka na sa akin," sabi pa niya sa akin.

"Sasama na po ako sa 'yo, sir? Sigurado ka po ba sa sinasabi mo?" tanong ko pa sa kanya na nanlalaki ang mga mata.

"Oo. Sigurado ako sa sinasabi ko sa 'yo, Celine. Isasama na kita ngayon. Pakakasalan na kita bukas. Hindi ko na patatagalin pa 'to, eh," sabi niya sa akin. Desidido na talaga siyang pakasalan ako. Hindi naman ako nagsalita pa o nagreklamo sa kanya sapagkat wala naman akong magagawa. Pumayag na ako sa kanya. Pumayag na ako na magpakasal sa kanya.

Maliwanag na sa aming dalawa ang naging pag-uusap namin na 'yon. Pakakasalan na niya ako. Iyon ang totoo.

"Saan mo po ba ako dadalhin, sir?" tanong ko sa kanya habang nasa loob kami ng mamahaling kotse niya. Siya ang nagmamaneho ng kotse niyang 'yon.

He sighed first and said, "Magche-check-in muna tayong dalawa sa isang hotel. Kaibigan ko ang may-ari ng hotel na 'yon, Celine."

"Talaga po ba?" paniniguradong tanong ko pa sa kanya.

"Oo."

"Wala ka po bang bahay?" tanong ko pa sa kanya.

"May bahay ako pero hindi muna kita iuuwi doon, Celine," sagot niya sa akin na ipinagtaka ko kung bakit hindi muna niya ako iuuwi sa bahay niya.

"Bakit po hindi muna, sir?" tanong ko pa sa kanya.

Muli siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at nagsalita, "Nandoon ang anak ko. Iuuwi kita doon sa mansion namin kapag naikasal na tayo."

"Huh? Bakit naman po? Hindi mo po ba sasabihin sa anak mong 'yon ang tungkol sa ating dalawa lalo na po sa akin, sir?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Hindi muna, Celine. Wala naman siyang pakialam kahit sabihin ko 'yon sa kanya. Wala naman siyang magagawa, eh, dahil gusto kitang pakasalan. Gusto kitang maging asawa ko," paliwanag niya sa akin at napangiwi naman ako pagkasabi niya.

"Hindi po kaya siya magalit sa 'yo dahil sa gagawin natin na 'to? Anak mo pa rin po siya, eh. May karapatan po siyang malaman ang totoo lalo na sa gagawin po nating dalawa na pagpapakasal," tanong ko sa kanya na medyo nag-aalala baka kasi magalit ang anak niyang 'yon.

"Celine, hindi mo kailangan na problemahin pa 'yon, okay? Hindi naman magagalit 'yon sa akin, eh. Magtiwala ka lang. Kung magalit man nga siya n'yan sa akin ay wala naman na siyang magagawa pa. Huwag mo nang isipin pa 'yon, okay? Isipin mo na lang ang magiging kasal natin bukas. Maliwanag ba ang sinabi kong 'yon sa 'yo?" paliwanag niya sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya sa sinabing 'yon niya. Bahala na. Bahala na siya. Bahala na kung ano ang maging resulta ng desisyon namin na 'to na magpakasal lalo na ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status