Share

Chapter 128

Penulis: SKYGOODNOVEL
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-29 12:38:18

Chapter 128

Kinabukasan, maaga kaming nagkita nina Zeon, Lillian, at Jhovel sa isang pribadong clinic na hawak ni Jhovel. Siya mismo ang nag-asikaso ng lahat para walang makalusot na impormasyon palabas.

“Sigurado ka na ba dito, Alessandro?” tanong ni Zeon habang nakatayo sa tabi ko. “Kapag nakuha natin ang resulta, wala nang atrasan.”

“Mas mabuti ang masakit na katotohanan kaysa sa patuloy na kasinungalingan,” sagot ko, mariin ang boses ko.

Ilang minuto pa lang ang lumipas nang dumating si Reinn. Kita ko agad ang pagkunot ng kanyang noo nang makita niya kaming lahat. Naka-cross arm siya, halatang hindi komportable.

“Ano ’to, Alessandro? Ano’ng pinapapunta mo ako rito? Akala ko ba mag-uusap tayo nang tayo lang?” reklamo niya, sabay lingon kina Zeon at Lillian.

Tumayo ako at hinarap siya nang diretsahan. “Simple lang, Reinn. Gusto kong ipa-DNA test ang batang dinadala mo. At si Jhovel mismo ang gagawa. Kung totoo ang lahat ng sinasabi mo, wala kang dapat ikatakot.”

Namutla siya agad, a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 147

    Chapter 147Third POV Samantala, habang abala si Solidad sa tahimik na buhay nila nina Julie at Gabriel, sa kabilang panig naman ay nagngangalit ang galit ni Alessandro Villaceran. Limang taon na ang lumipas simula nang mawala ang kanyang mag-ina, at bawat araw ay parang sugat na ayaw maghilom.Nakatayo siya sa loob ng kanyang opisina, mahigpit na hawak ang lumang larawan nina Solidad at Julie. “Where are you, Solidad?” mahinang wika niya, ngunit ramdam ang poot at pangungulila sa bawat salita. Sa likod ng malamig na titig ng isang negosyante ay ang puso ng isang amang sabik muling makapiling ang pamilya.Sa kabilang banda, si Brandon Pattern Villaceran ay tahimik na nakaupo sa loob ng kanyang sasakyan, hawak-hawak ang larawan ni Khanna at ng anak nilang si Gabriel. Puno ng pagsisisi at pangungulila ang kanyang mukha. “Bakit mo ako iniwan, Khanna? Hindi mo man lang ako pinagbigyan na makita ang anak natin…” bulong niya, habang pinipigilan ang pagtulo ng mga luha.Dalawang lalaking ma

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 146

    Chapter 146Tahimik muna kami ni Khanna sa video call. Kita ko sa mukha niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Hindi ko na kayang itago ang totoo. Huminga ako nang malalim bago nagsalita.“Khanna… may kailangan akong sabihin sa’yo.”Napakunot ang noo niya. “Ano ‘yon, Sol? May nangyari ba kina Julie at Gabriel?”“Wala, ligtas sila,” sagot ko agad, sabay iwas ng tingin. “Pero may isang matandang babae na lumapit sa amin sa simbahan… tumingin siya kay Gabriel na parang kilalang-kilala niya. Ang sabi niya, kamukhang-kamukha raw ng anak niya.”Nakita kong unti-unting nag-iba ang ekspresyon ni Khanna.“Matandang babae? Sino ‘yon?”“Ang pangalan niya…” saglit akong tumigil, pinili ko ang mga salitang sasabihin, “…Doña Filicidad Pattern.”Nanlaki ang mga mata ni Khanna nakita ko sa screen ng phone. Halos mapatayo siya mula sa upuan.“Anong… anong sabi mo? Si Doña Filicidad Pattern? Sino siya?"Tumango ako. “Oo. At mukhang alam niyang may kinalaman si Gabriel sa pamilya nila. K

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 145

    Chapter 145“Hmmm, why not, Mommy,” sabi ni Julie habang nakangiti. “Kung mag-video call po tayo sa kanya? Para po magkita sila ni Tita Khanna?”Napatingin ako sa anak kong si Julie. Inosente ang ngiti niya, puno ng pag-asa.Si Gabriel naman ay agad napatingin sa akin, kumislap ang mga mata. “Totoo po, Mommy Sol? Pwede po ba?”Napalunok ako at bahagyang napayuko. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. Matagal nang walang balita si Khanna — walang tawag, walang sulat, walang paramdam. At sa bawat araw na lumilipas, mas lalong bumibigat ang tanong kung babalik pa nga ba ito.“Ahm…” mahina kong sabi, pinilit kong ngumiti. “Hindi natin siya matawagan ngayon, anak. Baka busy pa si Tita Khanna sa ospital o baka nasa biyahe pa.”Bumagsak ang balikat ni Gabriel. “Gusto ko lang po sanang sabihin sa kanya na marunong na akong maglakad mag-isa…” bulong niya habang pinaglalaruan ang daliri niya.Napaluha ako sa sinabi niya. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit.“Makikita ka rin

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 144

    Chapter 144“Ahm… mawalang galang lang po, Doña Felicidad,” mahinahon kong sabi habang tinutulungan si Julie at Gabriel na tumayo mula sa paglalaro nila sa sahig. “Mukhang pagabi na po kaya uuwi na kami ng mga bata. Hayaan n’yo po, puwede kayong makadalaw kay Gabriel. At sasabihin ko rin sa kanyang ina na si Khanna,” dagdag ko, maingat ang tono ko.Tinitigan ako ni Doña Felicidad—hindi galit, kundi puno ng pag-aalala at bigat. Para bang iniisip niya kung ligtas pa ba kaming umuwi.“Kung gano’n…” aniya sa mababang tinig, “mag-ingat kayo sa pag-uwi. Maraming mata ang nagmamasid. Kahit hindi ko pa sinasabi sa Villaceran Clan, may mga taong nakakaamoy ng lihim.”Tumayo siya at marahang hinaplos ang ulo ni Gabriel.“Apo ko… kapag dumating ang araw, sana maunawaan mo kung bakit ko ito ginagawa.”Humarap siya muli sa akin, mas matatag na ang boses.“Solidad, kung sakaling may mangyari, tawagan mo ako agad. Huwag kang matatakot dito sa hacienda. Dito kayo ligtas.”Tumango ako at marahang ngum

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 143

    Chapter 143Tahimik kong pinagmamasdan si Doña Felicidad habang unti-unti niyang isinasalaysay ang kasaysayan ng dalawang angkan. Ang kanyang mga mata ay tila ba nakatingin sa malayo, sa mga panahong punô ng pag-ibig, pagkakanulo, at mga desisyong nagbago ng kapalaran ng dalawang pamilya.“Ang totoo, Solidad,” panimula niya, “hindi anak sa labas si Brandon. Siya ay anak ko… anak namin ni Don Ernesto Villaceran.”Napatigil ako, halos hindi makapaniwala sa narinig ko.“P-po? Ibig sabihin—”Tumango siya, mabagal, mabigat.“Oo. Si Don Ernesto ay asawa ko noon. Sa pagsasanib ng aming mga pangalan, akala ng lahat ay magkakaroon ng kapayapaan ang Pattern at Villaceran. Ngunit hindi iyon nangyari. Ang kasal naming iyon… ay naging simula ng digmaan.”Lumapit siya sa bintana, at sa tinig niyang puno ng pighati, ipinagpatuloy niya ang kuwento.“Ang mga Villaceran ay hindi kailanman tumanggap sa akin bilang asawa ni Ernesto. Sa kanila, isa akong babae mula sa angkang minsang tinuring nilang karib

  • Isang Mainit Na Gabi (SSPG)   Chapter 142

    Chapter 142Hindi na ako mapalagay mula nang magpakilala ang matandang babae. Hindi lang pala siya basta debotong matanda—siya pala ay si Doña Felicidad Pattern, ina ni Brandon.Muling bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya…“Ang batang ’yan… siya ang apo ko.”Habang nakatingin ako kay Gabriel na mahimbing na natutulog sa higaan, ramdam ko ang bigat ng desisyon. Sa simpleng buhay na pinili ko kasama ni Julie, heto’t muli na namang hinahabol kami ng anino ng nakaraan.Ilang araw ang lumipas, muling nagkaharap kami ni Doña Felicidad. Sa pagkakataong ito, hindi na siya paligoy-ligoy.“Iha,” seryoso niyang sabi, “hindi mo na kailangang itago sa akin. Kilala ko ang apo ko. Si Brandon… alam kong anak niya ang batang iyan.”Napayuko ako. Hindi ko na alam kung paano tatakasan ang katotohanan.“Kung ganoon po, Lola… ano ang balak n’yo?” tanong ko, halos nanginginig ang boses.Huminga nang malalim si Doña Felicidad bago sumagot.“Hindi ko hangad na agawin siya sa iyo. Pero gusto kong makilala a

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status