Chapter 14Pagdating namin sa bahay, halos mapatid pa ako sa pagmamadali papasok. Agad kong ikinuwento kay Nene ang nangyari—kung paano kami hinabol, kung paano muntik na kaming maipit sa mga tauhan, at ang lalaking tumawag sa pangalan ko na parang kilalang-kilala ako.Pero imbes na kabahan o matakot, tumawa lang ang gaga. Yung tipong tawang parang nasapian.“Ay naku, Sol!” sabi nito habang hawak-hawak ang tiyan. “Natural lang ‘yun, noh! Hello? You’re a designer! Hindi ka lang basta gumagawa ng damit, you make statements! Aba, baka fan mo lang ‘yun, o baka gusto ka lang ligawan!”Napasinghal ako. “Nene! Ligawan agad? Eh halos himatayin na ako sa kaba! Hinabol kami, Nene, hinabol! Hindi ‘yun normal!”Pero mas lalo pa itong tumawa, halos maluha na. “Hala ka! Hinabol ka tapos takot na takot ka? Dapat nga ma-flatter ka, kasi ibig sabihin, girl, habulin ka talaga!”Napahampas na lang ako sa unan. “Loko ka talaga, Nene! Hindi ito biro!”Pero sa loob-loob ko, kahit nakakatawa ang hirit ng ga
Chapter 13Solidad POVHabang naglalakad kami ng anak kong si Julie sa loob ng mall, halos matunaw ang puso ko sa saya niya. Namimili siya ng mga laruan, at tuwing may makita siyang bago, kumikislap ang mga mata niya na para bang iyon na ang pinakamahalagang bagay sa mundo.“Baby Julie, gusto mo bang bumili ng teddy bear?” malambing kong tanong habang pinapahid ko ang buhok niyang bumabagsak sa noo.“Yes po, Mommy!” masiglang tugon niya, at napangiti ako. Kahit tatlong taong gulang pa lamang siya, malinaw at buo na agad magsalita. Hindi ko alam kung kanino siya nagmana—siguro sa ama niya… sa lalaking hindi ko man lang nakilala, nakamaskara noong gabing ipinagbili ko ang aking katawan.Bumuntong-hininga ako, pinilit itago ang pait ng alaala. Hindi niya kasalanan. Hindi kasalanan ng anak ko kung paano siya nabuo.“Tara na, doon tayo sa first floor. May nakita akong shop ng mga teddy bear doon.” Magiliw kong sambit, sabay karga kay Julie habang umaakyat kami sa eskalator.Pero bago ko pa
Chapter 12KINABUKASAN.Sunod-sunod na tunog mula sa cellphone ko ang gumising sa katahimikan ng umaga. Napapikit ako sa inis bago sinagot ang tawag.“What!” singhal ko agad.Narinig ko ang kaba sa tinig ng secretary ko.“S-sorry, Mr. Villaceran, sa istorbo. Pero… urgent po ito. Tungkol sa isang mall na pagmamay-ari ninyo.”Napakunot ang noo ko. “Ano na naman?”“May nanggugulong customer, Sir. At ayon sa manager doon… hihinto lang daw siya kapag personal kayong pumunta. Kung hindi… ipagkakalat niya na mga peke raw ang mga produktong binebenta sa mall natin.”Nabuhay ang dugo ko sa galit. Someone dares to threaten me this way?“Who the hell is that bastard?” malamig kong tanong.“W-wala pong gustong lumapit sa kanya, Sir. Naka-mask po siya at ayaw sabihin ang pangalan. Pero… may kasama po siyang isang bata.”Nanlaki ang mga mata ko, napatingin ako bigla sa bintana. Isang malamig na kilabot ang gumapang sa batok ko.Bata?Kahit na wala akong ganang kumilos dahil masakit Ang ulo ko sa hu
Chapter 11Alessandro POV "Dammit!" Malakas kong ibinagsak ang baso sa sahig. Tumilapon ang alak, kumalat ang bubog. Wala ni isa man sa mga tauhan ko ang gumalaw—lahat sila’y nakatungo, nanginginig."Apat na taon!" Sigaw ko, tinuturo ang mga nakayuko kong alipores. "Apat na taon na kayong kumakain ng sahod pero hanggang ngayon, wala pa rin kayong maibigay na impormasyon sa babaeng pinahahanap ko! Wala kayong silbi! Mga inutil!"Isa sa kanila ang naglakas-loob magsalita, nanginginig ang boses. "Boss… mahirap siyang hanapin. Parang bigla na lang siyang naglaho—"Sinapak ko ang mesa kaya muntik siyang matumba. "Walang mahirap! Lahat ng tao may kahinaan. At si Soledad… akala niya ba makakatakas siya sa akin?"Lumapit ako sa malaking bintana ng aking opisina. Mula roon, tanaw ko ang buong siyudad—maliwanag, magulo, pero wala siyang itinatago sa akin.“Soledad…” Mahina akong napatawa, halos bulong. "Akala mo sigurong ligtas ka na. Akala mo tapos na ako. Pero nagkakamali ka. Kahit na wala n
Chapter 10Lumipas ang oras, at naging umaga na.Ang liwanag ng araw ay tila walang pakialam sa bigat ng dinadala ko.Tahimik ang paligid. Malamig ang simoy ng hangin.Parang lahat ay nakikiramay sa katahimikan—kahit ang kalangitan ay kulay abo, waring naghihinagpis din.Wala na kaming inaksayang oras.Agad naming inihatid ang kabaong ni Kevin sa huling hantungan—doon sa parehong lugar kung saan nakalibing sina Mom at Dad.Habang bumabaybay ang sasakyan papunta sa memorial park, halos hindi ako kumikibo.Nakatitig lang ako sa labas ng bintana, habang yakap ang maliit na puting sobre ng sulat ni Kevin.Pakiramdam ko, isa-isa silang nawawala sa buhay ko.At ako na lang ang natitira.Pagdating sa puntod, sinalubong kami ng katahimikan ng sementeryo—puno ng mga alaala at panata.Doon na kami huminto. Sa ilalim ng lumang punong mangga.Sa tabi mismo ng puntod ni Mommy at Daddy.Bumaba kami ng sasakyan. Marahang binaba ng mga tauhan ang kabaong.Habang binababa ito sa hukay, pakiramdam ko'
Chapter 9Hindi ko alam ang gagawin ko.Nakatulala lang ako sa bangkay ni Kevin habang ang mga nurse at staff ay dahan-dahan na siyang inihahanda para ilipat sa morgue.Para bang kinakaladkad nila ang puso ko.Wala akong magawa. Wala akong kapangyarihang pigilan ang katotohanan.Tumayo ako, nanginginig ang mga tuhod, at lumapit muli sa kanyang tabi.Inabot ko ang malamig niyang kamay at dahan-dahan akong yumuko sa tainga niya."Mahal na mahal din kita, Kevin…"Ang tinig ko'y mahina, parang bulong ng hangin."Kung magkita kayo ni Mommy at Daddy sa kabilang buhay… ikumusta mo ako sa kanila, bunso."Pumikit ako, pinilit kong huwag lumuha muli, pero ramdam kong basang-basa na naman ang pisngi ko."Masaya ako… dahil hindi ka na makakaranas ng sakit. Hindi na muling masasaktan ang katawan mo. Hindi na muling masasaktan ang puso mo…"Binitawan ko na ang kanyang kamay.At sa pagbitiw na iyon… parang unti-unti ko na ring pinapatay ang huling hibla ng dati kong pagkatao.Pinagmasdan ko siyang i