Share

Pink Flower

Author: Nelia
last update Last Updated: 2024-08-29 09:34:25

LEILA MERCEDEZ POINT OF VIEW

Hindi ko alam kung bakit parang ngayon ay bigla kong pinagsisihan na ang nangyari sa amin ng lalaki na 'yon. Hindi ko naman itatanggi na ang ginawa namin kagabi ay isa sa mga karanasan ko sa buhay na hindi ko malilimutan. Isang maling desisyon dala ng kalasingan. Kung titignan, hindi naman ako nalugi dahil ang sarap niya, ang Hot, at sobrang guwapo pa. Binigyan niya pa ako ng pera pang gastos.

Kaya lang ay na-turn off ako sa kaniya dahil halata sa kaniya na babaero lang talaga. Kanina, kitang-kita ko kung paano niya ako iwasan at kulang na lang ay ipagtabuyan na ako. Kung tignan niya ako ay para bang wala siyang kinuha sa akin na bagay na pinaka iingat-ingatan ko.

Talaga ba?

Pagkatapos kong ialay sa kaniya ang rare na Pink kong kabibe?

One night stand lang talaga?

Nakakadismaya ang lalaking gaya niya. Pagtapos niya akong tikmam ay bigla-bigla na lang akong iiwasan? na kesyo may meeting sa office tapos may pa-Canada pang nalalaman. As if naman na naniniwala ako. Alam ko naman na dahilan niya lang 'yon. Palibhasa guwapo at mayaman kaya baka siguro takot mapikot.

Hindi naman ako ganu'n at malabong gawin ko yon. Tama na sa akin na nagkaroon ako ng isang masarap na karanasan. Ngayon ay kailangan ko nang harapin ang realidad. Ang realidad na mag-isa na lang ako sa buhay ay wala nang pamilyang uuwian. Kailangan kong patunayan na kaya kong magtagumpay sa buhay. Na may talento ako at ito ang gagamitin ko para mabayaran ang mga utang ng itay ng sa gayon ay ipagmalaki niya ako at ituring na parang tunay na anak. Na hindi na niya kailangang ipakasal ako sa matandang intsik.

Sa ngayon, hindi ko pa alam kung paano ko uumpisahan na tuparin ang pangarap ko sa mundo ng pag-arte kung hanggang ngayon ay hindi pa ako nabibigyan ng break.

Hanggang inabutan na ako ng dilim sa kalsada. Yakap-yakap ko ang aking sarili habang binabaybay ang daan patungo sa hindi ko alam kung saan patungo. Sobrang lamig ng hangin at ngayon ako sinasamahan ng matinding kalungkutan.

Saglit akong huminto upang magpahinga sa paglalakad. Naupo ako sa isang bench na ang likod ay malawak na bukirin. Tumingin ako sa langit at nag-intay ng babagsak na bituin baka sakaling tuparin nito ang aking hiling. Para rin hindi muling tumulo ang luha na kanina pa gustong tumulo. Kaso mapapaiyak ka na lang talaga.

Gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang mahiga sa malambot kong kama. Namimiss ko na sila mommy at daddy pero paano ako uuwi kung ganitong bigo pa ako?

Hanggang maya maya lang ay parang dininig ng bituin ang aking hiling. Walang nahulog pero parang natupad ang aking dalangin. Isang Email ang natanggap ko mula sa aming producer. Excited ko itong binasa at hindi pa man ay bigla na akong napasigaw. "YES!!! THIS IS IT! MAKAKAUWI NA AKO SA AMIN!

"Subject: You Got It! - PINK FLOWER Lead Role

Hey Leila Mercedez,

We're thrilled to offer you the lead role in our upcoming film, "PINK FLOWER". Your audition was incredible, and you were the perfect Rosanna.

We're excited to have you on board! The official offer letter is attached. Let's chat soon to discuss everything further.

Best,

Luigi Xiao

Legal Films."

From extra to lead role. Grabe ka Lord. I know it was him. Nakita niya ang pagsusumikap ko kaya dininig niya ang matagal na panalangin ko.

Wala na akong sinayang na panahon at agad na akong pumara ng taxi upang ipaalam ang magandang balita sa aking mga magulang.

Pagdating ko ss bahay ay nakita ko agad ang isang nakaparadang itim na fortuner sa labas ng bahay. Agad akong kinabahan. Nagpatuloy ako sa paglalakad at dahan-dahan na sumilip sa may bintana. Doon ay nakita ko kung paano makiusap si Daddy sa bisita niya.

"Ako gagalit dahil sobra-sobra na bigay ko palugit. Laki utang mo, wala ka pala pambayad. Sabi mo, bigay mo sa akin dalagang anak mo pero wala naman siya dito. Ako ba niloloko mo?"

Amg bisita pala ni Daddy ay yung matandang intsik na pinagkakautangan niya at ang tinutukoy ng inay na ipapakasal daw sa akin. Nakaluhod ang itay sa harapan nito na kulang na lang ay halikan na ang paa nito sa pakikiusap. Nasasaktan ako bilang anak niya na makita siya na humantong sa ganito. Kasalanan ito ng sugal. Sinira niya ang itay.

"Hindi. Hindi kita niloloko. Umalis lang saglit ang anak ko. Pauwi na din siya. ibibigay ko naman siya sa 'yo once na umuwi siya ngayon. Bigyan mo pa ako ng isang linggo. Ako na mismo ang magdadala sa kaniya sa 'yo."

Napapikit na lang ako ng mariin at anin ko na lang ay huwag ko nang marinig ang mga sinasabi ni Daddy. Talagang desidido siya na gawin akong pang bayad ng utang niya. Nagagawa niya ito dahil hindi naman niya kasi ako tunay na anak.

"Sige. Pasalamat ka type ko anak mo. Kapag hindi no siya nadala sa akin, alam mo na kakahinatnan mo!" banta ng pinagkakautangan ni Daddy sabay sumenyas pa na lalagutin ang leeg.

Nang lumabas ang nasabing matandang intsik sa aming bahay ay ikinubli ko ang sarili ko sa gilid ng drum. Hindi niya akong pwedeng makita ngayon. Hindi rin pala ako pwedeng magpakita sa magulang ko dahil talagang desidido na si Daddy na ibenta ako. Kung ipagmamalaki ko naman ang goodnews na natanggap ko ay wala rin palang silbi dahil kailangan na kailangan na ni Daddy ng pera.

Pagkaalis ng intsik ay narinig ko naman na nagtatalo ang aking mga magulang. "Asaan ang puso mo? Paano mo nasasabi ang mga bagay na iyan? Anak pa rin natin si Leila!" Galit na paninita ni mommy kay daddy.

"Hindi ko siya anak! Anak mo lang siya! Sino ba ang bumuhay at tumanggap sa kaniya? Hindi ba ako? Kaya may karapatan din akong magdesisyon sa buhay niya. Pinag-aral ko siya at pinakain kaya ano ba naman kung humingi ako ng kabayaran?"

"Hayop ka! Wala kang puso! Ikaw ang may utang kaya bakit ang anak ko ang kailangan na magbayad? Ako na ang nagsasabi sa 'yo, hinding-hindi na uuwi dito si Leila dahil nabigyan ko na siya ng babala. Mas titiisin ko pa na hindi siya makita kaysa makita ko kung paano mo siya ibenta sa iba!"

"Ahh, ganon ba? Kaya ba wala siya dito? Eh, Gaga ka pala talaga." sinabunutan ni Daddy si mommy. Parang siyang leon na galit na galit sa sinabi ni mommy. "Pauwiin mo yang anak mo kung ayaw mong malintikan!"

"Hindi. gawin mo na lang ang gusto mong gawin sa akin pero hindi ko pauuwiin ang anak ko dito. Bahala kang magbayad sa mga pinagkakautangan mo."

Nakita ko kung paano saktan ni Daddy si mommy. Awang-awa ako at gusto kong umawat. Lalong nadudurog ang puso ko sa aking nakikita at naririnig. Nakita ako ni mommu na sumilip sa pintuan pero sinenyasan niya ako na umalis ba habang nakatalikod ang Daddy.

Ayaw ko nga sanang umalis pero pinandilatan ako ng mata ni mommy. Iyak ako nang iyak habang tumatakbo palayo ng bahay namin. Hindi ko kayang mapanatag habang nalalaman ko na sinasaktan ni Daddy si mommy.

Bago ko lisanin ang lugar namin ay nagtungo muna ako sa barangay hall para humingi ng tulong. Ibinigay ko ang adress ng bahay namin at saka ko inireport ang pananakit ni Daddy kay mommy.q

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cherry Rodrigo
walang puso tatay ibibintay ag anak nya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2   finale

    Jarren, From the moment we met "in that crowded bookstore" or "on that rainy hike" I knew you were someone who’d change my life. You saw me—really saw me—even when the world tried to define us by what we "shouldn’t" be. I vow to stand by you, not just in the easy moments, but when the road gets steep. When doubt creeps in, I’ll remind you of the man who taught me courage isn’t the absence of fear, but choosing to love anyway. I promise to be your shelter in the storm and your partner in the calm. I’ll laugh at your terrible jokes, hold space for your quiet days, and fight for us when life tries to pull us apart. No matter what tomorrow brings, I’ll never stop choosing you—the you who believes in second chances, who builds hope from scraps, and who taught me that love isn’t a fairy tale. It’s showing up, messy and real, every single day. You are my always. We prove the world wrong. Anya, You once told me love is a rebellion. Today, I finally understand why. You walked i

  • JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2   Just love

    JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW I understand Jarrens situation and Capability. Naiintindihan ko na hindi niya pa kayang ibigay sa anak ko ang isang kasal na pinapangarap ng anak ko dahil na rin sa mga nangyari sa buhay niya. Ilang beses na rin namang napatunayan ni Jarren ang sarili niya sa akin kaya nandito ako para bumawi sa mga nagawa ko sa kaniya. Bukod din sa tiwalang ibinigay ko ay ipinagkakatiwala ko na rin sa kaniya ang anak ko at apo ko. Not only that, balang araw ay sa kaniya o sa kanila rin maiiwan ang lahat ng kayamanan ko at sa tingin ko deserve naman niya yon. Mahal siya ng anak ko kaya mahal ko rin siya. Samantala, akala ni Jarren ay mapupunta lamang kami sa isang golf park. He was surprise dahil dinala ko siya sa aking matalik na kaibigan na siyang gagawa ng kanilang wedding ring na siya ring magiging ninong nila ni Anya sa kasal. Oo. Ako na ang namimili ng mga magiging ninong at ninang nila sa kasal dahil wala naman ibang kakilala si Jarren dito at ganoon din

  • JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2   Ninong Karson

    "Good morning, Daddy! yes po. Dito ko na pinatulog si Jarren. Nalasing po kasi siya eh baka kung mapaano pa kako. Okay lang naman po di ba?" Hindi ako magaling magsinungaling pero mukhang na paniwala ko naman ang daddy. Hindi naman siya galit or umalma nang sabihin ko na dito natulog si Jarren sa loob ng kwarto ko. "okay... the breakfast is ready and gisingin mo na si Jarren dahil isasama ko siya mag-golf. Intayin namin kayo sa baba." Nakahinga na nang maluwag si Anya matapos umalis ng kaniyang ama. Dali-dali niyang isinara ang pinto at nilapitan si Jarren. "Do you heard it? Isasama ka raw ni Daddy sa golf Park? Paano yan wala ka pang tulog? sabihin ko kay Daddy na huwag ka nang isama?" nag-aalala si Anya para kay Jarren. Inaalala niya ito dahil wala nga itong tulog. Pareho sila! "Sasama ako!" Dali-dali na bumangon si Jarren. "your Dad wants me to go with him then i'll go with him at the golf park. Don't worry about me, Anya. I'm okay." paniniguro ni Jarren. Or hindi niya lan

  • JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2   Jarren version 3.0

    ANYA ENRIQUEZ POINT OF VIEW "Yaya, ipasok mo na si baby Warren st gabi na. ikaw Babe, hindi pa ba kayo tapos uminom?" halata kay mommy na inip na palibhasa'y na busog kaya panay ang tanong kay Daddy. "Mauna ka na sa kwarto at susunod na rin ako." sagot naman ng daddy. Mukhang nag-eenjoy sila ni Jarren sa pag-uusap. Hindi naman masyadong umiinom ang daddy pero mas mukha pa siyang lasing kaysa kay Jarren. Panay na kasi ang bida tungkol sa kaniyang kabataan na sinasakyan lang ni Jarren. "Jarren, sure ka bang kaya mo pa? namumula na ang mukha mo, oh." ako naman ay pasimpleng bumulong kay Jarren. May usapan pa kasi kami. "Okay pa ako, Anya. Minsan lang ito kaya susulitin ko na. Masaya lang ako dahil okay na okay na kami ng Daddy mo. huwag kang mag-aalala, hindi ako sasagad ng pag-inom dahil may pag-uusapan pa tayo mamaya." sagot niya sa akin na ikinakilig ko. akala ko kasi ay hindi na kami magkakaroon ng pagkakataon para makapag-usap nang masinsinan. "dito ka matutulog?" Talagan

  • JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2   hapunan

    "Mag-prepare daw tayo ng food. Dito daw sila mag-dinner ni Jarren mamaya." Awtomatikong napabalik si Anya sa kinatatayuan ng ina. Sabay pa silang Napatili. "Legit ba?" "Oo nga! Magpaganda ka anak mamaya. kami na nila manang ang bahala sa food. Yung kwarto na tutulugan niya pahanda mo na." support na support si Leila sa pagmamahalan ni Jarren at Anya. Masaya siya na makitang muli ang sigla ng kaniyang anak. Ang malawak nitong mga ngiti at ang kislap ng mata. "Luh, im nervous. But tama ka mom. Kailangan maganda ako mamaya." Hindi matawaran ang pagkasabik ni Anya sa narinig. Dali-dali niyang pinuntahan ang anak at sinabi ang magandang balita na nalaman. "Baby, hulaan mo kung bakit masaya si mommy?" pagkausap niya sa anak na kala mong kaya siya nitong sagutin sa tanong. Ramdam ng batang si Warren ang kasiyahan ng ina kaya napangiti ito kay Anya. "Ang daddy mo darating mamaya! Magkikita na kayo ulit!" Agad na inutusan ni Anya ang yaya ni Warren na ilabas ang mga bagong damit n

  • JOHN ENRIQUEZ WILD FEELINGS SPG BOOK 2   caught

    JOHN ENRIQUEZ POINT OF VIEW aaminin ko man tlga sa asawa at anak ko ang tungkol kay jarren at sa pagtratrabaho niya rito. Talagang sasabihin ko n tlga sana dahil kung ano ano na ang pumapasok sa utak ng asawa ko na kesyo may bagong babae ako at kung ano ano. Bukod doon ay matagal ng napatunayan ni Jarren ang sarili niya sa akin. Sadyang wrong timing lang at bago pa man ako umamin ay nalaman na ni Anya na si Jarren ang aking bagong secretary. Bigla bigla na lang siyang dumating dito at kumatok. Hindi ako prepared. Si Jarren pa ang pinagbukas ko ng pinto ayan tuloy wala na kaming lusot. Matalino si Anya at obvious din naman ang suot ni Jarren. Alam kaagad niya kung ano ang ginagawa ni Jarren dito sa loob ng office ko. Hanggang sa ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nagkita sila ay ganito talaga ang mangyayari. Tamang tama ang sinabi ko kani-kanina lang. Itong si Jarren biglang nawala sa sarili. Nakalimutan niya na na nandito ako at nakikita sila. But infairness, makikita mo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status