Share

Chapter 198

“Who’s he?” ang tanong ni Cassey sa isipan habang hindi inilalayo ang paningin sa papalapit na bagong panauhin.

Inihahanda niya ang sarili kung may bigla itong gawin sa kaniya kung kaya kahit nakakubabaw pa rin siya sa katunggaling si James ay hindi niya magawang ilayo ang paningin sa paarating.

Limang hakbang na lang ang layo nito.

Apat na hakbang. Hindi pa rin nawawala ang casual at prenteng ngiti nito sa labi.

Tatlong hakbang. Inaanalisa ng dalaga ang bawat kumpas ng kamay nito.

Dalawang hakbang. At tuluyan na ngang huminto sa kaniyang harapan ang lalaki. Hindi nito inaalis ang paningin sa kaniya habang malapad ang ngiting nakasilay sa mga labi, bagama’t malamig at nagbabadya ng panganib ang ibinubuga ng mga mata nito.

Pagkaraan ay inilagay ng lalaki ang dalawang mga kamay sa sariling bulsa na animo sinasabi sa kaniyang wala itong gagawing kakaiba sa kaniya.

Pagkatapos ay saka nito ibinuka ang mga bibig upang kausapin ang dalaga.

“Can you let him go, Milady,” saad nitong baha
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status