“WHY are you suddenly here, mom? Is there any problem?” Agad na nalipat ang mga mata ni Taphney kay Ashton nang marinig ang tanong nito sa ina. Naghahapunan sila ngayong tatlo at kahit pilitin niyang hindi mailang ay hindi niya maiwasan. Lalo na at napapakiramdaman niyang maya’t maya ay nililingon siya ng ginang. “Aren’t you glad that I’m here, Ashton? Hindi na nga ako nakapunta sa mismong araw ng birthday mo tapos parang ayaw mo pang makita ako ngayon. You are really hurting my feelings real bad, son. I’m hurt,” saad naman ng ina ng binata na animo’y nagtatampo ngunit may matamis pa ring ngiti sa mga labi. Agad siyang ngumiti nang tipid nang magkasalubong ang mga paningin nila. “I know that you have another business that is why you are here, mom. Don’t try to deceive me.” Pabirong sagot naman ni Ashton at nagpatuloy na kumain. Tahimik lang na nakikinig si Taphney sa usapan ng mag-ina. Wala naman kasi siyang alam sa mga pinagkekwentuhan ng mga ito. Puro lang naman kasi negosyo ang
HINDI pa man nailalapag ni Alex ang mga pagkaing niluto niya para sa dalagang si Taphney ay mabilis nang napabalikwas sa kanyang kinauupuan ang huli nang makarinig ng pag-doorbell ng kung sinuman galing sa main gate. Wala na ang mayordoma at tanging silang dalawa na lamang ang natira sa kusina.Makikita ang matinding pagtataka sa mukha ng kasambahay na hindi nalang papansinin ng dalaga. Marahil ay naguguluhan kung bakit ganoon nalang siya umakto sa simpleng pagkarinig lamang ng doorbell."Ako na po Miss Taphney-""H-hindi na, Alex. Ako na. Mabilis lang 'to." Agap niyang saad at hindi na hinintay pang makapagsalita ang isa. Mabilis na luminga linga sa paligid si Taphney. Hindi siya sigurado ngunit malakas ang kutob niya sa kung sino ang taong nagdoorbell kani-kanina lang. Nabanggit na siya ni Manang Martha ngunit kahit ganoon ay lihim pa ring nagdadasal si Taphney na sana ay hindi iyon ang taong madadatnan niya sa pagbukas niya ng malaking gate ng mansyon. Pakiramdam ng dalaga ay par
"WHAT the fuck are you thinking? Akala mo ba ay hindi ko malalaman?! You fucking flirting with your ex right in the front of my damn house in the middle of broad daylight. Anong katangahan 'to ha Taphney?!"Nanatiling hindi umiimik si Taphney habang hila-hila siya ni Ashton paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Lahat ng tauhan ng binata ay hindi rin gumagawa ng anumang ingay o nagsasalita kahit na harap-harapan na nilang nakikita kung paanong marahas siyang hilahin ng huli. Napalingon siya sa kanyang braso na mahigpit pa ring hinahawakan ni Ashton habang patuloy siyang kinakaladkad. Napansin niya ang pamumula noon. Ngunit alam niya sa sarili niyang hindi ang pisikal na sakit ang nagdudulot ng kakaibang pagkadurog ng puso niya. Kayang-kaya niyang gamutin at pagalingin ang anumang sugat o pasa na maaari niyang tamuhin kung sakaling pagbuhatan man siya ng kamay ni Ashton ngunit hindi ang mga salitang nanggagaling rito. Iyong mga salitang tumatagos ang sakit at kirot sa dibdib niya.
"MISS Taphney, kumain na po kayo. Hindi po kayo kumain kagabi-""Hindi ako nagugutom, Alex. Okay lang ako." Agap na sabat ni Taphney sa mga sinasabi ng kasambahay na si Alex at tipid na ngumiti. Pinagmasdan ng dalaga ang kwartong kinaroroonan niya. Sa totoo lang ay buryong-buryo na siya. Wala siyang ibang nakikita kung hindi ang kisame at dingding lang ng kwartong tinutuluyan niya ngayon. Wala din siyang ibang ginagawa kung hindi mag-isip nang mag-isip na para bang kaunti na lamang ay sasabog na ang utak niya kakaisip sa kung paano niya ba malalagpasan ang kamalasang nangyayari sa buhay niya ngayon."Pero hindi din po kayo kumain kaninang umaga. Magiging tatlong beses na po kayong hindi kumakain kung pati ngayong tanghalian ay hindi kayo kakain. Masama po magpalipas ng gutom-""Okay lang ako Alex. Hindi pa naman ako mamamatay kung hindi ulit ako kakain ngayon. Hayaan mo at kakain ako mamaya, iwan mo nalang dyan." Marahas na bumuntong hininga ang dalaga habang dahan-dahan na bumaban
"HEY Milo. What are you up to? Parang ilang araw kanang naglulungga dito sa headquarters ah."Isang sulyap lamang ang ginawa ni Ashton nang marinig ang boses na iyon. It was Knight. Nakakunot ang noo nito habang bitbit-bitbit ang sariling laptop."I'm doing business, isn't obvious?" Sarcastic niyang sagot sa kaibigan at muli nang itinuon ang atensyon sa pagtitipa sa kanyang cellphone. "Doing business? Eh halos puro pagcecellphone lang naman ang ginagawa mo simula noong dumating ka dito ah. At saka men! Kaka-close lang natin ng deal sa Europe, hindi ba't sabi mo ay magpahinga na muna tayo after that. I thought you already have some plans-""Don't mention it. And shut up, Knight. I'm trying to focus here.""Yeah, yeah whatever. Psycho."Isang ismid lamang ang huling sinagot ni Ashton kay Knight bago nagpunta ang huli sa harap ng mga computer. It's been three days since he left his house and he's still expecting a call from someone. Pero parang unti-unti na siyang pinanghihinaan ng loo
AGAD na napatayo sa kanyang kinauupuan si Taphney nang marinig niyang may papalapit na yabag sa kanyang kinauupuan. An automatic smiled suddenly flashed in her lips but it instantly fades as she saw who was the person approaching. Unti-unti rin siyang bumalik sa kanyang pagkakaupo."May hinihintay po ba kayong dumating, Miss Taphney?" Mabilis na umiling ang dalaga sa tanong ng kasambahay na si Alex. "Ah wala naman. Akala ko kasi si Manang Martha na. Nagluto daw kasi siya ng ginataang bilo-bilo. Hindi pa kasi ako nakakatikim n'on kaya medyo nae-excite ako." Pagsisinungaling niya na lihim niyang pinagdarasal na sana ay hindi mahalata ng kasambahay na puro lamang kabulaanan ang kanyang mga pinagsasasabi. Hindi man tuluyang nakumbinsi si Alex sa dahilan ni Taphney ay dahan-dahan nalang itong tumango at isang naiilang na ngiti na lamang ang ibinigay. "Saglitin ko nalang po muna na pumuntang kusina, Miss Taphney para matanong ko din si Manang Martha kung tapos na siya magluto.""Teka la
"ANONG ginagawa natin dito?"Mabilis na pinalibot ni Taphney ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar kung saan siya dinala ni Ashton. Alam niya kung ano ito. Hindi naman sya nakatira sa bundok at lalong hindi sa kweba para hindi malaman na nasa casino sila ng binata ngayon."I just want you to know where I have been after the past few days. Nandito lang ako, nakatengga-""Naglalaro?" Biglang natikom ng dalaga ang kanyang bibig nang mapagtanto na sumingit siya sa mga sinasabi ng binata. An awkward smile instantly flashed into her lips.Saglit lamang na umarko ang kilay ng binata na agad rin namang umiling."No, of course not. I'm not into gambling-""But you own this casino, right? You owned this place?" Magkasunod na tanong muli ni Taphney.Papaanong hindi ito naglalaro ganoong alam niyang ito ang nagmamay ari ng casinong kinatatayuan nila ngayon?Hello?! Kaya nga nabaon sa utang ang kanyang ama ay dahil mismo sa casino'ng pagmamay ari ng binatang kaharap niya ngayon 'di ba? Kaya't n
“WHAT is wrong with you? Bakit ka nakikipag usap sa taong iyon? Are you flirting with him?!” Malakas at pasigaw na tanong ni Ashton kay Taphney habang hila-hila ang braso ng huli.“What?! Of course not!” Mariing tanggi ng dalaga at hindi na ininda pa ang sakit ng dulot ng mahigpit na pagkakahawak ng binata sa kanyang braso. Mahina rin siyang napadaing nang walang ingat-ingat at halos pasalampak na lamang siyang inihagis ni Ashton sa loob ng sasakyan.Kumunot rin ang kanyang noo nang mapansin na imbes na tabihan siya nito sa kanyang kinauupuan ay malakas lamang nitong isinara ang pinto ng sasakyan at salubong ang dalawang kilay na iniwan siya.Nawala naman ang pagtataka sa mukha ni Taphney nang makitang ang unahang pinto ang muling binuksan ng binata.“Really?! You’re not flirting with him but have you seen his eyes while he is staring at you?! What the fuck Taphney! He’s looking at you intently as if he’s already stripping you out on his mind!” Galit na pagpapatuloy nito.Mabilis na i