Share

KABANATA 07

" A-Ano pala ang pangalan niya? " Nahihiyang tanong ni Isabella habang sila'y naglalakad sa pasilyo ng ospital patungo sa silid ng ina ni Maximo. Kanina pa niya ito nais tanungin magmula nang sabihin ni Maximo ang pupuntahan nila subalit pinangunahan siya ng hiya dahil hanggang ngayon ay wala siyang alam sa pangalan ng magulang ng kaniyang napangasawa.

" Luisana, " matipid na sagot ng lalaki saka huminto sa isang pinto. Nilingon nito si Isabella. " Huwag mong kalilimutan ang mga binilin ko kanina. Sikapin mong ibahin ang usapan kapag nakaramdam ka ng pagkailang sa itinatanong niya. "

Wala sa sariling tumango si Isabella na hanggang ngayon ay kinakabahan. Ito ang unang beses na makikita't makikilala niya ang ina ni Maximo at hindi niya alam kung anong naghihintay sa kaniya sa loob ng kuwartong nasa harap nila. Nakilala na ni Isabella ang ibang miyembro ng pamilyang Castellano at sa loob ng isang buong araw na iyon, ramdam niyang hindi siya tanggap ng mga ito, kung kaya naman sa mga
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
janeebee
Salamat po! Pahintay na lang po ng update mamaya. :)
goodnovel comment avatar
Myra joy Bautista
ang Ganda ng story mo author.... pa update po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status