NAGING maingay sa biyahe si Tita Hyacinth. Kung gaano kadalang ang pagsasalita ko ay siya namang ikinasigla niya sa pagkukwento.
Marami siyang ikinukwento sa aming dalawa ni Daddy, pero dahil nga sa nangyaring sagutan namin kanina sa parking lot ay hindi ako naging updated sa kung ano man ang ikinatatalak niya.
Panay siya sa pagkwento sa mga bagay na hindi ako interesado. Panay siya sa pagtawa sa mga biro na alam niyang hindi ko man lang naiintindihan. Minsan nga ay naiisip ko kung sinasadya niya nga ba talaga ang pagkwento at pagsasalita sa mga bagay na alam niyang hindi ko maiintindihan o sadyang wala lang talaga siyang alam na hindi ako interesado sa mga ikinukwento niya?
Bahala siya. Silang dalawa na lang ni Daddy ang magkwentuhan sa mga bagay na wala akong kaalam-alam. Tutal ay magkasing-edad naman silang dalawa, mas mabuti pa nga kung sila na lang ang magkaintindihan dahil mukhang magka-ugali pa silang dalawa.
Goal niya rin naman yata ang mapalapit kay Daddy, e'di ito na ang chance niya. Hangga't wala si Mama sa harapan nila— magkwentuhan sila nang magkwentuhan. Pero kapag nakaharap kaming dalawa ni Mama, hindi pwede 'yang ganyan.
Natigil ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang tinawag ni Tita Hyacinth ang pangalan ko, at kung makaasta siya ngayon sa harapan naming dalawa ni Daddy ay para bang walang nangyaring iringan sa pagitan naming dalawa kanina. Para bang ang bilis niyang makalimot sa pagsigaw niya sa akin sa harap mismo ni Daddy.
Hindi ko rin naman maiwasang sumama ang loob dahil tila ba hinayaan lang ni Daddy na sigaw-sigawan ako ng pinsan mismo ni Mama. I mean, hindi ba nahihiya si Tita Hyacinth na halos silang dalawa na lang ang palaging magkasama sa halip na si Mama at si Daddy?
Hindi ko alam pero natatawa na lang ako sa sarili ko sa t'wing maaalala ko kung paanong mabilis na namula ang paligid ng mga mata niya nang dahil sa sobrang pagpipigil ng galit sa akin kanina. Wala namang masama sa sinabi ko, 'di ba? Totoo naman na hindi siya ang Mommy ko kaya naman wala siyang karapatang pangunahan ako sa mga desisyon na bubuuin ko sa buhay.
Pakikisamahan ko ang gusto kong pakisamahan at rerespetuhin ko ang kung sino mang gugustuhin kong respetuhin. Wala siyang magagawa kung ayaw ko at mas lalong wala siyang magagawa upang baguhin ko ang respetong gusto kong iparamdam sa kanya.
Dahil nga sa medyo bata pa ako nung mga oras na iyon, wala akong choice kung hindi ang magpilit ng ngiti kahit na alam kong peke ang ngiting iginawad ko sa kanya.
Nakita ni Daddy ang repleksyon ng pagngiti ko sa rearview mirror kaya naman alam kong maging siya ay nadala sa ganda ng pagkakangiti ko sa katabi niya.
Well, for my show. Gagawin ko ang lahat upang mapatunayan ko kay Daddy na hindi siya nagpalaki ng isang walang modo at pariwarang bata. Hindi ko rin naman gugustuhing sirain ang imahe ko sa mismong harap ni Daddy para sa babaeng ito, 'no.
“Kimberly, do you want me to tell you some stories?” ngiti niyang tanong na ikinangiti ko.
Well, I love stories. Fairy tales, novels o kahit ano pang genre 'yan. It depends na lang siguro sa magkukwento. Base naman sa ekspresyon ng pagmumukha niya ngayon habang nakalingon sa akin, mukha namang nasa wisyo siya upang magkwento.
It's not that bad.
Kung si Tita Hyacinth din naman siguro ang magkukwento, alam ko naman na mas magaling si Mama sa kanya sa kahit na anong larangan. Magaling siya sa pagluluto pero masasabi ko na mas magaling si Mama sa kanya. Magaling siya sa pagdidisenyo pero natitiyak kong mas marunong si Mama sa kanya. Matalino siya pero alam kong mas may maibubuga si Mama.
Walang makakapantay kay Mama sa paningin ko at alam ng mga tao kung gaano ko siyang iniidolo magmula noon hanggang ngayon.
Isang ngiti at tango ang pinakawalan ko bago umayos sa pagkakaupo at tila ba nag-aabang sa pagbuka ng bibig niya. Para bang kanina lang ay iritado pa ako sa kung paano siyang kumuda nang walang kabuluhan, ngayon naman ay para bang naging interesado ang utak at pandinig ko sa kung ano man ang sasabihin niya sa mga oras na 'to.
“This is all about a girl that lives in Sutherland,” ngiti nito.
Hindi ko alam kung tataas ba ang kilay ko sa salitang binanggit niya o mas pipiliin ko na lang na manahimik kahit na alam ko na rin naman paano at kung saan tutungo ang usapang ito.
“Una kong nakita ang daddy mo sa isang resort na malapit sa Tagaytay,” panimula niya na pasimple kong inirapan nang hindi niya nakikita.
Sana ay maisip din niya na hindi ako interesado sa kwento nilang dalawa, hindi ba? Nakatikom ang bibig ko habang patuloy siya sa pagkwento sa kung paano silang nagsimulang magkakilala ni Daddy. Sa kung paano ba sila naging malapit sa isa't isa at kung paano nga ba siyang nahulog sa asawa ng nanay ko.
Ang kapal ng mukha, 'di ba?
Hindi ko na siya pinansin sa mga kwento niya dahil mukhang sila lang dalawa ni Daddy ang nagkaka-intindihan at mas lalong silang dalawa lang ang natutuwa sa mga kwento nilang dalawa.
Panay sila sa asaran habang ako naman ay nanatili lang sa pagiging tahimik at walang kibo. Mukhang nagkaka-igihan silang dalawa sa kwentuhan— bakit hindi ko kaya sirain ang mood nilang dalawa?
“Sa Tagaytay ko siya unang nakita at sa campus naman kami nagsimulang magkakilala,” patuloy niya sa pagkwento na ipinagsasawalang-kibo ko na lang. “Doon din nag-umpisa ang kwento naming dalawa—”
“Eh yung kwento po nilang dalawa ni Mama?” ngiti kong baling na ngayon lang sumabat.
Tutal ay patuloy ka lang sa pagkuda sa kung paano kayong nagkakilala ng lalaking kasama mo ngayon, bakit hindi mo naman ikwento kung paano silang nagkakilala ng orihinal niyang asawa sa papel. Mas matutuwa ako kung ang kwento ng dalawang taong nagmamahal ang ikukwento niya at hindi ang kwento nilang dalawa ng lalaking harapan niyang nilalandi ngayon sa harap ko.
Silang dalawa lang din naman ang nasa relasyon. Silang dalawa lang din naman ang nagpakasal. Silang dalawa ang nagsumpaan sa harap ng altar at ang pangalan nilang dalawa ang nakasulat sa marriage contract na pinirmahan ng pareho nilang mga magulang.
Inosente pa ang pag-iisip ko nung mga panahong iyan at balewala pa sa 'kin ang nararamdaman ng ibang tao. Balewala pa sa 'kin ang konsensya ng iba at mas lalong hindi ko pa pinapahalagahan ang komento ng mga taong nakapaligid sa 'kin. Hindi ko rin masyadong napag-iisipan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko na maging ang pagsagot ko sa mga taong nakaharap sa akin ay balewala rin sa opinyon ko. Wala akong ideya sa kung anong nararamdaman nila sa mga sinasabi ko at mas lalong wala akong pakialam kung makakasakit ba sa nararamdaman nila ang sinasabi ko.
“Hindi sila nagkaroon—”
“'Wag mong sasabihin sa kanya ang bagay na 'yan, Iya,” giit ni Daddy sabay baling ng nagbabantang tingin kay Tita Hyacinth. “Masyado pa siyang bata para intindihin ang mga bagay na 'yan.”
“Masyado pang bata?” bakas sa tono ni Tita Hyacinth ang sakit ng salitang sinabi ni Daddy kaya naman hindi ko naiwasang mapakunot ng noo sa reaksyon niya.
Ni hindi ko nga rin magawang maintindihan kung bakit ganito ang naging reaksyon niya sa sinabi ni Daddy.
At ano nga ba ang pinagtatalunan nilang dalawa ngayon?
“Hindi na siya bata sa edad niya, Jonas!” singhal niya pa.
Wala namang ibang ginawa si Daddy kundi tumikhim at mag-iwas na lang ng tingin dahil sa biglaang pag-aalburoto ni Tita Hyacinth sa kanya.
“She's old enough to understand this kind of set-up, Jonas!” Patuloy niya sa pag-aalburoto.
“Ano pong pinag-uusapan niyo—”
“Wala akong sinasabing hindi niya makukuha ang puntong sinasabi mo. Ang akin lang—”
Hindi pa man natatapos sa pagsasalita si Daddy ay muli na naman siyang pinutol ni Tita Hyacinth. “Hindi mo sinasabi pero 'yon ang pinapamukha mo sa 'kin, Jonas,” putol ni Tita Hyacinth.
Hindi ko rin naman magawang makapagsalita o maski sumabat man lang sa usapan nila dahil unang-una sa lahat ay hindi man lang nila ako binibigyan ng pagkakataong makapagtanong man lang tungkol sa pinagtatalunan nilang dalawa. Pangalawa sa mga dahilang tinutukoy ko ay natitiyak kong hindi rin angkop ang pakikisabat sa usapan ng mga matatanda gaya nga ng sinabi ko sa mga naunang kabanata.
Tinuruan akong rumespeto ni Mama sa mga nakakatanda, at kabilang na nga sa respetong iyon ay ang respeto sa usapan ng iba. Hindi mo mababayaran ang respeto sa pamamagitan ng pera dahil ang respeto, pinaghihirapan 'yan sa pamamagitan ng paggalang sa opinyon ng bawat isa.
“I'm just trying to remind you na hindi lahat ng bata sa edad niya ay magagawang intindihin lahat ng problema sa mundo. Oo, magagawa ka niyang pakinggan but, are you still aware sa mga consequences na maaari niyang danasin sa isang maling pagbukas ng bibig mo?” depensa ni Daddy.
Wala akong nagawa kundi inosenteng magpalitan ng tingin sa kanilang dalawa habang abala sila sa hindi ko maipaliwanag na argumento sa isa't isa.
Kung makapag-away kasi silang dalawa ngayon sa harap ko ay dinaig pa nila ang mag-asawa na nag-aaway sa harap ng korte nang dahil sa kustodiya ng anak nilang pareho. Hindi ko alam.
“Hindi lahat ng bata sa mundo ay magagawang intindihin ang sitwasyon nating tatlo ngayon, Hyacinth,” iling niya pang saad dahilan upang mag-iwas ng tingin si Tita Hyacinth sa kanya. “Isipin mo na lang ang mararamdaman ng anak—”
“Ni minsan ba, naisip mo rin ba 'ko?”
May bakas ng hinanakit sa boses ni Tita Hyacinth nang muli niyang pinutol sa pagsasalita si Daddy. Gaya ng madalas kong gawain ay nagpatuloy ako sa pagsasalitan ng tingin sa kanilang dalawa. Ni hindi ko na nga rin namalayan na naririto na pala kami sa harap ng bahay dahil naging abala ako sa pagbaling ng lingon sa kanila habang patuloy sila sa argumento sa isa't isa.
Nang dahil sa hinanakit ni Tita Hyacinth ay hindi nagawang magsalita ni Daddy at sa halip na sagutin siya ay nag-iwas lamang ito ng tingin.
“Nagpaka-hirap ako sa Singapore upang makapagtapos ng pag-aaral sa para sa inyong dalawa, para sa ikabubuti niyong dalawa ng anak mo. Hindi ko alam na ganito lang pala ang magiging bunga ng paghihirap ko sa loob ng limang taon,” natatawa niyang dagdag kasabay ng panunubig ng mga mata nito.
Hindi ko alam kung anong pinag-aawayan nilang dalawa pero nakakaramdam ako ng simpatya para sa nararamdaman ni Tita Hyacinth sa ngayon. Ramdam ko yung pait sa boses niya habang sarkastikong nakabaling kay Daddy.
“H-Hindi naman sa sinasabi kong—”
“Fool,” pigil ni Tita Hyacinth sa kanya bago binuksan ang pintuan sa gilid niya. “Gusto kong mag-usap tayo ng masinsinan ni Amanda mamaya, Jonas. Hindi ako pabor sa ganitong klase ng set-up,” singhal niya bago tuluyang lumabas ng kotse.
Isang malalim na buntong-hininga ang iginawad ni Daddy bago ngumiti sa akin sa salamin habang nananatili pa rin ang postura sa pagkaka-upo.
“Ano pong problema niya, Daddy?” tanong ko.
Isang nguso ang iginawad ni Daddy bago nag-iwas ng tingin at muli na namang ngumiti nang matiwasay gaya ng ipinakita niya sa 'kin kanina.
“Mood swings. Ugali na ng Tita mo 'yan. Don't worry,” malungkot niyang ngiti bago nagpatiuna sa paglabas sa sasakyan.
Naiwan akong nakanguso at magpahanggang ngayon ay abala pa rin sa paghihimay ng kung ano-anong dahilan na maaari nilang pag-awayan kanina.
Kanina ay nabanggit ni Daddy ang salitang 'anak', posible ba na may asawa at anak na rin si Tita Hyacinth?
Sa ilang linggo niyang pananatili rito sa puder ng mga magulang ko ay never ko pang narinig at nalaman mula sa parents ko na may asawa at anak pala si Tita Hyacinth. Is it okay sa family niya na nandito siya at abala sa panghihimasok sa buhay namin?
Okay lang ba sa buong pamilya niya na nandito siya at abala sa panggugulo sa pagsasama ng mga magulang ko?
Anong klaseng pamilya ba ang hahayaang magliwaliw sa ibang pamilya ang ilaw ng tahanan nila?
Anong klase ba ng lalaki ang pinakasalan ni Tita Hyacinth at bakit hinahayaan lang siya nitong manirahan sa bahay ng iba?
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad ko sa mga binti ni Mama nang sandaling maabutan ko itong nakatalikod sa gawi at abala sa paghuhugas ng mga kaldero sa kitchen sink.
Alam kong nagulat siya sa daglian kong pagyapos sa mga binti niya kaya naman bahagya pa siyang napatalon mula sa pagkakatayo na tinawanan ko.
“You're here, baby,” ngiti niya bago humarap at lumuhod upang hawakan ako sa magkabilang balikat. “How's your school, Kimberly?”
Sa tuwing makikita ko ang panatag at maaliwalas na mukha ni Mama, pakiramdam ko ay nagiging maayos ang lahat. Nawawala ang problema ko sa buhay nang dahil sa mga ngiti niya, nababawasan ang mga intindihin ko at ang isa sa pinakapaborito kong epekto nito sa pagkatao ko ay wala akong ibang nararamdaman pa kundi tuwa at saya lang.
Malayong malayo siya sa pagkatao ni Tita Hyacinth na makita ko lang nang panandalian ay para bang sirang-sira na ang buong araw ko. Hindi siya katulad ni Tita na kapag nakausap ko ay mararamdaman ko na agad ang pagkamuhi na never ko pang naramdaman sa ibang tao— bukod sa kanya.
“Masaya po, Mama. Marami po akong naging kaibigan,” kwento ko sa kanya na ikinatuwa niya.
Alam kong natutuwa siya sa sinabi ko dahil ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong makisalamuha sa ibang tao, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong maging malaya mula sa mga kamay nila.
Alam kong siya yung tipo ng magulang na sobrang protective sa mga anak nila, hindi ko rin naman siya magawang masisi dahil iba na nga naman ang panahon ngayon. Maraming krimen sa Pilipinas at natitiyak ko na hindi ako magiging ligtas kung hindi magiging pabaya ang mga magulang ko.
Sa likod namin ay naramdaman ko ang paglapit ng dalawang pares ng paa. Alam kong naramdaman din ito ni Mama kaya naman sabay pa kaming napatingala sa dalawang nakatayo na ngayon sa harapan naming dalawa.
“Anong pakiramdam ng may anak, Amanda?” tanong niya dahilan upang upang agarang tumayo si Mama at hinarap si Tita Hyacinth na ngayon ay nakahalukipkip at taas-kilay nang nakatitig kay Mama. “Sobrang sarap ba?”
Hindi ko alam kung may problema ba silang dalawa pero natitiyak ko ngayon na may dati silang iringan na magpahanggang sa ngayon ay tila ba niluluto pa rin.
Sa likod ni Tita Hyacinth ay walang emosyong nakapamulsa si Daddy habang nakatingin sa dalawang babaeng matalim nang nagtititigan sa harapan naming dalawa. Wala lang bang ibang gagawin si Daddy kundi tumayo at tumitig na lang?
“H-Hyacinth, h'wag mong iparinig sa bata ang tungkol dito. Nakikiusap ako sa 'yo,” bakas nga ang pakikiusap sa tono ni Mama dahilan upang mag-angat ako ng tingin sa kanya.
Tila ba kung tumitig lang sa gawi ko si Tita Hyacinth ay para bang lumingon lang siya sa isang walang kwentang bagay na nasa harapan niya. Pagkatapos niya akong pagmasdan mula ulo hanggang paa ay taas-kilay siyang lumingon kay Mama at ngumisi nang sarkastiko.
“Nandito na ako sa harapan mo. Tama na ang pagkukunwari mo sa harap ng anak ko,” banta ni Tita Hyacinth na hindi ko nakuha.
Pinanood kong lumapit si Daddy sa himlayan kung saan nakahiga si Mama kasama ni Tita Amanda. Bakas ang panlalambot sa paglalakad ni Daddy habang si Chloe naman ay tila ba inosenteng sumusunod at tumatalon-talon lang sa paglalakad kasama ni Daddy.Wala akong nagawa kundi ang malungkot na mangiti sa sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawa sa pagtutulos ng kandila at paglalagay ng bulaklak na pasalubong pa nila galing sa States.Dalawang buwan pagkatapos mawala ni Mama, nagdesisyon si Daddy na umalis at magpalamig muna sa States kasama ni Chloe. Sinubukan niya akong imbitahang sumama sa kanila ngunit nagdesisyon lang akong manatili rito sa Pilipinas upang abalahin ang sarili ko sa pagtatrabaho, at nang sa gano'n ay malihis ko ang pangungulila ko sa ibang bagay sa halip na maisip ko ang pagkawala ni Mama.“Mukhang okay na sila ngayon,” pabulong na ani ni Klaude sa gilid ko na katulad ko ay pinagmamasdan din si Daddy at si Chloe na ngayon ay ta
Ramdam ko ang panginginig ng mga kalamanan ko nang dahil sa ipinadalang mensahe ni Daddy. Ilang sandali lang ay agad nang nagsibagsakan ang mga luha sa gilid ng mata ko, lalo na sa tuwing maaalala ko ang mga dugong nagkalat sa skyway kanina.Posible bang sa kanila ang mga dugo na 'yon?“Bilisan mo ang pagmamaneho, Klaude!” sigaw ko sa kanya.Ilang minuto na kasi ang nakalipas simula nang makarating kami sa The Coastal pero magpahanggang ngayon ay naririto pa rin kami sa skyway at tila ba naghihintay na naman ng pag-usad ng mabagal na trapiko na dulot ng aksidente kanina.Panay na ang busina ni Klaude sa harapan na tila ba sinasabi nito sa mga sasakyang nasa harapan na bigyan kami ng sapat na daan upang makaalis sa napakabagal na usad ng trapiko— na hindi man lang pinapansin ng mga sasakyang nasa unahan namin.“Ano ba Klaude, dalian mo—”“Can you please calm down—”“How can I
Isang napakahigpit na yakap ang iginawad niya sa 'kin nang sandaling makita niya akong nakatayo sa gilid ng pool at abala sa pagtulong kay Manang sa pagtatanggal ng mga dahon na nagkalat sa tubig nito.Kung hindi lang naging matatag ang pagkakatayo ko ay may posibilidad na bumagsak kami sa tubig nang dahil sa ginawa niyang pagtalon sa likod ko. Sa halip na magalit at mairita sa ginawa niya ay bahagya na lang akong natawa sa panggugulat ni Mama.“Breakfast is ready, Baby,” ani niya bago humalik sa pisngi ko na bahagya ko pang kinatawa.“May kailangan ka ba, Ma?”Bahagya siyang napanguso sa biro ko bago natatawang umiling na tinawanan ko rin 'di kalaunan. “Porque ba naglambing ako nang ganito, may kailangan na kaagad?”Pagkatapos nang pag-uusap namin no'ng nakaraang linggo ay tila ba nagkaroon siya ng pag-asang lumaban sa trangkasong dumapo sa kanya. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero natitiyak ko na ang ginaw
Kahit na ubusin ko ang oras sa kakadikit kay Mama, kahit na ubusin ko ang natitira kong oras sa pakikipaglaro kay Chloe, kahit na ilang beses ko pang tulungan si Daddy sa duty niya— kulang ang lahat ng iyon upang mabawi ko ang mga oras na nasayang ko sa nagdaang panahon na hindi ko sila nagawang makasama.Ilang beses ko mang ulitin sa sarili ko na mapapantayan ko ang pagkukulang ko bilang anak sa mga magulang ko, hindi ko rin maipagkakaila na kulang ang lahat ng iyon upang makabawi ako sa mga naging kasalanan ko sa kanila.Minsan ay nakakaramdam ako ng pagkabalisa sa sarili ko nang dahil sa mga bagay na nagpapabagabag sa isip ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Isa itong kumpol ng mga tanong na hindi ko naman magawang masagot sa isang simpleng salita lang. May pagkakataon naman akong magtanong kay Mama pero...Mas pipiliin ko pa bang linawin ang lahat ng hindi ko maintindihan, sa halip na gugulin ko na lang ang oras ko sa pagbawi sa mga kakulangan ko
Inubos namin ang natitira naming sandali sa paghahabol sa mga oras na sinayang ko. Kung alam ko lang na sa ganito pala hahantong ang lahat, sana pala ay no'ng una pa lang ay nagdesisyon na akong pumanhik sa kwarto nila Daddy at nang sa gano'n ay magawa ko nang maghalungkat ng mga gamit nila upang magawa ko nang malaman ang totoo.Kung bakit ba kasi ay hindi ako nag-iisip?Nang dahil sa kawalan ko ng tiwala sa mga taong nakakasama ko sa iisang bahay ay marami akong nasayang na panahon. Kung bibigyan man ako ng kahilingan ng Diyos sa kaarawan ko, baka sakaling hilingin ko na sana ay muli akong ibalik sa kabataan ko at nang sa gano'n ay mabawi ko ang lahat ng oras ko para sa kanya na nagawa kong sayangin sa ibang tao.Maituturing ko nga bang sayang ang lahat ng paghihirap sa pagpapalaki sa 'kin ni Tita Amanda, kung naging mabuti naman ako sa mga kamay niya? Ayoko rin namang matawag na walang utang na loob kung ipagsisigawan ko man ang bagay na iyon sa harap ng iban
Kunot-noo kong pinagmasdan ang mga litratong tumambad sa paningin ko. Halos lahat ng mga litratong natagpuan ko sa berdeng envelope ay puro litrato ko no'ng maliit ko.Muli kong pinasadahan ng tingin ang pangalang nakasulat sa likod ng envelope at tila ba nalukot ang mukha ko nang muli ko na namang mabasa ang pangalan na madalas nilang itawag sa 'kin.“Bakit Renee Hershey ang nakalagay rito?” reklamo kong bulong sa sarili habang pinagmamasdan ang sulat na iyon.Sa ibaba ng pangalan ko ay may nakalakip ding address ng siyudad sa Dubai— at hindi ko lubos na maintindihan kung bakit may ganito pa gayong wala naman akong kakilala at kamag-anak na maaari nilang pagdalhan ng mga larawan ko no'ng maliit pa ako sa lugar na 'yon.Sa halip na pagtuunan ito ng pansin ay naisipan ko na lang na ibaling ang atensyon ko sa mga larawang nakakubli sa loob. Prente ko itong inilabas sa envelope at kagat-labing pinagmasdan.Medyo luma na ang mga litra