Handa si Sophia Grant na gawin ang lahat para maisalba ang kasal niya kay Julian—kahit pa unti-unti na itong lumalamig at tila ba nahuhulog na sa bitag ng magandang empleyado nitong si Vanessa. At ngayong may baby na sila, mas lalo siyang kumapit. Umaasa. Nagsusumamo. Pero habang lalong nabubunyag ang mga kasinungalingan at pagtataksil, unti-unting bumukas ang mga mata ni Sophia sa katotohanang ayaw niyang tanggapin—na minsan, hindi sapat ang pagmamahal lang. Wasak ang puso. Luhaan. Napahiya. Sophia chose to walk away… dala-dala lang ang mga sugat ng kahapon at ang pangakong babangon muli. Sa pagkakataong ‘to, hindi para kay Julian. Kundi para sa sarili niya. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na magbabalik siya—mas matapang, mas malakas… at handang ipaglaban ang respeto at hustisyang matagal nang ipinagkait sa kanya.
View MoreNakatayo ako sa kitchen, hawak-hawak ang wooden spoon habang nakatitig sa nilulutong manok sa oven. Kumakabog ang dibdib ko, pero hindi ko alam kung dahil sa excitement… o kaba.
"Hmm... may nakalimutan ba ako?" bulong ko sa sarili habang napatingin ako sa orasan sa dingding. Tick. Tock. Tick. Tock. Parang niloloko ako ng oras. Ang bagal ng galaw ng minuto, parang sinasadyang pasabikin ako. Ngayong gabi ang inaasahan ko. 'Yung moment na balak kong sabihin kay Julian… na buntis ako. Three weeks pa lang, pero ramdam ko na agad 'yung saya, 'yung fear, at higit sa lahat, 'yung hope. Akala ko, baka ito na ang sagot. Maybe this baby could bring us back together. Puno ng aroma ng roasted chicken ang kitchen—gamit ang special recipe kong may lemon rosemary. Sa gilid, naka-plate na rin ang sautéed vegetables—may red and yellow bell peppers, zucchini, at talong. Kulay pa lang, panalo na. “Sigurado akong magugustuhan niya ’to,” mahina kong sabi habang inaayos ang mesa. Nilagay ko ang folded napkins na parang petals, sinindihan ang kandila sa gitna ng table, at nilabas ang favorite wine naming dalawa. Lahat perfect. Para sa ‘amin.’ Habang inaayos ko ang kutsara’t tinidor, paulit-ulit kong nire-rehearse sa isip ko kung paano ko sasabihin. “Julian, I have something amazing to share with you…” sabay imagine ng reaksyon niya—’yung ngiti, ’yung yakap, ’yung kilig sa mata niya. Pero bago pa ako makalayo sa daydream ko, bigla akong kinabahan. What if hindi siya matuwa? What if... baliwala lang 'to sa kanya? Mabilis kong ni-shake ang ulo ko. No. Wag kang mag-isip ng ganyan. This is a blessing. This is our fresh start. Biglang bumukas ang pinto. Napapitlag ako. Dinig ko agad ang hakbang niya papasok. “Julian?” Tawag ko, excited ang boses ko. “Hey, honey! You’re home!” Pumasok siya, bitbit ang briefcase, medyo gusot ang polo, at nakababa na ang tie. Pero walang saya sa mukha niya. Wala 'yung ngiting hinintay ko buong araw. “Wow, it smells good in here,” sabi niya. Pero flat. Walang emosyon. Nilingon niya ang dining table, pero hindi siya lumapit. Walang kibo sa effort na inihanda ko. “Thank you! I wanted to make tonight special,” sagot ko, pilit ang ngiti habang kinakalma ang kabog ng dibdib ko. “May sasabihin ako... importante talaga, love.” “Yeah?” sagot niya, pero hindi ako tiningnan. Nakatingin lang siya sa phone niya, na nagva-vibrate ng tuloy-tuloy. Tinitigan ko siya. Parang may bumigat sa puso ko. Not again... please, not tonight. “Julian, I’m pregnant.” Bumulusok ang mga salita, di ko na napigilan. Naramdaman ko 'yung konting pagtaas ng boses ko—out of excitement, out of hope. Tumingin siya. Sandaling sandali lang. May konting gulat... pero agad ding nawala. “Oh. That’s… something,” sabay balik sa phone. Walang reaction. Walang yakap. Walang kahit ano. Parang may biglang nabasag sa loob ko. Akala ko... yakapin niya ako. Halikan. Tuwang-tuwa. Pero he just stood there. Tuloy lang sa pag-scroll sa phone niya. Walang pake. Wala akong nakita kundi isang lalaking parang hindi na ako kilala. Napangiti ako. Pilit. “I thought we could celebrate,” sabay turo sa mesa. “I made your favorite—roast chicken and all the trimmings.” “Yeah, looks good,” sagot niya. Hindi man lang tumingin sa pagkain. Tahimik. Ramdam ko ang sakit sa loob. ‘Yung effort ko, ‘yung moment na pinangarap ko—parang wala lang sa kanya. “Do you want to eat now?” tanong ko, pilit pinapakalma ang boses ko kahit nanginginig na ‘ko sa loob. “Yeah, sure.” Umupo siya. Pero hindi pa man nakakalahating minuto, nag-vibrate ulit ang phone niya. Kinuha niya ulit. Lumingon ako, umaasang ibababa na niya, na pipiliin niyang makinig sakin. Pero hindi. Mas pinili niya 'yon. “Julian,” tawag ko, this time medyo may panginginig na. “Can we just… can we focus on each other for one night?” Tumingin siya, pero hindi ng may pag-unawa. Naiiritang tingin ‘yon. “I’m just checking something,” sagot niya. Para bang istorbo lang ako. Hindi ko na alam kung paano ko pinigil ang luha ko. Nilagyan ko siya ng pagkain. Inilapit ko ang plato niya. “I hope you like it,” mahina kong sabi. Wala. Wala pa ring reaksyon. Kain lang siya habang hawak pa rin ang cellphone. Tumayo ako, tinungo ang kitchen. Tinakpan ko ang mga natirang pagkain. Hinugasan ang mga pinaglutuan. Pero hindi ko naramdaman 'yung sarili ko. Parang gumagalaw lang ako kasi kailangan. Sa likod ko, rinig ko pa rin 'yung pagtap niya sa screen ng phone. Click. Tap. Scroll. Ulit-ulit. Parang background music ng pagkabigo ko. Hindi ko na kinaya. Lumabas ako sa balcony. Kailangan ko ng hangin. Kailangan ko ng kahit anong preskong pakiramdam. Sumandal ako sa railing, pinipilit na huwag umiyak. Sa harap ko, tanaw ang city lights—parang bituin na malayo at untouchable. Gusto ko lang sana ng moment. Ng connection. Ng simpleng I’m happy for us. Then may narinig akong boses. Mababa. Mahina. Pero pamilyar. Si Julian. Lumingon ako. Hindi ko sinasadya pero parang nanigas ako. “Nandito ako kay Sophia. Yeah… she doesn’t know.” She doesn’t know? Nanlamig ako. Ano'ng hindi ko alam? Sino'ng kausap mo, Julian?Author's Note: * * means, may diin sa salita.
Hawak-hawak ni Sophia ang kanyang baby sa nursery, habang marahang pumapailanlang ang tunog ng lullaby mula sa maliit na machine sa tabi ng crib. Kumapit ang maliliit na daliri ng anak niya sa kanya, at kahit sandali lang, parang lahat ng problema sa mundo nawala.Pero hindi nagtagal ang katahimikan. Biglang bumalik sa isip niya ang boses ng kanyang ama—matigas, walang kapaguran."Sophia, nagkakamali ka. Ginagamit ka lang niya. Ulit."At sumunod naman ang boses ni Jamella, mas matalas, mas diretso sa point."Bulag ka kung iniisip mong nagbago siya. Mga katulad ni Julian? Hindi nagbabago 'yan—gumagaling lang manloko."Napapikit si Sophia, pilit itinataboy ang mga salita.Pinipilit niya kasing maniwala—pinipilit niyang paniwalaan na nag-e-effort si Julian. Lagi na itong nasa bahay, nakikipag-bonding sa baby nila, minsan pa nga, siya na ang nagluluto ng breakfast. Pero kahit anong pilit, may bahid ng pagdududa na ayaw siyang bitawan.May mahinang tunog ng pinto na bumungad sa kanya, dahi
"Si Julian hihingi ng isa pang chance? After everything? After he left me, begging for his love… para sa’yo?" Late na ng gabi. Nakaupo ako sa gilid ng kama, nakatitig sa maliit na crib kung saan mahimbing na natutulog ang anak ko. “Baby… hindi mo alam kung gaano mo binago ang buhay ko," mahina kong bulong habang hinahaplos ang maliit niyang kamay. "Binigyan mo ako ng lakas… pero bakit parang ngayon, parang gagawa ako ng pinakamahinang desisyon ng buhay ko?” Kumislap ang mga mata ko, pilit pinipigilan ang pagbagsak ng luha. Nag-Flashback sa utak ko ang boses ni Julian kanina, habang nakahiga siya sa hospital bed—mahina, desperado. --- "Sophia, please. Alam kong nagkamali ako... sobra. Tanga ako noon. Pero ngayon, sinusubukan ko nang ayusin lahat. Kailangan ko lang... kailangan ko ng tulong mo. Para sa anak natin, kung hindi man para sa'kin." "At paano naman 'yung mga gabing umiiyak akong mag-isa? 'Yung mga araw na parang multo na lang akong naglalakad kasi pinaramdam mo sa
Pumasok si Sophia sa nursery, agad na lumambot ang puso niya nang makita ang anak niyang mahimbing na natutulog, mahigpit ang pagkakayakap sa maliit niyang kumot. Lumuhod siya sa tabi ng crib at mahina niyang ibinulong,"Konti na lang, baby... Tayong dalawa na lang. Sa mas maayos na lugar."Habang nagpapahinga siya sa sofa, sinubukan niyang damhin ang kaunting kapayapaan, pero biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown number. Akala niya abugado lang ulit, kaya sagot agad siya."Hello, Sophia Sebastian speaking," mahina niyang sabi, baka magising ang anak niya."Mrs. Sebastian?" May kaba sa boses sa kabilang linya, parang nagmamadali pa."This is St. John’s Hospital. Na-admit po ang asawa ninyo."Napakagat-labi si Sophia, napaupo ng diretso. Tiningnan niya ang repleksyon niya sa salamin—halatang nag-aalala pa rin kahit anong pilit niyang maging kalmado."Ano pong nangyari?" halos pabulong niyang tanong."May insidente po involving his company... Hindi pa po buo ang details, pero kail
Hawak-hawak ni Sophia ang cellphone niya habang nakatingin sa bintana, habang unti-unting pumapasok ang liwanag ng umaga sa kwarto. Parang manhid na siya sa lahat ng nararamdaman. Sa unang pagkakataon matapos ang ilang taon, malinaw na sa kanya ang sagot.Kailangan na niyang iwan si Julian. At, for once, hindi na siya dapat makaramdam ng guilt.Tumunog ang cellphone niya — mahina pero sapat para basagin ang katahimikan. Halos automatic na sinagot ni Sophia ang tawag.“Hello, Sophia speaking,” mahina niyang bulong, baka kasi magising ang baby niya na mahimbing ang tulog sa crib.“Mrs. Sebastian?” boses ng abogado ng papa niya ang narinig niya sa kabilang linya. Bago pa siya makasagot, mapait na ngiti ang dumaan sa labi niya nang marinig ulit ang apelyido ni Julian.“Nag-request po kayo ng consultation?”“Yes, tama. Gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa mana ko... at saka yung divorce papers,” sabi niya, medyo nagulat pa siya na mas matatag ang boses niya kaysa sa inaasahan.“Of cou
Napakunot ang noo ni Vanessa. Halatang may bumabagabag sa kanya habang nakatitig sa mukha ni Sophia na parang may gustong alamin.“Talaga bang iniisip mong kaya mong tapatan ako?” madiin at punong-puno ng pang-uuyam ang boses ni Vanessa.Bahagyang ngumisi si Sophia habang tumagilid ang katawan niya at nagkrus ng mga braso.“Kahit wala siya, buo pa rin ako.” Tumindig siya nang diretso. “Ikaw? Sa tingin mo ba may halaga ka kung wala siya?”Napataas ang kilay ni Vanessa. “Akala mo lang ikaw ang may laban. Don’t get too comfortable. Hindi ako papayag na apak-apakan mo lang ako. May sarili akong plano.”Napangisi si Sophia, isang ngising nakakapikon.“Plano? Eh anong gagawin mo, Vanessa?”Lumapit si Sophia, halos isang dangkal na lang ang pagitan nila. Bumababa ang tono ng boses niya, parang isang lihim na ibinubulong pero may matinding impact.“Let’s just say… may paraan ako para ipaalam sa kanya na ako pa rin ‘to. Gusto mong manatili sa tabi niya? Be my guest. Pero wag mong iisipin na ma
“Trabaho na naman,” sagot ni Sophia, pilit na ginagawang biro ang tono niya.“Dapat siguro magpahinga ka rin minsan, Julian.”“’Wag mo akong alalahanin,” mabilis niyang sagot habang nakatitig sa TV, ni hindi siya tumingin kay Sophia. Napangiti si Sophia sa sarili niya.“Hindi naman ako nag-aalala. Curious lang. Parang masyado kang invested sa trabaho mo lately.” Saglit siyang tumingin kay Sophia—matigas ang mukha, malamig ang mata.“Ano na namang pinapahiwatig mo?”“Wala. Promise.” Umamba siyang sumandal sa counter na para bang chill lang. Pero may gigil sa ngiti niya.“Gusto ko lang malaman kung ‘yang ‘bagong project’ mo ba eh sapat na para kalimutan mo ako—hindi, para kalimutan mo ang responsibilidad mo sa anak natin.”“Tumigil ka nga,” biglang seryoso ang tono ni Julian, nanlilisik ang mga mata.“Bakit ba, hon? Hirap ka bang aminin na baka busy ka masyado sa... pagtikim ng hindi kontentong pagkababae ng iba? Takot ka ba sa karma kung sakaling nandiyan na sa likod mo?” sarkastikong
“Yan talaga ang susuotin mo sa meeting?” sarkastikong tanong ni Julian pagkapasok na pagkapasok pa lang sa bahay. Mabilis ang mata niyang tumama sa suot ni Sophia.Nasa kusina si Sophia, nakatalikod habang abala sa paghahalo ng niluluto. Nang marinig ang sinabi ng asawa, dahan-dahan siyang lumingon na para bang kunwari’y nagulat.“Bakit, anong problema?” sagot niya, bahagyang nakangiti. “Komportable naman ‘to.”“Komportable?” Umirap si Julian at inihagis ang briefcase sa counter. “Pwede ba, Sophia. Baka pwedeng mag-effort ka naman kahit konti. Ayusin mo man lang itsura mo.”Tumango si Sophia, tinaasan siya ng kilay, pero hindi nawala ang bahagyang ngiti sa labi niya.“Ayusin ang itsura?” kunwaring nag-isip siya. “Hindi ba si Vanessa ang expert diyan?”Biglang nanigas ang panga ni Julian. Kita sa mukha niyang hindi nagustuhan ang nabanggit.“Wag mong idamay si Vanessa dito.”“Ay pero kasama na siya, ‘di ba?” Walang pakialam na balik ni Sophia habang patuloy lang sa pagkahalo. Kunwari’y
Ramdam ni Sophia ang bigat sa buong katawan niya habang nakahiga siya sa hospital bed. Para siyang lantang gulay—ubos na ubos. Pero sa kabila ng lahat, may liwanag na bumalot sa puso niya habang nakatitig siya sa munting mukha ng sanggol na yakap-yakap niya ngayon.Napakaganda ng anak niya. May malalambot na pisngi, at mga matang sing-itim ng gabi na unti-unting bumubuka’t tumitingin sa kanya—wala pa siyang kaalam-alam sa lahat ng kalokohang ginawa ng ama niya sa nanay niya.Tahimik ang buong kwarto. Tanging hininga lang ng anak niya ang maririnig, at mga bulong nina Jamella at ng lalaking nasa gilid ng kama—ang taong kamakailan lang ay nalaman niyang tunay niyang ama.Lumapit si Jamella at ngumiti habang hinaplos ang maliliit na daliri ng baby.“Siya ‘yung baby version mo, Sophia,” mahinang sambit ni Jamella, puno ng pagmamahal ang tinig.Napangiti si Sophia, kahit pagod na pagod. “He’s perfect,” aniya, habang nakatitig pa rin sa anak niya. “Siya lang ‘yung may sense sa lahat ng gulo
Umupo si Sophia sa waiting area ng law firm, pakiramdam niya parang hindi siya nababagay sa lugar. Ang kinis ng marble flooring, ang mamahaling leather couch, at ang mga abstract paintings na parang hindi naman niya maintindihan—lahat ‘yun parang nang-aasar lang na “You don’t belong here.”Hinanap ng mga daliri niya ang strap ng handbag niya habang pilit niyang pinipigilan ang halo-halong kaba at curiosity na gumugulo sa isip niya.Bumukas ang pinto ng opisina. Isang lalaking naka-tailored suit ang lumabas, mukhang businessman sa isang teleserye.“Ms. Grant?” tanong nito habang inaabot ang kamay.“Daniel Shaw. Thank you for coming in.”Tumayo si Sophia, nanginginig pa ang kamay habang nakipag-shake hands.“Thank you rin... for contacting me. Pero to be honest, I’m still not sure kung bakit ako nandito.”Ngumiti nang magaan si Daniel, parang sinasabi ng ngiti niya na okay lang kahit litong-lito siya.“Please, come inside. Let’s talk.”Pagpasok niya sa loob ng opisina, parang bigla siya
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments