Reincarnation
“Bakit ngayon lang ninyo sinabi lahat ng ito?” Bahagyang tumaas ang boses ni Aling Mumay kaya napalunok ako.
Hindi ko naman akalain na big deal pala iyon, basta’t ang alam lang namin ay walang nakakulong sa lamparang iyon.
“H-hindi rin po namin alam, Aling Mumay… nawala sa isip ko…” hindi ko na kayang dugtungan. Wala rin naman akong maisip na matinong sagot.
“Baka naroon sa mga gamit ni Lola Kristel, Faith?” ani Levi.
“Wala naman akong nakitang lampara roon?” si Ree ang sumagot.
“Saka nasa Nuevo Pacto na si Lola Kristel noon bago pa man nangyari iyong pagkulong kay Theodore sa lampara. Hindi rin sinabi ni Alisa sa kanyang talaarawan kung nasaan na ang lamparang iyon, Aling Mumay,” sabi ko.
“Si Tharia ang ibig kung sabihin. Kailan pa siya nagpakita sa inyo?”
Naitikom ko ang aking bibig. Lahat sila a
Tulong Naalimpungatan ako dahil sa basang tuwalyang lumapat sa aking noo at bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Ree kasama ang kapatid nito. "Anong nangyari?" tanong ko. "Inaapoy ka ng lagnat." Si Ree ang sumagot habang nagpupunas sa aking noo. "Bakit ganyan ang mukha mo?" "Umuungol ka kasi kanina tapos si Levi ang tinatawag mo," natatawang singit ni Margareth. Hindi ko alam kung dahil nilalagnat ako kaya uminit ang mukha ko o talagang lubusan na akong nilamon ng kahihiyan. "Kapag hindi ka talaga tumigil, Margareth, ibabato ko 'to sa'yo!" Kahit ang mukha ni Ree ay namumula, siguro'y dahil sa pagkapikon sa kapatid. Tumikhim ako at sinubukang bumangon ngunit pinigilan nila ako. "Don't worry, Faith, alam namin ni Aling Mumay na posibleng si Levi ang reincarnation ni Theodore at ikaw naman kay Tharia," natatawa pa ring ani niya ngunit nasa kapatid naman ang atensyon. Nabuhay
Please, help me Buong mag hapon akong tinuruan ni Margareth tungkol sa witchcraft ngunit ni isa ay wala akong natutunang orasyon. Siguro marahil hindi pa nag si-sink in sa akin ang sinabi niyang may dugo akong mangkukulam. Hindi na basta haka-haka iyon, sapagkat siguradong- sigurado siyang mangkukulam talaga ako dahil sa hiwa na nasa kanang hintuturo ko. Maliit lamang iyon at hindi nga mahahalata ngunit nang may binanggit siyang latin na mga salita ay saglit itong lumiwanag at lumitaw sa aking ala-ala ang isang babaeng nakatalikod. Saglit lamang iyon, pakiramdam ko nga ay isang kurap lamang ngunit ramdam ko ang matinding koneksyon niya sa akin. Ang paliwanag ni Margareth ay maaaring may koneksyon ang babaeng iyon sa tunay kong pagkatao. Ngunit noong sinubukan namin ulit ay hindi na iyon gumana. Tumigil na rin si Margareth dahil dumugo na ang kanyang ilong. Ang sabi niya'y may hangganan ang kanyang kaalaman sa mahika lalo na't
Her NecklaceTharia, La Verde, 1431Mismong pagbaba pa lang namin sa karatela ay dinagsa kaagad kami ng mga taong gutom at mga may sakit. Noong una ay nag-aalangan pa ako kung tutulong ba ako dahil umaalingasaw ang amoy ng mga sugat nila sanhi ng lumaganap na epedemya sa lugar. Ngunit mas nanaig ang awa sa akin, lumapit ako sa batang halos nasa anim na taon lamang na nakasandal sa malaking bato malapit kung saan namin itinigil ang karatela. Namamalat na ang kanyang mga labi at halos mapuno na ng sugat ang mga katawan. Gustuhin man niyang magsalita ay hindi na niya magawa, siguro'y marahil sa mga kulay puting nasa kanyang bunganga.Inayos ko ang pagkakasandal niya sa batuhan bago maingat na pinainom ng tubig pagkatapos ay maharang nilinis ang kanyang katawan at nilagyan ng halamang gamot ang kanyang mga sugat. Nang matapos ang panggagamot ko sa kanya ay maingat din niyang hinaplos ang aking mukha.
BABALA: SPG, KARAHASANUnang PaglilitisTharia, 1431Di mahulugang karayum ang plaza dahil sa kumalat na balitang may lilitising mangkukulam. Ito ang unang beses na may ganitong kaso ang lugar kaya naman ay hindi pinalagpas ng mga taga aroon.Pumatong pa ako mga batong upuan na naroon upang ma kompirma ngang si Agnes ang nililitis. Kaawa-awa ang kanyang lagay, kahit sa malayo ay nakikita ko pa ang marka ng dugo sa kanyang damit. Ang kanyang mukha ay namamaga at putok ang kanyang mga labi.Mariin akong napapikit. Nasaan si Jacob at bakit umabot ang lahat sa ganito?"Tharia, ano ang iyong ginagawa? Baka makita ka ng iyong Ama!" saway ni Theodore sa akin ngunit hindi ko na siya nagawang lingunin pa. Natuon ang buong atensyon sa kasalukuyang hinuhubarang si Agnes.Imbes na maawa ang mga naroon ay nag sigawan pa sila, lalo na ang mga kalalakihan. An
BABALA: SPG, KARAHASANHayopTharia, 1431“Sino ka?” kinakabahang tanong ko sa nag kubling anino sa dilim sa loob ng aking silid.“Ako ito, mahal,” ani niya at umupo sa gilid ng aking kama.“Theodore? Anong ginagawa mo rito? Kapag nakita ka ng mga guwardiya’y ikakamatay mo!”“Huwag kang mag-alala’t kasama ko si Miguel.”Napalunok ako. Si Miguel ang isa sa mga pinagkakatiwalaang pinunong guwardiya ni Ama at kapag nalaman niya ang pagta-traidor nito’y siguradong kamatayan ang parusa. Hindi lang kanya kung hindi maging nang buong pamilya niya.“Umuwi ka na, Theodore, nandito si Ama sa mansion, baka mahuli ka niya!” bulong ko ngunit may diin ang bawat kataga.Nakita ko siyang umiling. “Pumarito kami upang itakas kayo ni Jacob, mahal ko. Narinig ni Migu
BABALA: SPG, KARAHASAN Rehas Tharia, 1431 Nagising ako dahil sa mga patak ng tubig sa aking mukha. Agad akong napakislot nang maramdaman ang hapdi sa aking binti at kaliwang braso. Nang tingnan ko ito ay hindi pa rin natigil ang pag durugo. Mariin akong napapikit nang maalala ang nangyari sa plaza. Ano na kayang nangyari sa kapatid ko at kay Agnes? Nakatakas kaya ang aking katipan na si Theodore sa kamay ng mga guwardiyang tauhan ni Ginoong Marshall? Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang pag-ikot ng aking paligid. Hindi ko alam kung ilang oras o araw na akong narito sa kulungan, ang alam ko lang ay nahihilo na ako dahil sa hindi matigil na pag durugo ng aking mga sugat. Marahan akong sumandal sa pader at akmang pupunitin ang dulo ng aking damit upang i-tali sa aking mga sugat ngunit maging ang aking mga kamay ay hindi ko na maramdaman. Mariin
Dinugo Mabagal ang takbo ng oras sa malamig na rehas na ito. Ang isang linggo ay tila isang taong paghihintay na pasukin ng liwanag ang kulungang puno ng iyakan ng bawat kababaihang minamaltrato at ginagahasa ng mga guwardiya't mga taong may matataas na posisyon sa pamahalaan. Sa bawat araw na nag daan ay umaasa akong makita ang kahit anino ng hayop kong Ama upang masaksihan mismo ang kahayupang ginagawa niya. "Hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain, Tharia," saad ni Sabina. Ang Banwaonsa kabilang rehas. Sa edad na dalawangpu't apat ay naging pinuno na siya ng mga babaylan. Ang huling Banwaonsa tribo nila kaya habang hawak sa leeg ng mga prayle ang pinunong babaylan ay hindi makakakilos ang mga babaylang gumagamit ng itim na mahika. "Wala akong gana, Sabina. Gusto mo bang kainin ito?" Inilapit ko sa kanya ang malagkit na pagkaing hindi ko alam kung anong uri. Umiling siya. "Noo
BABALA: SPG, KARAHASANThe Devil Never SleepsNapangiwi ako sa sakit habang tinatanggal ang lapis na bumaon sa kaliwang braso ko. Matagal na panahon na rin nang huli akong makaramdam ng ganitong sakit at hindi ko akalaing ikasisiya pa ito ng aking sistema.Sabagay, wala pa sa tamang gulang ang katawang ito kaya mahabang panahon pa ang aking hihintayin bago maangkin ang buong kontrol dito. Ngunit hindi na rin masama, ikinalulugod ko namang gampanan ang seremonya ng tatlong alay gamit ang limitadong lakas na meron ang katawang ito.Nasuntok ko ang pader ng silid habang tinatanaw ang babaeng paika-ikang nililisan ang silid ngunit agad ring napangiti nang maramdaman ang init at maamoy ang halimuyak ng dugong nag landas sa aking kamao. Wala na ngang papan