KINAUMAGAHAN ay masaya pang pumasok sa opisina si Cassandra. Kahapon ay sapat ang naging pahinga niya kung kaya fresh at marami siyang energy ngayon upang magtrabaho.
Pagdating niya sa fifth floor kung saan ang kanilang office ni Ian ay masaya pa niyang sinalubong si Secretary Jo. Subalit ang babae ay agad namang humingi ng tawad sa biglaang pagpapauwi nito sa kaniya kahapon.
“Sorry, Cass, it was an emergency at gusto ko lang talagang hindi ka mapahamak, you know I’m your friend, right?” hinging paumanhin nito sa kaniya.
Nagtaka naman siya sa sinasabi nito. “Ha? What do you mean? Ang akala ko utos ni Ian...” takang-tanong niya bago napahinto nang ma-realize ang inakto kahapon ng babae kung saan tila ito nag-aatubili na pabilihin siya ng kape sa labas pa mismo ng kanilang kumpanya samantalang may coffee blender naman sila roon. Dahil madalas magkape si Ian kung kaya nagpagawa ito ng personal coffee maker at iyon ang madal
BIGLANG napatitig si Cassandra kay Ian dahil sa sinabi ng lalaki sa kaniya. “What?” bulalas pa ng dalaga na hindi sigurado sa mga narinig.“I said, gusto kong ikaw ang maging ina ng anak ko,” muling ulit naman nito.Hindi siya nakasagot agad at mataman lamang itong pinakatitigan. Napakurap-kurap pa siya ng mga mata para lang makasigurado na hindi nagkakamali ang kaniyang pandinig.“Baliw ka ba?” kapagdakan ay wala sa loob na bulalas niya kay Ian.Nagitla pa siya nang biglang tumawa nang malakas ang binata na tila naaliw sa kaniya. “Yeah, I thought so too,” nakangising tugon nito.Nagsalubong naman ang kilay ni Cassandra. “Anong nakakatawa? Napaka-imposible naman talaga ng gusto mo. Ako, magiging ina ng anak mo samantalang kakasabi mo pa lang kanina na may asawa ka na. What the hell with you, pinaglalaruan mo ba ako?”Nakaramdam siya ng inis dito. Ang kalungkutang nadama
NAKABIBINGING katahimikan ang namayani sa paligid ni Cassandra nang lumabas na sa opisina si Ian upang dumalo ng meeting.Napahinga siya nang maluwag at isinandal ang likuran sa upuan upang ma-relax ang kaniyang katawan at upang makapag-isip nang mabuti sa desisyong hinihingi ni Ian sa kaniya.Tumingala sa kisame si Cassandra. Kulay puti lamang ang kaniyang nakikita na pintura ng opisina. Bagama’t naririnig niya ang ugong ng umaandar na aircon ay ang tanging naglalaro sa isipan niya ay ang alok ni Ian kanina.“I want you to be the mother of my child.”Ilang beses na gumugunita sa kaniyang isipan ang mga katagang binigkas ng binata sa kaniya sa restaurant.Nasa punto si Cassandra na gusto niyang tanggapin ang alok nito upang makasama pa ng matagal ang binata at upang hindi siya makaramdam ng guilty sa kung anumang namamagitan sa kanila ngayon. At least, kung pahihintulutan
MAGAAN ang mga paa at maaliwalas na mukha ang bungad ni Cassandra sa Ramson Electronic Company kung saan siya nagtatrabaho. Bagama’t dumaraan pa rin siya sa dating kumpanya sa Brilliant Skincare Company upang mag-report at tapusin ang mga files na naka-assign sa kaniya ngayong linggo roon.Napagpasyahan na ng dalaga na mag-resign sa dating kumpanya at pagtuunan na muna ang inaalok ni Ian sa kaniya na pagiging surrogate mother.Alam niyang kapag pumayag siya sa alok nito ay matitigil siya sa trabaho upang alagaan ang sariling katawan at ang pagbubuntis niya.Kailangan nilang pag-usapan ni Ian ang magiging set up nila sa bagay na iyon.Nang pagbukas ng pintuan ng elevator sa fifth floor ay nasalubong pa niya si Secretary Jo na galing sa opisina ni Ian. Lumapad ang ngiti niya sa isiping dumating na ang binata.“Good morning, Secretary Jo!” nakangiting bati niya sa sekretarya. Tila naman nagulat ito nan
“HA! I’m so worked up!” daing ni Cassandra.Ibinagsak niya ang sariling katawan sa sofa nila sa sala. Makalipas ang isang linggo noong napagkasunduan nila ni Ian ang pagiging surrogate mother niya rito at ang plano nitong dalhin siya sa resthouse nito sa Pampanga.Sa nakalipas na linggo ay naging abala siyang tapusin ang mga gawain niya sa Brilliant Skincare Company kung saan siya nagtatrabaho at kanina nga lamang ay nakapagpasa na siya ng kaniyang resignation letter sa kanilang management. Mabuti na nga lamang na smooth at walang hassle ang proseso ng pagre-resign niya na animo ba ay hinihintay na ng management ng company iyon.Napabuga siya ng hangin bago napailing-iling. Nang dahil sa kasalanan ng mas nakatataas sa kanila kung kaya ang biktima ay lalo pang naaapi.“Kailan kaya magkakaroon ng hustisya ang bansa sa mga kagaya nila?” tanong ni Cassandra sa sarili at napatingala sa kisame.Ilang
“PARANG sinabi mo na rin na pinatawad mo na siya sa mga kasalanan niya, Inay?” nakangusong saad ni Cassandra sa tinuran ng ina. “Nang dahil sa kaniya kung kaya namatay si Itay. Siya rin ang dahilan kaya nasira ang pamilya natin, naghirap tayo noon dahil tumatakas at nagtatago tayo sa kaniya!” aniya pa na may halong poot ang tinig.Bagama’t sinabi niya sa sarili na panapatawad na niya si Manuel sa nangyari noon dahil iyon ang nais ng kaniyang ina subalit hindi pa rin niya maiwasang hindi makaramdam ng galit sa tuwing maaalala ang nangyaring paghihirap nila noon na maaaring hanggang ngayon ay dinaranas pa rin nila ang hirap kung hindi sa tulong dati ni Ian sa kaniya.Blessing in disguise ang pagbibigay sa kaniya ni Ian ng malaking halaga noon na naging starting point niya upang guminhawa ang kanilang buhay. Bagaman at sinubok siya ng tadhana sa pagkakaroon niya ng anak sa katauhan ni Cassey ay hindi niya iyon pinagsisisihan.&nb
—One Week LaterINILIBOT ni Cassandra ang paningin sa resthouse na pinagdalhan sa kaniya ni Ian. Ang akala niya noong una ay maliit lamang na disenyong bahay-kubo ang itsura nito subalit nagkakamali siya. Ang nakikita niya ngayon ay isang tila isang mansyon na noong panahon pa ng mga kastila itinayo. Bagama’t hindi ito mukhang luma at tila kare-renovate pa lamang upang maging bahay-bakasyunan.Ang buong paligid ng mansyon ay napapalibutan ng iba’t ibang klase ng puno kagaya na lamang ng narra, linden, walnut at iba pang hindi na niya matukoy ang pagkakakilanlan. Marami rin siyang nakikitang mga puno ng niyog na matatayog.“Koprahan ba ang pangunahing hanapbuhay dito sa lugar n’yo?” wala sa loob na tanong pa niya habang inililibot ang mga mata sa buong paligid.Narinig naman niyang tumawa si Ian at inakbayan siya. Dinampian pa siya ng halik nito sa kaniyang noo na animo i
“TAMA na ang iyak, apo. Mommy is working there for us.” Narinig ni Cassandra na wika ng kaniyang ina na si Dolores.Mariin niyang nakagat ang ibabang labi dahil sa guilt na nararamdaman. Tila punyal sa kaniyang puso ang mga katagang binitiwan ng ina. Natanong niya sa sarili kung para sa pamilya nga ba ang ginagawa niyang ito o pansariling kaligayahan lamang?Bagaman at pinangakuan siya ng malaking halaga ni Ian sa pagpayag niya na maging surrogate mother ng magiging anak nito ay mas nangibabaw sa dalaga ang kadahilanang ginagawa niya iyon dahil sa pagmamahal niya sa binata.Ngayong naririnig niya ang palahaw ng anak ay tila gumuguhong parang buhangin ang ipinundar niyang pasya na magagawa niyang mawalay sa pamilya upang paluguran lamang ang selfish niyang puso.“Anak, huwag kang mag-alala rito sa amin. Si Cassey ay masasanay rin ito paglipas ng ilang mga araw. Mag-concentrate ka lang diyan sa trabaho mo,&rdq
TAHIMIK ang dalawang nag-aalmusal. Masasarap ang pagkain sa kanilang harapan, sinangag na may halong assorted veggies and shrimp na halatang sariwa pa, small fried fishes, tocino, longganisa, may fried egg pa na mula sa native na manok, at ang pinakanagustuhan talaga niya ay ang hot chocolate drink na mula pa sa cacao bean na minano-mano ang paggiling at isinalang sa traditional na palayok upang malasap ang tunay na lasa ng local cuisine.Maganang kumakain si Cassandra habang kinukuwentuhan siya ni Manang Bell. Ipinapakilala nito ang mga pagkain sa kanilang harapan na ito pa pala mismo ang naghanda at ang asawa nitong si Manong Rene ang nanghuli sa maliit na fishpan malapit sa dagat doon.Ang sabi pa ng matanda ay mahilig ang asawa nitong mag-alaga ng mga hayop na ang karamihan ay imported pa galing ibang bansa. Mahilig din itong magtanim ng iba’t ibang klase ng puno at halaman na nakikita nila sa buong paligid ng resthouse.