Nagising ako sa isang haplos na paulit-ulit at pabalik-balik na humahaplos magmula sa ulo hanggang sa pisngi na napapadaan hanggang sa mga braso ko.
Nang sandaling imulat ko ang mga nanlalabong mga mata ay halos mangunot ang mga noo ko nang makita ko si Tita Hyacinth na nakaupo sa gilid ko. Nang makita niya ang sandaling pagmulat ng mga mata ko ay bahagya pa siyang natigilan sa paghaplos sa balat ko at di kalaunan ay napangiti nang mapagmasdan niya ang katanungang bumabalot sa mga mata ko.
“Nagising ba kita, Kimberly?” Nagpatuloy siya sa paghaplos sa buhok ko na maging ang pagkakagulo ng buhok ko ay nagawa niyang i-ayos.
Hindi ko alam pero nararamdaman ko ang sandaling kumportable sa presensya niya rito sa tabi ko. Para bang sa isang iglap din ay nawala ang sandaling pagka-inis ko sa kanya kagabi dahil siya rin ang itinuturo ng isip ko na isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa party ko si Daddy.
Alam ko namang wala siyang alam at isa pa ay si Daddy naman ang may choice na lumisan at piliing hanapin siya. Wala naman siyang kasalanan dahil nung una pa lang ay nagpaalam na siya sa 'kin na may iba pa siyang pupuntahan at kahit na imbitahan ko siya rito sa loob ay alam ko namang aayaw siya dahil nga sa lihim na sagupaan nila ni Mama.
Speaking of Mama, nagkaayos naman kaming dalawa kagabi. Pinili ko siyang patawarin kahit na alam ko namang nagmumukha na akong tanga sa tuwing maaalala ko na para bang halos lahat sila ay nagawa akong pagtaguan ng katotohanan. Maging sila Lolo ay nagawa akong bilugin sa lahat ng kasinungalingan isiniwalat nila kagabi. Hindi ko na rin nagawang kausapin ang matandang nagngangalang Hera na nagpadagdag lang sa kunsumisyon ko sa buhay.
Nang dahil sa nangyaring pagpapakita ko kagabi ay si Mama na ang nagdesisyong tapusin na ang naganap na munting selebrasyon. Mukha namang pumayag din ang mga bisita niyang middle-ages na kung hindi ako nagkakamali ay mga kamag-anak din naman ni Daddy.
Nagising ako sa pagbabalik-tanaw nang muling rumehistro sa harapan ko ang nakangiti ngunit may bakas ng lungkot na mukha ni Tita Hyacinth habang patuloy siya sa pagyapos sa ulo ko. Nagmistula rin akong pasyente sa ayos ng pagkakahiga ko at sa paraan ng pagkakahawak niya sa kaliwa kong braso.
Ramdam ko ang biglaang paglukot ng mukha ko nang dahil sa itinanong niya.
Mahimbing ang tulog ko kanina kung hindi lang niya nagawang hawakan ang ulo ko. Magiging maganda at magtutuloy-tuloy din sana ang pagtulog ko kung hindi lang siya paulit-ulit na yumayapos magmula sa ulo ko hanggang sa braso.
Hindi ko na siya nagawang sagutin sa tanong niya dahil mas inuna kong balingan ng tingin ang isa pang presensya ng taong hinahanap ko kagabi na nakatayo na ngayon sa gilid ni Tita Hyacinth.
Pinagmasdan ko si Daddy mula sa pagkakatayo niya. Nang sandaling mapansin niya ang pagbaling ko ng tingin sa kanya ay isang malungkot na ngiti ang iginawad niya habang nananatili pa rin sa pagkakatayo at nakapamulsa ring pinag-aaralan ang ekspresyon ng mukha ko.
“Goodmorning, Baby,” bati niya ngunit sa halip na sagutin siya ay muli akong lumingon kay Tita Hyacinth lalo na ng nagpatuloy siya sa paghawak sa kamay ko.
“Ano pong ginagawa niyo dito?” Normal naman ang tono ng pagtatanong ko.
Hindi ko na rin masyadong pinansin pa ang daglian nitong paghinto sa pagyapos sa akin at binigyan ako ng isang simpleng tingin na tila ba nagtatanong nang dahil sa salitang lumabas sa bibig ko.
Alam kong natamaan ko ang ego ni Daddy nang hindi ko man lang siya sinuklian ng bati at sa halip na sagutin siya ay si Tita Hyacinth ang binalingan ko ng tingin.
Kung sakaling nandito lang sa loob si Mama ay baka siya na lang ang pinansin ko sa halip na kausapin pa ang dalawang naririto sa harapan ko ngayon. Mas pipiliin ko si Mama— kahit na nagawa niyang magsinungaling sa akin.
Hindi ko alam pero may parte sa pagkatao ko ang nagsasabing magmula noon hanggang ngayon ay alam kong nagsisinungaling si Mama. Nakikita ko sa uri ng kilos at sa repleksyon ng mga mata ni Tita Hyacinth at ng matandang babae kagabi na nagngangalang Hera ang tila ba kating-kati na isiwalat sa akin ang katotohanan.
Bagamat hindi palakibo si Tita Hyacinth ay alam kong nais niyang sabihin sa akin ang totoo. Gano'n rin naman ang nakikita ko sa eskpresyon ni Lola Hera kagabi kaya naman nang sandaling magsalita siya ay alam kong iyon ang papaniwalaan ko hanggang sa dulo.
Sa umpisa pa lang ay nadulas na sa akin si Tita Hyacinth. Alam ko iyon dahil kahit na medyo bata pa ang pag-iisip ko nung mga panahong iyon ay hindi rin naman iyon ang sapat na dahilan upang tuluyan akong magpakatanga sa sinasabi nila. Hindi naman ako tanga para magpaniwala sa iisang bagay at alam kong alam ni Mama ang ugali kong iyon.
Gagawin ko ang lahat upang lumabas ang katotohanan sa mismong mga kamay ko. Kaya kong ayusin ang lahat nang hindi humihingi ng tulong sa iba. Kaya kong iresolba ang lahat sa mismong mga kamay ko. Alam kong hindi pa ngayon ang panahon pero natitiyak ko na magagawa kong hanapin ang solusyon sa darating na panahon.
Alam ko dahil kakayanin ko.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang lihim nilang tinginan sa isa't isa at nang sandaling mapansin nila ang titig ko ay pabiro pang tumikhim si Daddy upang i-wala ang atensyon ko sa kanilang dalawa.
“Pasensya na kung nawala ako sa party mo kagabi, Anak.”
Is it serious? 'Yan ang bungad ko sa umaga?
Nang dahil sa sinabi niya ay muli na namang bumalik sa 'kin ang alaalang tinapos na ng panaginip ko kanina. Para bang sa isang iglap lang ay muli na namang bumalik ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko na pilit nang kinalimutan ng pagkatao ko.
Ang sabi nga nila ay may panibagong bukas sa panibagong araw. Bakit parang sa isang iglap lang ay muli na namang bumalik ang lahat ng sakit na humilom na sa nakaraan?
Aaminin kong sobrang sama ng loob ko kay Daddy. Yung hindi niya pag-attend sa party ko at maging ang hindi pagbati sa mismong araw na pinakahihintay ko ay hindi niya man lang nagawa. Hindi ko alam kung ano ang ikinahihingi niya ng tawad ngayon sa harapan ko.
Sumasakit ang puso ko sa tuwing maaalala ko ang ginawa niyang paglampas sa 'kin para hanapin lang ang babaeng nandito na ngayon sa harap naming dalawa. Hindi porque natapos na ang lahat ay pwede ko na siyang patawarin. Hindi porket nandito na sa harapan naming dalawa ang babaeng hinahanap niya kagabi ay magagawa ko na siyang patawarin sa ginawa niya.
Naiinis ako. Nadidismaya ako sa ginawa niya. Natatakot ako na muli niya na namang iparamdam sa akin kung ano ang ipinaramdam niya kagabi at ang hindi ko magagawang masikmura ay magagawa niyang piliin si Tita Hyacinth sa halip na ako ang piliin niya.
“Alam kong nagtatampo ka sa nagawa ko kagabi kaya naman— nandito na kaming dalawa,” muli niyang dagdag.
Ang ngiti niya ay unti-unti at nagmistulang peke nang hindi ko man lang sinuklian ang matamis niyang ngiti.
Iniwan mo 'ko sa mismong araw na kinasasabikan ko. Nagawa mo akong balewalain at lagpasan nang hindi binabati nang dahil lang sa isang tao, pagkatapos ay nandito ka ngayon sa harapan ko upang sabihin sa akin na humihingi ka ng dispensa sa hindi mo pagsipot sa party ko?
Aaminin kong natuwa ako nang siya ang una kong nasaksihan sa surpresa sa 'kin kagabi, pero nang sandaling iwanan niya ako sa harap ng maraming tao dahil naging abala ka sa paghahanap sa presensya ng isang babaeng hindi naman importante sa buhay mo— iyon ang hindi ko kayang lunukin at mas lalong hindi ko kayang tanggapin.
Para bang sa ginawa niya ay mas lalo niya lang ipinakita sa akin kung gaanong kaimportante sa kanya si Tita Hyacinth at nagawa niya akong balewalain sa harap ng iba para hanapin ang nawawalang presensya ng babaeng wala namang karapatan sa pamilya namin.
As if naman importante ang presensya nilang dalawa.
Sa halip na pansinin siya ay muli akong bumaling kay Tita Hyacinth at siya ang nagawa kong tanungin ng, “Anong ginagawa niyo dito, Tita?”
Alam kong nagulat silang dalawa, lalo na si Daddy na mukhang umasim ang mukha nang dahil sa salitang hindi niya inaasahang lalabas mula sa bibig ko.
Ngayon ko lang nagawang balewalain si Daddy kaya naman ang pakitaan siya ng ganitong kilos sa harap pa mismo ni Tita Hyacinth ay alam kong napahiya ko na siya.
“Nagtatampo ako sa 'yo, Daddy,” Isang buntong hininga ang iginawad ko sa isip.
'Yan ang salitang gustong ilabas ng bibig ko at iparinig sa kanya ngunit hindi ko kagawang ilabas iyon dahil natatakot rin ako na maipakita ko sa kanya na nawawalan ako ng respeto sa kanya nang dahil lang sa hindi niya pagsipot sa kaarawan ko.
“Dumaan lang ako dito dahil alam kong hindi ako nakadalo sa birthday mo kagabi,” depensa niya bago muling hinmas-himas ang kamay kong nakabalot na ngayon sa mga kamay niya.
Sa marahan niyang paghaplos ay para bang ipinaparamdam nito sa akin na naririto lang siya sa tabi ko at handang makinig sa lahat ng kwento ko. Siya lang ang nakakapagparamdam ng ganitong pakiramdam sa 'kin, maliban kay Mama. Siya lang ang nakakapagparamdam ng ganitong klase ng kapayaan sa 'kin, maliban kay Daddy.
“Alam ko pong busy ka kaya hindi mo na po kailangang magpaliwanag,” sagot ko sa kanya bago bumangon at nagpaalam na mag-aayos na para sa klase ko ngayong araw.
Nasasaktan ako na medyo nagtatampo kay Daddy kaya naman nang sandaling magpresinta silang dalawa ni Tita Hyacinth na ihatid ako sa campus ay hindi na rin ako umapela. Alam kong ginagawa lang nila ang bagay na ito bilang pagbawi sa oras na hindi nila nilaan sa 'kin kagabi.
Hindi rin naman importante ang presensya nila kagabi kahit na medyo nadismaya rin naman ako sa sarili ko dahil hindi man lang nila nagawang dumalo kahit na ilang minuto lang naman itinagal ng party ko.
“Nagtatampo ako, Kimmie.” Habang abala kami sa paglalakad patungo sa cafeteria ay patuloy lang din sa paulit-ulit na pagrereklamo si Klaude na lihim kong sinisimangutan. “Ako pala ang naunang bumati sa 'yo kahapon pero hindi mo man lang ako nagawang tawagan at imbitahan sa party mo.” As usual, para bang babae kung magtampo.
“Biglaan ang party, Klaude. Malay ko bang may pa-surprise party pala si Daddy,” sagot ko na lang.
Tila ba tamad din akong makipag-usap sa kanya ngayon dahil siguro sa pagtatampo ko kay Daddy na bitbit ko hanggang sa klase.
“Kahit na. Nagawa mo pa rin akong kalimutan,” may bahid ng hinanakit niyang dagdag na sininghalan ko na lang.
Natapos ang araw ko na puro klase at klase at klase lang ang laman. Maraming dumaang group works sa araw na ito at sa bawat grupong nabuo sa klase namin ay naroon at kagrupo ko si Klaude. Sa halip na makinig sa discussion ay wala itong ibang ginawa kundi magpatuloy sa pang-iinis sa 'kin kaya naman sa huli ay muntik pa kaming mahuli at madala sa guidance office nang dahil sa kanya.
“Malay ko ba,” singhal niya sa tuwing ipapa-alala ko sa kanya ang tungkol sa panghuhuli sa 'min ng guro sa panghuling klase.
“Napapahamak tayo nang dahil d'yan sa kadaldalan mo,” naiinis kong sumbat.
Iritable niyang kinamot ang ulo kasabay ng isang pekeng tawa na ikina-arko ng mga kilay ko. Para bang sa isang iglap lang ay muli ko na namang ibinabalik ang nangyari sa pagitan naming dalawa at sa guro na nakasaksi sa walang prenong bibig ni Klaude kanina sa klase.
“Nakakatuwa kang manumbat, alam mo ba 'yon?” reklamo niya na ikinatawa ko.
“Nakakatuwa ka ring inisin— aware ka ba do'n?”
Bihira lang kaming dalawa kung mag-away at kung may hidwaan man sa pagitan naming dalawa ay hindi namang tumatagal ng isang araw ang tampuhan naming dalawa.
Natatawa kaming nagpaalam sa isa't isa nang makita ko na ang kotse ng susundo sa akin. At hindi na rin ako nagulat nang makita ko kung sino ang nasa driver seat at ngiting-ngiti na nakatitig sa 'kin habang papasakay ako sa front seat.
Ngayon lang ako sumakay sa front seat at alam kong iyon ang ikinalaki ng mga ngiti niya. Sa halip na punahin siya sa itsura ng mukha niya ay isang tikhim na lang ang iginawad ko bago sinarado ang pinto upang maaga na ring makauwi.
Tambak ang assignments na pinauuwi sa amin sa bahay. Hindi ko nga alam kung para saan pa nga ba ang weekends at kung bakit tuwing biyernes ng hapon ay pinapauwi sa amin ang sandamakmak na activities na kailangang ipasa bago pa man matapos ang unang araw sa susunod na linggong papasok.
“Kumusta ang school, Hershey?”
Heto na naman tayo sa pangalang hindi ko naman alam kung saan nagmula at kung bakit ito ang palagi niyang itinatawag sa akin kahit na alam niya namang Kimberly ang pangalan ko.
Sa halip na muling punahin si Tita Hyacinth ay sinagot ko na lang ang tanong nito sa 'kin.
“Okay lang po, Tita.”
Hindi naman ako bastos kung makitungo sa kanya. Kung hindi ko nga lang napapansin ang palagi nitong paglapit kay Daddy ay hindi ko siya aayawan. Sadyang nagugulo lang ang pag-iisip ko sa tuwing makikita ko silang magkasama ni Daddy nang silang dalawa lang at wala sa paligid si Mama.
Hindi rin porque ayaw ng mga Lola ko sa pagsasama ni Daddy at ni Mama ay may karapatan na silang humanap ng mga taong magpapasaya sa kanila. Hindi porket hindi boto ang parehong mga magulang nila ay may karapatan na rin silang mangaliwa.
Hindi normal sa isang mag-asawa ang maghanap ng mga taong pwedeng ipagpalit sa kakulangan ng mga partner nila. Hindi normal ang hanapin sa iba ang pagkukulang ng asawa mo.
Sagrado ang kasal at ang pagsasamang sinuot niyong dalawa kaya naman ang mangaliwa ay tunay nga namang nakakabastos hindi lang sa simbahan kundi pati sa harap ng Diyos.
Kung gaano mong sinisira ang katatagan ng relasyon niyong dalawa sa harap ng ibang tao, mas doble nito ang kasalanang ipinapakita niyo sa harap ng Diyos.
Para bang sinisira niyo ang sumpaan at pangakong binitiwan niyong dalawa sa mismong harap niya at sa mga taong nakasaksi sa sumpaan at plastikan niyong dalawa sa harap ng altar.
Nakakabastos ang ganoong klase ng relasyon. 'Yung tipong purong kaligayahan mo lang ang iniisip mo at balewala lang sa 'yo ang damdamin ng ibang tao. 'Yung tipong sarili mo lang din ang iniisip mo at balewala na sa 'yo ang nararamdaman ng bunga ng pagmamahalan niyong dalawa, 'di ba?
Alam ko ring sa pamilya nagsisimula ang depression ng isang bata, luckily ay hindi ako kabilang sa mga batang iyon na walang ibang ginagawa kundi tapusin ang buhay nila nang dahil lang sa pagkakamali ng iba— at iyon ang nakakabahala sa mundo ngayon.
“Aalis kami ni Jonas bukas,” panimula niya.
Ah, share mo lang?
Hindi ako nagsalita at hinayaan lang siya na ipagpatuloy ang pagsasalita hanggang sa tumagal ang ilang minuto na hindi niya na muling dinagdagan pa.
Bumabalot ang kuryoso sa isip ko kaya naman ako na muli ang nagdagdag sa balak niyang ipaalam sa 'kin kanina.
“Saan po kayo pupunta? At alam po ba ni Mama na aalis na naman kayo ni Daddy?”
Ramdam ko ang paglingon niya sa gawi ko ngunit nanatili lang ang paningin ko sa harap ng kalsada.
“Hindi ko alam na kailangan ko pa palang ipaalam kay Amanda na aalis kaming dalawa ng asawa niya.”
Tila ba may diin rin ang dalawang nahuling salita sa sinabi niya kaya naman hindi ko naiwasang magtaas ng kilay.
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra