"Spike, Zevria..." Marahan kong tapik sa pisngi ng kambal ko. Nakarating na kasi kami sa bahay ni Elian. "Hm..." Ungot ni Zevria, nasa session na naman kami ng pahirapan manggising ng batang babae. Hindi na bago sa kanya na bumaling sa kabila tuwing ginigising siya at ayaw niyang magpagising. "Mommy, where are we po?" Mapungay ang mata ni Spike, kinukusot-kusot pa niya iyon. "We were in my place, young man." Si Eli na ang sumagot. Kumunot naman ang noo ng anak ko. "Why are we here, po? Mommy, I thought we'd go to Ninang Manager po?" Baling niya sa akin, halata kong iwas na iwas siya kay Elian. Hindi niya man lang binalingan ng tingin, eh. Siraulo kasi si Elian. "Uhm, she just messaged me that she's not at home because she's busy, anak..." Paliwanag ko. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila, iyon nga lang nagkaproblema dahil napaka-wrong timing nang pagpunta ni Kuya Lucas sa bahay ni Miss Manager. Napangisi ako, mukhang may namamagitan na talaga sa kanila. Nakita kong tumango naman
Nang marinig ko ang pangalan ko, hindi na ako nag-atubili pa at lumapit na ako sa tabi ni Alaina.Sobrang lawak ng ngiti ko, nagpapatunay lamang iyon kung gaano kasaya iyong puso ko ngayon.Iyong ngiti ng mga tao, iyong sarap sa tainga ng kanilang palakpakan. Hindi kailanman nakakabingi, dahil ang palakpak na iyon ay isang senyales ng paghanga, suporta at para sa akin isang ebidensya na nakamit ko ang isa sa plano ko sa buhay.Ang makapagpatayo ng sarili kong restaurant.Malaki ang parte ng pagiging barista ko noon, isa iyong magandang experience na tumulong sa akin kung paano ko hinarap ang trabaho ko ngayon. Kung ano ang mayroon ako ngayon, dahil din sa mga pinagdaanan ko noon."Good morning," Nakangiting bati ko, punong-puno ang puso ko sa kagalakan. "Isa pong karangalan sa akin, na ako'y nasa harap ninyong lahat ngayon. Ang makita po kung gaano karaming tao ngayon ang nag-aabang at naghihintay ngayon, bago po namin buksan ang restaurant... ay sobrang laking bagay po sa akin iyon."
Sa buhay hindi talaga maiiwasan na may darating na taong laging wrong timing. Hindi iyong kung paano sila dumating literal sa buhay natin. Pero iyong ideya na pagdating nila sa mga seryosong usapan. Nasa kalagitnaan ka ng seryosong usapan. Lagi silang may spot, parang sa raffle gusto laging may slot. Sinamaan ko ng tingin si Elian. Napangiwi siya nang makita ang mukha ko. Sobrang lawak pa ng ngiti niya kanina, akala talaga niya ako lang mag-isa, eh. Hindi ba siya sinabihan ni Alaina? O, baka naman sinabi naman sa kanya. Hindi lang siya naniwala! "I-I'm sorry, I didn't know Kali was with someone." Paghingi niya ng paumanhin. Mabilis siyang tumalikod para sana makalabas na, pero huli na iyon. "Wait," Pigil ni papa. Ito na nga ba ang sinasabi ko, wala na namang takas sa katanungan ang lalaking 'to. Mabuti sana kung maayos 'tong kausap. Eh, mas malala pa siya sa akin. "Yes, sir?" Pormal niyang tanong. Nanatili pa rin siyang nakatayo kung saan ang pwesto niya kanina. Inimuwestra nama
Iyong ideya na gusto kong tanungin pa ang mga magulang ko, kung para saan ang mga iyon. Kung bakit may kampihan na nagaganap? Kaso hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataon na gawin iyon dahil kailangan daw nilang umalis at babalikan na lang nila ako mamayang gabi, para raw sa dinner namin. Gustuhin ko man sabihin na hindi ako pwede, dahil kailangan kong bumalik sa bahay ni Elian dahil sa mga anak ko. Kaso ayaw ko namang tanggihan ang mga magulang ko, dahil ngayon lang kami nagkausap muli matapos ko silang taguan ng ilang taon. Baka iba pa ang maging pagkakaintindi nila kapag iyon ang sasabihin ko."Mamaya na lang anak, ha. May kailangan lang kaming asikasuhin ni papa mo."Tumango ako, at ngumiti kay mama. Pinilit kong hindi ipahalata sa kanya, na may porsyento sa akin na hindi ako sang-ayon sa gusto nilang dinner mamayang gabi. May nararamdaman akong kakaiba!"Sige po, ingat kayo." Tugon ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at hinagkan sila pareho sa pisngi. Saglit nilang binalingan
Minsan sa buhay, hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa mga pagsubok na binibigay o iyong mga surpresa na talagang gugulantang sa buong pagkatao ko. Alam ko naman na hindi iyon maiiwasan. Hindi ko alam kung sa puntong ito paborito ba ako o minamalas lang talaga ako. Talaga yatang araw ko ngayon, dahil ginugulat ako ng mga pangyayari.Ako ang umuwi ng Pilipinas, para i-surprise sila. Pero, mukhang ako na naman ang nasurprise sa mga kaganapan.Inis akong bumaling sa kasama kong lalaki. Hindi ko alam kung paanong nakasakay ako sa sasakyan niya ngayon. Kung paanong sumama ako sa kanya? "Where the hell are you going to take me?" Mataray kong sabi, hindi ko maiwasang mapairap.Nanatili lang ang paningin ko sa kanya. Naghihintay ng kanyang sagot, pero halos mandilim na ang paningin ko wala pa rin akong nakuha na sagot mula sa kanya. Mas lalo lang namumuo ang galit sa dibdib ko.Walang hiya 'tong Nurse na 'to. Hihilain ako, tapos hindi pala ako kakausapin.Kung iignorahin lang pala niya
Hindi ko maiwasan na kabahan. Ano ang ibig niyang sabihin doon? Bakit kailangan ng ganoon!"H-Huh? Re-Recap? Ba-Bakit?"Kahit ako hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nauutal. Hindi naman ako ganoon, pero ngayon na kaharap ko siya ulit. Parang nawawalan ako ng tapang sa katawan. Nakakapanghina ang kanyang presensya. Sobrang bilis talaga nang tibok ng puso ko. Bakit kailangan kong maramdaman 'to? Nanatili lamang ang tingin ko sa kanya. Seryoso pa rin ang tingin niya sa akin, pero nakausli pa ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi. "Relax girlfriend..." Nakangising aniya.Relax? Ang kapal talaga ng mukha niya! Kung palit kaya kami, siya ang maging ako. Para maramdaman niya ang pinaparamdam niya sa akin ngayon.Wala sa mga gusto kong mangyari ang bagay na 'to. Hindi ko man lang ito naisip na posibleng mangyari. Ang nais ko lang naman ay tahimik na buhay kasama ang mga anak ko, at iyong tuparin pa ang ibang mga plano ko. Ang makita siyang muli? Well, hindi naman maiiwasan
Pagkaalis ng mga anak ko kasama si Alaina, muli kong tinuon ang sarili sa pagkain dahil papasok pa ako ng trabaho."Manang," Pagtawag ko. Naka-dalawang beses pa ako ng tawag bago lumabas si Manang Cecil, siguro naglalaba siya ng mga damit sa likod.“Tawag mo ba ako?” Kita ko ang pag-aalangan ni Manang Cecil, medyo mahina na rin siguro ang pandinig niya.Tumango ako. "Si Elian po, nakita ninyo?"Kanina pa kasi ako nandito sa kusina, wala pa akong nakikitang bumababa mula sa kanyang kwarto. Hindi naman sa salas unang pupunta iyon, paniguradong sa kusina. Hindi na ako nagulat na hindi siya banggitin ng mga anak ko, dahil kahit naman hindi nila sabihin ramdam ko sa kinikilos nila na malayo pa rin ang loob nila sa kanya."Nagpaalam siya kaninang may aasikasuhin," Tugon ni Manang Cecil.Napakunot naman ang noo ko. Bakit hindi siya nagsabi man lang sa akin? "Anong oras po siya umalis?"Mukhang nagtatampo yata ang loko, dahil hindi ko kinausap kagabi. Hindi naman niya ako masisisi, pagod kaya
Minsan pala darating sa buhay na masasaktan ka, hindi dahil nag fail ka sa buhay o pisikal kang sinaktan. Kung hindi dahil sa mga taong gustong humingi ng tawad mula sa iyo.Iyong masasaktan ka dahil bakit kailangan pa nilang magpakita sa akin? Bakit hindi na lang sila naglaho? Hindi iyong bumalik ako, tapos bumalik din sila sa buhay ko.Sa una pa lang naman dapat iniisip nila maigi kung ano ang kahahantungan nang ginawa nila, hindi iyong pabigla-bigla silang magdedesisyon. Tapos kung kailan nila gustong humingi ng tawad, gagawin nila. Paano naman akong ayaw silang makita? Akala ba nila madali lang para sa akin iyon?Hindi naman malaking bagay sa akin kung hindi sila humingi ng tawad basta huwag lang silang magpapakita, dahil hindi rin naman na ako interesado na marinig pa ang mga paliwanag nila.Kung mayroon man akong gustong mangyari, ang prioridad ko ay matupad iyong mga binubuo kong pangarap at katahimikan sa buhay.Ganoon naman kasi talaga na darating sa puntong hihilingin mo ang