Maliwanag ang pagkinang ng mga bituin sa langit. Tila ba nakikisama rin ito sa kung ano nga bang nararamdaman ko sa ngayon. Sa bawat pagkinang ng mga maliliwanag na bituin ay siya rin namang unti-unting paglakas ng kabog ng dibdib ko.
Sa unti-unting paglakas ng dibdib ko ay siya namang paghina ng mga binti ko. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nilang may kinalaman sa pagsasama ni Daddy at ni Mama. Para bang pabor sila sa isang bagay na alam nilang ikasasakit ko. Tila ba pabor sila sa desisyon ng isa— kahit na alam nilang magagawa ako nitong saktan.
Akala ko mabait sila. Akala ko mabuti sila. Akala ko ba kakampi ko sila?
Panay sila sa kakangiti sa akin sa t'wing magkakasalubong kami sa bahay. Panay sila sa pagkamusta sa akin sa tuwing dadalaw sila sa bahay. Panay sila sa pagkwento sa akin sa tuwing may bakante silang oras o di kaya naman ay hinihintay pa nila ang pagdating ng mga magulang ko.
Base sa mukha nila ay alam kong mabait sila. Base sa kilos nila ay alam kong mapagkakatiwalaan ko sila. Base sa paraan ng pakikipag-usap nila ay alam kong okay sila, pero— bakit gano'n?
Looks are deceiving, right?
Nagawa nila akong lituhin sa kilos nila. Nagawa nila akong dayain sa itsura at nagawa nila akong saktan sa mga sinasabi nila.
Akala ko mabait sila. Akala ko mapagkakatiwalaan sila.
Akala ko lang pala ang mga bagay na iyon.
Ramdam ko ang pagbagal ng paglapit ko sa kanila. Nang dahil sa sandaling pagtigil ng pagproseso ng utak ko ay tila ba naramdaman ko ang unti-unting pagbagal ng mga kilos nila. Maging ang tawanan nila ay unti-unting nawala sa pandinig ko at ang tanging naririnig ko na lang sa mga tenga ko ay ang unti-unting paglamukos ng mga tuyot na dahong naaapakan ko sa paglapit sa kanila.
Medyo madilim sa gawi ko dahil sa malaking puno na nagkukubli sa anyo ko upang hindi nila magawang hagilapin ang anino ko. Nagpapasalamat din ako sa mga naglalakihan nitong dahon na ginagawa kong harang upang hindi nila maramdaman ang paglapit ko.
Natuwa ako nang makita ko sila na masayang nagku-kwentuhan dito sa canopy pero kabaligtaran no'n ang naramdaman ko nang unti-unti kong narinig ang kung ano ang pinag-uusapan nilang lahat.
Walang reaksyon ko silang pinagmasdan at pinakinggan. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa usapan nila ngayon. Bakas ang tuwa sa mga mukha nila habang ang mukha naman ni Mama ay hindi ko magawang maaninag dahil nga sa nakatalikod siya sa gawi kung nasaan man ako. Base naman sa boses niya ay nahihimigan ko ang walang bahid ng galit niyang tono. Ni hindi ko nga mahinuha kung nag-eenjoy ba siya sa pinag-uusapan o ano.
Basta't ang alam ko ay masigla ang boses niya. Panay din siya sa pagtapik sa hita niya na mistulang tuwang-tuwa pa sa pinag-uusapan nila ngayon.
“Ayokong mag-settle ka sa iisang lalaki, Amanda,” rinig kong sambit ni Lola na bakas nga ang concern sa boses ngunit naroon pa rin ang sigla sa mukha niya.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon ay natitiyak kong maguguluhan ka rin sa kung ano nga bang pinag-uusapan nila sa ngayon.
Sa sinabi niya ay para bang gusto niya pang dagdagan ni Mama si Daddy. Para bang sinasabi niya rin kay Mama na hindi nararapat sa kanya si Daddy.
Sa tono ng pananalita niya ay para bang ayaw niya sa pagsasama ng mga magulang ko. Hindi ko alam pero ganito ang pagkaka-intindi ko sa pinag-uusapan nilang lahat ngayon.
“Matagal nang wala si Oliver at anak—”
“Mama, hindi mo na po kailangang ulit-ulitin sa 'kin ang bagay na 'yan,” sagot ni Mama sa payo nito.
Dumagdag sa iisipin ko ang pangalang binanggit ng matandang babae na kausap ni Mama.
Sino si Oliver, at anong anak ang sinasabi niya?
“Minsan lang ako kung magmahal, Mama. At ayoko rin namang mahati ang atensyon ko kay Kimberly,” muli nitong dagdag.
Rinig ko ang tikhim ng isang matandang babae kaya naman sa kanya nabaling ang atensyon ng lahat. “Paano ang apo ko kung gano'n? Gusto kong magsama na silang dalawa ng Mommy niya. Gusto kong makumpleto na ang pamilya nila, Amanda. Hindi ko kayang makita ang apo ko na unti-unting napapalapit sa 'yo.” Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga oras na iyon. “She deserves to know the truth, Amanda. Mas lalo kayong mahihirapan sa pagsasabi ng totoo sa kanya kung sa umpisa pa lang ay hindi mo na binibigyan ng pagkakataon ang anak ko na patunayan sa anak niya ang pagiging isang ina.”
“Tita, ginagawan ko naman po ng paraan—”
“Hanggang kailan?” pagtaas ng boses nito na ikinatigil ni Mama.
Mabilis siyang hinawakan ng natitiyak kong asawa niya upang pakalmahin sana siya sa biglaang pag-usbong ng galit sa boses nito. Para bang sa isang ihip lang ng hangin ay natitiyak na ng mga kasama nila sa mesa ang pagsugod nito kay Mama. Laking pasasalamat ko na rin siguro sa asawa nito dahil dahan-dahan niya itong binulungan at pilit na pinapakalma.
“Kung na-offend man kita sa pagtaas ko ng boses— then, I'm sorry,” buntong-hininga nito na tinanguan ni Mama. “Gusto ko lang ipa-alala sa 'yo na hindi ikaw ang may obligasyon ng lahat, Iha. Gusto kong mag-settle ka ng buhay. Gusto rin namin na magkaroon ng apo mula sa 'yo at sa lalaking mapipili mo. Hindi lang sila Hyacinth ang gusto naming magkaroon ng apo, Iha. Ikaw din,” ngiti niya pang dagdag.
“Nakukuha ko naman po ang ibig niyong sabihin, Tita.” Bahagyang umayos sa pagkaka-upo si Mama bago muling dinagdagan ang sinasabi. “Pero sapat na po sa 'kin na nasa puder ko si Kimberly. Masaya na po ako sa presensya niya kahit hindi siya nanggaling sa 'kin.”
Anong sinasabi niyang hindi nanggaling?
Masyado pa akong bata nang mga panahong iyon kaya naman hindi ko pa masyadong naiintindihan kung ano man ang mga pinag-uusapan nila ngayon.
Alam kong may kinalaman ako sa mga bagay na pinag-uusapan nila. Hindi lang din naman doon natatapos ang usapan nila dahil maging ang pagkakaroon ng anak ni Mama ay hinalungkat nila. Kung hindi pa man ako umabot ng bente minutos sa pakikinig sa kanila ay hindi ko pa malalaman na mayroong anak sa una si Mama.
Hindi ko iyon gaanong narinig at hindi gano'n kalinaw sa akin ang kwentuhan nila pero alam kong doon din naman patungo ang kwentuhan nila. Alam ko dahil sa mismong bibig pa ni Mama lumabas ang pangalang iyon.
Ang pangalang ginamit niya sa birth certificate ko.
Sa totoo lang ay nadidismaya ako sa kanya at sa sarili ko.
Dismayadong-dismayado ako sa mga salitang lumabas mula sa bibig niya at tila ba dismayado rin ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang naman ang sarili ko na manatiling makinig sa kwentuhan nila kahit na nasasaktan na ako nito.
“Kumusta ang medications, Anak?” tanong ni Lola dahilan upang sa kanya naman ako bumaling.
Para bang walang nararamdamang puyat ang mga kasama ni Mama. Tila ba uhaw na uhaw sa mga tsismis na masasagap mula kay Mama.
Hindi ko alam kung bakit naririto pa ako gayong tapos naman na ang lahat. Napakinggan ko na rin naman ang lahat kaya naman hindi ko lubos na maintindihan kung bakit at ano pa nga ba ang ginagawa ko rito.
May saysay nga ba ang pakikinig ko? Hindi ba't sa tuwing makakarinig ako ng mga statements mula sa kanila na may kinalaman sa akin ay nasasaktan ako?
Nasasaktan ako, oo. Pero alam kong ang pananakit na ito ang natitirang paraan upang maging matibay ako sa oras na magkaroon ako ng pagkakataong malaman ang totoo o 'di kaya naman ay magkaroon sila ng lakas ng loob na siyasatin sa akin ang katotohanan.
Nalulungkot ako dahil nagawang magsinungaling ni Mama sa akin. Nalulungkot ako dahil nagawa niyang itago sa 'kin ang katotohanan kahit na alam niyang ikakasakit ko ito. Nalulungkot ako dahil sa paraan niya ng pagtatago sa 'kin ay pakiramdam ko, wala siyang tiwala sa mararamdaman ko. Wala siyang tiwala sa kung ano man ang una kong gagawin kapag nalaman ko ang totoo.
Ano ba ang ikinatatakot ni Mama?
Natatakot ba siya na magrebelde ako? Magagawa ko bang magrebelde sa edad kong ito?
Tama nga si Lola. Sana nung una pa lang ay ipina-intindi na nila sa akin na ampon lang ako. Sana nung una pa lang ipinaliwanag na nila sa akin na hindi ako ang tunay nilang anak— na may iba pa r'yan ang mas may karapatan kumpara sa akin. Sana nung una pa lang ay nagkaroon na sila ng lakas ng loob na umamin sa 'kin, hindi 'yung kung kailan ako nagkaroon ng isip ay saka sila bubuwelta ng ganitong klase ng problema.
Ngayon pang mas sensitive na ako sa maraming bagay. Ngayon pang alam ko na ang tama sa mali at ngayon pang may karapatan na akong magdesisyon para sa sarili ko.
Kung makasarili lang ako ay baka naisipan ko nang umalis at hayaan na lamang silang mamuhay ng payapa dito.
Paano na lamang kung hindi ako nabuhay? Ano kayang mangyayari sa kanila kung wala ako rito sa tabi nila?
Makakasama na ni Mama ang tunay niyang anak kasama ni Daddy o kung sakaling maghiwalay man silang dalawa ay magagawa naman ni Daddy na gustuhin si Tita Hyacinth at magpakasal na sila.
Hindi ko lang matanggap na para bang sa istoryang ito ay ako lang ang bida na walang alam sa lahat ng bagay. Ni hindi ko man lang magawang i-reason out kung ano ang kalalabasan ng ending.
Alam ko nga ba kung sino ang antagonist at protagonist? Sino-sino ang kalaban?
Ako lang yata yung bida na binuhay lang upang huminga at tumayo sa tabi. Maging watcher sa umaga at kuwago sa gabi. Ni hindi ko nga alam kung ano nga ba ang purpose ko sa story na ito.
Patatas nga ba o kamote?
“Ayos naman po,” sagot ni Mama kay Lola na malungkot nitong tinanguan. “Gusto kong lumaban para sa anak ko. Ayokong iwanan siya nang magulo at wala sa tamang landas dito sa mundo.”
“Hindi ka pwedeng umalis nang hindi mo naipapaliwanag kay Kimberly ang lahat, Amanda. Hindi papayag si Hyacinth at si Jonas,” sabat ng matandang lalaki na pamilyar din sa paningin ko.
Aalis si Mama? Saan siya pupunta kung gano'n?
“Alam ko naman po iyon, Tito.” Dahan-dahang sumandal sa iron bench si Mama dahilan upang maglikha pa ito ng langitngit sa tahimik na gabi. “Gusto ko na ring makasama si Kimberly, pero hindi ko rin naman kayang iwanan si Kimberly dito.”
Hindi ko maiwasang sumama ang loob. Paano niya nagawang ipangalan sa ibang tao ang pangalan ko? At ang pinakamalala pa sa lahat ay sa mismong anak niya pa.
Nakukuha at alam ko naman sa sarili ko na ako ang carbon copy ng tunay niyang anak. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kailangan niya pang gayahin ang pangalan ng ibang tao para lang sa pangalan ko.
“Siya ang rason kung bakit pilit akong lumalaban sa sakit ko. Si Kimberly lang ang rason kung bakit lumalaban ako sa buhay kahit na alam kong wala na rin namang katiyakan ang paggaling ko—”
Nang dahil sa sama ng loob ay nagawa kong umalis sa pagkakatago mula sa dilim at agad kong nakuha ang atensyon nila Lolo at Lola.
“Ako po ba o yung tunay mong anak?” pagsulpot ko sa harapan ng lahat.
Marami silang nakatingin sa gawi kung saan ako gumawa ng entrance. Lahat sila ay napaawang ang labi at hindi maipinta ang mukha nang sandaling magpakita ako sa harapan nila. Nakita ko ang biglaang pagbaling ng tingin sa gawi ko ni Mama nang marinig niya ang boses ko.
“Anak—”
“Hindi mo ako pagmamay-ari, Mama.” Isang hikbi ang kumawala sa bibig ko bago ko naramdaman ang pangingilid at ang tuluyang pagbuhos ng luha sa gilid ng mga mata ko. “Sinungaling ka, Mama. Nagsinungaling ka sa 'kin. Sinungaling ka!”
Paulit-ulit ako sa pagbigkas sa kanya sa mga salitang hindi ko inaasahang mababanggit ko sa kanya sa pagdaan ng mga taon.
Alam kong masakit ito para sa kanya ngunit alam ko rin na alam niyang mas masakit ito para sa 'kin dahil sa sitwasyong ito— ako ang dehado.
Ako ang biktima rito. Ako ang pinagkaitan ng katotohanan dito. Binuhay nila ako sa kasinungalingan at hindi ko inaasahan na kung hindi ko pa man malaman ang katotohanan ay may posibilidad pa pala na ilihim nila sa 'kin ang lahat.
Nang sinubukan niyang lumapit sa 'kin ay naluluha akong umatras mula sa pagkakatayo na ikinatigil niya.
“Apo, ano bang sinasabi mo?” sabat ni Lolo na ngayon ay nakatayo na kasama ng iba. “Mali ka nang pagkaka-intindi sa pinag-uusapan namin—”
“Maniwala ka, Anak. Mali ka nang pagkaka-intindi,” bakas sa mukha ni Mama ang takot na lihim kong nginitian sa sarili.
“She has the right to know the truth, Amanda.” Lumipat ang tingin ko sa matandang babae na kausap ni Mama kanina. Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin sa 'kin at malungkot na ngumiti. “She's not your Mom—”
“Ano ba, Hera!” banta muli ng asawa niya dahilan upang silang dalawa naman ang mag-iringan.
Nanatili akong tulala sa gulat at halos mamanhid ang katawan ko nang dahil sa pagpapalitan nila ng argumento sa isa't isa.
Panay sa pagsasalita ang matandang nagngangalang Hera habang ang asawa at ang iba pa nitong kasama ay patuloy lang sa pagpipigil sa kanya.
Sa gitna nilang lahat ay nakita ko si Mama na nakatingin sa gawi ko at tila ba pinag-aaralan ang reaksyon ko mula sa mga narinig ko kanina sa kanila.
Nang dahil sa pamamanhid ng mga binti ko ay hindi ko na rin nagawang pigilan ang mga paa ko nang maramdaman ko ang paglapit niya at ang pagluhod niya sa harapan ko.
“Lagi mong tatandaan na kahit anong mangyari— ako pa rin ang mama mo. Hindi ako nagkulang sa pag-aalaga sa 'yo, Anak. Alam mong importante ka sa 'kin. Itinuring kitang isa na sa mga bagay na pagmamay-ari ko, Kimberly. Ikaw ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong lumalaban sa karamdaman ko—”
“Pero nagsinungaling ka sa 'kin, Mama.” Basag ang boses ko nang sumagot ako sa sinabi niya. Tila ba kuminang din ang mga mata nito nang sandaling magsalubong ang mga mata naming dalawa. “Totoo po ba na hindi ako ang tunay mong anak?”
Saksi ako sa kung paanong nag-iba ang reaksyon niya sa tanong ko. Alam kong nagulat siya sa tanong ko ngunit nagawa niya pa ring sumagot kahit na alam kong napipilitan na lang siya sa pagsagot sa 'kin dahil alam niyang hinding-hindi ko siya magagawang tigilan sa paulit-ulit na pagtanong sa kanya.
“Anak kita, Kimberly. Tunay kitang anak.”
Nang dahil sa sinabi niya ay bahagyang lumuwag ang pagkakahinga ko. Alam kong may iba sa tono ng pananalita niya ngunit hindi na iyon ang pinagtuunan ko ng pansin dahil ang importante na lang para sa 'kin ngayon ay ang mga salitang binitiwan ni Mama.
Alam ko at kailangan kong maniwala sa kanya. Alam ko na sa oras na magsinungaling siya sa 'kin ay natitiyak kong hinding-hindi niya na magagawang sundan pa ang isang pagkakamali niya na natapos niya.
Alam kong hindi niya na magagawang umulit dahil kilala ko na rin naman ang ugali niya, at isa pa...
Naniniwala ako sa kanya kahit na nararamdaman kong nagsisinungaling siya sa pagsagot sa 'kin.
Kailangan kong maniwala sa kanya, dahil sa mundong ito... hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko.
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra