Araw na ng Huwebes ngunit hindi pa rin ako nakapagpaalam sa anak ko at kay mama tungkol sa pagpunta ko ng Cebu. Wala kasi akong maisip na idadahilan. Napabuntung-hininga na lamang ako habang patuloy kong itinuon ang aking atensyon sa ginagawa kong Powerpoint Presentation. Schedule kasi ng Classroom Observation ko bukas ng umaga kaya kailangang matapos ko na kaagad ito kasi ayoko ko ng may gagawin pa sa bahay mamaya pag-uwi ko.Ngunit biglang tumunog ang cellphone ko. Alam kong si Loraine ang tumatawag kasi kabisado ko na ang ring tone na naka-set sa kanya. Sinadya ko 'yon para malaman ko kaagad kung sino ang tumatawag sa akin. Ibang ring tone din ang naka-set kay Chris maging kay Bea.Dali-dali kong kinuha ang aking cp at agad na pinindot ang green button. "Hello nak? Is there anything wrong? Ba't napatawag ka?", pag-aalala kong tanong."Hi ma, relax lang po. Wala namang problema. Biglaan kasi eh! Ngayon lang din sinabi ng professor namin na magkakaroon kami ng field trip sa Sabado p
Alas otso pasado na ng umaga nang lumapag ang sinakyan kong eroplano sa Mactan-Cebu Airport. I'm sure nandito na sina Bea kasi mas nauna ang flight nila ng isang oras sa akin.Maya't maya'y nakarating na ako sa arrival area at nakita ko na kaagad si Bea na kumakaway sa akin. Pagkatapos sinalubong niya ako at mahigpit na niyakap. Nakasunod naman sa kanya sina Chris at CJ."Hi, mimi!""Hello nak!"Ibinaling ko ang tingin kay Chris na nakangiti sa akin."Buds, happy anniversary! I miss you so much", sabi niya sabay yakap sa akin. "Happy anniversary buds! "Ehem...ang sweet naman!", panunudyo ni Bea. "Ops, mamaya na 'yan nakakainggit naman kayo!", protesta ni CJ."Hi nak!", bati ko sa nakangiting kaibigan ni Chris sabay tapik sa kanyang balikat."Akala ko hindi niyo na ako mapapansin ma'am eh! Nakasentro kasi ang paningin niyo dito sa kaibigan ko!", pagbibirong-sabi ni CJ."Aysus, h'wag ka ng ma drama dyan bords! Syempre nami-miss nila ang isa't isa!", nakangiting wika ni Bea. "So saan
Hindi na kami dumaan pa sa SM ni Chris kasi 6:30 na kami ng gabi nakarating sa city. Gusto raw kasi niya ako bilhan ng bagong damit na isusuot ko raw mamaya sa dinner date namin. Pero sabi ko, may damit naman akong maisusuot kaya dumiretso na kami ng hotel.Hindi na namin naabutan sina Bea at CJ dahil kanina pa pala sila alas singko umalis. Nagchat pala ito sa akin pero ngayon ko lang nabasa kasi wala naman gaanong signal sa isla."So take a rest muna buds. I'm sure napagod ka sa lakad natin. We still have one hour naman para makapagpahinga. Papasok muna ako sa room namin ni CJ at kailangan ko munang mag shower. Ang lagkit-lagkit na kasi ng pakiramdam ko eh. I'll just pick you up later okay?", wika ni Chris nang makarating na kami sa doorstep ng room namin."Okay. Thank you buds. See you around!"Humiga muna ako saglit sa kama, kasi talagang napagod ako sa island hopping namin ni Chris. Iba na talaga pag nagkakaedad na eh. But I enjoyed and I feel so happy dahil kasama ko siya. Pero h
Punung-puno ng kagalakan ang aking puso nu'ng mga sandaling kasama ko si Chris. Kaya hindi ko na nagawa pang pigilin ang aking nararamdaman at naibigay ko ang aking sarili sa kanya. Pagkatapos noon ay nakatulog ako habang nakaunan sa mga braso niya. Ngunit mga bandang alas dos ng madaling araw ay bigla nalang akong nagising. Napatikwas ako sa higaan kasi iniisip ko baka uuwi na sila ni CJ at Bea at maabutan pa kami ni Chris sa ganitong sitwasyon. Nagmamadali akong bumangon ngunit napigil ni Chris ang kamay ko."Saan ka pupunta buds?""Babalik na ako sa kabilang room buds at baka uuwi na sina Bea.""Nope, sabi ni CJ magpapaumaga nalang daw sila kasi niyaya sila na doon na matulog sa bahay ng isa naming kaklase noon. So, don't worry okay? Stay here with me buds, please!", wika nito sabay kabig sa akin kaya ako napayakap ako sa kanya.We both chuckled and cuddled each other until we did it again. Pagkatapos hinalikan niya ako sa noo."I love you so much, babe", wika nito habang matamang
Tapos na ang isa at kalahating araw ko sa Cebu at nandito na ako sa amin after almost an hour of travel. Magkaiba kami ng destination nina CJ at Bea kasi pa Davao sila samantalang kami ni Chris pauwi dito sa amin sa Cagayan de Oro.Akala ko nga, sasabay siya kina Bea kasi may trabaho naman siya bukas, pero sumabay siya sa akin kasi ayaw niyang ako lang ang mag-isang bum'yahe. Pagkatapos niyang maihatid ako sa bahay namin, saka pa lang siya dumiretso sa Claveria. Uuwi daw muna siya sa kanila kasi lagi daw nagtatanong ang mama niya kung kelan siya uuwi. Taga Claveria talaga sina Chris, Bea at CJ. Doon din ako na-assign as Junior High School teacher sa isa sa mga public schools sa lugar nila kaya ko sila naging estudyante noon. Ngunit dahil sa Davao City sila ngayon na-assign sa trabaho, kaya minsan lang silang nakakauwi sa kanila."Hi mama, magandang hapon po!", bati ko sa aking ina nang madatnan ko siya sa sala na nanonood ng telebisyon. Nagmano ako sa kamay niya saka ako humalik sa
THE IRONY OF LIFE--- Kung kailan desidido na akong ipagtapat kay Loraine ang tungkol sa amin ni Chris, ay saka naman ako mauunahan ng isang pangyayaring hindi ko inaasahan na dumating. Ang saya-saya ko pa namang umuwi, hapon ng Lunes, kasi nga sasabihin ko na sa anak ko ang katotohanan na inililihim ko sa kanya sa loob na ng isang taon. Hindi ko man alam kung anong magiging kahihitnan ng pag-uusap namin ni Loraine, pero bahala nalang. Basta't sasabihin ko na talaga sa kanya ang lahat. Dumating ako sa amin mga bandang 6:30 na ng gabi kasi napakabagal ng sinasakyan kong bus. Nasa gate pa lang ako ng bahay namin ngunit nakaramdam na ako ng hindi maipaliwanag na kaba. Lalo pa itong lumakas nang makapasok na ako sa loob. "Magandang gabi po ma", bati ko kay mama sabay nagmamano sa kanyang kamay. Siya lang ang mag-isang nadatnan ko sa sala na nanonood ng telebisyon. Kadalasan naman, silang dalawa ng anak ko ang nanonood ng palabas sa ganitong oras. "Buti naman at dumating ka na nak. Punt
Although I was not feeling well, pero pumasok pa rin ako sa eskwela. Marami kasing forms na aasikasuhin lalo na't nalalapit na ang completion ng mga bata. Sinubukan kong tawagan ang anak ko sa cp niya pero hindi ko siya makontak. Hindi ko naman maiwasang mag-alala sa kanya kasi first time talaga ito nangyari na umalis siya ng bahay. Napabuntung-hininga na lamang ako kasi kasalanan ko naman ang lahat kung bakit nagalit ang anak ko sa akin. Nagpatuloy muna ako sa aking ginagawa habang naghihintay ng aking klase. Bigla namang tumunog ang aking cellphone at alam ko na kaagad na si Chris ang tumatawag. Lumabas muna ako ng classroom at naghanap ng medyo tahimik na lugar. Masyado kasing maiingay ang mga bata sa loob. Nag leave 'yong subject teacher nila kaya wala silang klase. Kahit pa nga nasa likuran lang ako nakaupo, maiingay at magugulo pa rin talaga sila. "Hello buds", sagot ko. "Good morning buds. Nasa school ka na ba ngayon?", tanong ni Chris sa kabilang linya. "Yes buds. Ikaw na
It's Monday and I woke up early, realizing it's our first day of school so it's not good to come late. I grabbed my towel and walked into the bathroom. I know my whole day would be busy again because there is a lot to do at school. By the way, my name is Precious Sarmiento, 36 years old, and have a daughter who is studying in grade 7 in a private school. My husband and I have been separated for ten years after I caught him cheating with one of my colleagues. Since then I have supported my daughter alone and never asked for support from my ex-husband. Last year lang din na-annulled and kasal namin kaya gamit ko na ulit ang apleyido ko sa pagkadalaga. I work as a Junior High School teacher in one of the public schools in our province and I'm currently an adviser in Grade 10. At first, I don't want to be a teacher because it's something that does not exist in my vocabulary. But maybe, I am destined to be in this field and it's God's will, so I have gradually learned to love this job esp