Share

Chapter 5: Breaking Walls

HABANG naglalakad siya ay nahagip ng mga mata niya ang isa ding pares pa ng mga mata na ramdam niyang sa kanya nakatuon. Napahinto siya sa paglalakad sa mismong tapat nito.

Tila hayun na naman ang kakaibang pakiramdam na iyon sa tuwing magtatama ang mga paningin nila.

He smiled, and that made her day. She gave him a quick little smile in return and continued to walk passed by him.

Hindi niya alam kung saan siya nanghiram ng lakas para humakbang but she has to be who she is, kahit pa ba parang gusto niya pang makipagtitigan dito.

She was trying to calm herself nang biglang may magsalita sa likuran niya.

"Heels look good on you, but the butterfly shoes look better."

And that voice sends that electrifying feeling to her whole body again. She can't help biting her lower lip before she stops and turns to him.

He is standing not far behind her, carrying a black leather body bag, and his right hand is inside his pocket. Wearing a simple plain white shirt, tucked-in perfectly, topped by wine red loose long sleeve polo that slightly folded up to his arms and fitted denim jeans matching with white sneakers. He looks really clean and simple... 'but with a breathtakingly beautiful face.'

Pasimple siyang huminga ng malalim.

Matipid niya itong nginitian, "Actually it's more comfortable than heels."

"Hmmm. I think anything will look pretty in you."

'He has a flowery mouth too.'

"I mean it, for sure I'm not the only one who told you that."

'He can read minds too?'

She scoffs, "You're good."

Napatawa din ito, "Please don't get me wrong, it's impossible to lie while looking in your eyes," he pressed his lips together creating a shy smile.

Napahagikgik nalang siya hindi niya alam pero bentang-benta ang paandar nito sa kanya habang ito naman ay wala sa sariling napakamot sa likod ng leeg.

"May I... walk with you if you don't mind?" natitigan nito ang mga mata niya, leaving no chance for her to refuse.

Usually, no guy can stand looking at her in the eye for this long, but this guy has all the guts, and surprisingly she likes it. She wants it for him to look at her. Actually, she wants to own it. The idea of him that will only look at her makes her feel really satisfied.

'And why would I refuse?' she cocked one eyebrow inside her brain. There's no way she will say no to this game. 'If... it's a game?' She secretly wishes that he will just stay pure like the first time they met.

"No I don't," matipid ding sagot niya dito.

One thing she likes about herself is that she is used to being who she needs to be. The girl with a stone heart. Kahit pa nga sabihin na she feels different whenever she's with this guy, still kaya pa din niyang imanage ang pagiging emotionally stable niya.

'But of course.' She still needs to be careful.

Even though she's not looking at him, she can't help but cheat from her peripheral vision. His face looks so kind and gorgeous.

'Damn... I can't help praising him! How come this is so hard for me not to look at him?'

She glances up at him and then finds out that he is also looking at her. Hindi niya alam kung siya lang ba ang nakakaramdam ng pakiramdam na yun... because she just can't take her eyes off of him, as if it's already locked by some magnetic force.

"You maybe look tough but, that is one of the kindest and coolest things I've ever seen," he sounded so sincere that it makes her heart flutter, "Not everyone is brave to stand up for what is right."

"You think so?" nakangiweng sabi niya na halatang tinablan siya ng hiya. Medyo unusual kasi na masabihan siya na mabait dahil most of the time she's mean, snobbish and cold towards people, at isa pa first time lang naman niyang ginawa yung kanina. Hindi lang niya talaga ma-take yung mga mahaderang alagad ni Katrina sa paghahasik nito ng lagim. She also has her own reason why she protects certain people. Plus, yung init ng ulo niya sa bahay kanina.

"Yes, you are, thanks for doing that... it makes me believe that there are still angels on earth," then there goes that kind smile again that keeps melting her inside.

Pinilit niyang kumawala sa mga mata nito at tumingin sa ibang direksyon. Pakiramdam niya kasi pumanik lahat ng dugo sa pisngi niya, "I don't think so... maybe I just found an excuse so I can wear my butterfly shoes," her trying to deny the idea.

Bahagya naman itong napatawa sa sinabi niya and she can't help but to admire that scene nang balikan niya ito ng tingin.

"I see... you're an angel wanted to disguise," he grins at her.

"No I'm not," her nose crinkled. "You are," mabilis niyang balik dito ng ideya.

"W-what? Me?" takang tanong nito sa sinabi niya.

Napangiti nalang siya kung alam lang nito tinutukoy niya, "Never mind."

                                                             😒¤¤¤¤¤¤😒

MATAPOS ang klase nila sa psychology, sabay-sabay na silang lumabas nila Sofie at Rich.

Habang naglalakad sila sa hallway napansin niya agad ang mga taong pasalubong sa kanila na walang iba kundi ang grupo nila Katrina, kasama nito si Uno at ang dalawa pa niyang pinahiyang babae nung nakaraan sa locker.

Nakakaramdam na naman siya ng nagbabadyang komosyon nang huminto ito sa tapat nila.

Nang magtama ang mga mata nila ay nang-iinis na nginisian siya nito at halatang may pasabog na naman.

Samantalang isang malamig naman na tingin ang isinagot niya dito.

"Oh bakit ganyan ang mukha mo?"

Tumingin siya sa ibang direksyon at dinedma ito.

"So bitter ka pa din? Kaya ba pati mga friends ko dinadamay mo sa kamalditahan mo? Move on kana girl! Hindi na siya babalik sayo," pang-iinis nito na sinabayan pa ng mapang-asar na tawa, "Wala naman siyang mapapala sayo dahil pang-display ka lang naman."

Pero hindi pa din niya ito pinansin kahit gusto niyang pagtawanan ito.

'Ako pa bitter?'

Hanggang ngayon ay nananaginip pa din ito ng gising. Hindi pa ba nakakarating dito ang balita ng pagluhod ng nobyo nito sa harap niya para lang magmakaawang balikan niya ito?

"Don't worry patikim palang yan... perharps this will add to your bitterness," mula sa likuran ng matangkad na payat na babae lumitaw ang isang bruha.

"Olga?!" tila hindi makapaniwala niyang nasabi. 'Anong ginagawa ng bruhang ito sa academy?!'

"Hi, couz! Aren't you going to welcome me? Isn't it great that I found the right people to hang out with?" matamis na ngiting sabi nito, that made her look like a psychopath.

'Yeah, brilliant bitch! You found your kind.'

Napangiti naman ang iba pa nang makita ang reaksyon niya na halatang nayayamot sa pagmumukha ng kanyang pinsan.

Samantalang si Rich at Sofie naman ay napakapit sa kanya. Katulad niya napakuno't din ang noo ng mga ito dahil sa paandar ng kaharap nila.

"What are you doing here?" napataas ang isa niyang kilay.

"Well... obviously I transferred here. Isn't that exciting? As for lola's request. Sino ba naman ako para tumanggi diba?" malakontrabidang ngiti ang gumuhit sa mga labi nito.

Kung pwede lang niyang hablutin ito at ilagay sa sako nang maitapon sa dagat ay ginawa niya na. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lilipatan nito ay dito pa sa JAA? Eh wala naman itong talent.

Ang akala pa naman niya sa ibang bansa ito mag-aaral, pero heto at sa academy pa napiling maghasik ng lagim.

"So it's true na kahit sa school ganyan ka mag-damit?" turan nito sa suot niyang flesh see-through na crochet blouse na may black tube sa loob na pandoble at binagayan niya ito ng isang sexy ragged faded denim shorts at flat shoes.

Samantalang ang mga ito naman ay parang mga sosyalerang frog na kung todo ang get up, so people will know they are elites.

"So?" nanunubok niya itong tinaasan ng isang kilay.

"Nothing. Kung sa bagay... it suits you," Nakangiweng sabi nito nang tignan siya mula ulo hanggang paa.

'Seriously?' napapalatak siya sa loob ng utak, "Of course, being fabulous in whatever I wear... is never really a problem to me." Nginisian niya ito.

"Even without heavy make-up too. It's just effortless," dagdag niya na tila agad na nagpa-conscious sa lahat ng kaharap niya dahil kung todo make-up ang mga ito na parang laging FOUNDATION DAY matakpan lang ang mga tinatagong bukbok sa mukha.

Iritang inirapan siya ng mga ito.

"Truth hurts, I know," Pang-aasar na balik niya dito na ikinatawa ni Rich na mabilis ding napatakip sa sariling bibig nang pukulin ito ng matatalim nitong mga tingin.

Walang kadala-dala ang mga ito. Alam naman nilang hindi sila mananalo sa kanya kung asaran lang din ang labanan.

"Well sulitin mo na ang maliligayang araw mo, dahil tignan ko lang kung saan ka lulugar kapag tuluyan ka ng na-ityapwera," she wickedly grins at her that suddenly made her sense the trouble that is about to come.

Bigla siyang napakuno't ng noo. Ginu-good time ba siya nito? 'Ako maiityapwera? You think you can beat me witch?!' she scoffs in the idea.

"Oo nga pala hindi pala kayo close ni uncle, I guess you have no idea that he started dating a long time ago. If you're lucky maybe a stepmom? Soon... but I doubt it if she will treat you like a daughter, because you're such a pain in the ass," labis ang katuwaan sa mga mata nito nang makita ang bumakas na ang pagkagulat at pag-aalala sa mukha niya.

Pakiramdam niya binuhusan siya ng malamig na tubig... 'He's dating?!! Stepmom??!!! No way!'

"Congrats Honey!" sarcastic na dagdag ni Katrina. "We know your secret now... the Queen is not a Queen in her own castle but a ghost," sabay halakhak na parang lukaret, "Poor you... acting tough, are we? But the truth is you have no one behind you."

"As expected... what a nice view to see that reaction on your face. See you around couz. Soon you will be out on your throne. So, if I were you, you better prepare yourself," at sinabayan nito ang lukaret na tawa ni Katrina.

Hindi na niya namalayang umalis na pala ang mga kaaway niya dahil para bang panandalian siyang nawala sa wisyo nang tibagin ng mga ito ang isa sa mga pader na tumatakip sa masakit na katotohanan ng buhay niya.

"Sis ok ka lang?" alalang tanong ni Rich at ni Sofie nang makita ang pagtatagis ng bagang at ang unti-unting namumuong matatabang luha sa gilid ng mga mata niya.

"I'll see you guys later," mabilis siyang lumakad papalayo sa mga ito. They know her when she's upset. They need to give her space or else madadamay lang sila.

Nobody can help her when she is in this kind of state. She's like a time bomb that will explode anytime if you press the button, kaya mas mainam pang pabayaan siya at lumayo sa kanya.

She learns how to endure everything alone that is why she also learned not to need comfort from anybody.

Nagsisikip ang dibdib niya. Bakit ba napaka-ironic ng buhay niya? Wala na nga siyang lugar sa bahay na yun may papasok pang ibang tao. Pati ba naman yung pwesto ng mama niya mawawala na rin sa papa niya.

Dinala siya ng mga paa niya sa old music room at doon inilabas ang frustration sa pagtugtog ng piano. Halos madurog ang mga buto niya sa daliri sa diin ng pagtipa niya sa tiklado ng piano at kasabay noon ay ang wala ding humpay na pag-agos ng kanyang mga luha.

Magkahalong sakit at galit ang nararamdaman niya. Kawawa naman ang mama niya may kapalit na ito.

Paminsan itinatanong niya sa sarili kung kahit minsan ba ay sinuklian din ng papa niya ang pagmamahal nito o kung nagkaroon nga ba kahit konting puwang ang mama niya sa puso nito? Because he never talks about her, not even once.

Hinding-hindi rin niya makakalimutan ang huling beses na sinubukan niyang ipagsiksikan ang sarili sa pamilya nila.

10 years ago...

It was her father's 30th birthday, and it was celebrated in the Veraniel Manor. It was a grand ball party, and there were plenty of prominent people were invited. Some celebrities, business personalities, politicians, etc were present at the party.

She was told to stay out of the scene and not to gather attention for the media not to dig up the past issues about her father.

So she stayed in her room alone while watching extravagant cars coming in their grand gate by her window. Guests were dressed like they were attending an awards night. The background music was like the sound when you enter a palace in the movies.

Lights and flowers are everywhere turning the night look like a dream. She can imagine herself wearing a ballgown and walking on that red carpet while holding her father's hand.

'The King and her beloved Princess.' napangiti siya na may halong lungkot.

Abalang-abala lahat ng inupahang tao ng pamilya sa pagtanggap ng mga bisita. Kung todo uniporme ang mga ito na mukhang Royal Guards.

Hindi niya maiwasang makaramdam ng inggit habang pinanonood ang nangyayaring kasiyahan.

Sa mga kamay niya ay hawak-hawak ang isang gawang kamay na Birthday Card na pinaghirapan niyang iguhit dahil wala naman siyang ibang maisip na regalo dito. Kahit pa nga hindi niya alam kung magugustuhan ba nito ito.

Malalim siyang napabuntong-hininga at isinara ang kurtina ng bintana.

"Paano ko kaya ito maibibigay?" bagsak na balikat na kausap niya sa sarili habang pinagmamasdan ang larawang iginuhit niya sa unahan parte ng card. She sadly smiles as she dreams it would come true someday...

She drew a father holding the hand of his little daughter, who was holding the strings of balloons in her other hand. It's not perfect, but at least the idea of a father and daughter love is there.

"Alam ko na!" napalundag siya sa kinauupuan nang may ideyang biglang lumitaw sa isip niya. Naisipan niyang iwan nalang ito sa office table sa kwarto nito. Kaya naman mabilis siyang nagtungo sa pintuan at maingat itong binuksan.

Nakita niyang walang bantay kaya mabilis siyang naglakad patungo sa kwarto nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, ngunit hindi pa man din niya tuluyang naibubuka ay...

"Ang batang iyon, hindi dapat siya makita ng mga bisita," tinig iyon ng walang iba kung hindi ng kanyang lola.

Tila ba may parang kumirot sa dibdib niya. Obviously siya ang tinutukoy nito. Gusto man niyang tumakas upang hindi na marinig pa ang usapan ng mga ito ay tila napako na ang mga paa niya sa kinatatayuan.

"Matagal na iyon mama..." bakas sa tinig nito ang pagkayamot.

"Matagal na nga pero habang buhay ang mantyang iyan sa pangalan mo!" bahagyang tumaas ang boses nito. "Isang bunga ng kahibangan mo at ng sampid na iyon! Kaya sundin mo ang utos ko kung ayaw mong magkaproblema tayo!" may halong pagbabantang paalala nito.

Isa siyang mantya? Kaya ba itinatago siya sa mga tao? Kaya ba hindi nila siya matanggap?

Malulusog na mga luha ang tuluyang lumaglag sa magkabilang pisngi niya. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya.

Pakiramdam niya hindi siya dapat naroroon o baka tamang sabihin na hindi na lang siya dapat nabuhay pa kung ganito lang din pala ang magiging tingin sa kanya.

Poot ang nag-uumpisang mabuo sa mura niyang isip at puso.

Muli niyang minasdan ang dalang card na halos malukot na dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao.

Gigil niyang pinunit sa apat ang card at itinapon sa sahig at inapak-apakan sabay sara ng pinto nang may pwersa. Wala na siyang pakealam kung malaman pa ng mga ito na narinig niya ang usapan.

Isa lang ang natatak sa kanyang isipan... na hinding-hindi siya papayag na maging mantya na lang siya habang buhay.

At mula noon, she stops pleasing them and forcing herself in, but instead, she turns herself, someone, to be please by people. She tried to excel mostly in everything she does, and that makes her someone to feel envious of. She learns not to show them the pain of being a stain but instead, she tries to do whatever she wants with the comfort of their wealth. She becomes numb.

But now her bitch cousin is trying to ruin everything, and her dad?

"Damn it!" nang hindi niya na makaya ay nanghihinang napasubsob siya sa mga braso at nanlulumong humilig sa harap ng mga tiklado habang tuloy tuloy parin sa paghagulgol.

He wants a new family, and she's not included in the plan because he didn't even bother to tell her... 'He never does... and he never cares!' it's not surprising, but she felt unprepared for it.

Pain is too suffocating, and her heart is breaking into pieces.

Pakiramdam niya namamanhid ang buo niyang katawan at pati natitira niyang lakas ay naglaho sa sobrang sakit, kaya halos hindi na rin niya naramdaman ang isang prisensya na kanina pa pala naroroon.

Mula sa pag-kakapikit ay naramdaman na lamang niyang may umupo sa tabi niya. Dahan-dahan siyang nag-angat ng ulo at nang makita kung sino ito ay ganoon na lamang ang kanyang pagkagulat.

Miss PK

Hi mga Kakiligs, Just want to say that your Miss PK a.k.a your pabebeng Nuna/Unnie are soon going to make a page and I will call it our "Miss PK's Café Mi Amore" para naman may tambayan tayo. Oryt!!! I would love to have you there (Mga mahaharot na chingu 😂). You can ask questions and leave some comments. We can also have crazy chitchats there. Just to give you a heads up I'm super crazy, sometimes savage, also sensitive and sometimes talks like an old creature so bahala na kayo sa earth umintindi. I'll post in one of the chapters once it's ready! Alright Welcome to Miss PK Zone mga kakiligs!!! Happy Reading! PS: Sabay sabay tayo mag kape habang nagbabasa ng harot kong imahinasyon. Nagmamaganda, Miss PK

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status