Share

Chapter 25

Wala sa sarili kong tinahak ang daan pauwi. Wala akong ibang dala bukod sa bisikletang kanina ko pa hinihila magmula sa bahay nila, at ang sarili kong tila ba nawala sa ulirat nang dahil sa balita ni Aling Imelda.

Lumipat? Lumipat siya nang walang paalam?

Sa Mindoro?

Hindi magagawa ni Klaude sa 'kin ito. Bahagya akong natawa at naawa para sa sarili ko. Umasa ako sa pangako niya kahit na alam kong wala naman talaga akong dapat na asahan. Kasalanan ko dahil nagawa kong umasa sa wala. Umasa ako sa isang pangakong hindi ko alam na medyo malayo pala sa reyalidad.

Mindoro? Huh?

At nangako pa siya na makakauwi siyang mag-isa? Na magagawa niyang makauwi nang hindi man lang nagpapaalam sa mga magulang niya? Na magagawa niyang bumalik kahit na hindi siya gano'n kapamilyar sa isang lugar?

Really, Klaude?

Okay lang naman sa 'kin kung hindi ka mangako. Magagawa ko namang intindihin ang rason mo. Pero 'yung magsinungaling ka at paasahin mo ako na m

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status