LOGINSi Katherine ay kasal kay Leon nang tatlong taon. Sa loob ng tatlong taon na iyon, hindi kailanman naisip ni Katherine na guguho ang perpekto nilang pag-iibigan. Pinagkatiwalaan niya ang lalaki. Inialay niya ang kanyang buhay sa kanya. At nang madiskubre niyang buntis siya, inakala ni Katherine na sa wakas ay mabubuo na ang pamilyang matagal na niyang pinangarap. Until she discovered something that made her question everything. Dahil natuklasan niyang ang kanyang loyal na asawa ay may itinatago pala sa kanya, doon nagsimulang magbago ang lahat. And then one day… Katherine heard a child’s voice on Leon’s phone. “Papa.” Isang salita lang iyon, ngunit sapat na para gumuho ang lahat ng pinaniniwalaan niya tungkol sa kanilang pagsasama. Nang tuluyan niyang matuklasan ang katotohanan tungkol sa kanilang kasal, nagpasya si Katherine na talikuran si Leon at magsimulang muli. Years passed, and their paths crossed once again. But this time, Katherine was no longer alone. She was already in another man’s arms—a man who loved her even at her worst. Ngunit paano kung dumating ang araw na malaman ni Katherine ang buong katotohanan? Handa ba siyang iwan ang lalaking natutunang magmahal sa kanya para sa lalaking minsang minahal niya? O tuluyan na niyang kakalimutan si Leon kahit malaman niya ang katotohanan?
View MoreKatherine
"Leon, kailan ko ba makikita ang mga magulang mo?" Tanong ko sa kanya nang maghapunan kami isang gabi. "Tatlong taon na tayong kasal, pero ni minsan ay hindi ko man lang nakilala ang mga magulang mo." Nabaling ang tingin niya sa akin, pilit na ngumiti. Inabot niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa at hinawakan niya ang aking malamig na kamay gamit ang mainit niyang palad na nagbibigay sa akin ng dahilan upang mabuhay sa mundong ito. "Didn't I tell you that they were busy with our family business in London?" marahan niyang paalala sa akin, para akong sinusuyo ng kanyang malambing na boses. I pouted my lips. Kinurot niya ang pisngi ko at pinatakan ng halik ang aking labi dahil halos magkatabi lang naman kami. Kuhang-kuha niya talaga ang kiliti ko. He cupped my face and looked at me intently. "Time will come, honey, okay? My parents love to see you too." Tumango ako. May tiwala ako kay Leon. Naniniwala ako sa lahat ng sinasabi niya sa akin. Dalawang taon kaming nagsama bilang magkasintahan. At tatlong taon na kaming kasal ni Leon, kaya wala na akong dapat ipangamba. Isa pa, alam ko namang hindi niya ako bibiguin dahil mahal na mahal niya ako. We weren't a perfect couple. Nag-aaway din kami katulad ng iba dahil parte na iyon ng relasyon. Hindi ko na mabilang kung ilan pero sa huli, nareresolba namin iyon. Ginagawan niya ng paraan. Hindi niya kasi hinahayaan na mag-away kaming dalawa nang matagal o matulog ako nang may sama ng loob sa kanya. He was the sweetest. Wala na akong mahihiling pang iba. For three years of being married. Hindi niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal, kaya panatag ang aking puso. Alam kong totoo ang pag-ibig naming ito. "Siya nga pala," tawag ko sa kanya. Inabot ko ang isang puting envelope na naglalaman ng ultrasound na ibinigay sa akin ng aking OB kanina lang. Kumikinang ang aking mga mata nang hawakan niya iyon. Naghuhuramentado ang puso ko sa sobrang saya. Matagal na kasi namin itong hinihintay, kaya alam kong matutuwa siya. I bit my lower lip while waiting for his reaction. "Ano 'to?" Tanong niya, nakatingin sa akin. "Just open it."Marahan kong sinabi, pinipilit na huwag ipakita ang galak sa aking mukha dahil nasasabik ako sa kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nakita ang ultrasound. Dahan-dahan niya iyong binuksan, at nang makita niya ang laman. Nakita ko kung paano siya namutla, pero agad ding napatingin sa akin na parang wala lang. Na para bang guni-guni ko lang ang nakita ko. Then, his eyes sparkled. "Whoa," he whispered, and his eyes darted towards me. I stared at him for a long time and smiled. "Congrats to us," hinigpitan ko ang paghawak sa kanyang kamay. Tumango siya at ngumiti, pero ewan ko ba, may kakaiba akong nararamdaman sa ngiti niyang iyan. Parang may ibang pinapahiwatig iyon sa akin na dapat ay hindi ko balewalain pero dahil masaya akong magkakaroon na kami ng anak. Mas pinili ko na lamang na balewalain ang senyales na iyon. "Mabubuo na rin tayo, mahal ko." Bulong niya. Iyon ang paulit-ulit na umiikot sa aking isipan habang naghihintay sa pagdating ng asawa ko na kanina ko pa hinihintay. Simula pa ata nang malaman niyang buntis na ako ay halos nagdoble-kayod na siya para sa amin. Halos gabi na siya umuuwi sa bahay, nag-overtime sa trabaho. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nai-imagine ang posibleng mangyari sa aming hinaharap. And I couldn't wait for that day to come. Ako, si Leon at ang magiging anak namin. Matagal na naming hinintay na magkaanak at ngayong nandito na ito. Alam kong mas lalo pa siyang magsusumikap. At ang isipin iyon, hindi mapagsidlan ang sayang na nadarama ko habang nakahawak sa umbok ng aking tiyan. While waiting, my eyes landed on the clock on the wall. Alas-diyes na ng gabi. Hindi maalis ang tingin ko sa lamesa kung nasaan ang mga inihanda ko para sa kanyang kaarawan. Isang maliit na keyk at ilang paborito niyang ulam. Tatlong taon na kaming magkasama at sanay naman na ako na kami lang dalawa ang nagse-celebrate ng kanyang kaarawan. Napahawak ako sa aking tiyan kung nasaan ang anak namin. Sa susunod, tatlo na kami. Naghintay ako nang naghintay hanggang sa makatulog na lang ako sa lamesa pero... Hindi pa rin siya dumating. Nagising na lang ako nang madaling-araw. Tanging malamig na ihip ng hangin lang ang bumungad sa akin at ang madilim na gabi. Sobrang tahimik na halos ang tunog ng paggalaw ng kamay ng orasan ay rinig ko na rin. Mag-isa na naman ako. Ilang beses na namin itong napag-usapan, pero palagi niya pa ring nakakalimutan at kailangan ko pa rin siyang intindihin. Lagi kong iniisip na baka may kailangan lang siyang unahin na importante ,kaya wala pa rin siya. Madalas kasi siyang abala sa kanyang kumpanya lalo na at lumalago na ito kaya naman bilang asawa, dapat ay maunawaan ko iyon. Napagdesisyunan kong maglakad patungo sa aking kuwarto upang makapagpahinga na muna ngunit hindi nagtagal... Dumating na si Leon. Sinalubong ko siya nang matamis, at kinuha ang ang hinubad niyang suit at briefcase na dala. Ngunit nakakapagtatakang, wala siyang sinabi at para niya akong itinuturing na isa lamang hangin. "L-Leon, naghanda ako ng pagka—" "Busog na ako." Imporma niya sa malamig na boses. Natigilan ako. Busog? Saan siya kumain? At bakit malamig pa sa yelo ang pakikitungo ng lalaking sa akin? May nagawa ba ako? Tumango ako kahit hindi niya iyon nakikita dahil nakatalikod siya sa akin. "Sige, ihahanda ko na ang panligo mo nang makapagpahinga ka na." Hindi siya tumugon; dumiretso na lang sa loob ng kuwarto namin na para bang hindi narinig ang sinabi ko. Mahigpit kong hinawakan ang mga dala ko. "Wala kang 'yon, Katherine. Pagod lang ang asawa mo kaya siya malamig." Kumbinsi ko sa aking sarili. Dahil ganoon naman talaga si Leon. Malamig ang pakikitungo niya sa tuwing may malalim siyang iniisip o problema kaya kailangan kong isipin ang kanyang kapakanan. At muli...kailangan kong balewalain iyon at piliing intindihin si Leon kahit may pagdududa na sa aking puso. Pero mukhang may mga bagay nga talaga na hindi dapat benalewala kahit gaano pa ito kaliit na detalye.Katherine Naglipat ako ng gamit ko. Kasi kung patuloy akong doon sa bahay na iyon, baka mas lalo lang akong magmumukmok. I know I should be there and crying until my tears run dry, but how can I when I have a baby inside me? Kailangan kong unahin ang kapakanan ng anak ko kaysa sa sarili ko. At magagawa ko lamang iyon kung aalis na ako sa bahay ni Leon kung saan niya ipinangako sa akin na ipaparanas niya sana sa akin ang buong pamilya dahil hindi ko iyon naranasan noong bata pa ako. Pagnatawa, pero pinahiran ko ang luhang tumulo sa aking mga mata. I let out a heavy sigh and tried to smile even if it was just a fake one. Kailangan ko nang umahon kahit masakit. Kahit hindi ko alam kung paano. Hay naku. Kailangan ko na talagang magsimulang muli pagkatapos nito dahil kung hindi ako kikilos. Anong mangyayari sa akin? But first, I need to go out to the City. Marahil ay sa probinsiya muna ako doon sa Mindoro, tapos ay kailangan ko munang mag-lie low ka
Katherine Wala ako sa sarili ko nang nakauwi na ako sa bahay. Tulala lang habang nakatingin sa kawalan. Ano bang ginawa ko para umabot sa ganito ang sitwasyon ko sa buhay? I've been nothing but a faithful wife. Suportado ko siya sa lahat. Sa mga plano niya sa kanyang kumpanya. Sa buhay niya na gusto niya. Sabay kaming nangarap. Sabay kaming umasenso sa buhay dahil nagtulungan kaming dalawa. Kaya bakit siya lang ang nasa taas hanggang ngayon? Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi. I tried so hard to press my eyes together tightly so I wouldn't think about what happened, but hot water formed in my eyelids. Hindi pa rin pala naubos ang luhang kanina ko pa pinakawalan. It was still here, waiting for the right time when I had to burst it all. My fist clenched. Pagbukas ko ng aking mga mata, agad na bumungad sa akin si Leon na nakangiti sa akin habang sinasalubong ko siya sa kanyang pag-uwi galing sa trabaho. Tapos nang tumingin ako sa may hagdan, iyong
Katherine Ang bigat sa dibdib. Parang pasan-pasan ko ang buong mundo nang makaharap ko ang lalaki. Ngayong kami na lang dalawa. Our eyes met. Sa pagkakataong ito, wala na akong nararamdaman sa kanya. He makes me a fool. Galit ako. Galit na galit. Ngunit mahal ko siya at ayokong magalit sa kanya dahil alam kong may dahilan siya kung bakit ginagawa niya ito. "Magsalita ka na, Leon." Namamalat na ang aking lalamunan. Nahihirapan akong magsalita. Gusto kong tapusin na ang lahat ng ito. Gusto kong umuwi sa bahay at umiyak. Gusto kong makapag-move on dahil delikado ito para sa bata. "Ang anak natin baka mapano—" "Pvtangina!" Singhal ko sa pagmumukha niya. I glared at him, trembling. "Sana naisip mo iyan nang magsinungaling ka sa akin!" hindi ko napigilan ang sariling sumigaw. Hindi ko magawang huminahon. Mabilis ang pagtaas-baba nang aking dibdib. "You're bullshit!" turo ko sa kanya. "Alam mo," I licked my lower lip. "Alam mo ang nakaraan ko, sinabi ko s
Katherine Bahagya akong nagawa. Hindi naniniwala sa kanyang sinabi. For sure, she was just lying, or they were playing a prank on me. Binalingan ko ng tingin si Leon na ngayon ay nakatingin na sa akin at halos hindi na makagalaw. "L-Leon," tawag ko sa kanya. Pinilit kong patatagan ang aking boses dahil ayokong maniwala sa sinasabi ng babaeng nasa harapan ko. Anong asawa? Ako ang asawa ni Leon. Tatlong taon na kaming kasal. Magkakaroon na kami ng anak, kaya imposible na ang babaeng ito ay asawa rin ni Leon. I looked at Leon, but my heart sank when he suddenly looked away. Hindi. Alam kong mali ang kung anumang nasa isipan ko. I swallowed hard before I asked him. "Leon, sabihin mong hindi ito totoo." He slowly turned towards me, his eyes filled with guilt. "Ano ba, Leon? Magsalita ka naman!" pagpupumilit ko. "Bakit Leon? Sino ba ang babaeng ito?" My eyes turned to the woman beside Leon. Kung ganoon... Mapakla akong natawa. Hindi ak












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.