Taphney Louins Vergara, a 23 years old fine lady is already contented in her life. She could do anything she want and she could go anywhere she want especially that she is the only daughter of Danilo Vergara, the owner of Vergara Airlines. Ngunit halos gumuho ang mundo niya nang malaman na baon na pala sa utang ang kanyang ama dahil nalulong ito sa pagsusugal. Mapapalagpas niya ang pagiging sugarol at mala-daga nilang buhay buhat nang mangyari iyon ngunit ang hindi niya maintindihan ay bakit kailangan siyang ipambayad utang ng kanyang ama kay Ashton Mikael Santocildez, ang binatang nagmamay-ari ng casino kung saan minalas ang kanyang ama. Taphney will try to run! To hide! Ngunit sa bawat galaw niya ay agad siyang nahuhuli ng binata. Ashton just want her to oblige the contract. Be his wife only for a show and for three months. Ngunit hindi pa man natatapos ang kontrata ay may iba na siyang nararamdaman. She's starting to catch a feeling to the young and hot owner of the casino! Will they end up together? Or stick to each other's arms for three months because it's Just A Contract?
View More"YOUR total amount ma'am is five hundred and sixty five thousand, do you want to use your credit or debit card-"
Hindi pa man tapos magsalita ang cashier ay mabilis nang nilabas ni Taphney ang black card niya. Pakiramdam niya ay safe at untouchable siya kapag nasa kanya ang black card ng daddy niya. She can do anything she want. Eat anything she desires and go wherever she want using this magic black card.Agad niyang tinaasan ng kilay ang ilan sa mga bodyguard niya upang ipakuha sa mga ito ang mga pinamili niya. Ngunit agad na kumunot ang noo niya nang marinig ang isang nakakaasar na tunog na nanggagaling sa machine ng cashier.What the hell?! The machine is declining her card! Her father's card!"I'm sorry ma'am but do you have another card? It seems that our system having an error in reading your card. Baka po may iba pa po kayo dyan-""No. I only have that card. Please, try it again," utos niya sa babae na agad lang rin namang sumunod.Ngunit sa bawat pag-ulit nitong pagswipe sa naturang card ay mas lalo lang siyang naiirita. Ganoon pa rin ang nagiging resulta! Hindi mabasa ang card ng daddy niya."Ma'am I'm sorry but still our system declining your card. If you want, you can pay us in cash po-""Sige, magwiwithdraw muna ako."Iyon nalang ang nasabi ng dalaga dahil pinagtitinginan na siya ng mga kasabayan niya sa pamimili. She feel humiliated!Napahiya siya! Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya napahiya nang sobra. At sa harap pa mismo ng mga hindi naman niya kilala!Ngunit agad lang siyang dumiretso sa parking lot habang nagpapapadyak ng paa. Masama ang loob niya. Anong nangyari at biglang hindi na gumagana ang black card ng daddy niya? Nalaman na ba nitong pinuslit niya lamang iyon habang mahimbing na natutulog ang ama niya? What the hell?!"Ma'am saan po tayo?" tanong ng driver niyang si Kuya Atong.Taphney immediately rolled her eyes. Hindi ba mabasa ng matandang ito na naiinis siya? Na kulang nalang ay bumuga siya ng apoy para lang malaman nitong mainit ang ulo niya?"Saan pa ba? Eh di malamang sa bahay! Iuwi mo na ako. I'm fucking sick seeing this dirty mall. Anong silbe ng mall nila kung hindi lang rin naman pala nila kayang basahin ang black card ni daddy. Ridiculous mall! Eww."Mahabang litanya ng dalaga. Agad nalang siyang pumikit nang maramdaman na nagsimula nang gumalaw ang sasakyan niya. Her day was fucking ruined! At dahil iyon sa lintik na mall na iyon! Hindi niya tuloy nabili ang gustong-gustong dress niya. Pakiramdam niya pa nga ay na-love at first sight sya doon pero sayang. Hindi niya nabili.Hay nako! Ayaw na nga lang niyang isipin. Lalo lang siyang naiimbyerna.Ilang minuto lamang ang tinagal ng biyahe niya at tuluyan na nga nilang narating ang malaking mansyon ng pamilya Vergara. Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at nagsisisigaw kung nasaan ang daddy niya."Dad! Dad nasaan ka? I have to ask you something. Dad-""Ay ma'am Taphney, wala po si sir Danilo dito. Hindi pa rin po siya bumabalik magtatatlong araw na," ang mayordoma nilang si nanay Esting ang sumagot.Agad na kumunot ang noo niya.Hindi pa umuuwi ang daddy niya at halos tatlong araw na? Nasaan naman kaya iyon? Isang linggo kasi siyang wala dito sa kanila. Nag island hopping siya kasama ang ilan sa mga pinsan niya. Sa isang linggo na iyon ay ni minsan ay hindi nagawang tumawag ng daddy niya sa kanya para lamang kamustahin siya tapos ngayon naman ay aabutan niyang wala ito sa kanilang mansyon?Napakagaling naman talaga ng ama niya!"Sige pupunta nalang akong office. Baka busy lang talaga si dad ngayon," aniya at muli nang naglakad palabas ng sala nila.Ngunit bago pa man siya makalabas ng sala ay nakuha ang pansin niya ng lumang litrato nila na nakalagay sa malaki nilang pader. It's a family picture. Noong nabubuhay pa ang mommy niya.Bata pa siya roon. Maybe five or six. Hindi na rin siya sigurado. Napangiti siya nang makita ang magandang mukha ng kanyang ina. Hawig na hawig niya ito. How she wish na sana ay nandito pa rin ang kanyang ina para hindi lang siya ang nasstress sa kanyang ama."Kuya Atong..." tawag niya sa kanyang driver. Agad naman itong tumalima at lumapit sa kanya."Yes ma'am Taphney""Let's go to the office. Pupuntahan ko si daddy," aniya at nagpatiuna nang maglakad patungo sa backseat ng sasakyan. Binuksan naman agad ni kuya Atong ang pinto ng sasakyan bago tumakbo patungo sa driver's seat.Habang nasa biyahe ay walang sawang tinatawagan ni Taphney ang numero ng kanyang daddy. Ngunit katulad kanina ay puro lamang iyon ring. Ganoon ba talaga kaabala ang daddy niya at hindi na napapansin na tumatawag ang unica hija niya?Nang makarating sa naturang building ay agad na siyang sumakay sa elevator. Nakasabay pa nga niya ang ilang empleyado ng kompanya nila na agad naman siyang binati."Hey Hans, where's my dad?" tanong niya nang mamataan ang sekretarya ng daddy niya. Nagsuot muna ito ng salamin bago tumingin sa kanya. Nanlalalaki ang mga mata nitong napayuko."A-ah ma'am Taphney, k-kayo po pala-""Obviously, so nasaan nga si dad?" tila nayayamot niyang tanong rito. Ayaw nalang kasing sagutin ang tanong niya."A-ah ma'am kasi po...""Kasi po ano? Ano ba Hans! Nasaan ang magaling kong ama?!" Tapheny exclaimed. Naiinis na kasi siya. Kanina pa siya nayayamot tapos dadagdag pa 'tong secretary ng daddy niya."Ma'am Taphney...""Answer my freaking question or you will be fired right away? Mamili ka Handy," pananakot niya rito. Agad naman itong tumango."Halos isang linggo na pong hindi pumupunta dito sa office si sir Danilo. Hindi ko rin po siya makontak. Pero ang huling lugar na nakita ko po sa gps niya ay sa...""Huwag mo kong binibitin sa mga sinasabi mo Handy kung hindi ay sasamain ka talaga sa akin. Nasaan ang daddy ko? Is there another woman? A family? Or may iba pa ba siyang anak?" sunod-sunod niyang tanong na mabilis lang namang inilingan ni Handy.Kahit papaano ay nakahinga nang maluwag ang dalaga. Goods, hindi naman pala ganoon kasama."... so nasaan nga ang daddy ko? Tell me bago pa kita mapalayas sa building na 'to," dagdag na wika ng dalaga."Sa isa pong casino hotel. Tingin ko po ay nandoon pa rin siya hanggang ngayon-""What?! Bumalik na naman siya sa pagiging sugarol. That old man! Talagang tatamaan na sa akin 'yang si dad!"Ano na naman kaya ang ginawa ng daddy niya? May kinalaman kaya doon kung bakit na-declined ang black card nito? Akala niya ay natigil na at tuluyang nawala sa katawan ng daddy niya ang pagsusugal. Ilang taon lang pala at ganito na naman!Ano na bang gagawin niya sa tigas ng ulo ng ama niya. Ang hirap magpalaki ng magulang!"CALL for back ups, Knight! Mas madali natin mahuhuli ang putanginang Jake na 'yan pag may back ups galing sa headquarters!" "Copy, Milo!" Mabilis na muling pinagtuunan ng atensyon ni Ashton ang kotseng hinahabol nila at ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga mata nang makitang nagsisimula ang mga ito sa pagpapaputok ng baril at inaasinta sila."Fuck it! Iilag mo, Bishop!" mariing utos niya sa kaibigan."Ano pa nga ba? Alangan namang hayaan kong matamaan 'tong sinasakyan natin eh di pare parehas tayong kumaway kay San Pedro." Mahigpit na napakapit sa kanyang kinauupuan ang binata at kulang nalang ay madurog ang kanyang mga ngipin sa sobrang pagngingitngit niya. Imbes na matawa si Ashton sa sarcastic na saad ni Arjie ay mas tinalasan niya ang kanyang mga mata. Kailangan niyang makalkula kung saan nanggagaling ang mga putok ng baril at kung ilan ang mga tao na sa tingin niya ay sakay ng tatlong sasakyang nasa harapan nila.Ang tanging impormasyon lang kasi na sinabi ni Alex k
"BITAWAN mo 'ko Jake! Huwag na huwag mong mahawakan ni dulo ng buhok ko!" "Why? Parang dati naman-" "Fuck you!" Kung nakakamatay lang ang titig ay baka kanina pa bumulagta si Jake sa tindi ng mga matatalim na tingin na pinupukol rito ni Taphney. Nagising nalang siya kanina na nasa byahe pa rin sila. Ni hindi nga rin siya sigurado kung gaano na ba katagal siyang nakatulog. "You know what Taphney? Ayos naman tayo noon ah. I love you and you love me. Hindi na ba pwedeng maulit iyon?" Hindi sigurado si Taphney kung seryoso ba ang tanong na iyon ni Jake o nagpapatawa lamang ito. Maulit? Baliw nalang ang taong gugustuhin na bumalik sa binata."Huwag ka ngang patawa Jake. Joke time ba 'to? May mga hidden cameras ba dyan?" sarkastikong tanong ni Taphney at mabilis na ngumisi. Ngunit mukhang hindi man lang tinalaban ni kaunting kahihiyan si Jake dahil muli na naman itong nagsalita. "Tell me what do you want, ibibigay ko sayo lahat. Gagawin mo para sayo lahat. Just please, choose me Ta
HINDI lumipas ang ilang araw na hindi nagkausap at hindi nagkaayos sila Taphney at Ashton. Ngayon ay halos dalawang linggo na ang lumipas noong nagkaroon sila ng mainit na usapan ng binata noon sa basement ng ospital. "Ready na kayo, Miss Taphney?" Si Mila iyon. Mabilis siyang lumingon sa kanyang likod at agad na tumango. Hindi niya lubos maisip na ngayong araw ay magaganap na ang isang pangyayaring matagal nang umuukil sa kanyang utak."Sigurado ka bang okay na ang lahat, Mila? Iyong venue? Pati mga guest-""Huwag na po kayong mag alala, Miss Taphney. Nagawa na po namin lahat ni Alex. Ang dapat niyo nalang pong gawin ngayon ay sumakay sa bridal car and then magandang bumaba doon, na alam kong easy'ng easy nalang po para sa inyo. Congratulations po ulit, Miss Taphney."Isang matamis na ngiti ang agad na sumilay sa mga labi ng dalaga. This is it! Ikakasal na siya sa wakas kay Ashton! Hindi nga siya makapaniwala na sa ikli ng panahon simula noong magpropose sa kanya ang binata ay ha
"I KNOW what I am asking to you is too much, Mr. Vergara. Hindi ko rin naman po kayo masisisi kung mahirap para sa inyo na patawarin ako. I done a lot of bad things not only to you but also to Taphneyg-""Alam mo naman pala eh. Then why do you still have a guts to ask me for forgiveness?" Napalunok nalang ng laway si Ashton nang marinig muli ang pambabarang iyon mula sa ama ni Taphney. Ilang minuto na silang magkaharap ngayon. At kahit ilang minuto na ang lumipas ay ngayon palang sila nakapag usap ng matanda. Danilo Vergara has a very hectic schedule. Kaya kahit sinabi ng secretary nito na hindi siya mapaglalaanan ng oras ay nagpumilit pa rin siyang puntahan ito.Hindi na niya gugustuhin pa na lumipas ang ilang araw na hindi siya nakakahingi ng tawad at hindi niya nakakausap ang ama ng dalaga.Iwinaksi nalang ni Ashton ang kanyang ulo at balak na sanang gawin ang naiisip nang bigla muling magsalita ang matandang Vergara."Don't you ever try to kneel in front of me, again Mr. Santoc
TANGHALI na nagising si Taphney. Alas dos na ng tanghali ay doon pa lamang siya kumakain. Wala na ang ama niya nang hanapin niya ito. Maaga raw umalis sabi ng kanilang mayordoma na si Nanay Esting. Sila Mila at Alex naman ay umuwi rin kinagabihan kahapon. Sila rin ang regalong tinutukoy ni Ashton kaya't mabilis siyang nagpasalamat sa binata. Nang matapos kumain ay mabilis na ring hinugasan ng dalaga ang kanyang mga pinagkain. She was about to go back in her room when one of their maid suddenly come to her and said that she have a visitor.Agad namang kumunot ang noo ni Taphney. Wala naman siyang naiisip na bisitang dadalaw sa kanya. Ipinagkibit balikat na lamang iyon ng dalaga at dali dali na rin lumabas ng kanilang dining area.At ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala ang bisitang tinutukoy ng isa sa mga kasambahay nila."Mrs. Santocildez..." Hindi malaman ni Taphney kung ano ba dapat ang itawag niya sa ina ni Ashton. Alam niya kasing hindi sila okay noo
PIKIT ang mga mata ni Taphney habang nakahiga sa kanyang higaan. Hindi na niya naabutan ang ama niya. Pumasok na raw ito sa private office nito. At nang subukan niyang buksan ang pinto ng silid ng iyon ay naka lock na iyon sa loob.Kaya hinayaan nalang muna iyon ni Taphney at dumiretso na lamang sa kwarto niya.“Palad ay basang-basaAng dagitab ay damang-damaSa 'king kalamnang punong-punoNg pananabik at ng kabaLalim sa 'king bawat paghingaNakatitig lamang sa iyoNaglakad ka ng dahan-dahanSa pasilyo tungo sa altar ng simbahan”Agad na napangiti si Taphney nang marinig niya ang lyrics ng kantang iyon sa isang music application na ni download niya. Nanatiling nakapikit ang mga mata ng dalaga habang dinadama niya ang lyrics ng kantang pinapakinggan.“Hahagkan na't 'di ka bibitawanWala na 'kong mahihiling paIkaw at ikawIkaw at ikawIkaw at ikawIkaw at ikaw'Di maikukumparaAraw-araw 'kong dala-dala paboritongPanalangin ko'y makasama ka sa pagtandaAng hiling sa Diyos na may gawa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments