Sebastian POVDalawang araw na ang lumipas simula ng isugod sa hospital si Elora at mawala ang anak namin, hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagigising pero ang sabi naman ng doctor sa akin ay nasa maayos na siyang lagay. Si Skyler na ang nag aasikaso at kumakalap ng impormasyon sa nangyari dahil hindi pa ako makakilos ng maayos dahil sa nangyayari sa amin."Kuya Seb, may gusto po ba kayong ipabili? Pagkain?" rinig kung tanong ni Kier sa akin.Agad naman akong tumingin sa kanya at ngumiti. "Ikaw na lang Kier, wala pa akong gana kumain," sagot ko naman sa kanya."Sige kuya, pero bibili na lang din ako ng pagkain para kung sakaling magutom ka ay meron" saad nito at tuluyan ng lumabas.Naiwan na naman akong mag isa kasama si Elora, hawak hawak ko lang ang kanyang kamay. "Baby, please, wake up. H-hindi ko alam kung ano ang gagawin. Lubog na lubog ako ngayon," mahinang anas ko at napayuko na lang.Mayamaya pa ay nakaramdam ako ng parang may humahawi sa buhok ko dahilan para mabilis kung
Sebastian POV"Are you sure about this baby?" tanong ko kay Elora ng makababa kami sa kotse koTumango naman siya. "We alredy talked about it since last time right?""It's just I'm worried about you, you don't need to face her. I don't want to see you in pain while staring at the person who caused wounds to your hearts," nag aalalang anas koHinawakan niya naman ang mga kamay ko. "Hindi lang ako ang nasaktan kung hindi pati ikaw. Don't invalidate your feelings, hindi laging ako lang ang iisipin mo sa lahat ng bagay, dapat ay pareho tayo. Ilang buwan na ang lumipas ng mawala siya sa atin and I want to move on and start our life without anger and hatred."Bumuntong hininga naman ako at saka ngumiti sa kanya. Ilang beses niya na kasing sinabi sa akin na gusto niya makita si Scarlet pero hindi ko lang siya pinapayagan dahil sariwa pa ang nangyayari sa amin ng panahon na 'yon kaya kailangan ko muna palipasin ang ilang buwan dahil ayaw ko naman na masaktan ang babaeng mahal ko.Hindi ko lan
Elora POVDalawang taon na ang lumipas simula ng mangyari ang lahat at isa na do'n ang pagkawala ng anak namin ni Sebastian, pero kahit gano'n pa man ay pinili naming mamuhay ng masaya at kontento sa isa't isa. Matagal na din kaming kasal.Ngayon naman ay nandito kami sa puntod ng anak namin dahil death anniversary niya, pinagawan kasi 'to ng asawa ko para naman may mapuntahan kami at mabisita kapag namimiss namin ang munting anghel namin."Hello baby Miracle, how are you? I miss you so much," saad ko habang inaayos ang bulaklak na dala namin. Napagdesisyunan naming mag asawa na 'yon ang ipapangalan sa kanya dahil kahit na hindi man namin siya nasilayan ay isa pa rin siyang blessing at regalo ng Panginoon."It's been how many years pero sariwa pa din ang alaala mo sa amin ng mommy mo. Mahal na mahal ka namin anak," segunda naman ni Seb.Mayamaya pa ay humangin at naramdaman namin ang lamig na parang yumayakap sa amin. "I know that you're here beside us, our angel. Be happy up there. A
"That's uh, well, chilling?" Hindi alam ni Mayumi kung ano dapat ang maging respond niya sa narinig, alam niya na hindi lang siya—lahat sila."I mean, yes," sagot ni Elora, "Pero it was our own stories naman diba?""Oo naman," sagot ni Karina, "Ikaw, Elora? May kwento ka rin ba gaya nila?" dugtong niya, kaya napatigil ito at tumingin sa dalaga, na nakangiti lang sa kaniya."Well—""Uy, Elora! I heard you got an award from your latest book!" singit ni Mayumi bago pa ako makapagsalita.Agad na tumango naman ito at kinuha ang maliit na bag sa aking gilid. "Yup, swertehan lang naman, sinubukan ko lang naman mag sulat ng mga panahon buntis ako at walang magawa sa bahay," pilit kung tinatago ang hiya na nararamdaman sa harap ng mga bago kung kaibigan."Where did you get your inspiration in writing such a crazy idea? My god! Base sa experience mo 'yon?"Isang mahinang tawa ang pinakawalan ko, nang marinig ang matinis na boses ng kaibigan niya, "Come on, tell us!" pangungulit pa nito sa kanya
Elora POV"Elora! Inutil ka talaga! Sunog na naman ang sinaing mo! Punyeta!" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang sigaw ng aking nanay mula sa unang palapag ng bahay.Nanlaki ang mga mata ko at dali daling bumaba, muntik pa akong madulas dahil nakakalat ang mga damit ng kapatid ko na si Stella, "Nay! Nandyan ka na pala!" Dumako ang tingin ko sa wall clock na nasa taas ng tv at nakita kung alas siyete pa lang ng gabi. "Ang aga mo yata nakauwi?""Tigilan mo ako! Nasa labasan pa lang ako, amoy na amoy ko na 'yan!" Gigil na hinampas ako ng hawak nitong timba, "Ang mahal ng gas, punyeta ka talaga! Ano akala mo sa akin, tumatae ng pera, huh?"Napakamot na lang ako sa aking noo habang hinahaplos ang braso na nabugbog ng ginto niyang timba, mas matanda pa yata kasi sa kanya 'yon. "Sorry na nay, may trabaho kasi ako. Medyo nakalimutan ko na,"- "Heh! Manahimik ka! Kahit kailan ka talaga, wala ka nang ginawang tama sa bahay na 'to. Puro sa reklamo at rason! Wala kang kwen---""Naaaa
Elora POV"Welcome! Enjoy your stay, our dear visitor!" Ito ang bungad sa akin ng makababa ako sa bangka na aking sinasakyan,may kalayuan din ang naging biyahe o kaya ramdam ko ang pagod at pananakit ng katawan. Nilibot ko ang aking paningin at tama nga si Charline, eksklusibo and naturang isla. Wala akong ibang masabi kung hindi sobrang ganda ng lugar at alam kung magiging masaya at payapa ang bakasyon ko.Sinalubong kami ng tour guide na si Cara, siya daw ang magiging kasama namin sa unang dalawang araw sa isla habang hindi pa namin kabisado ang lugar. Sa tingin ko ay ako lang ang first timer dito dahil ang ilan sa mga kasama ko ay halatang nakapunta na dito."Miss Elora, this will be your room, feel yourself at home. Tawagan mo lang ako kung sakali na may kailangan ka," Tumango lang ako at ngumiti ng pagak, nang makaalis si Cara ay tinignan ko ang paligid. May dalawang single sofa, isang centre table, isang cabinet, sa kabilang side ay nando'n ang mini kitchen, at comfort room. Nak
Charline POV"Aba, bruha! Tanghali na, tulog ka pa rin? Edi sana pala sa inyo ka na lang natulog at hindi diyan sa Isla!" napapikit ako dahil sa lakas ng boses ni Charline ang bumungad sa akin ng sagutan ko ang tawag nito na sana ay hindi ko na lang ginawa."Pwede bang mamaya ka na tumawag? Ang sakit kasi ng ulo ko at saka fyi lang ha, galing ako sa isang birthday part kagabi. I even made friends, mamaya mo na ako bulyawan!" napabaling ang tingin ko sa orasan at nakita niyang alas diyes na ng umaga. "Nasaan ka ba? Nakauwi ka na?" tanong ko pa."Pauwi pa nga lang ako galing sa trabaho. Antok na antok na ako girl, straight duty kasi ako ngayon kaya nakakainis din," sagot naman nito. Hindi na nagtagal ang pag uusap namin dahil nagpaalam na din ako, gusto ko na kasing kumain dahil kanina pa tumutunog ang tiyan ko. Naligo lang ako saglit, nagsuot ng simpleng dress at saka lumabas para maghanap ng makakainan.Nakarating ako sa isa sa sikat na kainan dito sa Isla kaya umorder agad ako ng kan
Elora POVHindi ko man lang namalayan ang araw at mag iisang linggo na ako dito sa isla. Sa mga araw ng pananatili ko ay madalas kung kasama si Sebastian, hindi ko nga maipaliwanag kung bakit ang bilis gumaan ng loob ko sa lalaking 'yon kahit na dapat ay galit ako sa mga 'to, pero syempre hindi naman siya ang ex boyfriend ko para idamay ko. Sa mga araw na magkasama sila ay unti unti na nilang nakikilala ang isa't isa. May pagkamoody ang ugali ng binata kaya minsan mabait, minsan naman ay suplado.Ngayon ay nandito na naman sila malapit sa dagat habang tinatanaw ang alon. "Ang peaceful ng paligid 'no?" biglang bulalas ko at nakita ko naman ang mabilis na pagtingin nito sa akin. "Sana gano'n din ang buhay, palaging tahimik, palaging masaya at walang problema," dagdag ko pa."This world is cruel, hindi laging masaya at tahimik. Nabuhay tayo para pagdaanan ang lahat ng bagay. Asan ang thrill do'n kung puro saya lang diba? Kung walang problema na dadating sa buhay natin paano tayo magiging