CIELA's POV
Uupakan ko talaga gonggong na iyon oras na makita ko siya, anong karapatan niyang manakit ng babae. Anong akala niya sa sarili niya sobrang gwapo? huh? humanda talaga siya sa'kin. Isusumbong ko talaga siya sa Daddy niya para wala siyang allowance. Anong akala niya gan'on lang kadali ang ginawa niya sa kaibigan ko. Ako napapahiya sa ginagawa niya. Tinulungan ko na nga siyang magtino. Buong akala ko nagtino na nga hindi pa pala.Hindi niya matatakasan ang kasalanan niya. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang ni Rhaen sa'ken. Wala na akong mukhang maihaharap sa kanila dahil sa kagagawan ng ugok kong pinsan. Jusko! ba't ba ako nagkaroon ng pinsan na puro sakit sa ulo lang ang ibibigay sa aming lahat.Akala ng lahat ay nagbago na talaga siya simula ng maging girlfriend si Rhean, hindi ko alam ano na naman masamang spirito sumanib sa ugok na iyon para magloko. Ang tino ng girlfriend niya tapos ganito ang isusukli. Gagu ba siya?ALLY's POVPauwi na ako sa condo galing probinsya, hinatid ko mga kapatid ko kina lola. Tuwing weekend kinukuha ko sila o kaya naman kapag wala akong pasok para makapasyal naman sila. Alam ko naman na nabo-bored din sila sa probinsya. May mga panahon din na sinasama ko sila lola para sabay kami mamasyal.Saktong pagdating ko sa parking lot napansin ko agad ang kotse ng mga kaibigan ko. Napabuntong hininga nalang ako. Panigurado ginugulo na naman nila ang pad ko. Sa labas pa lang ay rinig ko na ang ingay nila. Halatang nag-iinuman na naman"Hi pre, pasensya kana dito muna kami e kasi naman itong gonggong na'to tinatakasan jowa niya. Damay pa kami." bungad ni Johan sa'kin pagpasok ko.Si Dheaven na naman ang ibig niyang sabihin, wala naman ibang mas babaero sa mga ito kundi si Dheaven lang. Akala ko ba ay nagtino na ito, hmm?"At talagang dito pa kayo sa condo ko naisipan magtago. Linisin niyo iyang mga kalat niyo pagkatapos." pagbabanta ko."Shot ka muna pre, parang stress ka naman masyado." sabay abot ni Jeremiah sa baso"Mamaya na lang pagod pa ako galing akong probinsya hinatid ko mga kapatid ko.""Bakit hindi mo na lang dito pag-aralin ang mga kapatid mo para naman mabantayan mo rin sila." suhesyon ni Johan."Saka na pre kapag nasa High School na sila. Wala rin kasama sila Lolo doon e matanda na ang mga iyon. Masaya na rin silang nakikita lagi ang mga apo nila.""Sabagay, tama ka naman din pre. Pahinga ka muna kami na bahala dito."Tumango lang ako saka nagtungo sa kwarto ko. Agad ko binagsak ang katawan ko sa kama. Pagod na pagod talaga ang katawan ko. Pero hindi ako pwedeng magpadaig sa pagod dahil ako lang inaasahan ng pamilya ko. Lalo na ngayon nagpapagaling pa si Daddy.Lagi na lang akong tinatanong ng mga kapatid ko kung nasaan si Daddy ang lagi ko na lang sinasagot ay nasa ibang bansa busy sa trabaho at negosyo. Desisyon din nila lolo na huwag muna sabihin sa mga bata ang kalagayan ni Daddy baka mabigla sila. Ayaw din niya na mag-alala ang mga ito.Kung itatanong niyo nasaan ang magaling kong ina. Hindi ko alam, at wala na kaming pakealam pa kung nasaan man siya. Mas pinili niya ang sumama sa lalaki niya kaysa sa amin na pamilya niya. Wala siyang kwentang ina. Nagkasakit si Daddy dahil sa sama ng loob sa ginawa niya kaya hinding-hindi namin siya mapapatawad. Kahit ano pa ang gawin niya hindi na namin siya kailangan sa mga buhay namin.Paggising ko nasa labas pa rin sila nag-iinuman. nakailang bote na rin sila at medyo lasing na ang iba."Hindi pa rin kayo tapos? anong oras na ba?""Gising kana pala pre, mag-aalas dos na ng madaling araw napasarap lang sa kwentohan." sagot ni DheavenSaka ako umupo sa bakanteng sofa sa gilid. Sabay lingon kay Dheaven."Anong naman ang plano mo? akala ko ba ay nagtino kana?"Hindi agad siya nakasagot."May dahilan ako pre hindi ko muna pwedeng sabihin sa ngayon. Saka na kapag handa na akong ikwento sainyo.""Ganiyan din ang sinabi niya sa amin pre, ilang beses na namin iyan pinilit ayaw talaga niya mag-kwento. Ewan ko ba bakit dinadamayan pa namin itong gonggong na'to e ayaw naman magkwento." ani Jeremiah"Ayaw nga niyan umuwi sa kanila e. May bakante pa ba dito? gusto niya sana kumuha ng isang unit." tanong ni JeremiahLasing na kasi si Johan nakatulog na sa sahig. Hinayaan na muna nila. Si Jeremiah at Dheaven medyo lasing na din pero kaya pa nila ang mga sarili nila. Mataas ang alcohol tolerance ng mga ito hindi gaya ni Johan."Wala ng bakante dito, Pero may alam ako. Doon sa nirerentahan ni Liam may bakante pa doon pwede niyo e check bukas. Tutal hindi naman siguro kilala ng jowa mo si Liam. Kung pinagtataguan mo talaga siya pwede ka muna doon sa place ni Liam wala din naman siya palagi doon kasi nagta-travel siya every weekdays. Weekend lang siya umuwi sa apartment niya." suhesyon ko.Hindi sa kinukunsente ko ang ginawa ni Dheaven sa girlfriend niya pero hindi ko din naman alam ano talaga ang dahilan niya. Halata din sa pagkasabi niya kanina seryoso ang dahilan ng pag-iwas niya pansamantala dito. Alam naman kasi naming lahat na nagtino na siya. Hindi naman niya basta lang gagawin ito kung walang malalim na dahilan.Nasa kaniya pa rin iyon kung makokonsensya siya sa ginawa niya. Hanggang doon lang ang kaya kong tulong na mabibigay sa kaniya. Hindi ako konsentidor na kaibigan. Kasi kapag alam kong mali ay hindi ko hahayaang mas lumala pa. Pero sabi naman niya ay may dahilan siya. Alam ko naman na nagsasabi siya ng totoo kapag gan'on na siya kaseryoso magsalita. Matagal ko na ding kaibigan si Dheaven, kapag ako ang nagtanong alam niyang hindi ko gusto ang pinagsisinungalingan ako.SAFIYAA's POVAng sarap na sana ng tulog ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.Nakapikit pa akong ng sagutin ko ang tawag hindi ko na nagawang tingnan kung sino ang tumawag basta ko na lang sinagot ."Hello!? sino ba 'to?" pagalit kong sabi sa tumawag."Kahit kailan talaga pinaglihi ka sa sama ng loob. Wala man lang bang good morning diyan." aniya sa kabilang linya.Agad kung nilayo ang cellphone sa tenga ko para tingnan kung sino ang tumawag."Bweset ka ano bang kailangan mo? alam mo ikaw estorbo ka talaga e no? natutulog ako alam mo ba iyon?""Fiya tanghali na anong ginawa mo ba gabie ang tagal mo gumising. By the way tumawag lang ako para sabihin na uuwi na ako next month. And huwag mo muna sabihin kina Mommy na uuwi ako okay?""Shut up! Wala ka din naman pasalubong sa'kin.""Kailan ba kita hindi dinalhan ng pasalubong aber?""Okay fine, bye!" saka ko binaba ang phoneDahil antok na antok pa ako hindi ko na hinintay ang sasabihin niya basta ko na lang pinatayan. Bahala ka diyan kuya, manigas ka.Uuwi daw siya ngayon pa siya uuwi e noong pinauwi siya ni Mommy ayaw niya. Muntik na nga namin isipin na nakipag-tanan na siya.Anyway, sa Maynila pala nagta-trabaho Kuya ko, kaya hindi siya nakakauwi dahil sa katamaran niya. May kotse naman siya kaya naman niya ipag-drive ang sarili niya pauwi sadyang tamad lang talaga siya kase nga daw traffic. Ang dami lang talaga niyang dahilan e alam ko naman na ayaw niya lang umuwi dahil magkikita lang sila ni Ciela. Yes, si Ciela na ex girlfriend niya na kaibigan ko.FRANCYN's POVKainis naman 'tong si ate kadarating nga lang namin kina Dheaven bigla-bigla nalang tatawag na papauwiin na ako at kailangan niya ng tulong, akala ko naman kung anong tulong. Gagawin lang pala akomng utusan. Argh! nakakainis, kung alam ko lang sana hindi ko na iniwan si Rhaen d'on, nagkaroon pa tuloy ako ng iisipin kung ano na nangyare sa pag-uusap nila.Nabu-buwesit lang ako dito, saka ba't ba nandito ang isang 'to. Malas naman naging classmate ni ate 'to!."Tulungan na kita, wala naman na akong gagawin." argh! lord please lang pigilan niyo lalaking 'to baka masapak ko ng wala sa oras 'to.Nginitian ko siya ng pilit saka humarap sa kaniya. "Hindi na nakakahiya naman sa bisita ni Ate.""Gusto ko lang din tumulong saka sanay naman ako sa gawaing bahay." aba't nagmalaki pa hindi ko naman tinatanong.Huminga muna ako ng malalim, kinakalma ko ang sarili ko. Kasi sa pagkakaalala ko hambog ang isang 'to bakit ganito na ngayon umasta ito? na para bang wala siyang naaalala at hi
DHEAVEN's POVAlas syete pa ng umaga, tamad na tamad akong kumilos at bumangon pero nagising ang diwa ko nang sabihin ni Manang na nasa baba naghihintay si Francyn at Rhaen. Dali-dali akong naligo at nag-ayos ng sarili, nae-excite ako dahil sa wakas mag-uusap na kami.Teka? bati na sila ni Francyn, lokong babaeng iyon ah! hindi man lang ako sinabihan. Pero ayos na rin iyon nakokonsensya rin ako kasi dahil sa'kin nagkasira sila. Nang makababa ako natulala sila nang makita ako, sus alam ko naman na gwapo na ako bakit kailangan pa ganiyan sila tumingin sa'kin. Natawa nalang ako, iba talaga excitement ko pati sarili ko kinakausap ko na."Ang aga niyo naman anong meron?" tanong ko, na kay Francyn ang atensyon ko. Ayoko ipahalatang excited akong makausap siya."Hi dude? pasensya na naistorbo namin tulog mo, good morning pala. Sana masaya ang gising mo kasi kung hindi aalis na lang kami." kita mo 'tong babaeng 'to. Okay na sana e!"Syempre masaya naman lagi gising ko. Tara kain muna kayo.
ESTELLA'S POVGaya nga ng napag-usapan ay sa bahay gaganapin ang meeting namin para sa thesis. Kaya nagpahanda ako ng maraming meryenda. Nakakahiya naman kung hindi ko sila papakainin 'di ba?"Anong meron ba't ang daming pagkain? birthday mo ba?" iyan agad ang bungad sa'kin ni Francyn pagkababa niya."Hindi no? "Oh, ano ngang meron?""Darating mga classmates ko dito kami magme-meeting para sa thesis namin. Since tayo lang naman dito kaya nag-suggest na ako na dito na lang, saka nagpaalam na rin naman ako kina Mommy wala naman problema basta about sa schoolworks lang.""Ikaw? saan ang punta mo bihis na bihis ka ah!" "Magkikita kami ni Rhaen, may pupuntahan raw kami.""Mabuti iyan magbo-bonding uli kayo, Oh siya mag-ingat ka umuwi ka ng maaga ah!"Syempre masaya ako na okay na talaga sila ng bestfriend niya. Ilang buwan din nilang tiniis ang isa't-isa. Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang mga ka-klase ko. "Hi guys! tara pasok kayo huwag kayo mahiya feel at home." sabi ko."Wow ang l
CHELSEA's POVAng boring talaga dito sa bahay hindi naman ako pwedeng lumabas dahil baka maligaw ako. Tagal naman kasi ng susunod na pasukan excited pa naman akong pumasok. Buong araw na akong nakahiga, gusto ko sana gumala kaso wala rin akong masakyan kasi iyong driver namin nand'on pa sa school hinihintay matapos klase ni Ciela. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pagbabasa ng mga articles online kahit wala naman akong naiintindihan 'yong iba kahit fake news nilalagay pa rin sa article. Ano ba nakukuha ng mga ito sa pagkakalat ng mga hindi totoo, hindi naman ikakaunlad ng bansa ang mga ginagawa nila. Maya maya pa ay tumunog ang phone ko, here we go again. Kailan ba mapapagod ang isang 'to sa pangungulit sa'kin."Yrine? kailan ka ba babalik dito?" "For what reason Mavy?" yes it's Liam again, my sister's ex."Nakalimutan mo na bang meron pa tayong project, last chance mo nalang 'to para linisin ang pangalan mo dito Australia.""Hindi na ako babalik, If you come back here you know w
FRANCYN's POVSobrang awang-awa na ako sa setwasyon nila magda-dalawang linggo na silang hindi nagpapansinan hindi ko rin maintindihan kung paano nila nakakayang balewalain ang isa't-isa parang wala silang pinagsamahan. Tatlong buwan na lang matatapos na ang klase. Hindi ko pa alam saan ako mag-aaral tatanungin ko pa parents ko. Pero mas gusto ko dito pa rin sa school na'to madami na akong memories dito hindi pa ako ready na ilet-go ang mga iyon. Syempre may mga kaibigan pa rin akong gusto pa mag-aral dito lalo na si Ate.Nasa labas ako nang matanaw ko si Rhaen na naglalakad. Agad akong lumapit."Bes!"Huminto siya saka lumingon sa'kin, iyong tingin niya walang emosyon parang hindi niya ako kilala."Please, pwede ka bang makausap. Alam kong iniiwasan mo rin ako gaya ng pag-iwas mo kay Dheaven. Hindi ko alam pero naiintindihan ko. Naiintindihan kong nasasaktan ka, naguguluhan pero hanggang kailan? Hanggang kailan mo kami kayang tiisin. Hanggang kailan mo kami iiwasan?" Paiyak na ako n
CIELA's POVPalabas na ako ng gate ng maabutan ko si Dheaven sa labas mukhang may hinihintay kaya nilapitan ko, alam kong si Rhaen ang inaabangan niya. Nangako ako kay Rhaen n'ong nakiusap siya sa'kin na huwag muna palapitin si Dheaven sa kaniya kahit nasa iisang school lang kami. Hindi ako pumayag dahil kaibigan ko siya, pumayag ako dahil mahalaga sila pareho sa'kin. "Kung si Rhaen ang hinihintay mo umuwi kana kanina pa siya umuwi nagpaalam siya ng maaga masama ang pakiramdam niya. Pinsan nakikiusap ako hindi bilang pinsan mo kun'di bilang kaibigan niyong dalawa. Huwag mo muna ipilit na kausapin si Rhaen, Hayaan mo muna siya. Kakausapin ka rin niya huwag muna ngayon. Naiintindihan ko setwasyon niyo, alam mong galing din ako diyan minsan na rin akong naghabol sa taong mahal ko. Pero n'ong na-realize ko nakakapagod pala, kasi mas masakit maghabol kung ayaw ka naman kausapin. Hindi ko sinasabi 'to para sukuan si Rhaen, sinasabi ko 'to para bigyan niyo muna sarili niyo ng pagkakataon