Share

KABANATA 20

Maingat na ibinaba ni Isabella ang tasa sa ibabaw ng pabilog na mesa. Isinara naman ni Maximo ang librong binabasa at inilapag ito sa gilid nang maamoy ang aroma ng tsaang gawa sa isang uri ng bulaklak.

" Tapos mo na? " Maingat na inilusot ni Maximo ang daliri sa tainga ng tasa upang iangat ito mula sa mesa. Itinapat niya ito sa ilong upang malanghap ang ibinibigay na aroma ng tsaang gawa sa bougainvillea (bougain-villea).

" Puwede mo siyang lagyan ng kaunting asukal para mas malasa siya, " suhestiyon ni Isabella saka kinuha sa bandeha ang isang maliit na babasaging garapon na naglalaman ng minatamis. Balak niya pa lang sanang magsalok gamit ang kutsarita nang makitang sumimsim na si Maximo sa tsaa. Napalunok si Isabella, kinakabahan sa komentong ibibigay ng asawa dahil ngayon na lamang niya ulit nasubukang magtimpla ng tsaa. Kung mayroon isang magandang alaala si Isabella mula sa kaniyang ina, iyon ay ang pagturo nito sa kaniyang gumawa ng inuming gawa sa bougainvillea noong musmos
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status