Share

Chapter sixteen

Nagising ako na malakas ang hangin sa labas mukhang masama pa ang panahon, kaya pala malamig rin ay dahil nakahubad rin pala ako kaya dali-dali akong nagbihis.

Sinara ko ang bintana dahil baka pumasok ang ulan dahil madilim na rin ang kalangitan.

Apat na araw na kami rito ni Raphael at tumutulong rin siya sa paggawa nitong bahay, at ako ang ginagawa ko ay nagluluto dahil ito ang pinakagusto ko sa lahat.

Kahit ayaw ni Raphael na mapagod ako ay ayoko naman na walang gawin.

Pumasok ako sa banyo na malaki at may bathtub naalala ko na sabay kaming naliligo dito ni Raphael at bigla na lang nag-init ang pisngi ng maalala ko kung ano ang ginawa namin dito kagabi.

Napailing ako at naghilamos na lang at nagsepilyo na may pagmamadali, nang matapos ako ay lumabas na ako at pumunta sa walk in closet at naghanap ng jacket na pwede kong isuot para hindi ako lamigin.

Masarap sana na mahiga lang sa malambot na kama pero may kailangan akong gawin ngayong araw kaya agad ko ng sinuot ang jacket na napili
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status