Share

Eleventh Trip: Sedrick

ALMHERA'S POV

Humuhuni akong nag-aayos ng gamit, hanggang sa pagligo at pagbihis ng damit. Hindi ko mapigilang mapangiti sa harap ng salamin. Sinisipat ang sariling nakasuot ng kulay-abong T-shirt na may kaunting disenyo, denim jeans, at kulay itim na rubber shoes.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa isiping kolehiyo na ako sa susunod na pagbukas ng klase. Napatingin ako sa pintuan ng aking kuwarto nang may kumatok doon.

"Almhera, tapos ka na ba riyan sa pag-aayos? Nandito na sina Christine at Giovanni sa sala, sinusundo ka," ani Mama mula sa labas ng kuwarto.

"Opo ma, lalabas na rin po ako," tugon ko.

Hindi na nagsalita pa si Mama at narinig ko na lang ang yabag niyang papalayo sa kuwarto ko. Kinuha ko ang bag kong nakapatong sa kama at agad nang lumabas.

"Magandang umaga mga bestfriend ko!" nakangiti kong bati kina Giovanni at Christine sabay yakap sa kanilang dalawa.

"Good morning, Almhera girl," sabi ni Christine.

"Good morning, Almhera," sabi naman ni Giovanni.

Nakatingala kon
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status