Napangiti si Alexander habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Isang candid na litrato ang nasa harap niya—kinunan sa mismong sala ng Grant mansion. Siya, si Sophia, at ang anak nito, nakaupo sa carpet habang nagtatawanan. Para silang totoong pamilya doon. At kahit alam niyang malayo iyon sa katotohanan, hindi niya mapigilang balikan at titigan ang larawan paulit-ulit.“They could be mine...” mahina niyang bulong habang marahang hinahaplos ang mukha ni Sophia sa litrato gamit ang hinlalaki. Napailing siya, saka napatawa ng mahina. “Yeah, right.”Pero kahit sinasabi niyang hindi, hindi niya kayang itanggi ang init na bumalot sa dibdib niya habang tinititigan ang babae. Iba ang ngiti ni Sophia sa litrato—totoo, hindi pilit. Wala ‘yung laging pag-aalinlangang dala ng sakit ng nakaraan. Tumingin siya sa isa pang solo shot nito, ‘yung kuha matapos ang hapon na ‘yon. Malambing ang ngiti, at sa di malamang dahilan, parang may naramdaman siyang kumislot sa puso niya.Biglang sumingit an
"Handa ka na ba?" Malalim at kalmadong boses ni Alexander ang bumasag sa katahimikan ng hallway habang papasok siya sa eleganteng pero hindi over-the-top na bahay ni Sophia. Ayos ang bawat galaw niya habang inaayos ang cufflinks niya—ang navy blue suit niya, lutang na lutang sa katawan, parang likha talaga para sa kaniya. Wala siyang kailangang piliting maging sophisticated—he just is."Sandali lang!" sigaw ni Sophia mula sa itaas.Sumandal si Alexander sa railings ng hagdan, bahagyang kunot ang noo habang naririnig ang mahinang tunog ng takong na papalapit. Nang tuluyan na siyang bumaba at lumantad sa paningin niya… natigilan si Alexander.Parang huminto ang mundo.Nasa harap niya ngayon si Sophia—bihis sa isang crimson na long gown na perpektong yumakap sa katawan nito. Ang buhok niya, naka-soft waves, bumabagsak sa likod niya habang ang makeup niya, sakto lang para mas ma-highlight ang cheekbones at labi nitong mas madalas dati ay hindi niya napapansin.Pero ngayon?Iba siya. Hindi
"Bakit lagi nalang siya?" bulong ni Vanessa habang nakasandal sa malamig na pader sa labas ng venue. Rinig ang halakhakan at mga salpukan ng baso mula sa loob, pero ang tanging tunog sa tenga niya ay ang mabilis na tibok ng puso niyang puno ng inis."Ms. Vanessa?" putol sa kanya ng isang pamilyar na boses. Isa sa mga bisita, kaibigan rin niya."Okay ka lang ba?""Mukha ba akong okay?" iritadong sagot ni Vanessa, sabay ayos sa nalaglag na hibla ng buhok sa gilid ng mukha niya."I mean, seryoso..." dagdag pa niya, mahigpit na niyakap ang sarili. "Parang may tali pa rin siya kay Sophia. Akala ko nakamove on na siya!"Sa loob naman ng venue, nakatitig si Julian sa wine glass niya habang palihim na sinusundan ng tingin si Sophia na nakatayo kasama si Alexander."Tingnan mo 'yan," bulong niya sa sarili habang mahigpit ang hawak sa baso. "Akala niya panalo na siya.""Sino?" tanong ni Ben habang umupo sa tabi niya. "Si Sophia? Come on, bro. Huwag mong hayaang patulan 'yan. Teka lang, huwag mo
Habang unti-unting umatras si Sophia, ramdam niya ang lakas ng kabog ng puso niya. Napansin agad ni Alexander ang panginginig ng kamay niya, kahit kaunti lang. Hindi niya nagustuhan kung gaano kalapit si Julian—parang sinasadya talaga nitong lusubin ang personal space ni Sophia, mayabang at walang pakialam.“Hey, Sophia, okay ka lang ba?” tanong ni Alexander, kalmado pero matigas ang boses habang lumapit at tumayo sa tabi niya, parang automatic siyang naging human shield.Napatingin si Sophia sa kanya. May halong pasasalamat at kaba ang tingin niya. “O-okay lang ako,” sagot niya, pero halata sa boses niyang hindi totoo ‘yon.“Okay? Mukha bang okay ka?” sabi ni Alexander, pinanlitan ng tingin si Julian na parang walang pakialam sa obvious na tensyon. “Baka puwede kang umatras ng kaunti, Julian.”Napangisi si Julian, sabay ikot ng ulo niya na para bang sinusukat si Alexander mula ulo hanggang paa. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Nagsasalita lang naman ako kay Sophia. Karapatan niyang m
Habang lumalalim ang gabi, nahanap nina Sophia at Alexander ang isang tahimik na sulok sa venue. Unti-unting nawala sa pandinig nila ang ingay ng tugtugan at tawanan. Nakasandal si Sophia sa pader, pilit pinapakalma ang puso niyang tila ayaw tumigil sa kabog, dala ng naging tensyon sa pagharap kay Julian. Sa totoo lang, empowered siya kanina—but now, may kirot pa rin ng kaba na hindi niya maipaliwanag.“Okay ka lang ba?” tanong ni Alexander, malumanay ang boses habang pinagmamasdan siya.“Siguro,” sagot niya habang huminga nang malalim. “Hindi ko inasahan na haharapin niya ako nang ganun. Parang lahat ng iniwan ko sa nakaraan, biglang bumalik.”Lumapit si Alexander. Naramdaman ni Sophia ang presensyang palaging nagbibigay sa kanya ng sense of safety. “Pero hindi ka umatras. You faced him, Sophia. ‘Yun ang importante. Ipinakita mong hindi ka na natatakot.”“Salamat sa’yo. Kung wala ka, baka hindi ko nakayanan.” Tumingin siya sa mga mata nito—totoo ang pasasalamat niya.Ngumiti si Alexa
Nakatayo si Sophia sa parking garage, ang tunog ng stilettos niya ay kumakalansing sa semento habang papalapit siya sa kotse. Pagod siya, pero may ngiti sa labi. Matagumpay ang meeting nila—kahit pa may pagbabanta si Julian.“Ang bilis mo namang umalis.”Napahinto siya. Pamilyar ang boses. Mula sa dilim, lumitaw si Julian, naka-designer suit pa rin kahit hindi bagay sa industrial vibe ng lugar.“Kailangan nating mag-usap,” aniya, may bahid ng utos sa tono.“Wala na tayong dapat pag-usapan,” sagot ni Sophia, mahigpit na hawak ang susi ng sasakyan. Hindi na siya magpapakita ng takot. Hindi na.“Meron pa,” malapit siyang lumapit. “Tinuloy mo ang meeting kahit sinabi kong huwag.”Tinaas ni Sophia ang baba niya, diretso ang tingin sa lalaki. “Hindi mo na ako hawak, Julian. Hindi na uubra ang mga pananakot mo.”Tumawa si Julian, pero walang saya sa tawa niya. “Hindi ba? Kumusta ang anak natin? Namimiss na kaya si Daddy?”“Wag,” mariing sabi ni Sophia, nanlalamig ang boses. “Wag mong gamitin
Nakaupo si Sophia sa waiting area ng opisina ng bago niyang abogado, habang ramdam niya ang kaba at tensyon sa dibdib. Ang kulay ng pader ay mapayapang asul, at ang ilaw ay malambot—parang sinadyang gawing kumportable ang paligid. Pero kahit anong ganda ng ambiance, hindi iyon sapat para patahimikin ang bagyong bumubugso sa loob niya.“I’ll take him from you.”Paulit-ulit ang boses ni Julian sa isip niya. Parang sumpa. Parang bangungot na gising siyang pinaparusahan. Napaawang ang mga labi niya habang pinagmamasdan ang nanginginig niyang mga kamay.Biglang bumukas ang pinto ng opisina. Lumabas si Atty. Mark—matangkad, may buhok na may halong puti’t itim, nakaayos na navy blue na suit. Mukhang seryoso pero maaasahan. Marami na siyang narinig tungkol dito—tough pero patas. Tamang-tama para sa laban na kakaharapin niya.“Sophia,” bati nito sabay ngiti. “Tuloy ka, pasok ka.”Tumayo siya at pumasok sa loob ng opisina. Napansin agad niya ang mga bookshelves na punô ng makakapal na libro’t c
Nakatayo ako sa kitchen, hawak-hawak ang wooden spoon habang nakatitig sa nilulutong manok sa oven. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ko alam kung dahil sa excitement… o kaba. "Hmm... may nakalimutan ba ako?" bulong ko sa sarili habang napatingin ako sa orasan sa dingding. Tick. Tock. Tick. Tock. Parang niloloko ako ng oras. Ang bagal ng galaw ng minuto, parang sinasadyang pasabikin ako. Ngayong gabi ang inaasahan ko. 'Yung moment na balak kong sabihin kay Julian… na buntis ako. Three weeks pa lang, pero ramdam ko na agad 'yung saya, 'yung fear, at higit sa lahat, 'yung hope. Akala ko, baka ito na ang sagot. Maybe this baby could bring us back together. Puno ng aroma ng roasted chicken ang kitchen—gamit ang special recipe kong may lemon rosemary. Sa gilid, naka-plate na rin ang sautéed vegetables—may red and yellow bell peppers, zucchini, at talong. Kulay pa lang, panalo na. “Sigurado akong magugustuhan niya ’to,” mahina kong sabi habang inaayos ang mesa. Nilagay ko ang folde
Nakaupo si Sophia sa waiting area ng opisina ng bago niyang abogado, habang ramdam niya ang kaba at tensyon sa dibdib. Ang kulay ng pader ay mapayapang asul, at ang ilaw ay malambot—parang sinadyang gawing kumportable ang paligid. Pero kahit anong ganda ng ambiance, hindi iyon sapat para patahimikin ang bagyong bumubugso sa loob niya.“I’ll take him from you.”Paulit-ulit ang boses ni Julian sa isip niya. Parang sumpa. Parang bangungot na gising siyang pinaparusahan. Napaawang ang mga labi niya habang pinagmamasdan ang nanginginig niyang mga kamay.Biglang bumukas ang pinto ng opisina. Lumabas si Atty. Mark—matangkad, may buhok na may halong puti’t itim, nakaayos na navy blue na suit. Mukhang seryoso pero maaasahan. Marami na siyang narinig tungkol dito—tough pero patas. Tamang-tama para sa laban na kakaharapin niya.“Sophia,” bati nito sabay ngiti. “Tuloy ka, pasok ka.”Tumayo siya at pumasok sa loob ng opisina. Napansin agad niya ang mga bookshelves na punô ng makakapal na libro’t c
Nakatayo si Sophia sa parking garage, ang tunog ng stilettos niya ay kumakalansing sa semento habang papalapit siya sa kotse. Pagod siya, pero may ngiti sa labi. Matagumpay ang meeting nila—kahit pa may pagbabanta si Julian.“Ang bilis mo namang umalis.”Napahinto siya. Pamilyar ang boses. Mula sa dilim, lumitaw si Julian, naka-designer suit pa rin kahit hindi bagay sa industrial vibe ng lugar.“Kailangan nating mag-usap,” aniya, may bahid ng utos sa tono.“Wala na tayong dapat pag-usapan,” sagot ni Sophia, mahigpit na hawak ang susi ng sasakyan. Hindi na siya magpapakita ng takot. Hindi na.“Meron pa,” malapit siyang lumapit. “Tinuloy mo ang meeting kahit sinabi kong huwag.”Tinaas ni Sophia ang baba niya, diretso ang tingin sa lalaki. “Hindi mo na ako hawak, Julian. Hindi na uubra ang mga pananakot mo.”Tumawa si Julian, pero walang saya sa tawa niya. “Hindi ba? Kumusta ang anak natin? Namimiss na kaya si Daddy?”“Wag,” mariing sabi ni Sophia, nanlalamig ang boses. “Wag mong gamitin
Habang lumalalim ang gabi, nahanap nina Sophia at Alexander ang isang tahimik na sulok sa venue. Unti-unting nawala sa pandinig nila ang ingay ng tugtugan at tawanan. Nakasandal si Sophia sa pader, pilit pinapakalma ang puso niyang tila ayaw tumigil sa kabog, dala ng naging tensyon sa pagharap kay Julian. Sa totoo lang, empowered siya kanina—but now, may kirot pa rin ng kaba na hindi niya maipaliwanag.“Okay ka lang ba?” tanong ni Alexander, malumanay ang boses habang pinagmamasdan siya.“Siguro,” sagot niya habang huminga nang malalim. “Hindi ko inasahan na haharapin niya ako nang ganun. Parang lahat ng iniwan ko sa nakaraan, biglang bumalik.”Lumapit si Alexander. Naramdaman ni Sophia ang presensyang palaging nagbibigay sa kanya ng sense of safety. “Pero hindi ka umatras. You faced him, Sophia. ‘Yun ang importante. Ipinakita mong hindi ka na natatakot.”“Salamat sa’yo. Kung wala ka, baka hindi ko nakayanan.” Tumingin siya sa mga mata nito—totoo ang pasasalamat niya.Ngumiti si Alexa
Habang unti-unting umatras si Sophia, ramdam niya ang lakas ng kabog ng puso niya. Napansin agad ni Alexander ang panginginig ng kamay niya, kahit kaunti lang. Hindi niya nagustuhan kung gaano kalapit si Julian—parang sinasadya talaga nitong lusubin ang personal space ni Sophia, mayabang at walang pakialam.“Hey, Sophia, okay ka lang ba?” tanong ni Alexander, kalmado pero matigas ang boses habang lumapit at tumayo sa tabi niya, parang automatic siyang naging human shield.Napatingin si Sophia sa kanya. May halong pasasalamat at kaba ang tingin niya. “O-okay lang ako,” sagot niya, pero halata sa boses niyang hindi totoo ‘yon.“Okay? Mukha bang okay ka?” sabi ni Alexander, pinanlitan ng tingin si Julian na parang walang pakialam sa obvious na tensyon. “Baka puwede kang umatras ng kaunti, Julian.”Napangisi si Julian, sabay ikot ng ulo niya na para bang sinusukat si Alexander mula ulo hanggang paa. “At bakit ko naman gagawin ‘yon? Nagsasalita lang naman ako kay Sophia. Karapatan niyang m
"Bakit lagi nalang siya?" bulong ni Vanessa habang nakasandal sa malamig na pader sa labas ng venue. Rinig ang halakhakan at mga salpukan ng baso mula sa loob, pero ang tanging tunog sa tenga niya ay ang mabilis na tibok ng puso niyang puno ng inis."Ms. Vanessa?" putol sa kanya ng isang pamilyar na boses. Isa sa mga bisita, kaibigan rin niya."Okay ka lang ba?""Mukha ba akong okay?" iritadong sagot ni Vanessa, sabay ayos sa nalaglag na hibla ng buhok sa gilid ng mukha niya."I mean, seryoso..." dagdag pa niya, mahigpit na niyakap ang sarili. "Parang may tali pa rin siya kay Sophia. Akala ko nakamove on na siya!"Sa loob naman ng venue, nakatitig si Julian sa wine glass niya habang palihim na sinusundan ng tingin si Sophia na nakatayo kasama si Alexander."Tingnan mo 'yan," bulong niya sa sarili habang mahigpit ang hawak sa baso. "Akala niya panalo na siya.""Sino?" tanong ni Ben habang umupo sa tabi niya. "Si Sophia? Come on, bro. Huwag mong hayaang patulan 'yan. Teka lang, huwag mo
"Handa ka na ba?" Malalim at kalmadong boses ni Alexander ang bumasag sa katahimikan ng hallway habang papasok siya sa eleganteng pero hindi over-the-top na bahay ni Sophia. Ayos ang bawat galaw niya habang inaayos ang cufflinks niya—ang navy blue suit niya, lutang na lutang sa katawan, parang likha talaga para sa kaniya. Wala siyang kailangang piliting maging sophisticated—he just is."Sandali lang!" sigaw ni Sophia mula sa itaas.Sumandal si Alexander sa railings ng hagdan, bahagyang kunot ang noo habang naririnig ang mahinang tunog ng takong na papalapit. Nang tuluyan na siyang bumaba at lumantad sa paningin niya… natigilan si Alexander.Parang huminto ang mundo.Nasa harap niya ngayon si Sophia—bihis sa isang crimson na long gown na perpektong yumakap sa katawan nito. Ang buhok niya, naka-soft waves, bumabagsak sa likod niya habang ang makeup niya, sakto lang para mas ma-highlight ang cheekbones at labi nitong mas madalas dati ay hindi niya napapansin.Pero ngayon?Iba siya. Hindi
Napangiti si Alexander habang nakatitig sa screen ng cellphone niya. Isang candid na litrato ang nasa harap niya—kinunan sa mismong sala ng Grant mansion. Siya, si Sophia, at ang anak nito, nakaupo sa carpet habang nagtatawanan. Para silang totoong pamilya doon. At kahit alam niyang malayo iyon sa katotohanan, hindi niya mapigilang balikan at titigan ang larawan paulit-ulit.“They could be mine...” mahina niyang bulong habang marahang hinahaplos ang mukha ni Sophia sa litrato gamit ang hinlalaki. Napailing siya, saka napatawa ng mahina. “Yeah, right.”Pero kahit sinasabi niyang hindi, hindi niya kayang itanggi ang init na bumalot sa dibdib niya habang tinititigan ang babae. Iba ang ngiti ni Sophia sa litrato—totoo, hindi pilit. Wala ‘yung laging pag-aalinlangang dala ng sakit ng nakaraan. Tumingin siya sa isa pang solo shot nito, ‘yung kuha matapos ang hapon na ‘yon. Malambing ang ngiti, at sa di malamang dahilan, parang may naramdaman siyang kumislot sa puso niya.Biglang sumingit an
“Come on, buddy, bigyan mo naman ako ng konting effort diyan,” natatawang sabi ni Alexander habang nakahiga sa carpeted floor ng sala. Nakahiga siya sa gilid, dahan-dahang iniikot sa ere ang plush giraffe para aliwin ang baby ni Sophia. Tuwang-tuwa ang bata, kumakampay ang maliliit na kamao, sabik na inaabot ang paborito niyang laruan ngayon—ang necktie ni Alexander.“Obsessed siya sa tie mo,” natatawang sabi ni Sophia mula sa sofa. Naka-cross arms siya habang pinagmamasdan ang dalawa.“Mapapaspoil mo ‘yan,” dagdag niya.“Eh ‘di wow. Magandang taste dapat sinasanay habang bata pa,” sagot ni Alexander, pabirong inilapit lalo ang tie sa bata. Agad iyong sinunggaban ng baby at napasigaw sa kilig.Napailing si Sophia, pero may bahagyang ngiti na sa labi niya. Hindi niya talaga maintindihan kung paano siya mauhulog sa isang taong gaya ni Alexander Carter. Sa una, akala niya simpleng utang na loob lang ito sa ama niya—business favor kumbaga. Pero habang lumilipas ang araw, habang nakikita n
“Pinapabayaan mong manalo sila, Sophia.”Tahimik ang boses ng ama niya, pero halata ang pigil na galit sa tono nito. Nakasalampak si Sophia sa sofa, parang wala nang lakas. Maputla ang mukha niya at wala na ‘yung dating kislap sa mga mata. Hindi man lang siya tumingin sa ama niya.“Ano gusto mong gawin ko, Dad? Mag-demanda? Gumastos ng milyon para lang marinig na si Julian at Vanessa ang mga santo at ako ang bitter na ex-wife?” bulong niya habang ginugulo ang magulong buhok gamit ang mga daliri.Tumayo sa harap niya ang ama niya, nakaakbay ang dalawang braso at matagal siyang tinitigan. “Hindi. Ang gusto kong gawin mo, tigilan mong sumuko.”Napangisi siya ng mapait. “Ang dali mong sabihin. Ikaw ba naman ang pagtawanan ng buong bansa. Lahat ng madaanan ko, parang may bulong. Parang ako ‘yung kawawang asawa na iniwan. At si Julian? Ang saya ng buhay niya. Parang hindi man lang siya nawalan ng anak.”Napadiin ang panga ng ama niya. “Anak, hindi mo kami nawalan. Andito pa rin kami—ako, si