FAZER LOGINLuna’s POV
Maaga akong nagising at kumain dahil pupunta ako ngayon sa attorney na kakilala ni Pearl. Siya raw ang isa sa mga pinakamahusay na abogado sa siyudad. Nagbihis ako at naglagay ng kaunting makeup para naman presentable ako habang inaayos ang mga dokumento. “Are you going already?” tanong sa akin ni Pearl habang nakatayo sa may pintuan. “Oo, para makakaalis din ako in a few weeks papuntang Spain,” simpleng ngiti kong sabi sa kanya, kahit ang totoo ay may kabang unti-unting bumabalot sa dibdib ko. Napabuntong-hininga na lang si Pearl. Kailangan ko talagang lumayo at mangibang-bansa. Hangga't maaari, hindi dapat malaman ni Alex na buntis ako—na may anak siya sa akin. Sisiguraduhin kong hinding-hindi niya kami mahahanap. Nasa loob na ako ng restaurant kung saan kami magkikita ni Atty. Lana Magna para simulan ang proseso ng annulment namin ni Alex. Umorder na muna ako ng kape habang naghihintay sa isang tahimik na sulok, pilit pinakalma ang sarili ko sa bawat minutong lumilipas. Ilang minuto pa ang lumipas nang pumasok ang isang babaeng propesyonal ang tikas at may bitbit na itim na attaché case. Dumiretso ang tingin niya sa table ko, kaya agad akong tumayo para salubungin siya. “Atty. Lana Magna?” tanong ko habang nakikipag-kamay. “Yes, and you must be Luna,” nakangiting bati niya bago umupo sa tapat ko. “I’m sorry kung medyo na-traffic ako. Let’s get straight to business.” Tumango ako at inabot sa kanya ang brown envelope na naglalaman ng mga paunang dokumento na kailangan namin para sa annulment. Habang binabasa niya ang mga ito, naramdaman ko ang bigat ng dibdib ko. Naroon ang takot na baka humadlang si Alex, pero mas nangingibabaw ang determinasyon kong matapos ang lahat ng ito bago tuluyang lumipad patungong Spain. “The grounds are solid, Luna. Pero kailangan nating kumilos nang mabilis lalo na kung aalis ka ng bansa,” seryosong sabi ni Atty. Lana habang ibinabalik ang mga papel sa folder. “May mga dokumento lang tayong kailangang pirmahan ngayon para maisampa na natin agad sa korte.” Habang pinipirmahan ko ang bawat pahina, parang unti-unting nababawasan ang kadenang matagal nang nakapulupot sa leeg ko. Isa itong hakbang palayo sa nakaraan, at palayo kay Alex. Pero habang isinusulat ko ang pangalan ko, hindi ko maiwasang mapahawak nang mahigpit sa tiyan ko—dito, sa loob ko, ay ang sikretong hinding-hindi ko hahayaang maagaw o malaman niya. Pagkatapos naming mag-usap ni attorney, nagpasya akong dumaan muna sa isang bookstore bago umuwi. Kailangan kong mag-isip, magpalipas ng oras, at namnamin ang sandaling ito ng kalayaan bago ako harapin ni Pearl mamaya para sa huling listahan ng mga dadalhin ko sa pag-alis. Isang linggo ang lumipas at mabilis na dumaan ang mga araw. Habang nakatingin ako sa salamin, pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili—suot ang simpleng beige trench coat, habang ang aking maleta at mga bitbit na dokumento ay nakaayos na sa tabi ng p***o. Tahimik kong hinawakan ang aking tiyan, kung saan halos tatlong buwan na ang nagdaraan at unti-unti nang nahahalata ang munting umbok. Ligtas na ang lahat. Inaprubahan na ni Atty. Lana Magna ang bisa ng mabilisang hakbang sa aming annulment, at hawak ko na ngayon ang opisyal na kopya ng desisyon ng korte. Malaya na ako kay Alex. “Are you all set, Best?” tanong ni Pearl habang binababa ang huli kong hand-carry bag sa sahig, may bahid ng lungkot at pag-aalala ang mga mata nito. “Sigurado ka bang ayaw mo nang mag-iwan ng kahit konting balita sa mga kakilala natin dito?” “Mas mabuti na ito, Best,” sagot ko habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. “Mas ligtas kami ng anak ko sa Spain. Walang Alex na makakaalam nang secreto ko, at walang hihila sa akin pabalik sa impiyernong iyon.” Niyakap ako nang mahigpit ni Pearl bago kami tuluyang sumakay ng Grab papuntang International Airport. Habang bumibiyahe kami sa maagang trapiko ng siyudad, nakatingin lamang ako sa bintana, pinapanood ang mga gusali na unti-unting lumilipas. Tila ba bawat kilometrong binabaybay namin palayo ay isang pader na itinatayo ko para protektahan ang aking kinabukasan. Pagdating sa airport, mabilis naming natapos ang check-in procedures dahil naayos ko na ang lahat ng flight at visa requirements noon pa man. Nang marinig ko ang huling boarding call para sa international flight papuntang Madrid via Manila, alam kong wala nang atrasan ito. “Mag-ingat ka roon, ha? Huwag mong pababayaan ang inaanak ko,” bilin ni Pearl habang nag-aabot ng panyo para sa luha kong kanina pa nagbabantang pumatak. “Maraming salamat sa lahat, Pearl. Utang ko sa iyo ang bagong buhay na ito,” huling yakap ko sa kanya bago tumalikod at pumasok sa immigration. Habang naglalakad ako patungo sa departure gate habang bitbit ang aking boarding pass, huminga ako ng malalim. Ramdam ko ang lamig ng aircon sa loob ng terminal, pero sa loob ng dibdib ko, may bagong init ng pag-asa. Tuluyan nang nagwakas ang kwento namin ni Alex, at dito sa paglipad ko patungong Espanya, nagsisimula na ang tunay kong kwento—ako at ang anak ko. “Text or call me, okay? When you land already, mami-miss ko ikaw, best,” nalulungkot na sabi sa akin ni Pearl. “I will, but please bumisita ka naman sa akin doon, okay?” pabiro ko pang sabi sa kanya habang pinapahid ang luha sa aking mga mata. I held my luggage and walked to the boarding gate. Babalik ako, at sa pagbabalik ko, ibang Luna na ang makikita ninyo. And I will get my revenge if they do something bad to me or to my soon-to-be baby. “Everything will be alright soon, baby, Mommy promises you that,” tanging bulong ko sa tiyan kong maumbok na. “Flight bound to Spain is now boarding,” sabi ng flight crew, kaya tumayo na ako sa upuan ko at saka naglakad papunta sa eroplano. Huminto ako saglit at tumingin sa labas. “We will see each other again, Philippines, but for now, it’s a goodbye.” Nasa upuan ako ngayon nang may mapansin akong isang babae na parang tumakas sa pamilya niya. “Miss, are you okay?” tanong ko sa kanya. Nagulat naman siya nang magsalita ako at saka siya nagsiksikan sa gilid ng upuan niya. “I’m okay,” nauutal niyang sabi sa akin, kaya naupo na lang ako sa upuan ko. Too much pain has caused me to leave this place, at babalik akong kakayanin ang lahat ng hamon na iyon.Luna’s POV“But we’re going to talk about that.”I stared at him.“Talk about what?”“Our annulment.”Of course.I crossed my arms and looked away.“Then let’s talk about it. That’s the reason why I came here in the first place.”He stared at me for a few seconds before he sighed.“Not here.”“Then where?”“My office.”I looked at the building behind him.“Your office? Again?”“Yes.”“Your people literally dragged me out of there earlier, and now you want me to go inside again?” I irritatedly said to him.“I already fired them.” “Good for them,” I sarcastically said to him.“Luna.”“What?” I hissed at him.“Come with me.”I rolled my eyes but followed him inside.I don’t know why I still followed him. Maybe because I really needed to talk about the annulment.Or maybe because some stupid part of me still wanted to hear what he had to say.No.I don’t care anymore.Five years ago, I already made my decision to stop loving him and forgot about him.We reached his office and he opened t
Luna’s POVI’m in front of Alexander’s Building, kung saan siya mismo ang may-ari. I entered and pumunta sa reception desk nila.“Excuse me, Miss.”Pagtawag ko sa isang babae na nagce-cellphone lang sa gilid, ni hindi man lang siya tumingin sa akin.Ganito na ba mga empleyado dito, nagce-cellphone during office hours?Kinatok ko ang front desk para ma-notice niya man lang, pero wala pa rin.“Excuse me,” sabi ko.Parang nairita na ata si ate mo gurl at ibinaba ang cellphone niya, ang sungit makatingin sa akin.“Yes, hi. I want to talk to Mr. Noel, please. Can you call his assistant?”“May appointment ka ba?” sabi niya habang nakataas ang kilay sa akin.Aba, namumuro na sa akin ang babaeng ito. Kulang na lang sapakin ko ’to.“Sorry, I don’t have one. But can you tell him it’s urgent? My name is Luna Alegra. I know he knows me.”“Sorry, Ma’am, but we prefer you to have an appointment with him.”Pagdidiin niya pa.I am totally pissed off right now. Like, anong klaseng babae ba ito? Nagmam
Luna’s POV Hindi ako makagalaw habang nakatitig lang ako sa phone ko. Paulit-ulit kong binabasa ang message na natanggap ko. I know you’re with our daughter. Our daughter. Parang biglang nawala ang hangin sa paligid ko. Hindi ko alam kung paano niya nalaman. Hindi ko alam kung sino ang nagsabi sa kanya. At higit sa lahat, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung totoong alam na ni Alex ang tungkol kay Vianna. “Mommy?” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Via. Nakatayo siya sa doorway ng hotel room habang hawak ang maliit niyang stuffed bunny. “Are you okay?” Pinilit kong ngumiti. “Yes, baby. Mommy is okay.” Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. “You look sad.” Napayuko ako. Five years. Limang taon kong pinrotektahan ang anak ko mula sa lahat ng bagay na maaaring makasakit sa kanya. At ngayon, isang message lang ang kailangan para maramdaman kong unti-unti nang bumabalik ang lahat ng tinakasan ko. “Mommy?” “Yes, cariño?” “Are we going to see Daddy?” N
Luna’s POVHindi ko alam kung paano ako makakauwi nang maayos pagkatapos ng pag-uusap namin ni Atty. Lana.Nasa loob na ako ng sasakyan pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang sinabi niya.Legally, you’re still his wife.Paulit-ulit na umiikot iyon sa utak ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana.Five years.Limang taon kong inakala na tapos na ang lahat.Limang taon kong pinaniwalaan na malaya na ako kay Alex.At ngayon, isang folder lang ng mga dokumento ang sapat para sirain ang lahat ng pinaniwalaan ko.“Ma’am, we’re here.”Napalingon ako sa driver.“Thank you.”Bumaba ako ng sasakyan at agad na pumasok sa hotel.Pagdating ko sa elevator, pinindot ko ang floor namin at napasandal sa gilid nito.Huminga ako nang malalim.I need to calm down.Hindi ako puwedeng mag-panic.Hindi habang kasama ko si Via.Pagbukas ng elevator, agad akong naglakad papunta sa room.Pagbukas ko ng pinto, narinig ko agad ang cartoons na nagmumula sa television.Nasa sofa si Vianna kasama ang yaya ni
Luna’s POVPaglabas ko ng restaurant, mahigpit kong hawak ang folder na ibinigay sa akin ni Atty. Lana. Parang sa bigat ng hawak ko rito, kasama na rin nito ang lahat ng problemang pilit kong tinatakasan sa loob ng limang taon.“Luna.”Napalingon ako kay Atty. Lana na kasalukuyang palabas din ng restaurant.“Yes?”“Are you sure you don’t want me to come with you?”I shook my head.“I’m fine.”“Hindi ka mukhang fine.”Napangiti ako nang pilit.“I’ll be okay.”Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko, pero wala na rin siyang sinabi. Lumapit lamang siya sa akin at bahagyang hinawakan ang balikat ko.“Call me kapag may nangyari.”“I will.”“And Luna…”“Hm?”“Be careful.”Tumango ako.“I will.”Hindi na ako nagtagal pa roon. Naglakad na ako papunta sa parking area kung saan naghihintay ang driver na kinuha namin para sa buong araw.Pagkasakay ko sa kotse, agad kong inilagay ang folder sa tabi ko.I stared at it.Hindi ko alam kung bakit parang natatakot akong buksan ulit iyon.Alam ko
Luna’s POV “Atty., how come hindi pa annulled ang kasal namin ni Alex? I thought okay na ang lahat. Then what happened to this?” tanong ko kay Atty. Lana nang magkita kami sa restaurant. Hindi siya agad makasagot sa akin. Tahimik lang siyang nakaupo sa harapan ko habang nakatingin sa mga papers na hawak ko. Ilang beses niyang binuksan ang bibig niya na parang may gustong sabihin pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Mas lalo akong kinabahan. “Atty.?” Huminga siya nang malalim bago niya inayos ang salamin niya. “Luna, I’m sorry.” Napakunot ang noo ko. “For what?” Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinuha ko na lang ang mga papers tungkol sa annulment at isa-isang tiningnan ang mga dokumento. Binuklat ko ang bawat page habang sinusubukang intindihin kung ano ba talaga ang nangyari. May mga pirma. May mga dates. May mga stamps. Pero wala roon ang bagay na pinaniniwalaan kong dapat naroon. The final order. “Wait…” Muli kong tiningnan ang papers. “Where is the final decr







