Home / Romance / Just One Night [Tagalog] / Chapter 46: Fondness

Share

Chapter 46: Fondness

Author: Mairisian
last update Last Updated: 2022-06-26 10:41:59
Chapter 46

Fondness

Nanginginig ang mga paa ko habang palabas ako ng kotse. Hindi ko na nga alam kung paano ako nakarating sa NAIA Terminal 3. Sabado naman kaya mabilis pa sa thirty minutes ang biyahe ko.

Napabuntong-hininga muna ako bago naglakas-loob na magpakita na sa pamilya ko sa arriving area.

“Sis…”

“A-Ate.” Napalunok ako habang napapasulyap sa mga taong nasa paligid niya. Oh, God. Nandito na nga talaga sila sa Pilipinas.

Humakbang ako patungo sa kanila, hindi ko ipinapakitang kinakabahan ako. Agad akong yumakap kina Mommy at Daddy, sabay halik sa mga pisngi nila. Napapaluha silang yumakap sa akin nang mahigpit. Pinupog ako ng halik ni Mommy na parang bata. Si Ate naman ay yumakap sa akin nang sobrang higpit.

“We missed you so much, darling,” Mommy said, still in her tears.

“I missed you too, Mom, Dad, Ate,” maluha-luha ko ring sagot.

“Ugh! I missed you so much, Changet.” Si Ate na paboritong itawag sa akin palagi.

“Na-miss din kita nang sobra, Ate.” Nagyakapan kaming
Mairisian

A/n: Nakakahabag na tagpo. Stay tuned! ❤

| 99+
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (35)
goodnovel comment avatar
Magayon Garcia Ef
nakakaiyak naman
goodnovel comment avatar
Ayn Romero
𝘨𝘳𝘢𝘣𝘦𝘦𝘦𝘩.. 𝘴𝘶𝘮𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘥𝘪𝘣𝘥𝘪𝘣 𝘬𝘰 𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘩! 𝘩𝘢𝘩𝘢𝘩𝘢
goodnovel comment avatar
Zellez Mariamh
grabeeee it’s a crying time of episode naman admin hehehuhu
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 59: Thinking Out Loud

    Thinking Out Loud "Mommy, mommy. Wake-up." "Hmm..""Mommy..."Naaalimpungatan ako sa mga sandaling may pilit gumigising sa antok na antok kong diwa."Mom. I said, Wake up." Boses iyon ni Sam.Ibinuka ko ng kaunti ang mga mata ko at nandoon nga si Sam at ginigisiging ako. Nagtaka pa ako dahil bihis na bihis ito na parang may okasyong dadaluhan.Tiningnan ko ang relo sa aking bisig. It's already 05:30 Pm.Napagod pala talaga ako sa kaka-swimming namin kanina at na nauwi sa mainit na pagniniig naming magasawa.Tumayo ako at nag unat ng katawan. Napapangiti pa ako dahil binihisan pala niya ako ng damit niya at cycling."Sam, where's your Dad and Sister?" tanong ko dito."They are outside the cottage, mommy. Will you please get up Mom and get ready? Also, kindly wear this too?" Tinignan ko ang iniabot ng anak ko saakin.Isang magandang puti na bistida na hanggang tuhod ang haba. Backless iyon at may mga tali pa sa bandang dibdib. Napakasimple niyon ngunit maganda ang tela at kabuoang des

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 58: 2 Years Later

    Chapter 58 Two years later “Da… da… da… da…ddy…” “Come again, baby? Let Daddy hear it again. Say, Da… ddy…” “Da… daa… ddy…” Then our baby giggled. “Oh, very good, Princess.” Brad gladly kissed her rosy cheeks. I warmly grinned while watching my husband and our princess na kasalukuyang nasa tabi ng dagat at nakaupo sa puting buhangin. Nasa malapit lang ako at nakatanaw sa kanilang dalawa. Hindi ako napansin ng asawa ko dahil busy siya sa pagtuturo kay Princess ng basic words. Babae ang naging sunod na anak namin ni Brad at wish granted iyon para sa kanya at sa panganay namin. Princess, that’s our daughter’s name. She turned one year and four months today. Si Sam ang pumili ng pangalan ng kapatid niya. Sam was really caring and loving brother to his sister. Siya rin ‘yong tipong ipinagdadamot ang kapatid sa iba noong kakapanganak ko pa lang kay Princess. Ayaw na ayaw talaga niya itong ipahawak at ipakita man lang kahit pa sa mga kakilala lang namin. And according to Ate Sabb, nor

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 57: Equal

    Chapter 57 Equal “Sweetheart… Please don’t distract our wedding. Matatapos din ito. Please behave at makinig tayo kay Father.” I heard him chuckle. “Okay. I love you,” he whispered. “Mga anak, ang pag-aasawa ay hindi biro, hindi gaya ng kanin na iluluwa kapag napaso. Ang pag-aasawa ay isang simbolo ng pag-iibigan. Huhubugin pa kayo nito sa bawat araw ng inyong pagsasama. Ang bawat problema ng mag-asawa ay isang pagsubok lang ng Diyos na dapat kasama ninyong haharapin at lulutasin. Nawa’y matatag ninyong malagpasan ang mga darating ninyong suliranin sa buhay mag-asawa. Mga anak, ang pag-aasawa rin ay isang sagrado para sa mga taong tunay na nagmamahalan…” Ilan lang iyon sa mga salita ni Father na siyang tumatak sa aking utak. “Nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal at bigyan kayo ng isang matibay na samahan kasama ang anak ninyo at magiging anak pa ninyo, mga anak.” Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Brad sa kamay ko at bahagya pa niyang pinisil iyon. Gumanti rin ako ng pisil

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 56: Down the Aisle

    Chapter 56 Down the Aisle I remember so well The day that you came into my life You asked for my name You had the most beautiful smile... Habang naglalakad ako kasama nina Mommy at Daddy sa gitna ng aisle papasok sa simbahan ay damang-dama ko sa aking puso ang bawat liriko na inaawit ngayon ng isang magaling na singer. Sa bawat hakbang ay ramdam ko na ang pagkamit ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng mag-ama ko. My life started to change I'd wake up each day feeling alright With you right by my side Makes me feel things will work out just fine Our eyes met. Kita ko sa nangingislap na mga mata ni Brad ang buong pusong pagmamahal niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili na maging emosyonal habang naglalakad patungo sa kanya. Noon, pangarap ko lang talaga ang ganitong kasal para sa amin ni Andrei. But Andrei wasn’t for me. Ngayon, nasagot ko na ‘yong tanong ko noon kung bakit kami naghiwalay at hindi humantong sa ganito. It was because God had His best plan for me. Bradle

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 55: Wedding Dress

    Chapter 55 Wedding Dress Pagkatapos ng pamamanhikan ng pamilya ni Brad ay na-set na agad ang kasal. We would have two months to prepare for it. Hindi na namin pinroblema ni Brad ang paglalakad ng mga gagawin. Kasi ang Hernandez clan na ang gumawa ng halos lahat-lahat kaya mas napadali ang preparation sa big wedding namin. “Anak.” Lumingon ako sa bumukas na pinto at napangiti ako. “Mom.” I opened my arms at pinalapit ko siya. Lumapit naman siyang may ngiti sa mga labi. “Are you ready, anak?” Tumango ako. “Yes, Mom.” Nag-excuse muna si Lulu, ang makeup artist and hair stylist ko dahil tapos na niyang ayusin ang buhok at makeup ko. Nag-excuse din ang hired photographer nang matapos niyang kuhanan kami ni Mommy ng mga litrato. Sa kabilang silid naman siya tumungo, kung saan naroon sina Ate at ang pamilya niya. “You look so very beautiful and gorgeous in your wedding gown, anak.” Tinitigan ni Mommy ang kabuuan ko. “Parang kailan lang no’ng baby bunso ka pa namin ng iyong daddy.

  • Just One Night [Tagalog]   Chapter 54: Together

    Chapter 54 Together “Hijo, dito na lang muna kayo magpalipas ng gabi,” sabi ng daddy ni Brad nang matapos kaming maghapunan at ngayon ay nasa sala na at nag-uusap-usap tungkol kay Sam. “Kung ako lang ang tatanungin, gusto ko rin ho sana ‘yan, Dad. Kaya lang baka ayaw ng asawa ko,” sagot ni Brad. Asawa ko? “Hija, please. Dito na lang muna kayo kahit isang gabi lang, please?” pakiusap ng mommy ni Brad. “Oo nga naman naman, Ate. Gusto pa kasi naming makasama nang mas matagal itong cute kong pamangkin. Please, Ate Charm. Kahit ngayong gabi lang po. Please?” Pati rin ang kapatid ni Brad ay nakiisa sa hiling ng mga magulang niya. “Yes, hija. Pagbigyan mo na kami sa apo namin.” Ang padre de pamilya uli. Napatingin ako sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pangyayari. Matapos kasi naming mag-usap kanina sa library ay agad naging okay ang lahat. Humingi siya ng dispensa at pang-unawa sa ginawa sa akin noon sa office. Pati na sa lahat na masasakit at nakakainsultong nasabi niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status