Share

Kabanata 7: Practice

CHAPTER 07

Practice

Agad kong niligpit ang aking gamit. I always make sure that my desk is clean before leaving the class. Ayoko talaga kasi na magulo ang desk ko everytime papasok ako rito bukas.

“Let's go?” Angela asked.

She's standing meters away from me. Nakatayo s'ya sa may pintuan habang naghihintay sa akin matapos sa desk-business ko.

Tumango ako at lumapit sa kanya. “Tara na.”

It was afternoon already and I promised that guy one favor. Nasa second week pa kami ng second sem kaya hindi pa masyadong pressure. Magagawa ko pa lahat ng gusto kong gawin aside from this. Pero good luck sa amin next month.

“Anong floor daw?” tanong ko kay Gelai na nakatitig lang sa kanyang cellphone.

Sila ni Joseph ang may contact sa isa't-isa kaya sa kanya ko tinatanong. Isa pa, he didn't tell me kanina kung saang floor kami dapat dumiretso.

“Hindi pa nagrereply,” aniya.

“Baka busy, umuwi na lang kaya tayo?” sabi ko.

Ang ganda kaya ng suggestion ko kaya sana ‘wag n'yang tanggihan. Maliban na lang kung may hidden agenda ulit siya.

“Mamaya na. Let's watch their practice muna. Sayang ang pinunta natin dito.”

Naglakad kami papasok sa College of Engineering building. It's big and spherical in view. Paikot ang rooms dito and has no room for wind. Hindi talaga pumapasok ang hangin mula sa labas. I counted the floors only to find out that it has five floors.

“Okay, masyadong malaki ang building pero pwede tayong maghiwalay para hanapin ang classroom kung saan nagpapraktis sila Joseph,” she said, suggesting something on what we should do.

“Huh? Diba pwedeng hintayin na lang natin s'yang magreply?” inis akong naupo sa isang parte ng hagdan.

Wapakels na ako kung tinititigan ako ng ibang students. Pagod ako ngayon kahit wala naman ako masyadong ginawa buong araw.

She shook her head. “No good. It's passed ten minutes since I last texted him, wala pa rin s'yang reply sa akin. Tsaka andito na tayo oh, sayang naman kung aalis tayo ng hindi man lang nakikita ang sadya natin dito,” sabi n'ya na may pakonsensya effect sa boses.

Marahas akong napabuntong at tumayo. Napairap ako sa kawalan habang nililibot ang paningin sa loob ng building.

“Okay, fine. Sa second and third floor ako maghahanap. You search the rest of the floors,” I lazily suggested and didn't wait for her reply. Mabilis akong umakyat.

At this time of hour? Marami ng estudyante ang umuuwi, but engineering students give a different vibe. Busy pa rin sila hanggang ngayon doing stuffs that doesn't interests me.

Hingal na hingal akong nahinto sa isang classroom. The final room that I wished to go to. Wala ring tao kaya dumiretso na rin ako sa second floor. Ang dami ring students, they almost look like ants to me. Masyado talaga silang busy, e. Mabuti na lang hindi ako nag-engi, naghihingalo na nga ako as Financial Management student dahil sa walang humpay na solving tapos mag-eengineering pa ako. Ikamamatay ko na yun uy!

“May hinahanap ka ba, Miss?” tanong ng isang boses.

Napakagat labi ako nung makita kung sino. Well, I don't know him, but he's so hot and obviously good looking. Para akong tuta na naglalaway sa isang pagkain, and he's the food I'm drooling at.

You can conclude that he has foreign blood because of his features and Canadian accent. Ang kinis at ang puti n'ya pa, walang mintis, teh. May ganito pala kagwapong lalaki na tinatago ang engineering. Ang selfish!

“Ang gwapo,” I was mesmerized by how handsome he is.

“Miss?”

“H-Huh?” tanong ko nang makabawi ng sapat na lakas.

Dun ko lang din napansin na napakaraming tao ang nakatingin sa side namin. I think it's because of him. Ang hirap naman kasing ideny na hindi s'ya gwapo. But who the fuck is he anyway? Feel ko tuloy nakabingwit ako ng mamahaling goldfish.

"I'm asking kanina if may hinahanap ka? You are not familiar to me, so I thought you're not an engineering student," he explained kahit hindi ko naman iyon kailangan.

"Baka hindi mo rin kilala ang hinahanap ko," nahihiya kong sabi habang nakangiti ng wagas sa kanya.

"Try me," he smiled. Holy sheeett, teh ang gwapo n'ya talaga. Sino ba kasi s'ya ha? "Name?"

"N-Name," I slightly stuttered. "Ruby."

He looks confused. "I don't know any Ruby."

"I-I mean..." natataranta kong inalala ang pangalan ng lalaking hinahanap ko. "Joseph Rivera. Kilala mo?"

Tumango s'ya, he seems amused looking at me. "I see, are you one of his girls?"

My expression immediately changed from smile to frown. "Why the fuck do you think na isa ako sa mga babae n'ya? Kadiri!" umakto pa akong nandiri.

Anong akala n'ya sa akin? Desperada? Kung makababae naman ang isang ito parang binabayaran ako ni Joseph makipag-sex sa kanya gabi-gabi. Iniisip ko pa lang, nasusuka na ako.

"I was joking. Masyado kang seryoso, miss," ngisi n'ya at sinenyasan ako na sumunod sa kanya.

"Bakit? Saan mo ako dadalhin?"

"Kay Seph, you're looking for him, right?" his left brow arched.

"And why do you think na sasama ako sayo? E, hindi pa naman kita kilala, I don't even know your name,” sabi ko. But the truth is, I badly want to know his goddamn name. Add ko lang sa F******k mamaya pag-uwi. Pandagdag sa Crush Collection ko.

He stretched his right hand to me and smiled. "My name's Gabriel, Gabriel Arbuetago."

S'yempre, ako na malandi (slight lang), tinanggap ko yun. Ang bastos ko naman yata kung hindi ko hahawakan- este tatanggapin ang kanyang nakalahad na kamay diba?

"Ruby, Ruby Mendoza nga pala. Nice to meet you, Gabriel," nagsupil ako ng ngiti pero hindi ko nagawa. In the end, nagmukha akong tanga habang nakangiti ng sobrang lapad sa kanya.

.

"Uhm, you can let go of my hand, Ms. Ruby,” nag-aalinlangan n'yang sambit.

Magsa-suggest sana ako na mag holding hands kaming dalawa habang naglalakad, pero s'yempre hindi ko sinabi. Mabilis pa sa alas kwatro nung binitawan ko s'ya. Nakakahiya, ang halata ko masyado kapag may gwapo sa harap ko. I followed him to the fifth floor kung saan dun daw nagpapraktis ang mga loko. Kaya siguro hindi pa ako nagagawang itext ni Gelai kasi hindi pa s'ya nakakaakyat sa pinakadulong palapag.

"What's your business with him, Ms. Ruby?" he formally asked.

Ang pormal naman kung makatanong ng lalaking ito. "Manonood lang ng band practice, and please drop the formality. Hindi ako sanay na ganun ako kinakausap."

"My apologies. I got used to it kasi. Ikaw lang ba mag-isa? That's brave of you to do such a risky thing, coming here without a friend or a colleague."

Kumunot ang noo ko sa nakakalito n'yang pahayag.

"Paano naman naging risky yun? May papatay ba sa akin pag-akyat ko run?"

Tumawa s'ya ng konti. "No, not like that. Sikat si Seph dito sa college namin kaya marami kang kakompetensya."

"Pinagsasasabi mo d'yan uy? Wala sa plano ko ang makipagkompetensya sa kung ano man ang ibig mong sabihin. I'm not one of his girls, okay?" pagtataray ko.

"Fine, fine. If that's what you say, Miss."

Nahinto kami sa isang pinto. Dun ko lang namalayan na nakarating na pala kami sa fifth floor. Maybe the saying was right, masyadong mabilis ang oras kapag kasama mo ang taong mahal mo.

Charot.

Girls don't fall in love at first sight, you know? It takes fifteen days bago kami naiinlove sa isang lalaki. Unlike men, they instantly fall in love. That's according to psychology. Hindi ko alam kung totoo, pero pinaniwalaan ko pa rin.

"Dito na ba?" tanong ko sa kasama ko. He knocked on the door three times like a code. Pinagbuksan kami ng isa sa mga taong hindi ko expect na magbubukas ng pinto.

"Ang tagal mo, Ruby!" bungad ni Gelai sa akin.

"Bakit hindi ka nagtext? Loka-loka ka ba?"

Nauna pa s'ya rito sa akin at mukhang kanina pa s'ya nandito, ah.

"I saw you flirting downstairs. Ayoko maging kj sa usapan n'yo ni pogi," turo n'ya kay Gabriel.

Tinampal ko s'ya sa balikat habang nakangiti ng slight. "Gaga ka talaga. Hindi na ako sasama sayo next time."

She chuckled then went back watching the band practice. Naupo ako sa kanyang tabi para panoorin sila. Ang seryoso ni Joseph ngayon, hindi ko tuloy s'ya makilala dahil sa kakaibang aura na pinapakita n'ya sa loob nitong silid. I thought he's only in charge of the acoustic guitar position, but I was wrong. He's holding an electric guitar and the mic stand was currently in front of him. I even saw Gabriel holding drumsticks. Drummer pala si guy! Well, he's suited for the position. Bagay na bagay sa kanya.

"Hindi mo narinig kanina, but Seph has a good voice. Nakakainlove," kinilig s'ya ng impit.

"I've already heard it," mahina kong sabi.

Gabriel cued, hitting his sticks to each other. Sign na magsisimula muli sila sa pagpapraktis ng kanilang kanta. And there I was, watching, staring, mesmerized by how good his voice was over and over again.

Like it was my first time.

-x

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status