"M-Mama..."Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mabilis ko nang niyakap si mama. Hindi ko mapigilan na maiyak. Sobrang na-miss ko kasi siya. Ang tagal ko na rin kasi siyang hindi nakikita."M-Mama, sorry po..." Humihikbi na wika ko. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya. Panay lang naman ang hagod niya sa likod ko."S-Shhhh... bakit ka naman umiiyak? Ang tapang mo nga maglayas." Hindi ko alam kung sa part na 'yon, dapat ba akong maiyak pa dahil concern siya? O dapat ba akong mainis, dahil parang pinapamukha niya na kasalanan ko pa iyon. Ramdam ko kasi sa tono niya ang pagiging sarkastiko sa kanyang sinabi. Kung hindi lang siguro kami sa publiko na lugar kanina pa niya ako nakurot.Humiwalay ako sa yakap niya. Nawala tuloy ang iyak ko. "Ma naman, eh." Hindi ko maiwasan na magreklamo. Ang ganda na noong moment, eh. Tapos biglang ganoon ang sasabihin niya. "Oh, bakit totoo naman?" Tinaasan na nga ako ng kilay, nag sumbat pa. Akala mo naman hindi nagda-drama sa Facebook, malinaw pa
"Kuya, pwede ba maupo ka muna. Pakiusap lang." Suway ko kay Kuya Lucas. Kanina pa kasi kami nakauwi ng mansyon, prente lang akong nakaupo habang siya. Ayon kanina pa umiikot, kulang na lang talaga ikutin na niya ang buong mansyon. Ako ang nahihilo sa kanya! "If dad were here, he'd probably kill me." Ramdam ko ang kanyang kaba. Sino ba ang nagsabi na siya lang ang dapat makaramdam ng kaba? Ako rin naman, eh. Panigurado kasi ngayon na magkaharap na si mama at papa. At alam kong sa isip ng nanay ko, gustong-gusto na niya akong kurutin. Ikaw ba naman i-set up, ‘di ba? Ang buong alam niya lang ay magbe-beach. Para makapag-unwind, pero mukhang sa ginawa ko. Alam kong kabaliktaran noon ang nararamdaman niya. Stress pa ang nararamdaman niya. Iniwan kasi namin si papa at mama doon sa bonuan beach. Hindi na namin tinignan pa kung anong ginawa ng dalawa, basta sinabi ko lang kay mama kung saan niya ako kikitain. At si Kuya Lucas naman, nagpaalam saglit kay papa na may pupuntahan. Walang alam
"Kali, what's taking you so long?" Narinig kong sigaw ni Kuya Lucas mula sa labas ng kwarto ko.Hapon na, at may usapan kami na bago mas alas-sais susunduin namin si Ate Kela sa kanyang opisina dahil sa labas na kami magdi-dinner.Kumontra pa nga kanina si mama. "Bakit sa labas pa? Pwede naman na magluto na lang dito?"Oh, ‘di ba? Napaghahalataan din na kuripot siya! Panigurado naman kasi na hindi siya ang sasagot, eh. Kung magreklamo na naman siya, todo bigay na naman!"Hon, that's a great idea..." Sang-ayon pa ni papa. "But I don't think Kela would come here." Pagdadahilan naman ni papa. May point naman si papa sa part na iyon, posible ngang hindi sumama si Ate Kela. Lalo na at panigurado na wala pa iyong alam sa mga nangyari.At isa pa, hindi rin ako sigurado sa magiging reaksyon niya. Baka ang ideya pa na ito ay posible na hindi niya magugustuhan.Mabuti na lang at hindi na nagmatigas pa si mama. Akala ko ipagpipilitan pa niya ang gusto niya, mabuti na lang at sumang-ayon din agad
"Seryoso ba, ma? Nasaan na lahat nang sinabi ninyo sa akin? Kinain ninyo lahat? Bakit mama, kailan pa 'to? Bakit ka nag lihim sa akin?"Sunod-sunod na tanong ‘yon ni Ate Kela kay mama. Punong puno talaga ng katanungan ang kanyang mata, litaw ang kanyang hinanakit. Para bang pinagtaksilan.Hindi na ako nagulat na ganito ang reaksyon ni Ate Kela. Kung ikukumpara kasi sa aming dalawa, mas alam niya ang kwento ni mama. Mas marami siyang alam na pinagdaanan ni mama, kaya siguro siya bitter. Hindi lang iyon, alam ko na rin na isa sa dahilan kung bakit mailap siya sa mga lalaki at mas tinututok na lang niya ang sarili sa trabaho."Kela, a-anak..." Pilit na inaabot ni mama ang kamay niya, pero unti-unting umaatras si Ate Kela. Hindi nakaiwas sa akin ang sakit sa mata ni mama, parang dinurog ang puso ko.Nang maibaling ko ang tingin kay Ate Kela. Disappointment. Iyon ang nakikita ko sa kanyang mukha. Umiling iling pa siya kay mama. "Bakit ang dali naman para sa inyo mama? Alam ninyo ba ang gin
"B-Bakit po tayo nandito?" Nanatili lamang ang tingin ko kay Miss Manager naghihintay ng kanyang isasagot. Pero halos bumagsak ang balikat ko nang hindi pa rin niya akong nagawang sagutin. Lumabas siya ng kotse, at pinag-buksan ako. "Let's go... I'll answer all your questions later. But, for now, you have to follow me." Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanya. Kahit naman nasa labas kami, boss ko pa rin siya. Kailangan kong sumunod sa kanya. Gusto ko na talagang malaman kung bakit niya ako dinala rito. Dalhin ba naman ako sa hospital, pero wala naman akong nararamdaman na sakit. Ano kaya ‘yon, ‘di ba? Baka may mali lang talaga sa pang-amoy ko? O baka naman may mali sa ilong ko? Pwede rin naman na baka si Miss Manager ang may nararamdaman na kakaiba, at isinama niya lang talaga ako rito. Bakit naman kasi nagco-conclude ka agad Kali? Paano kung hindi naman pala ikaw, ang dami mo pang sinabi! Nanatili lang ako sa likod niya. Pumasok siya sa elevator kaya mabilis ako
Warning: R-18. Read at your own risk.Napatingin naman ako kay Miss Manager na naghihintay ng sasabihin ko. Nag-aalangan akong sabihin sa kanya, dahil nasa kalagitnaan pa kami ng trabaho. Marami na akong absent, ayaw ko naman na madagdagan pa iyon.Hindi naman sa hindi importante ang pupuntahan ko, pwede ko naman siyang tanggihan kung sakali. Kung ano man ang sasabihin niya, pwede naman after na lang ng trabaho.Tinaasan ako ng kilay ni Miss Manager. "What is it?" "U-Uhm...""Go on, what is it?" Tila naiinip niyang sabi. Napapansin ko na ayaw niyang pinaghihintay siya."Tinanong po kasi ni Wyatt kung pwede kaming magkita."Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Mukhang naging iba pa ang pagkakakuha niya sa gusto kong iparating sa kanya. "You want to see him? Hmm?"Napakamot ako sa ulo ko. Nabaliktad tuloy iyong dating. "Si Wyatt po ang may gusto." Pagtatama ko, iyon naman kasi talaga.May pagdududa pa sa kanyang tingin. Siguro, iniisip niya na ako talaga ang may gusto. "Sure, no problem..
"Anong niluluto mo, friendship?" Hindi ko na nilingon pa kung sinong nagtanong noon, isa lang naman ang nagpauso niyang friendship na tawagan dito. Halos lahat naman ng ka-trabaho namin iyon din pala ang tinatawag niya. Medyo umasa ako sa part na ako lang ang friendship niya. Iyon pala marami kami. Baka ganoon talaga ang nature niya, palakaibigan. Siya rin kasi ang daldal nang daldal, eh. Iyon bang laging nagsisimula ng topic. "Jadey, ihaw to!" Pagtama ko. Inihaw ko muna kasi 'yong laman ng baboy, iyon kasi ang sabi nitong si Jadey. Magaling din kasi siyang magluto, siya nga ang taga-luto rito, eh. "Friendship, luto rin naman iyon." Pinagpilitan pa talaga niya. "Samahan mo na nga lang ako rito." Utos ko, kaysa magtalo pa kaming dalawa. Kanina pa kasi masakit ang kamay ko. Medyo marami pa akong iniihaw, nag-request din kasi si Miss Manager na gusto niya. Kaya dinagdagan ko na. Inaabot ko sa kanya ang pamaypay, pero kita ko ang hindi pagsang-ayon sa mata ni Jadey. "Sige, hindi ka
"Mommy, why do we need to go home po?" Tanong ng baby boy ko na si Spike, nakanguso pa siya. Medyo mahiyain ang isang 'to. Minsan lang magtanong. Kaya bawat tanong niya, sinusubukan ko laging sagutin. "Isn't our home here, po?" Kyuryoso niyang dagdag. Nabanggit ko kasi sa kanila na kailangan na naming umuwi ng Pilipinas, gustuhin ko man na dito na lang kami tulad nang gusto nila. Pero hindi talaga pwede, may mga bagay na kailangan akong harapin. Hindi na iyon pwedeng ipagpaliban pa, dahil matagal nang naghihintay sa akin. “Yes, anak,” Tumango pa ako. “But, our real home is in the Philippines.” Lagi ko naman na ipinapaliwanag iyon, para kung dumating man sa puntong kailangan naming umuwi. Hindi na ako mahihirapan pa na ipaliwanag sa kanila. Tumango lang siya sa akin, at muling ibinalik ang atensyon sa panonood ng telebisyon. Sa mahigit pitong taon na lumipas, sa US ang naging tahanan namin. Dito ako dinala ni Miss Manager matapos ang huling pangyayari na pinagdaanan ko sa Pilipina