Share

Kabanata 2: Nakakainis

Nakakainis. Nakakainis.

Padarag akong bumalik sa loob ng kwarto ko. Kinabahan ako dun ah. Akala ko talaga sasabog ako sa sobrang inis kanina. I sat on Ivy's bed while chasing my breath. My heart was pounding like crazy. Nakakainis talaga ang lalaking iyon. Kabago-bago ko pa lang dito at may kaaway na agad ako. Kaloka.

I heard a knock on the door. Binuksan ko ang pinto at nakita si Ivy na may dalang eco bag. Mukhang kagagaling n'ya lang mag grocery.

“Ang dami naman n'yan,” pagtataka ko.

She doesn't have the appetite to eat so many ramens and cup noodles kahit iyon talaga ang madalas na kinakain kapag nagbo board ka. At saka, iniisip ko pa lang na iyan ang konsumo niya for a month nasusuka na ako. Who would eat cup noodles for a whole straight month without getting sick?

“It's for my brother and mine. Hati kami sa pagkain,” sagot niya at isa-isang kinuha kung ano man ang nasa loob ng eco bag.

“Ooh, may kuya ka pala?” I asked. Hindi ko pa pala siya ganun ka kilala. I thought she's living on her own here.

She nods. “I have. Nasa kabilang kwarto lang,” she replied putting the last piece of cup noodles.

Nagulat ako ng ibinigay n'ya sa akin ang dalawang cup noodles pagkatapos ay nilahad n'ya pa yung eco bag sa harapan ko na para bang may iuutos siya sa akin.

“P-Para saan ito?” I asked, confused.

“Sayo na iyang dalawang cup noodles. And kindly give these ramens to my brother,” she said. “Nasa kabilang dulo lang nito ang room nila ni Ryle. Katukin mo lang tsaka ibigay.”

“Bakit hindi na lang ikaw ang magbigay nito?”

“Ayoko, andun si Ry. Ayoko,” tapos namula s'ya bigla. Ewan ko ba sa babaeng ito, nakakainis din minsan.

“Oo na. Kaya mo pala ako binigyan ng dalawang cup noodles kasi may ipag-uutos ka sa akin,” inis kong sabi at tumayo.

She grinned, pushing me outside the door. “Sige na, sige na. That's my compensation for asking you a favor.”

Kahit naiinis ako, pinuntahan ko pa rin ang sinasabi ni Ivy na kwarto ng kanyang kuya. Naglakad ako sa pinakadulo at kinatok iyon agad pero walang sumasagot.

Mukhang walang tao.

I knocked again, hoping that the door will swing open this time.

And it did.

Kaso...

“Ikaw na naman, Ruby? Akala ko ba hindi ka interesado sa akin? Miss mo na ako agad?” ngisi n'ya.

Napaawang ang bibig ko when I saw his naked and topless body. Oh my goodness, feeling ko hindi na virgin ang eyes ko.

Mabilis akong napapikit. Dinukdok ko sa pagmumukha n'ya yung eco bag. “Pinabibigay ng kapatid mo!”

“Cup noodles na naman ba ito?” he tsked. “Papatayin ata ako ni Ivy, ha?”

“Tanggapin mo na lang kasi. Nag grocery pa siya para riyan.”

He did what I told him. Tinanggap n'ya iyon, but the disappointment was evident in his face. Dun ko lang namalayan na may towel palang nakapulupot sa kanyang ibaba. Bagong ligo pala siya.

“May kailangan ka pa?” nagtataka n'ya akong tinignan ng hindi pa ako umaalis sa may pintuan.

“W-Wala naman.”

Fuck.

Hindi ko akalain na kuya pala ni Ivy ang asungot na ito. Tch.

“Samahan mo ako mag grocery bukas,” he nonchalantly said.

Nagtataka ko s'yang hinarap. My forehead creased as I turned back to see his fucking irritating face.

“Ano kamo?”

“Samahan mo ako mag grocery bukas,” inulit niya talaga.

I was trying to ask if I heard him right, na maybe nagkamali lang s'ya ng sinabi, but I guess hindi n'ya iyon naintindihan. He interpreted me literally.

“Narinig ko ang sinabi mo kanina. Ang ibig kong sabihin, bakit ko pa kailangang sumama sayo?” my left brow arched.

He shrugged and made a humorless expression. He's not joking at all.

“Nagtanong lang naman ako. I was hoping you'd say yes, but I know you'd turn down anyway,” aniya, he heads back inside his room and closed the door.

Okay? What the fuck was that?

“Hindi mo man lang sinabi sa akin na s'ya pala ang kuya mo?” asik ko ng makabalik sa loob ng kwarto.

Naabutan ko s'yang may ginuguhit sa kanyang study table. Doodles.

“Why? Did he do something to you?”

“S'ya lang naman ang dahilan kung bakit ako nagising kanina sa napakahimbing kong tulog.”

Tinawanan lang ako ni Ivy at muling nag-doodle.

“Akala ko ano na. Hinampas ka ba n'ya para magising ka ng ganyan kainis sa kanya?”

Umiling ako. “Walang ganung nangyari. Huwag ka ngang magpadala sa imagination mo, Ives.”

“E, ano nga kasi?”

Napabuntong ako bago sumagot. “Kanta s'ya ng kanta. Ang ingay masyado, hindi naman maganda ang boses.”

Liar's go to hell. And I will soon.

Maganda naman talaga kasi ang boses n'ya. Sadyang ayaw ko lang aminin dahil lalaki na naman ang ulo nun. Sobrang yabang.

“That's weird,” sabi n'ya bigla. “Maganda naman ang boses ni kuya. Sigurado ka bang si kuya 'yong narinig mo?”

Tumango na lamang ako. “Mas wirdo naman ang kuya mo.”

“Bakit? May sinabi ba s'ya sayo?”

“M-Meron. Ewan ko ba dun, sinabi n'yang samahan ko raw s'ya mag grocery,” I slightly shook my head when I remember what he said.

Natigil si Ivy sa pagdodoodle pagkatapos ay humarap sa akin. “Ganun ba. Anong sagot mo?”

Nagkibit balikat ako. “Wala.”

Marahas s'yang nagbuga ng hangin at muling nag-doodle. “Alam mo kasi sa pamilya namin si mama lang ang marunong mag grocery. Madalas akong sumama pero binibili ko lang talaga 'yong mga mumurahing pagkain at instant, 'yong mga madaling maluto.”

Halata nga.

“What about your brother? Hindi ba s'ya tinuruan mag grocery?”

She shook her head. “Hindi s'ya sumasama sa amin mag grocery. It's a bother for him you know? He's the typical handsome, lazy brother of mine. He always says na gawain iyon ng babae kaya hindi s'ya nag go grocery. In short, wala sa aming dalawa ang marunong mag grocery. Kahit ano na nga lang ang binibili ko para lang may makain kami.”

Napairap ako sa kawalan. That guy doesn't even know how to do groceries. Pero bilib ako dahil meron s'yang kakaibigang paninindigan na ginawa n'ya sa pansariling kagustuhan.

Woman's job my ass.

Sinuot ko ang aking flip flops at pinihit ang doorknob.

“Sa'n ka?”

“D’yan lang sa tabi.”

I thought he's just bluffing and making fun of me, but may rason naman pala kung bakit n'ya iyon tinanong sa akin.

Naglakad ako pabalik sa kwarto nila. Huminga muna ako ng malalim bago tuluyang kinatok ang pinto. My knuckles were about to hit the door when it suddenly swung open. I saw him standing in front of me with his broad chest.

He's too close, super close.

Damn it.

My heart.

Again.

I can't believe how good he smells. Gusto kong idikit ang mukha ko sa d****b niya. Ang manyak ko!

“W-Why are you here?” tanong n'ya dahilan para bumalik ako sa dating huwisyo.

Parang sandali akong nawala sa sarili dahil sa kanyang bango.

“About what you asked a while ago,” nung makabawi na ng konting oxygen sa utak.

“What about that?”

“Suplado. Sasamahan na kitang mag grocery bukas,” mabilis ko siyang tinalikuran.

Hindi ko alam kung nakangiti ba siya ngayon, but the way he said those words to me seems like he was smiling.

“Thanks.”

-x

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status