Share

Chapter 10

Nasa harap ng mansyon si Nurse Wyatt. Hinihintay niya akong magbihis, nakatanggap kasi ako ng mensahe sa kanya kanina. Lalabas daw kami, kasi wala siyang duty.

Timing lang, dahil wala rin akong shift ngayong araw.

Mabilis lang akong natapos, nagsuot lang ako ng black button-down polo na crop top, tsaka mom jeans at nag white shoes ako.

Nadatnan ko si papa sa sala, nagbabasa ng dyaryo. "Papa," Tawag ko ng atensyon niya. Mabilis naman siyang tumingin sa akin, at inilapag ang hawak niya na dyaryo.

"Aalis po ako," Paalam ko.

Tumango siya. "Sure, no problem... but, who's with you?"

Akala ko makakaligtas na ako sa tanong na 'to. Hindi pa pala. "Si Nurse Wyatt po." Walang pag aatubili na sabi ko.

"Who is he?" Kunot noo na tanong ni papa. Kahit magka salubong ang kanyang kilay, hindi maipagkakaila na talagang maganda ang kanyang lahi.

Hindi ba niya matandaan iyong lalaki na sumagot sa kanya ng birthday ni Miss Manager? O sadyang hindi niya pinansin iyon. "'Yong kasama po sa birthday ni Miss
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status